Chapter 1: One year ago

1000 Words
Third Person's POV "Kaizer, ano ba?! Hindi mo ba titigilan iyang pag iinom mo?" Malakas na sigaw ng dalaga sa kaniya, ngunit parang bingi na walang naririnig ang binata at nag patuloy sa pag inom. Akmang mag-sasalin pa siya ng alak sa baso ng malakas iyong inagaw ng dalaga. "Ang tigas talaga ng ulo. Tsk." Mabilis na inilayo ni Alexa ang baso at ang bote ng alak, pabalyaw niya iyong hinagis sa kung saan. Dahil sa ginawa niya ay natauhan si Kaizer. He was sobbing while he stand up. "You... Sino ka para pakielamanan ako?" Bulol nitong saad, hindi na kase niya kayang mag salita ng diretso sa sobrang kalasingan. Ngunit hindi sapat ang alak para mawala siya sa wisyo. Kulang pa ito kahit na naka ilang bote na siya. Hindi makapaniwalang napa singhal ang dalaga sa sinambit ng binata. Nasaktan siya sa sinambit nito, ngunit mas pinili niyang huwag iyong pansinin at inisip na wala lamang ito sa wisyo kaya iyon nasambit ng binata. "Look at you now. You look helpless, oh my god!" Napa iling na lamang si Alexa at saka lumapit sa binata at inilagay ang braso sa batok niya. Bago umalis ay nag iwan siya ng cash na pera sa ibabaw ng mesa. Kasalukuyan kaseng nasa bar si Kaizer, mag damag itong naroon at tanging alak lamang ang laman ng tiyan niya. Baka masunog ang atay nito kung hindi pa ito titigil sa pag inom, kaya naman tinawagan ng may-ari ng bar ang huling contacts na nasa call history. At ang number niya iyon. Kaya naman heto at wala siyang ibang magawa kung hindi ang puntahan ang binata. Kakainin siya ng konsensiya niya kung hindi niya ito pupuntahan. "Waiter! Here's the payment for all. If it's not enough, here's my calling card. Name the prize and my secretary will pay you." "Thank you, Ma'am!" She just smiled at the waiter saka siya nagsimulang mag lakad habang inaalalayan si kaizer na maglakad. Sakto naman na wala siyang dalang kotse, dahil alam niyang may sariling kotse ang binata and there's no way na magco commute ito. "Ay, puta!" Malakas siyang napa sigaw sa gulat ng bigla ay sukahan siya ni kaizer. Natuod siya sa kinatatayuan at hindi makapaniwalang napatitig kay kaizer na halos humiga na sa kaniya. "s**t, ano ba itong pinasok ko?" Napa tampal na lamang siya sa noo at saka mabilis na naglakad paalis ng lugar na iyon dahil masiyado na siyang nakahahatak ng atensiyon. Lumipas pa ang ilang minuto at sa wakas ay naka-rating sila sa parking lot, hindi niya alam kung anong sasakyan ang dala ng binata. Knowing him, laging itong nagpapalit ng sasakyan. Tinapunan niya ng tingin si Kaizer ngunit malalim siyang napa buntong hininga ng makitang tulog na ito. Kaya pala nakaramdam siya ng bigat. "s**t, why am i even doing this? Damn. Ano bang mapapala ko? Kaizer! Grr! You'll pay for this! You owe me one!" Malalim muli siyang napa buntong hininga. At saka kinapa ang bulsa ng binata at hinahanap ng susi ng sasakyan nito. Yumuko pa siya kaunti ngunit hindi niya matanaw kung nasaan banda ang bulsa ng binata. Kaya naman panay ang kapa niya sa ibabang bahagi nito, nakalimutan niya yatang malapit sa p*********i ng binata ang bulsa. Kaya naman hindi sinasadyang nahawakan niya ito. Natigilan pa siya at nagtakha kung bakit iyon malambot. "Oh my god!" Nanlalaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung ano ang hinahawakan niya. Mabilis niyang nabitawan si kaizer sa sobrang gulat. Tuloy ay napa higa ang binata sa kalsada, dahilan para mas mapa singhap siya sa gulat. "Wahh! Ano ba ito. Huhu. " Mangiyak ngiyak siyang lumapit sa binata. This time ay maingat ang kamay niya sa pagkakapa sa bulsa. Hindi niya maiwasan ang pamumula pisnge sa hindi malamang dahilan. Nang sa wakas makita ang susi ay parang napapaso na tumayo ang dalaga. Malalim siyang huminga saka muling inalalayan ang binata. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng init. Malamig na pinagpapawisan ang kaniyang noo at kamay. She was sweating cold as she guide him to sit on shotgun seat. Napahinga siya ng maluwag ng mai upo niya ng maayos ang binata, kaya naman wala siyang sinayang na oras at mabilis na umikot at umupo sa driver's seat. Mabuti na lamang at alam niya ang condo unit nito. ---- "Hooo! Aws. Ang sakit ng balikat ko, bakit kase ang bigat mo?" Hinihingal niyang tinitigan ang binata na nakahiga sa kama nito, akmang aalis na siya ng bigla siyang matigilan ng makitang puro suka ang damit nito. Mariin siyang napa pikit at mabilis na napa lapit sa binata, namalayan na lamang ang sarili na hinububaran ang binata. Nang mahubad ang polo ay natigilan pa siya ng makita niya ang abs nitong pawisan. Sunod sunod siyang napa lunok sa nakita. Mabilis niyang iniling ang ulo. "No, this is not right. Why the hell am i feeling this? Bakit ko ba siya pinagnanasaan?" Mangiyak ngiyak niyang tanong habang inaalis ang damit sa katawan ng binata, medyo nahirapan pa siya dahil mabigat ang katawan ng binata ngunit matagumpay niya namang nai-alis ang damit. Pumunta siya sa banyo saka nilabhan ang damit nito. Kumuha siya ng bimpo at saka binasa iyon ng malamig na tubig. Kumuha siya ng palanggana at saka dinala sa silid ng binata. Bahagya siyang umupo sa gilid nito. Madiin niyang pinigaan ang bimpo at saka dahan dahan na pinunasan ang noo at mukha nito, maging ang balikat at braso, pati ang katawan nito dahil sa amoy suka ito. Nang matapos ay kumuha siya ng damit sa closet nito at iyon ang isinuot niya sa binata. Inayos niya ang pagkakahiga nito sa kama, habang inaayos ang kumot ay sandali siyang natigilan nang matitigan niya ang maamo nitong mukha. "Guwapo ka naman pala, masungit nga lang at masama ang ugali. Sayang..." Hindi niya namalayan na nasambit niya iyon, at nang mapagtanto ang sinabi ay kaagad na natauhan ang dalaga at nanlalaki ang mga matang napatitig sa mukha ng binata. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD