Prologue

578 Words
May mga lugar na pangmatagalan. May mga lugar na dinadaanan lang. Parang Hong Kong. "Agree!" Pinunasan ko ang aking luha habang patuloy na pinapanood ang pelikulang Hello, Love, Goodbye. Suminghot muna ako nang malala bago muling magsalita. "Gaga ka kasi. Bakit umasa ka agad sa kanya? Bakit ang rupok-rupok mo? Bakit ang dali-dali mong kunin?" Pinunasan kong muli ang aking luha at pinaghahampas ang ulo ko. "Eh, paano naman kasi, bakit ang dali-dali niyang mahalin? Bakit ang sarap umasa sa kanya? Bakit hindi nakakasawang magpakatanga sa kanya?" Suminghot muli ako. 'Yung tipong singhot na kaunti na lang ay papasok na sa ilong ko lahat ng gamit dito sa tinutuluyan ko ngayon. "Kasalanan na niya 'yon!" Suminghal ako at muling pinunasan ang walang hanggang luha ko. Oo, para akong hibang na nakikipagtalo sa aking sarili. Three days, two nights? Four days, three nights? Two years kung may kontrata ka. Hanggang d'on lang. Kaya bawat oras, bakasyon man 'yan o trabaho, dapat sulitin mo. Kasi walang nag-tatagal sa Hong Kong. "Paulit-ulit tayo Kathryn?" Ginulo ko ang aking buhok. Borderline iritated, I glare at her with my tears. "Oo na! Oo na, wala nang nagtatagal! At sobrang tanga ko dahil inisip kong pangmatagalan kami!" Dinuro ko siya sa screen ng aking cell phone. "Hindi ako lumugar, eh! Hindi ko inalam kung ano ba muna talaga ako sa kanya. Kung hanggang saan lang ba ako. Sorry, ah? Domestic helper lang naman kasi ako!" Biglang humina ang boses ko. "Hanggang alipin lang. Hanggang utusan lang. Hanggang doon na lang." Ang dulo ng aking mga labi ay bumaba. I raised a hand and flashed her my thumb as if showing her an okay sign. But my eyes told the opposite. "Happy?" Suminghot muli ako. Hong Kong is a place where no one stays still. Dito sa Hong Kong, time is gold. Bawat segundo, may halaga. Bawal sayangin. Dito sa Hong Kong, hanggang gumagalaw ka, buhay ka. Kapag tumigil ka, magugutom ka. Kaya bawal huminto. Tuloy-tuloy lang dapat ang galaw. I sighed. Tama. Tama naman, eh. Dapat, nag-trabaho na lang ako. Dapat, hindi na ako sumugal. Dapat, hindi ko na lang sinunod ang puso ko. After all, pumunta naman talaga ako sa Hong Kong para magtrabaho. Para makaipon. Para makapunta at mahanap ang nanay ko sa Canada. Hindi para maging marupok sa isang lalaki. Pero gaga ako, eh. Natural akong tanga kaya heto ako ngayon, umiiyak at patagong umaasa na isang araw, babalik siya. 'Yung tipong hihingi siya ng tawad sa akin. 'Yung luluhod siya para bumalik na ako sa kanya. Marupok ako kaya kung gagawin niya man iyon, baka makita ko pa lang siya sa pintuan ay sunggaban ko na lang siyang muli. Pero isang araw, sa gitna ng lahat ng ingay at gulo, sa isang lugar na para bang bawal huminto, you will meet someone. And for a while, time just stops. As the theme song of the movie started playing, my sob grew painfully. Hot and dreadful tears are streaming down my cheeks. I couldn't fathom how painful I am feeling right now. Pero ginusto ko naman 'to. Tanga ako, eh. Nagtiwala ako dito sa lecheng Kathryn Bernardo na 'to! Nagtiwala akong ang buhay ko ay magiging katulad lang ng kay Joy. Nagtiwala ako at iyon ang aking pagkakamali. Walang dapat sisihin kung hindi ako. Ako lang. Ako lang talaga. Ako lang lagi. I should've known better. I should've expected that from the very beginning, my life is unlike the effin movies.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD