Simula - Anghel

550 Words
"Go on, Rita! Pull the trigger!" My dad screamed. Nanginginig ang mga kamay kong may hawak na baril habang nakatutok ang bunganga niyon sa umiiyak na babaeng kasing-edad ko lang. Nakagapos ang mga kamay niya, maging ang kan'yang mga paa habang nakaluhod siya sa malamig at magaspang na sahig. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Parang kahapon lang ay masaya pa kaming namamasyal ng babaeng ito sa gilid ng lawa. "Rita! What are you waiting for? Iputok mo na!" sigaw ulit sa akin ni Dad. Nagsalubong ang mga kilay ko. Umiiyak na umiling si Princess habang nakatingin sa akin. "Please no, Rita!" she pleaded. "Rita!" si Dad. Umiling ako. "Dad! Hindi ko kaya!" sigaw ko kay Dad pabalik. "This is where your training starts! Ikaw ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ko kaya kailangan mo ito. Go anak! Tigasan mo ang puso mo! Huwag kang magpadala sa awa! Hindi ka mabubuhay sa mundong 'to kung gagamitin mo ang puso mo!" "You can't do this, Rita. You want to be a doctor, right? Your dream job is to save lives. Please! Maawa ka sa baby ko." Nagsisimula ng mamuo ang mga butil ng pawis sa noo ko. "I... I am so sorry, Princess," I whispered. I was about to shoot her when we heard a loud scream. Galing iyon sa labas. May mga sasakyan ring dumating. "Shoot her, Rita! Shoot!" Dad screamed again. At paglingon ko sa kaniya ay eksaktong tinamaan siya ng bala sa noo niya. Nagkakagulo na ang lahat sa paligid ko. Nakakarindi ang ingay na dulot ng palitan ng mga bala. Dapat ay naroroon ako sa tabi ni Dad pero pinili kong iligtas si Princess. Kinalas ko ang pagkakagapos sa kan'ya. "Thank you, Rita." "Kailangan na nating makatakas, Princess," sabi ko at nagmadali na sa pagtayo. Tatakbo na dapat ako palabas pero napansin kong hindi sumunod sa akin si Princess kaya nilingon ko siya. "Prince—" Nahinto ako. At tila natuod na sa kinatatayuan nang itutok niya ang hawak na baril sa akin. "Isa kang malaking tanga, Rita! You should've listened to your father!" anas niya at hindi na nagdalawang isip na iputok sa akin ang hawak niyang baril. Kamuntikan na akong tamaan. Mabuti na lang at mabilis akong naitulak ni Nikolai. Nailigtas nga niya ako pero nadaplisan naman siya. "Rita!" sigaw sa akin ni Nikolai sabay tapon ng baril sa akin na agad kong sinalo. Nakaluhod pa ako sa sahig pero mabilis ko 'yong naitutok kay Princess at hindi na ako nagdalawang isip pa na iputok sa kan'ya. Sa unang putok ko'y tinamaan siya sa kanang braso. Sa ikalawang putok ko'y nagkasabay kami at natamaan niya ako sa binti ko. Mahusay umasinta si Princess. Hindi ko alam kung tinamaan rin ba siya pero siniguro kong sa ikatlong pagpapaputok ko ng baril ay tatamaan ko na siya. At tumama nga iyon sa dibdib niya. Wala akong planong patayin siya. Ang nais ko'y makatakas lang sana dito pero pinaulanan na siya ng bala nina Nikolai at ng iba pang mga tauhan ni Daddy. Nakita ko kung paano siyang bumagsak sa sahig habang sapo-sapo niya ang kan'yang tiyan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung awa ba ang nararamdaman ko. Pero nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi man lang niya nagawang isilang ang kan'yang anghel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD