bc

Trapped With My Ex

book_age18+
3.7K
FOLLOW
25.4K
READ
billionaire
forbidden
goodgirl
independent
CEO
mistress
drama
nanny
substitute
Neglected
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED ❤

Franchesca Madrigal – ang babaeng isinantabi ang pansariling kaligayahan para sa Inay niyang nangangailangan ng matinding gamutan. Tinanggihan niya ang alok na kasal ng kanyang Long time boyfriend na si Lorenzo Monte Carlo.

Nagamot nga ang puso ng Inay niya pero puso naman niya ang nawasak ng mabalitaan niyang nagpakasal na ito sa babaeng ipinagkasundo dito ng mga magulang.

At sa muli nilang pagkikita ay malalaman pa niya na ang batang inaalagaan niya ay anak pala ng dati niyang kasintahan. Magagawa ba niyang pagsabayin ang poot at galit nito dahil sa pag-iwan niya at sa ugali ng anak nito na halos ika-baliw niya?

chap-preview
Free preview
TWME 1- Hard Decision
Nasa labas ako habang nagsasampay ng aking nilabhan ng may pumaradang magarang kotse sa aming harapan. At natuwa ako ng mapagsino ang lulan ng sasakyang iyon. "Oh-Lola! Ikaw po pala? Kelan ka pa po nakabalik dito sa pinas?" Hindi magkamayaw na tanong ko ng makalapit ako. "Kahapon lang hija. At sinadya talaga kita dito. Alam kong magaling kang mag alaga ng bata at alam kong matutulungan mo ako," Ani Lola Madrid. Nakilala ko ito sa Singapore noong OFW pa lang ako. Natuwa siya sa akin ng nakita niyang may tunulungan akong matanda na makatawid sa napakalaki na kalsada. "Ano po ang ibig mong sabihin Lola Madrid?" Nagtataka na tanong ko. "Nangangailangan ang apo ko ng mag-aalaga sa anak niya. Walang tumatagal eh, nito nga lang nakaraang araw ay umalis na naman ang yaya ni Joshua. Paano mahilig mantrip ang apo kong iyon. Naghahanap ng atensyon sa mga magulang kaya lang busy naman trabaho kaya bihira lang na makasama ng bata." Mahabang kwento ni Lola Madrid. Naguguluhan ako pero hindi ko ipinahalata sa matanda. Gusto ko na rin sanang magpahinga bilang Yaya. Sa dami ko ba naman inalagaan sa ibang bansa. Although mabait naman ang mga bata doon pero nakakapagod pa rin sa katawan ang pag-aasikaso. Tapos sabi pa niya mahilig daw mantrip ang bata. Baka bago ako makalabas sa bahay na iyon ay ubos na lahat ng buhok ko sa katawan! "Hihintayin ko ang sagot mo hanggang bukas, Iska. Pero sana ay pumayag ka. Malaki na rin ang tiwala ko sa iyo. Alam kong mapapatino mo ang anak ng apo ko." Nakangiting sambit ni Lola Madrid saka nagpaalam na rin kaagad. "S-sige po, Lola. Maraming salamat po sa pagdalaw." Isang tipid na ngiti ang naging pabaon ko kay Lola Madrid. Isang buwan pa lang akong nakakauwi mula sa Singapore. Nagtrabaho ako doon bilang Yaya ng dalawang batang lalaki at isang batang babae. Iniwan ko ang buhay ko dito sa Pilipinas upang ipagamot ang nanay kong may sakit sa puso. At sa awa ng Diyos ay naging successful ang ginawang operasyon kay nanay. Naging maayos na siya ulit. At nagpapasalamat ako sa naging donor ng puso ni nanay noon. Ngunit na gamot nga ang puso ni nanay pero puso ko naman ang nawasak. Tinanggihan ko ang alok na kasal ng taong matagal akong minahal. Inalagaan niya ako at nirerespeto. Pero ganun lang ang iginanti ko sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung kamusta na kaya siya ngayon? Nasaan na kaya siya? Pero hindi ko dapat siya iniisip ngayon dahil alam ko na may asawa at anak na siya. *FLASHBACK* "NAY? Ano pong problema? Masakit na naman po ba ang dibdib mo?" Puna ko kay nanay. Nakita ko siyang napaupo sa upuan naming kawayan habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Wa-wala i-to a-anak.. wag mo akong intindihin–" nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak si nanay! Agad kung tinakbo ang kinaroroonan ni nanay. Sinalo ko ang ulo niya na muntik ng nauntog sa sahig. "Inay! Ang inay ko! Tulong! Mga kapitbahay! Tulungan niyo po ako! Ang inay ko!" Umiiyak na sigaw ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong alam sa First Aid! "Oh bakit Iska! Anong nangyari?" Dumating si Joaquin na humahangos–nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang yakap yakap ko na si nanay. Agad niya akong dinaluhan at kinarga si Nanay. Isinakay niyo si Inay sa pampasadang tricycle niya. Kinuha ko lang ang bag ko at sumakay na rin ako upang maalalayan ko si Nanay. Sumakay na rin siya at pinaandar na ang tricycle. Mabilis na pinatakbo habang panay ang busina sa kalsada upang ipaalam na emergency ang kanyang byahe. Nakatingin lang ako kay nanay na walang malay. Itinapat ko ang tainga ko sa dibdib niya. Naririnig ko pa ang munting t***k noon pero alam kong hindi na normal iyon. Mabagal iyon kumpara sa t***k ng normal na paghinga. "Joaquin! Bilisan mo si Nanay!" Sigaw ko na lang sa kanya. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng nanay anumang oras. Naramdaman ko na mas lalo niyang binilisan at mas umingay ang pagbusina niya sa kanyang tricycle. "Inay! Kapit lang po ah! Huwag mo po akong iiwan! Hindi ko po kakayanin!" Umiiyak na ako. Todo hagulgol na ako. Nakayakap na lang ako kay nanay habang wala pa rin siyang malay. "Nandito na tayo Iska!" Sigaw ni Joaquin. Huminto ang tricycle na sinasakyan namin. Agad na bumaba si Joaquin mula sa likuran. Kinuha niya si Inay habang yakap ko. Binuhat niya at agad tinakbo sa emergency. Nakasunod lang ako sa kanya. Nang makita naman ng mga nurse at doctor ay agad nilang dinaluhan ang inay ko. Kumuha sila ng stretcher at agad na inihiga ang inay ko roon. Pinulsuhan nila at hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi nila. Si Joaquin ang nakikipag usap sa kanila. Kinabitan kaagad nila si inay ng swero. Sobrang iyak na ako ng iyak. Nakahawak ako da stretcher ni nanay. Itinulak na namin ito papuntang ICU. Hanggang sa naiwan na kami sa labas ng pinto at sinabing maghintay na lang kami dahil bawal daw kami pumasok sa loob. Umiiyak na lang ako habang naka tanaw kay nanay habang unti-unting sumasarado ang pintuan. Napaupo ako habang nakasapo ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Itinayo naman ako ni Joaquin at agad na niyakap. "Tahan na... magtiwala lang tayo sa Diyos, magiging maayos din ang kalagayan ni Inay Perla." Pagpapakalma sa akin ni Joaquin habang hinahaplos ang likod ko ng kanyang kamay. Kaibigan ko si Joaquin. Palagi siyang naandyan sa tabi ko sa tuwing kakailanganin ko siya. Namamasada siya ng tricycle na pagmamay-ari ng kanyang tatay. Napakabait niya at napakamatulungin lalo na sa amin ni nanay. Makalipas ang ilang oras ay halos sabay kaming napatayo ni Joaquin ng bumukas ang pintuan niyon at lumabas ang isang babaeng Doctor. Lumapit agad ako at tinanong kung ano ang kalagayan ni Nanay. "Doc, kamusta po ang Inay ko?" Nagsusumamo na tanong ko. "Tatapatin na kita Hija. Malubha na ang kalagayan ng iyong inay at kailangan niyang maoperahan sa lalo't madaling panahon." Kalmado pang sabi ng Doctor, ngunit ang katawan ko ay nanginginig na. Una kong naisip ay kung saan kami kukuha ng pera na pambayad dahil batid kong hindi biro ang halaga ng isang operasyon. "S-sige po, Doc. Gagawa po ako ng paraan…" nanlulumong pahayag ko. "Sige. Puntahan mo na lang ako kapag nakapag desisyon kana kung kailan ang desisyon mo. I'll just check some patients, maiwan ko na muna kayo." aniya na ngumiti ng tipid sa akin. "Salamat po, Doc." Mapait na turan ko. Nakasunod lang ako ng tingin sa doctor habang papalayo ito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Joaquin.." nanlulumong saad ko at muli na namang tumulo ang luha ko. "Dito ka lang, baka sakaling may mahiraman ako ng pera." Napatingin naman ako kay Joaquin ng magsalita ito. Hilam pa ang mga mata. Gusto ko mang tanggihan ang bagay na iyon ay hindi ko magawa dahil alam kong kailangan ni inay ng malaking halaga. Ilang sandali pa ay ikinalma ko na ang sarili ko. Ayaw kong makita ako ni Inay na nanghihina ako. Kailangan maging malakas ako sa harapan niya para hindi siya mawalan ng pag asa. Sumilip ako sa silid kung nasaan siya at lalo akong napaiyak ng makita ang kalagayan niya. Ang daming nakakabit apparatus sa katawan niya. May swero sa kamay at at meron din nakakabit na oxygen. Pumasok ako at dahan-dahan na lumapit kay Inay. Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng hinihigaan niya at hinawakan ang kamay. "Kapit ka lang po Inay, may awa po ang Diyos sa atin. Gagaling ka at magiging malakas pa kagaya ng dati. Matagal na panahon pa po tayong magsasama kaya laban lang po ha? Nandito lang po ako para sayo." Madamdaming saad ko kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Muli na namang nangilid ang luha ko. Kahit anong gawin kong pagpapalakas sa sarili ko ay hindi ko magawa lalo na kapag nakikita ko ang kalagayan ng inay ko. "Oh, Iska! Kamusta na ang Inay mo? Nagkamalay na ba?" Tanong ni nanay Remi na nanay ni Joaquin. Nakisuyo ako kay Joaquin na bantayan na muna si Inay kahit isang araw lang dahil may kailangan lang akong puntahan. Noong isang araw ko pa ito pinag iisipan. "Wala pa rin pong malay si Inay. Siguro dahil na rin po sa mga gamot pero baka mamaya po ay maging maayos na rin po si inay." Positibong sabi ko. "Sana nga, Iska. Sana nga..." nalulungkot na sabi ni Nanay Remi. Si nanay Remi ay matalik na kaibigan ni Inay. Kaya naman ganun na lang ang pag aalala niya para sa nanay ko. Sinabi niya rin na tutulong siya sa pagbabantay kapag umuwi na si Joaquin. Kinuha ko lang ang ilang dokumento sa bahay namin at dumiretso na ako sa talagang pakay ko. Kung noon ay nagdadalawang isip pa ako pero ngayon ay buo na ang loob kong ituloy ito. "Mabuti naman Iska at nagbago ang desisyon mo," ani ni Aling Purita. "Kailangan ko po kasi talaga ng malaking pera para sa operasyon ng Inay ko. Makikiusap po sana ako kung pwede rin akong makapag-advance ng pera sa inyo." Determinado na saad ko. "Pwede naman hija, kaso hindi rin ako pwedeng magpahiram ng masyadong malaking pera. Nasaan na ang mga papeles na sinabi ko sa'yo, dala mo na ba?" Kapagkuwan ay tanong ni Aling Purita. "Opo. Dala ko na… ito po." Abot ko. Medyo nag-aalangan pa akong iabot iyon. Wala na sana akong balak ituloy ang pangingibang bansa pero mukhang dito ako nilalagay ng tadhana. Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng basta ko na lang panoorin ang Inay ko habang nauubos ang kanyang buhay. Nagpaalam na ako kay Aling Purita dahil babalikan ko pa si Inay sa hospital. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog iyon. Enzo is Calling… Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon o hindi. Napabuntong hininga. Tinitigan ko muna iyon ng ilang segundo bago ko pinindot ang answered button. "Hi babe!" Bungad ni Enzo. Natigilan ako. Na-miss ko bigla ang boses niya. "I miss you, babe… did you miss me too?" Masiglang sabi pa nito. "A-ako rin, na-miss din kita." Tila nagtatalo ang isip at puso ko. Iniisip pa lang na matagal na mawawalay sa kanya ay parang hindi ko na kakayanin. Pero mas hindi ko kakayanin kung mawawala ang inay ko. "Nandito ako sa bahay niyo pero wala ka. Asan ka? Kasama mo ba si Inay Perla?" Natigilan naman ako at napasapo sa noo. Oo nga pala! Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang nangyari kay inay. "Hindi ko kasama si Inay. May inasikaso lang ako. Pauwi na rin ako. Hintayin mo ako dyan sa bahay." Sabi ko. Pinutol ko na ang tawag at nagmamadaling pumara ng sasakyan. Excited akong umuwi. Kailangan ko na rin sabihin sa kanya ang plano kong pag-alis. Nang makarating ako sa bahay ay tahimik ang paligid. Napaisip naman ako kung nasaan siya. Sabi ko hintayin niya ako dito. Umalis na kaya siya? Medyo natagalan din kasi ako dahil sa traffic. Naisip kong baka nainip na siya. Bagsak balikat akong binuksan ang pinto ng bahay. Pero pagbukas ko ay nagulat ako ng makita ko ang tatlo kong mga kaibigan na sina Loraine, Alexa at Amelia. Mukhang kararating lang galing sa ibang bansa at dito na dumiretso. "Surprise!" Sabay sabay na sigaw nilang tatlo. Nanlaki ang mga mata ko ng isa-isa nila akong yakapin. Sa sobrang pagkagulat ko ay halos hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nang makabawi ay tumulo na ang luha ko. "Namiss ko kayo mga bakla!" Sabi ko sabay hagulhol ko. "Namiss ka na rin naman. Diba girls?" Ani Alexa. "Oo, bakla! Akala ko nga nakalimutan mo na kami!" Sabi ni Amelia na mahihimigan pa ng pagtatampo. "Nawalan na kami ng balita sayo after ng graduation natin. Mabuti na lang at kinontak kami nitong si Lorenzo dahil may surpresa daw siya para sayo at dapat daw hindi kami mawawala," ani Lorraine. Nang marinig ko ang pangalan ni Enzo ay tila ngayon ko lang ulit siya naalala. Itinuro ni Lorraine gamit ang nguso niya ang kinaroroonan ni Enzo. Humarap ako sa gawi nito. Nakita ko siyang nakaluhod habang may hawak na maliit na kahon na kulay pula. Binuksan niya iyon kaya napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwala sa nakikita. "Franchesca Alonzo, Will you marry me?" Malawak ang ngiting sabi ni Ace. Ninamnam ko ang sandaling iyon. I was about to answered him a "Yes" nang biglang pumasok sa isip ko ang Inay Perla ko. At ang plano kong pag-alis ng bansa. Nawala ang ngiti sa labi ko. Maging siya ay naguguluhan na rin sa pagbabago ng reaksyon ko habang nakatingin sa mga mata ko. Ang maingay kong mga kaibigan ay tila napipi rin at nawalan ng boses. "P-patawarin mo ako Enzo, pero hindi ko matatanggap ang alok mong kasal…"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook