Simula

260 Words
"Pinagloloko yata ako ni Manang. Wala ka naman makikita na dumi o alikabok. Hayaan na nga." Nasabi ko na lamang at nagsimula ng mag-vacuum. Kumakanta-kanta pa ako habang vina-vacuum ang carpet. "Ang bango at ang linis pa ng kwarto ni Señorito. Siya rin kaya ay ganito rin kalinis at kabango?" Parang tangang tanong ko sa sarili ko mahina kong pinagsasampal ang sarili ko. Baka mamaya ay may makarinig sa akin. Delikado na. Matapos ko ng mag-vacuum ay inayos at pinapagpag ko naman ang kama niya. Ang human size na salamin ay pinunasan ko na rin. Ang mga kurtina ay pinalitan ko ng bago at mas maaliwalas. Nang matapos na ako ay napamewang na lang ako at inilibot ko ang paningin ko. Nang makita kong maayos at malinis na ay napangiti na lamang ako at ang mga gamit ko naman ang pang-linis ko. Huli kong binunot ang vacuum at inayos ito. Nang maalala kong ngayon pa lang ang dating ng senyorito ay mabilisan na akong kumilos dahil baka maabutan niya ako dito. Kailangan ko siyang makita. Kaya ng ayos na ay nagmamadali akong lumapit sa pinto at para lumabas na. Pagbukas ko ay malakas akong napasigaw dahil sa bulto ng isang taong nakatayo sa harapan ko. Dahil sa pagkataranta akala ko ay babagsak ako sa sahig pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinigit ako pabalik sa pwesto ko. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay inangat ko ang mukha at ang una kong nakita ay ang seryoso niyang mata na nakatitig sa akin. "Sino ka?" All right reserved May 2021
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD