bc

The Billionaire's Nanny

book_age18+
2.9K
FOLLOW
30.1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
arrogant
badboy
heir/heiress
sweet
campus
like
intro-logo
Blurb

Nakakahiya mang aminin, but he's a hopeless romantic. He's so obsessed, and head over heels in love with his ex na four years niyang hinintay only to be rejected nang ayain niya itong magpakasal. She was about to marry another man arranged for her by her father. Gusto niya itong bawiin. Ngunit paano ba kung bigla na lang itong nawala? At isang araw, nagising na lamang siyang baldado, walang silbi at hindi makakilos ng para sa sarili. And being taken care by a mischievous nurse na sa simula pa lang ay gustong-gusto na niyang upakan.Genre : RomCom / DramaWith matured content

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
WARNING : This story contains words/terms that may not be suitable for your eyes and ears. But these words are not meant para mangbully o magsabi ng masasama ukol sa iba. Asaran lang po iyon ng mga bida sa isa't isa. Wala pong ibang pinatutungkulan kung hindi sa mga karakter sa istoring ito lamang. Thank you. Markus' POV "SO, will you marry me?" I asked on a bended knee. Medyo kabado but at the same time ay puno ng pagkasabik dahil kaharap ko ngayon ang babaeng pinakamakahal ko. Matagal ko itong pinlano at hinintay. Nirentahan ko pa ang paborito naming restaurant para lang mapagsolo kaming dalawa. Ngunit ang ipinagtataka ko, bakit parang hindi excited si Cindy sa tagpong ito? Sarado ang kaniyang kamay at hindi makatingin sa akin nang deretso. Pinipilit kong isipin na baka nabigla lang siya sa agarang pagpo-propose ko kaya siya nagkakaganito. "I... I'm sorry, Markus.." she finally said. Pinunasan niya ang mga luhang mabilis na nanulas mula sa kaniyang mga mata. "...but I can't accept this. I.. can't marry you. Let's... let's just break up..." Hanggang sa tuluyan na nga siyang humagulhol sa harap ko. Nakatakip ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. "W-What did you say?" nanginginig pa ang mga labi at hindi makapaniwalang tanong ko. "I-I said, let's break up. Let us end our relationship. Hindi ko tinatanggap ang proposal mo, I'm so sorry," ulit pa niya na lalong ikinadurog ng puso ko. "No, babe, you will marry me!" matigas ang loob na sabi ko. I don't care kung maging diktador man ako sa paningin niya pero hindi niya ako maaaring tanggihan. "I've waited for you for four years. I followed you all the way here from US to Italy para lang hindi masabing we're in a long distance relationship. Hinayaan at sinuportahan kitang tuparin ang mga pangarap mo dahil ang sabi mo kapag nakuha mo na ang Master's Degree mo at maging successful ka sa career mo, papayag ka nang makipag-settle down sa akin at umuwi kasama ko sa Pilipinas. At iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Iyong pangako mo. Ngayong natupad mo nang lahat ang mga pangarap mo, saka ka uurong? Why? A-Ayaw mo na ba sa akin, ha? May iba ka na? You think I'm not enough? Tell me, saan ako nagkulang at nagkamali? Am I over possessive? Authorative? Sabihin mo! Ano'ng kailangan kong baguhin para sagutin mo ako?!" Hinintay ko ang sagot niya but it took her a while. She was still crying na parang hindi niya magawang sabihin ang kung ano mang ibig niyang sabihin sa akin. I held her hand and dried her tears. Hinawakan ko rin ang kaniyang mamula-mulang pisngi. "Tell me, Cindy, what's bothering you?" But she couldn't look straightly in my eyes. I could feel her trembling at parang takot na takot sa akin. "I-I'm... I'm about to marry another man, babe," she suddenly exclaimed. Nanlaki ang mga mata ko. "K-Kaya.. hindi na puwedeng maging tayo. I-Iwanan mo na ako dahil wala ka nang magagawa para pigilan pa iyon. We're getting married next week kaya bigla akong nag-take ng break sa trabaho. A-And... I didn't come here to meet you para makipagtipan pa sa 'yo. I-I'm here to tell you this, you just..... didn't see it coming. I'm so sorry. Alam kong mahal na mahal mo ako and you never failed to make me feel it. In fact, you're too good and too much for me. I don't deserve you. And it's just that..." "H-Hindi..." tiim ang bagang na tutol ko. Deep inside, I could feel thousands of daggers fiercing my heart and soul. This must be a dream. I must just be dreaming or else.. "O-Oo, Markus," giit niya. "'Yong totoo, mga bata pa kami nang ipagkasundo ng mga magulang namin. Kaya lang... sa tagal na ng panahon akala ko hindi na magkakatotoo 'yon pero... after fifteen years, he showed up, my childhood friend at hindi pala nawaglit kahit isang saglit ang kasunduan iyon sa isipan niya. Kaya please... huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mong ipagpilitan ang sarili mo sa akin. And please forgive me para sa pagpapaasa ko sa 'yo sa loob ng limang taong relasyon natin. I didn't expect this too, but I guess, we really have to say goodbye." "B-But ---" "I'm pregnant!" she exclaimed again. This time, nakatingin na siya nang tuluyan sa aking mga mata. Napakislot ako at parang siya naman ang hindi ko kayang titigan nang matagal. "Yes, you heard it right. Matagal na kaming nagkikita nang palihim nang hindi mo alam. And... I fell for him. Out of the blue. Napakabuti niya sa akin. And I don't think kaya kong mabuhay nang wala siya. See.. niloko kita. I have never been a good girlfriend to you ever since, and never will be. Kaya deserve mong makahanap nang mas nararapat sa 'yo, iyong ma-appreciate lahat ng efforts at sakrisyo mo. I-It's just not me.. So please.. just let go. Let's just say good bye to each other for now.." Kasunod niyon ay marahan niyang hinila ang kamay niya mula sa pangangalaga ko. Tumayo na siya sa kinauupuan at walang lingon-lingong naglakad palabas at palayo. I tried to call her, seize her, but she consistently dragged me away. "No, Cindy. Please, don't do this to me. Mahal na mahal kita. I can't live without you. Please tell me this is just a dream," patuloy kong pagmamakaawa sa kaniya. Ngunit talagang sarado na ang tainga niya para makinig. "I'm really sorry..." "Why?" Ngunit hindi na niya nasagot ang tanong ko. Tuluyan na siyang nakatalikod at nakapaglakad palayo. Hanggang sa mayamaya nga ay may tumigil na sasakyan sa tapat niya. And I saw a man opened the door for her. Hindi ko kita ang hitsura nito dahil nakatungo. Tumingin pa sa akin si Cindy bago siya tuluyang lumulan ng sasakyan at maisara iyon ng lalaki. Then they went away, hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanila until they completely disappeared. It's a dream. I know it's a dream. Because Cindy could never do this to me. She loved me so much. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi pa rin ako nagigising? And why do I feel this kind of pain inside my chest? My heart. The rain suddenly started to fall at bakit ramdam ko ang pagbuhos ng pighati sa aking katawan? Is this really a dream? Then I need to wake up now. Now...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook