Beginning

2341 Words
"LADIES and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, High Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your Flight Deck Crew headed by Captain Cruz with First Officer Sanchez and the rest of the team. We thank you for choosing High Pacific Air, your airline of choice." Agad akong tumayo sabay abot sa bagahe na nasa itaas ng inuupuan ko. Matapos ko itong makuha ay bumaba na ako ng sinasakyan kong Eroplano. Habang naglalakad ako papunta sa Waiting Area ay sapol hanggang kabilang tenga ko ang sigawan ng mga tao na muling makita ang minamahal nila. Tipid akong ngumiti ng makita ko ang pangalan ko na nakasulat sa isang Board at kinaway-kaway na hawak ito ng isang lalaking parang nasa ibang bansa kung makasuot ng damit. Nakasuot kasi siya ng makapal na mamahaling Jacket, na para bang hindi mainit dito sa Pilipinas. Naka-sleeveless nga lang ako pero pinagpapawisan na ang kili-kili ko. Nang makalapit sa kanya ay agad niya akong nginitian at niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik tanda na kahit papano ay namiss ko rin siya sa tagal na panahon naming hindi nagkita. Binitiwan niya ako at inabot ang mga bagahe ko at inaya na akong lumabas na nang Airport dahil maraming taong gustong makita ako. Para saan? Para magplastikan na naman? I hate being in a Spotlight for Pete's sake! Once na nasa Spotlight ka all you need to do is to smile like there's no tommorow. Plastic here, plastic there, plastic everywhere. Babatiin ka nila pag nakaharap ka, pero pag nakatalikod ka na ay doon na lalabas ang mga baho ng bunganga nila. Actually, wala naman akong pake kung pagsasalitaan nila ako sa likod ko, well nasa tamang posisyon naman sila, sa likod ko. Malakas na bumuntong hininga ako ng abot tanaw ko na ang bahay na kinimulatan ko na hindi ko na gustong makita pa, pero dahil nga sa pagba-blackmail ng mga magulang ko heto ngayon ako at papasok na sa bahay na ayaw ko ng makita. Agad na binuksan ng kasama ko ang Pinto ng Bahay namin at agad na bumungad sa akin ang masaya at akala mo nagagalak na mga mukha ng buong Pamilya ko. Iniikot ko nalang ang eyeballs ko kasi alam ko naman na sa loob-loob nila ayaw talaga nila akong makita. Well same here. "Welcome back, Noah!" Narinig kong bati sa akin ng Lolo ko na abot hanggang tenga sa laki ng ngiti. I immediately smile and run towards him and hugged him tight. Sa Pamilya ko ay mas malapit ako sa Lolo ko. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin at wala nang iba pa. "Hahahaha! Hindi naman halata na namiss mo ako ng sobra, Mahal kong Noah." Nang-aasar na wika niya ng bitawan ko siya sa pagkakayakap. "Sino ba namang hindi makakamiss sa tulad mong Jejemon?" Nang-aasar na sagot ko din. Tumawa lang si Lolo at ginulo ang buhok ko. Inakbayan niya ako at pinaharap sa Pamilya ko. "Everyone, please welcome my Granddaughter." Wika ni Lolo sabay tapik ng balikat ko at mahinang tinulak ako papalapit sa Pamilya ko na alam kong mga Plastik. Unang lumapit sa akin ang nakangiting mukha ng Mommy ko. Agad niya akong niyakap at hinalikan sa Pisngi. "Welcome back, Sweetie." Sabi niya. Tumango lang ako. As if, sincere siya sa pinagsasabi niya. Ew. Tinalikuran na niya ako kaya sumunod agad na lumapit sa akin ay ang Daddy ko. "Umayos ka dito, Noah." Matigas na sabi niya at tinalikuran ako. Hah! Ano pa bang maasahan ko sa kanya? Di porket na Daddy ko siya at anak niya ako ay dapat maganda din ang trato niya sa akin. Ayaw kong makipagplastikan sa kanya at isa pa napakasanay ko na sa kanya. Bata palang ako parang ayaw na sa akin ng mga Magulang ko. Kaya ako mas naging malapit sa Lolo ko na tanging tinatakbuhan ko sa mga oras na tinatakwil ako ng mga Magulang ko. I have two brothers. Tatlo kaming magkakapatid at ako yung bunso at tanging babae. Ayaw na ayaw nang mga Magulang ko ang Babae kaya nang makitang lumabas na ako sa sinapupunan ng mahal kong Ina ay agad na mapait na ang tratong natanggap ko sa kanila. I badly swear na once na marunong na akong tumayo sa sarili kong mga Paa ay kahit na anong awa nila ay hindi ko na sila kikilalanin pa. Magkamatayan man kami. At matagal nang nagsimula ang araw na 'yon. Dahil nga sa hindi ako belong sa Pamilya nila ay kakalimutan nalang nila na para sa akin ang Party na hinanda nila. Mga Plastik talaga. Hindi pa umiinit ang puwet ko sa kama ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi pa naman organized talaga ang kwarto ko kasi nga kakarating ko lang at wala din naman ako sa mood mag-ayos dahil hindi ko alam kung magtatagal ba ako dito o hindi kaya pinapasok ko na kung sino man ang kumakatok. "Akala ko hindi mo ako papapasukin." Wika niya nang makapasok na siya. Maarteng bumuntong hininga naman ako. "Edi lumabas ka ulit at sasabihin kong hindi ka pwedeng pumasok." Tumawa lang siya at umupo sa Couch na nakaharap sa akin. Mariin niya akong tiningnan na para bang binigyan ko siya ng permisong tingnan ako ng matagal. "Stop staring at me or else." Pagbabanta ko. "Or else, what?" "Nevermind." Sabi ko sabay tayo at pumunta sa bintana ng kwarto ko. Narinig kong tumawa siya sa likod ko at sumunod sa akin. Ano bang kailangan niya? Baka hindi ko matantya at masipa ko siya. "How's life at New York?" Tanong niya habang nasa labas ng bintana ang paningin. Bumuntong hininga naman ako at sinabi sa kanya ang buhay ko doon sa ibang bansa. "Maganda, Maayos, Walang problema. Gusto ko na ngang bumalik doon, ngayon na." Narinig kong bumuntong hininga siya kaya ko siya nilingon. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, he never sigh. Or let me say i never heard him sigh, ngayon lang. Ano bang problema niya? "We're your Family, isn't us?" Wika niya sa haba ng sandaling tahimik siya. Mapait na tumawa naman ako. "No you're not and you will never be my Family, all of you. Hindi ko 'to sasabihin dahil lang sa bored ako sasabihin ko 'to para malaman mo, ninyo na ayaw ko sa inyo at hindi ko kayo pamilya. Kung pwede nga lang na tanggalin ko yung dugo niyo na nanalaytay sa pagkatao ko, tinanggal ko na." Matigas na sabi ko sa mukha niya. Tinitigan niya ako na para bang minememorya sa isip niya ang buong mukha ko. Hindi ako nagpatinag at lumaban din nang titigan sa kanya. "You hate us so much?" "Yes, I hate you all so much. Especially you, Psalm." ORAS ang lumipas ay hindi ko na natiis ang mga kaplastikan ng Pamilya ko kaya ako nagpaalam kay Lolo na magpapahangin na muna. Agad naman niya akong pinayagan dahil sabi ko nga kanina, siya lang ang nakakaintindi sa akin. Agad kong pinalabas sa garahe ang Ducati na pagmamay-ari ko na binili sa akin ni Lolo noong nagdesi-otso ako. Hindi ko masyadong ginagamit ito dahil ayaw kong magasgasan ito pero parang willing yata akong magasgasan ito makawala lang ako sa impyernong bahay na 'to. Isinuot ko na muna ang helmet ko at mabilis na pinaharurot ang motorsiklo. Ito ang gusto ko pag gabi na at nakamotorsiklo ka. Walang sagabal sa daan. Hindi nagtagal ang pagsasaya ko sa Motor dahil agad na nakarating ako sa destinasyon ko. Pumasok ako dito at sapol hanggang kaliwang tenga ko ang musika na nanggagaling sa Stage ng Bar. Naglakad ako papalapit sa Counter at magtatanong na sana ng maabot ng paningin ko ang hinahanap ko. "Kuya Goren!" Malakas na sigaw ko dahil na rin sa malakas na tunog at tilian ng mga tao sa loob ng Bar. Nilingon niya ako at nanlalaki pa ang kulay asul niyang mga mata at malaki ang ngiti na lumapit sa akin. "Mahal kong Noah!" Sigaw niya pabalik at sinenyasan akong pumasok sa Opisina niya. Siya kasi ang nagmamay-ari nitong Bar na palaging tinatambayan ko pag nandito ako sa Pilipinas. Nang makapasok sa Opisina niya ay agad na inaya niya akong umupo sa Couch at binigyan ng Margarita. "Ito ang gusto ko sayo, Kuya eh. Pangalan pa nga lang ang tinawag ko binigyan mo na agad ako nito." Sambit ko sabay taas pa ng Margarita. Tumawa naman siya at umupo sa kaharap kong Upuan. "Kailan ka pa nakabalik?" Tanong niya habang nagsasalin ng sa kanya. Nilagok ko na muna ang Margarita ko bago sumagot sa kanya. "Kanina lang. Nasusuka ako sa kanila kaya ako pumunta dito." Sagot ko. Tumawa naman ulit siya. "Hanggang ngayon din ba ayaw mo parin sa kanila?" Tumango ako. Nang tumuntong ako ng Highschool doon ko din nakilala si Kuya Goren. "Ayaw ko sa mga kagaya nilang pakitang tao at mabait lang pag may ibang tao." Sabi ko sabay lagok ulit ng Margarita. Natawa ulit si Kuya at kinaway-kaway ang isang kamay. "Ayaw ko rin sa mga taong nag-eemote sa harap ko." Sagot niya na ikinatawa ko. Minuto ang lumipas at nagtatawanan lang kami sa loob ng Opisina niya. Kinalimutan na niya na may trabaho pa siya at maraming Customers sa labas. Pero ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto at bumukas ito. "Boss, nandito na sila." Sabi ng isang lalaki na maysuot na pang-waiter na damit. Nakita ko namang tumango si Kuya at inaya na akong lumabas. "Sinong sila, Kuya?" "Ang banda ko. Wait, lang makikita mo." Sabi niya sabay bukas ng pinto at pinauna akong lumabas, sumunod naman siya sa akin at nang pareho na kaming nasa labas ay pinauna ko na siya. Sumunod naman ako sa kanya nang pumunta siya sa Island Counter. Doon nakita ko ang tatlong kalalakihan na nakaupo sa stool at nagtatawanan. May hawak din silang mga baso at umiinom. Tumikhim si Kuya kaya niya nakuha ang atensyon nila. Lumingon sila sa amin at agad na pinasadahan ako ng tingin. "Wow, pre. Chix oh." "Ang kinis, pre. Parang galing ibang bansa. Nangangamoy oh." "Oy, mga pare tumahimik kayo pinagnanasaan niyo na naman ang babae ni Boss Goren." Sambit pa nang isa. Umiling-iling lang si Kuya at panay ang lingon. "Jake, nasaan na ba ang dalawa? Ilang sandali nalang magsisimula na kayo." Wika ni Kuya. "Papunta na daw sila, Boss." Sagot ng isang lalaki na sa pagkakaalala ko siya yung sumuway sa dalawang kasama niya. "Sige, tawagin niyo nalang ako pag nandito na sila." Sagot naman ni Kuya at inaya akong bumalik na sa Opisina niya. "Ay nandito na sila, Boss!" Sabi ng isa sabay tingin sa Entrance ng Bar. Lumingon naman ako dito at agad na kumabog ng mabilis ang puso ko ng makita ang dalawang lalaki na simple pero puno ng dating ang bawat paghakbang nila papalapit sa amin. Ang isa na nakasuot ng kulay puting long-sleeves at may itim na buhok ay seryosong naglalakad at walang emosyon ang mga mata. Hindi niya alintana ang lakas ng musika at ang ingay ng mga tao sa loob ng Bar na pinasukan niya. Ang isa naman na nakasuot ng itim na t-shirt at may suot pang Baseball Cap ay nakangiting naglalakad at kumakaway pa sa amin. Nang makalapit sila sa amin ay nagtatapikan pa muna sila ng balikat ng mga tropa nila bago sila tumuon ng pansin sa amin ni Kuya Goren. Nagulat sila ng makita ako pero agad kong iniiwas ang paningin ko ng makita ang isa na sensirong nakatitig sa akin. Bakit ba sila nandito? Bumuntong hininga nalang ako ng maalalang tropa din pala nila si Kuya Goren. Right, malas ko sa araw na 'to. "Oy, pare kita niyo 'yang bagong chix ni Boss Goren? Halatang bata pa oh. Hahahaha!" Narinig kong sambit ng isa na ikinalingon ko sa kanila. "Tumahimik ka, Lloyd hindi ko gusto ang bitiw ng mga salita mo." Wika ni Kuya Goren na ikinatahimik nila. "Kompleto naman na kayong lahat, pumunta na kayo doon sa stage at magsimula na." Pagpapatuloy ni Kuya. Tumango naman silang lahat at dumiretso na sa Stage. Pero bago pa nakapunta silang lahat sa stage ay nakasalubong ko ng tingin ang bagong dating. Malamig ang tabis ng tingin nila sa akin, na para bang may nagawa akong hindi maganda at malala. Bumuntong hininga nalang ako makalampas na sila sa akin at pumunta na sa Stage. Inaya na ako ni Kuya Goren na pumasok ulit sa Opisina at aaminin kong nagbago na ang nararamdaman ko simula ng makita ko sila kanina. "You okay, Noah?" Narinig kong tanong sa akin ni Kuya ng pareho na kaming nakaupo sa Couch. Umiling ako. "I never been..." "Mag-usap kayo. For sure maiintindihan ka nila. Sabihin mo yung dahilan mo sa kanila." Wika niya pero umiling lang ako. Marami na ang nangyari. Marami na ang nagbago. Marami ng kinalimutan at marami ng hindi mababalik sa kasulukuyan. Kung ano man yung masasayang pagkakataon na kasama namin ang isa't isa for sure hindi na yun mababalik pa. Alam kong mali ako, alam kong nasaktan ko sila pero masasabi ko bang nasaktan ko sila when in the first place ang ginawa ko ay para sa kanila? "Wala nang pag-asa pa, Kuya. Ilang taon na ang lumipas hindi na namin maibabalik pa sa dati ang lahat." Nakayukong sagot ko at nakatingin sa dalawang kamay kong magkahawak. Minuto ang lumipas at tahimik lang kaming dalawa ni Kuya, ilang sandali pa ay bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko. "Sino bang may sabing ibalik niyo yung dati, na pwede naman kayong gumawa ng bago ngayong gabi. Try mo, Noah. Sila parin naman yung mga kaibigan mong halos dikit at parang kapatid mo na." "Pero..." "Isipin mong hindi pa huli ang lahat, Noah. Isipin mong hinihintay lang nila ang pagpapaliwanag mo para maibalik ulit sa dati ang nabuo niyong pagkakaibigan." Nakangiti at sensirong sabi niya. "Pero paano kung hindi na talaga namin maibabalik ang pagkakaibigan namin?" "Kalimutan mo sila. Dahil kung wala kang tiwalang maibabalik pa ang lahat sa dati, mas mabuti pang kalimutan mo sila at mabuhay ng walang ibang iniisip ni isa sa kanila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD