bc

Black Fire Trio Book 2: Ethan and Alodia

book_age18+
756
FOLLOW
3.9K
READ
goodgirl
powerful
student
drama
comedy
campus
first love
sassy
shy
like
intro-logo
Blurb

Madaldal, kalog at nakakatuwa ang personalidad ni Alodia Padilla na isang simpleng babae na umaasa lamang sa scholarship upang makapag-aral sa sikat na Golden Valley University.

Malaki ang pagkahumaling nya sa Black Fire Trio lalo na sa leader na si Enzo Zobel. Para sa kanya, sya ang pinapangarap nyang lalaki. Ngunit masasaktan ang kanyang puso sa katotohanang ang bestfriend nyang si Athena ang nilalaman ng puso ng binata.

Lingid sa kaalaman nya na lihim nyang nasasaktan ang isa pang miyembro ng BFT na si Ethan Enriquez na wala ng hinangad kundi ang mabigyan sya ng kahit kaunting pagmamahal.

Matutunan pa kayang mahalin ni Alodia ang pinakamabait na miyembro ng Black Fire Trio na si Ethan, kung sarado na ang kanyang puso para kay Enzo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alodia Padilla POV "Magandang umaga baby Enzo!" Umagang-umaga ay si Lorenzo Zobel na agad ang bumubungad sa akin. Lagi akong nakamasid sa picture frame na nakapatong sa lamesita na katabi ng kama ko. Kinuha ko ang picture frame at gaya ng parati kong ginagawa ay binibigyan ko ng matamis na halik sa umaga ang baby ko. Dito na ako lumaki sa Puerto Prinsesa Palawan. Ang buhay namin dito ay talagang mahirap. Naranasan na naming magdildil ng asin sa sobrang kahirapan. Kaya naman nag-aaral ako ng mabuti para naman makaahon kami sa kahirapan ng buhay namin. Nagsimula akong magresearch tungkol sa pinakatanyag na Universidad sa Maynila, ang Golden Valley University. Ipinangako ko sa aking sarili na balang araw ay makakapag-aral din ako sa Universidad na iyon. Dahil alam kong magkakaroon ako ng magandang trabaho kapag sa Universidad na iyon ako nakapagtapos. Doon ko rin nakilala ang sikat na grupo ng Black Fire Trio. Naagaw ni Lorenzo "Enzo" Zobel ang aking atensyon. Napakagwapo nya. Ang cute ng chinito nyang mga mata. Sya ang leader ng BFT na syang kinatatakutan ngunit hinahangaan naman ng mga kababaihan. Ang isang miyembro naman nila ay si Ethan Enriquez, ang good boy ng grupo nila. Kagaya ni Enzo ay may angking kagwapuhan din si Ethan. At ang huling miyembro ay si Galvert Monreal, ang womanizer ng grupo. Sya siguro ang hindi ko magugustuhan dahil sa kanyang hilig sa mga babae. Pero sa totoo lang ay mahal na mahal ko sila. Kahit hindi ko sila personal na kakilala ay minamahal ko na ang kanilang mga pagkatao. Lalong lalo na si Enzo. Kaya naman mas lalo akong magpupursige na makakuha ng scholarship sa Universidad na iyon para makilala ko ng personal ang ultimate man of my dream. "Hoy! Alodia! Nag-iilusyon ka na naman!" Nagulat ako kay Amara na bigla na lamang pumasok sa kwarto ko. Nakapameywang sya sa akin pero may maganda syang ngiti  na labis ko talagang ipinagtaka. "Nakakagulat ka naman, para kang miyembro ng akyat bahay dahil talagang nakakapasok ka sa bahay namin ng ganun kadali?" Wika ko Lumapit sa akin si Amara at naupo sa tabi ko. May magandang ngiti pa rin sya sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon? Maya maya pa ay may iniabot sya sa akin na puting envelope. "Ano naman ito?" Tanong ko Pinagalaw nya ang kanyang mga kilay at ngumuso sa direksyon ng envelope. Marahan kong kinuha ang envelope. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang envelope na hawak ko. Galing ito sa Golden Valley University! Parang kakapusin ako ng hininga habang binubuksan  ang envelope na ito. Sobrang tuwang tuwa ako ng mabasa ang liham mula sa Golden Valley. Congratulations, you are qualified for the scholarship program-- Halos maglupasay ako sa aking kama ng mabasa ang mga iyon. Hindi ako makapaniwala. "Hoy! Wag kang ambisyosa. Sa akin ang sulat na yan. Natanggap ko 'yan kaninang umaga. Nasaan ang sa iyo?" Tanong ni Amara Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Bigla akong kinabahan. Teka? Bakit si Amara lang ang nakatanggap ng sulat? Bakit ako wala? Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang sinabi ni Amara. Bigla akong nanginig sa takot. May namuo na ring luha sa mga mata ko. "A-Amara, paano ako? Bakit wala akong natanggap na sulat?" Nanginginig na tanong ko Ikinabigla ni Amara ang sinabi ko. Hindi nya alam ang magiging reaksyon nya nang malaman na wala akong natanggap na sulat mula sa University. "H-Hindi ko alam na hindi ka nakatanggap ng sulat, a-akala ko meron ka din." Malungkot na tinig nya Napasandal ako sa kawayan na nasa likuran ng aking kama. Ayoko sanang umiyak pero hindi ko na napigilan. Pakiramdam ko ay katapusan na ng mga pangarap ko. Hindi nga ba para sa akin ang Golden Valley University? Pero bakit? Gusto kong mag-aral sa Universidad na iyon. Niyakap ako ni Amara at pinakalma. Hinagod nya ng ilang ulit ang aking likuran. Si Amara ang laging katuwang ko sa lahat ng bagay, ngunit ngayon ay mukhang maghihiwalay na kami ng landas. Mukhang sa aming dalawa ay sya ang makakatupad ng aming mga pangarap. "Huwag ka ng umiyak." Wika ni Amara Pero hindi ko mapigilan. Kusang lumalabas ang luha sa mga mata ko. Hindi nga ba ako nakapasa sa Golden Valley? Si Amara lang ba talaga ang may pag-asang makapag-aral doon? Nakita ko na lang na may nakakaasar na ngiti ang kaibigan ko sa akin. Pinunasan ko ang mga mata ko na napuno na ng luha. Tinatawanan ba nya ako dahil hindi ako nakapasa? Nakakainis sya! "Huwag ka na kasing umiyak! Heto ang sayo! Haha!" Wika pa nya Kaagad nyang nilabas ang isa pang envelope. Ang puting envelope na galing din sa Golden Valley University. Ang envelope na para sa akin? Mas lalo akong naiyak sa ginawa nya. Kinurot ko ng pino ang tagiliran nya. Masyado nya akong pinahirapan. "Aray naman!" Pagmamaktol ni Amara "Sobra ang ginawa mo sa akin! Ang sakit sa dibdib!" Sabi ko Kaagad kong inilabas ang sulat sa envelope at halos lunurin ng kaligayahan ang puso ko dahil nabasa ko rin ang kaparehas na mensahe ng sulat para kay Amara kanina. Natanggap kami sa Golden Valley University at may pagkakataon na kaming makapag-aral sa pinakatanyag na Universidad sa buong kamaynilaan. "Golden Valley University! Humanda ka! Papunta na kami!" Sigaw ni Amara Bigla syang dumagan sa akin dahil sa sobrang kaligayahan. Napuno ng tawanan ang buong kwarto ko. Halos kainin na kami ng aming kaligayahan at hindi namin alam kung paano ito tatapusin. "Anong meron at ang iingay nyo?" Wika ni Nanay Pumasok sya sa kwarto ko nang marinig ang ingay namin ni Amara. Kaagad kong nilapitan si Nanay at niyakap ko sya ng mahigpit. "Nay, mag-aaral na po kami sa Golden Valley University!" Pagbabalita ko sa kanya Wala ring pagsidlan ang kaligayahan ni Nanay nang marinig ang magandang balita. Katulad namin ay naging masaya rin sya para sa amin. "Pagbutihan nyo ang pag-aaral nyo doon. Mag-iingat kayo palagi." Wika ni Nanay Bahagyang nakaramdam ng lungkot ang puso ko sa sinabi ni Nanay. Ito pala ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kami ng pamilya ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at binigyan ng isang masarap at matamis na halik sa pisngi. "Nanay, huwag ka nang umiyak, lalo kang pumapangit." Wika ko "Abay bastos na bata." Galit na wika ni nanay Nag-umpisa muling balutin ng kaligayahan ang buong kwarto ko. Nabalot ng malakas na halakhakan ang buong bahay namin. Ito na ang simula ng pagtupad ng mga pangarap. Kakayanin ko ito! -- Nang marating namin ang Maynila, ang unang pumasok sa isip namin ni Amara ay ang magtrabaho upang mayroong panggastos habang nag-aaral kami sa Golden Valley University. Nag-apply kami sa isang sikat na fast food restaurant kung saan bida ang saya. Magiging working student kami upang may pangtustos sa araw-araw naming mga gastusin dito. Mabuti na lang at prayoridad talaga ng fast food restaurant na iyon ay ang mga working student, kung kaya't madali kaming nakakuha ng trabaho. "Tuwing alas sais ng gabi hanggang alas diyes ang duty nyo dito. Bawal ang late. Kailangan nyong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Alam kong kakayanin nyo gaya ng ibang mga estudyanteng nakapagtapos ng pag-aaral. Good luck!" Wika ni Ms. Ariane ang Branch Manager ng papasukan naming fast food restaurant Parang kuminang ang mga mata namin ni Amara sa sinabi ni Ma'am Ariane. Ito na ang simula ng pagbabago sa buhay namin ni Amara. Kakayanin naming magtapos ng pag-aaral para sa aming pamilya! - Unang araw ng pasukan sa Golden Valley University... Nakatingala ako habang namamangha sa malaking building na nasa harapan namin ni Amara. Nang mapagawi naman ang paningin ko sa mga estudyante, ang lahat ay may magagandang sapatos at bag. Halatang galing sa mayayamang pamilya. Samantalang kami ay lumang sapatos at bag ang gamit dahil wala naman kaming pambili ng bago. Nilibot ng mga mata ko ang buong eskwelahan para hanapin ang Black Fire Trio, pero bigo ako. Sa laki ng Universidad na ito ay malamang na mahirapan akong makita sila. Dinukot ko ang aking wallet dahil gusto kong makakita ng inspirasyon. Pagbuklat ko ay kitang kita ko ang magandang ngiti ni Enzo. Dinala ko ang larawan nya dahil hindi ko yata kayang mabuhay ng wala sya.  Ang saya ng puso ko, dahil napakalapit ko na sa kanya. Sa iisang campus lang kami nag-aaral. Nararamdaman kong malapit na. Malapit ko na syang makita. Umikot-ikot ako sa gitna ng hallway na para bang nahihibang at iniisip na kasayaw ko ang leader ng BFT na si Enzo. Nang biglang... Nabangga ko yata ang  isang estudyante kung kaya't nawalan ako ng balanse. Tiyak na masasalampak ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko estudyanteng iyon. Pagmulat ng mata ko ay tila tumigil ang mundo para sa akin. Ang bagal ng oras habang pilit akong inaabot ng lalaking nabangga ko. Pabagsak na ako sa sahig pero parang hindi ko na ito nararamdaman dahil sa nag-uumapaw na pagkasabik. Si Enzo ang nabangga ko at pilit na inaabot ang mga kamay ko. Marahan akong ngumiti habang pinagmamasdan ang kanyang kamay na nakadapo na sa aking braso. Nang mahawakan nya ang aking mga kamay ay tila may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng puso ko. Sobrang kilig at kasiyahan ang idinulot nito sa akin. Hawak ako ngayon ng baby Enzo ko. Ang lalaking pinapangarap ko! "Hey Miss! Mag-ingat ka na naman. Hindi pinag-aaralan ang katangahan!" Sambit ni Enzo Napalunok ako sa sinabi nya. Tumayo ako ng tuwid at kaagad na bumitaw sa pagkakahawak ni Enzo. Tinignan nya ako ng masama na tila ba ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Wala yata sa mood ang baby ko ngayon. "S-Sorry!" Banggit ko at saka yumuko sa kanya. Naramdaman ko na lang na umalis na sya sa harapan ko. Nang sundan ko sya ng tingin ay patungo sya sa opisina ng Presidente ng University. Kumalabog ng tripleng beses ang puso ko. Parang gusto ko syang habulin at yakapin. Gusto kong magpakilala sa kanya. Gusto kong isiwalat sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Mahal na mahal kita Enzo! Nagsusumigaw ng puso ko. "Hoy! Gumising ka na sa katotohanan. Walang modo ang Baby Enzo mo! Pinagsalitaan ka nya ng hindi maganda, ayos lang sayo?" Panggugulat ni Amara Nakangiti pa rin ako na tila lumulutang pa rin sa mga pangyayari. Ilang ulit akong tumango sa kanya. "Ayos lang sa akin. Mahal ko pa rin sya kahit ang sungit sungit nya." Saad ko "Baliw ka talaga! Halika na at hanapin na natin ang room 375. Bilisan mo na nga!" Naiiritang wika ni Amara. Habang hinahanap namin ang room 375 ay bigla kaming natigilan ni Amara sa paglalakad. Nasaksihan namin ang tatlong estudyanteng babae na may binubully na kaawa-awang estudyante. Kilala ko ang tatlong estudyante na iyon. Sila ay sina Myrtle, Chloe at Zabrina. Galing sila sa mayayamang pamilya kung kaya't ganun sila kung umasta. Ang kawawang babae ay nakasalampak na sa sahig habang pinagsasalitaan nila ito ng hindi maganda. "Never block our pathways! The moment you saw us, you must give way because the campus Queens are here!" Sigaw ni Myrtle Napakasama talaga ng ugali nya. "Sa tingin ko hindi galing sa mayamang pamilya ang isang iyon kaya nila pinagkakaisahan. Nanggigil ako sa mga babaeng yan!" Galit na wika ni Amara. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Susugod na sya doon para tulungan ang babaeng nakasalampak sa sahig. Masyadong matapang si Amara at kailangan ko syang pigilan. Baka makagawa sya ng gulo at maapektuhan ang scholarship namin. Mabuti na lang at biglang dumating si-- Ethan Enriquez! Isa sa miyembro ng Black Fire Trio. Napakagwapo nya sa personal. At gaya ng inaasahan ko ay talagang napakabait nya. Tinulungan nya ang babaeng nakasalampak sa sahig. Nakakadurog ng puso ang ginawa nya. "Next time, be careful. Tumingin ka lagi sa dinaraanan mo."  Dinig kong sambit ng good boy na miyembro ng BFT Sa nakikita ko sa babaeng tinulungan nya ay sobrang kilig na kilig ito. Namangha sya sa kagwapuhan at kabaitang taglay ni Ethan. Nang umalis sa harapan nya ang gwapong si Ethan ay sya namang pagpasok muli sa eksena ng tatlong bruhilda. "Don't you ever think that Ethan will like you! Sa itsura mong yan? Mukha kang desperadang nerd!" Sigaw ni Myrtle sa babaeng estudyante. Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya. Kaya nang makaalis ang mga babaeng iyon ay kaagad namin syang pinuntahan ni Amara. Gusto naming kaibiganin ang babaeng estudyante na hindi kayang ipagtanggol ang kanyang sarili. "Hi! Miss, ayos ka lang? Sorry ha hindi ka namin natulungan kanina laban don sa mga bruhildang ang kakapal ng make up." Wika ko Lumingon sya sa amin at halata ko sa kanyang mga mata ang takot. "Naku! Kung hindi ako pinigilan  ni Alodia, kanina pa talaga ako sumugod para masapak yung tatlong bruha na yon!" Wika naman ni Amara "By the way, I'm Alodia. Freshman students din kami ni Amara." Pagpapakilala ko "Ako naman si Amara, galit sa maaarte at mayamang bruha gaya nila. Naku! May araw din ang mga yon!" Wika nya Ngumiti sya sa amin at bahagyang nawala ang takot sa kanyang mga mata. "I'm Athena, freshman student din ako. Hinahanap ko nga ang room 375, kaya lang bigla na lang nila akong tinulak." Sabi ng kaawa-awang babae kanina. Natuwa naman kami ni Amara dahil mukhang classmate pa namin ang isang 'to. Mukha naman syang mabait at alam kong magkakasundo kaming tatlo. "Oh my God! Huwag mong sabihin na  PY section 12 ka rin? PY12?" Wika ko Tumango ng ilang ulit si Athena sa amin. "Classmates pala tayo! Ang saya naman." Sambit ni Amara Sa unang araw pa lang ng pasukan ay kaagad na kaming nakatagpo ni Amara ng isang kaibigan. Nakakuha rin ng scholarship si Athena at sinusubukan rin ang kanyang kapalaran dito sa Golden Valley University. Simula noon ay tinawag na namin ang aming grupo na Triple A. Ang mga babaeng matatapang at hindi mag-papaapi kahit kanino! At ako? Ako si Alodia Padilla na may gusto sa leader ng Black Fire Trio na si Enzo. Hindi ako titigil hanggat hindi sya napapalapit sa akin. Alam kong balang araw, unti-unting matutupad ang mga pangarap ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook