bc

My Step Brother Hates Me

book_age16+
8.0K
FOLLOW
31.1K
READ
revenge
arrogant
independent
stepbrother
heir/heiress
drama
twisted
enimies to lovers
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sa una palang ay mainit na ang dugo ni Johann sa kanya dahil kamuntikan na itong maaksidente dahil sa kanya. Hindi maganda ang una nilang pagkikita na sinundan pa ng hindi inaasahang pangyayari at kinailangan pang makitira nina Janelle sa pamamahay ng mga ito na lalong hindi nagustuhan ng binata. Nagkaroon ng cancer sa buto ang Mommy ni Janelle at inofferan sila ng Daddy ni Johann na tutulungan maipagamot basta doon sila titira sa mansyon ng mga ito. Hindi na nagdalawang isip si Janelle at mabilis na pumayag para sa kapakanan ng kanyang Mommy.

Hindi naman nagustuhan ni Johann ang ideya na iyon. Ginawa ni Johann ang lahat ng kasamaan sa kanya para mapalayas lang sya. He almost r**e her but Janelle tolerate him.

Nagtataka sya kung bakit ganun nalang ang galit nito sa kanilang dalawa ng Mommy nya.

"Why he hates me so much?"

"Ano bang nagawa ko sa kanya?"

Mga katanungan na gusto nyang bigyan ng sagot.

Pero hanggang kelan nya kakayanin ang mga pamamahiya nito sa kanya para lang mapaalis sya sa bahay ng mga ito.

She's living like a hell!

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Bye Mom! Alis na po ako!" Paalam ni Janelle sa kanyang Mommy na nakasandal sa hamba ng pinto habang nakatanaw sa kanya papalayo. "Bye anak, mag iingat ka sa daan!" sigaw pa nito at pilit inaabot ng tanaw ang anak. Nasanay na si Janelle na tuwing umaga ay naglalakad lang papunta sa eskwelahan na pinapasukan nito. Ni minsan ay hindi nito ginamit ang ibinibigay na allowance sa kanya ng Mommy niya. Nanghihinayang din siya kaya imbis na gastusin para ipamasahe sa tricycle o sa jeep ay iniipon na lang niya iyon. Pantulong na rin sa puhunan para sa pagbebenta ng mommy ng juice sa online. Nasa kabilang direksyon si Janelle ng daan papunta sa eskwelahan na pinapasukan nito kaya kaylangan muna niyang tawirin ang malawak na kalsada bago makarating doon. Sanay na si Janelle sa ganoong routine. Noong una nga ay natatakot pa siyang tumawid dahil minsan ay may malalaking truck na dumadaan pero kalaunan ay nasanay na rin naman ito. Tumingin muna si Janelle sa kaliwa at sa kanang bahagi at ng masigurado nitong walang sasakyan na paparating ay tumawid na ito sa isang pedestrian lane. Medyo mabagal pa ang paglalakad nito dahil tahimik naman ang kalsada at walang sasakyan, Kampante pa siyang naglalakad patawid sa kabilang kalsada ngunit nang nasa gitna na si Janelle ay may biglang may sumulpot na motorsiklo na hindi niya alam kung saan nanggaling at napakabilis pa ng takbo nito. Nahintakutan siyang bigla. Natigilan sa gitna ng kalsada at hindi makagalaw. Pakiramdam niya ay nanigas ang buong katawan niya. Gosh! Katapusan ko na ba? Tanging nasambit niya. Sa tindi ng kabang nararamdaman ni Janelle ay napapikit na lang ito habang yakap yakap ang mga libro sa dibdib at hinintay na lang ang motor na banggain siya dahil huli na rin naman kung iiwas pa siya ng daan. Ilang segundo ang lumipas. Tahimik ang paligid. Nagtaka naman si Janelle ng walang motorsiklo ang bumangga sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag. Iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang buong paligid ng kalsada at nanlaki ang mga mata ni Janelle dahil nakita niya ang lalakeng nakahandusay sa gitnang kalsada, ganun din ang motor nito. Tinakbo kaagad ni Janelle ang kinaroroonan nito para sana tulungan ang lalakeng makatayo pero pabalya nitong tinanggal ang mga kamay niya na nakakapit sa braso nito saka tiningnan ng masama si Janelle. Nagulat naman si Janelle sa ginawa ng lalake ngunit hindi na niya iyon pinansin bagkus ay sinundan pa ang tumayong lalake na nagpunta sa gilid ng kalsada dahil nasa gitna nga naman sila nakapwesto. Nag aalala si Janelle na dinaluhan ang lalake. "Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?" pag aalalang tanong pa niya sa lalake pero matalim lang siya nitong tiningnan. "Hindi mo ba nakitang may motorsiklo na paparating? Kung hindi ako nakapagpreno malamang patay ka na ngayon! Alam mo ba yun?!" Asik nito kay Janelle. Nagpantig naman ang tenga ni Janelle sa narinig mula sa lalake dahilan para salubungin na niya ang galit nito. Ang lagay ay parang kasalanan pa niya na muntik na siyang mabangga nito? Ipapahamak ba niya ang kanyang sarili? Hindi pa siya nababaliw! "Aba! Teka nga! Sa tingin mo ba ang kalsada ay isang racing track? Na kung makapagmaneho ka ay napakabilis na hindi mo na magawang magpreno sa ganoong sitwasyon?" galit na wika ni Janelle sa lalake. Kung makapagsalita ito akala mo ako lang ang may mali. Pero hindi ko na isinatinig iyon. "Kahit na dapat nung nakita mo ako bumalik ka na lang ulit e di sana hindi ako natumba dahil sa biglang pagpreno!" nakakunot ang noong asik pa rin nito sa kay Janelle. Mataas pa rin ang timbre ng boses nito. "At dapat nag iingat ka rin sa pagmamaneho mo. You almost hit me at isa pa nasa pedestrian lane ako kaya wala kang laban sa akin kung nabangga mo nga ako!" sigaw rin ni Janelle habang nakikipag sukatan ng tingin sa lalakeng kaharap. Akala mo kung sinong magsalita! Siya na nga ang mali! Tiningnan lang si Janelle nito ng masama. Aalis na sana ang lalakeng nasa harap niya ng mapatuon ang kamay nito sa semento. Napangiwi ito. Nakita naman ni Janelle na bahagyang nasaktan ang lalake ng mapatuon sa semento ang kamay nito kaya para itong nakuryente at agad din na iniangat ang kamay at nakita pa ni Janelle na may dugo iyon. "T-teka? Dugo?!" halos magpanic pa si Janelle knowing na maliit lang naman ang sugat ng lalake, parang galos nga lang iyon kung tutuusin pero dahil kalsada ang binagsakan ay nagalusan kamay nito na mukhang anak ng mayaman. Kukunin sana ni Janelle ang kamay nito nang tabigin na naman nito ang kamay niya. Nainis siya sa lalake at sinamaan ito ng tingin na parang sinisindak. "Anong gusto mo kusa mong iaabot yan sa akin o sapilitan kong kukunin yang kamay mo?" matapang na sita ni Janelle. "Siya na nga itong tutulungan, siya pa itong galit! Sarap upakan ng isa eh!" maktol pa ni Janelle sa sarili. Napansin naman ni Janelle na bahagya nitong tiningnan ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa. Nailang naman siya sa ginawang pagsuri ng lalake sa kanya. Aba! At balak pa yata akong manyakin ng gagong to! Pakiramdam ko ay tinatantya nito ang katawan ko kung may laban ba ako sa kanya o wala. Aba! Kahit maliit ako at 5'1 lang ang height ko. Hinding hindi ko siya uurungan! Pero napalunok ako ng tatayo na ito kaya kinuha ko na lang ang kamay nito upang gamutin ang sugat. Good thing dahil hindi na ito nagpumiglas pa. Pabebe rin ito eh! Sa isip isip naman ni Janelle. Napansin niyang makinis at malambot ang palad nito. Halatang hindi naghuhugas ng plato! Pagtingin niya sa kamay ay gasgas nga lang iyon pero hindi simpleng gasgas lang dahil may kaunting tulo ng dugo. Napangiwi pa si Janelle dahil pakiramdam niya ay siya ang nasasaktan dahil sa sugat nito. "Sa pagkakaalam ko ang mga nakamotor ay nagsusuot ng gloves? So, bakit ikaw wala kang suot? Isa pa alam ba ng mommy at daddy mo na ganyan ka kabilis magpatakbo ng motorsiklo?" sermon pa rito ni Janelle kahit hindi pa naman niya nakikilala ang lalake. Nagawa pa niya talaga pagalitan ito habang tinatanggal ang pagkakatali ng kanyang panyo sa kanyang mahabang buhok para itali sa may sugat na kamay ng lalake. Lumaylay tuloy ang kanyang mahabang buhok. Tinitigan naman siya ng lalake at ng mapatingin si Janelle dito ay bumalik na naman ito sa pagiging masungit na awra nito. "Pwede ba wag mo akong sermonan at wag mo rin akong turuan nang mga bagay na dapat kong gawin dahil hindi na ako bata!" sigaw ulit nito sa kanya. Tss! Hindi na raw bata pero kung umasta parang bata. Biglang nagsungit na naman samantalang kanina lang habang inilalagay niya ang panyo sa kamay nito ay malambot ang mukhang nakatitig lang ito kay Janelle na parang si Janelle na ang pinakamagandang babaeng nakita nito. Pinagmamasdan ang mukha ni Janelle na animoy tinatandaan ang bawat sulok at kurba nito. Nakatitig sa mata, sa ilong at sa labi niyang mapupula. Napapalunok pa nga ang lalake pero agad din nagiwas ng tingin kay Janelle ng makita nitong tumingin na na si Janelle sa mukha nito. Tumayo na ang lalake na dala dala ang helmet nito na nakapatong sa may tagiliran. Pinuntahan nito ang nakatumbang motorsiklo at walang kahirap hirap na itinayo iyon.. Tantya ni Janelle, sa laki ng katawan nito ay kayang kaya siya nitong ibalibag at itapon na lang kung saan. Pinagmasdan lang ni Janelle ang malaking katawan nito habang nakatalikod sa lalake. Pinasadahan naman ng lalake ng tingin ang motor na wari'y sinusuri kung may gasgas ba o wala. Mas nag alala pa talaga sa motor niya ang gagong 'to! "Pasalamat ka walang gasgas o sira ang motor ko kundi sisingilin ko sayo lahat ng magagastos ko sa pagpagawa ko dito," sinamaan na naman siya ng tingin ng lalake. Halos mag isang linya na ang makapal na kilay nito. "At kasalanan ko pa talaga? Ikaw tong hindi nag-iingat dyan isa pa humingi na ako ng sorry sayo kahit ikaw na ang may mali," pangangatwiran naman ni Janelle. Tama naman ang sinabi niya diba? Saka si Janelle ang tipo ng babae na hindi nagpapatalo kahit kanino. "Shut up! Alam mo para kang matanda kung makapagsalita at manermon! Dinaig mo pa ang lola ko!" pang uuyam pa nito. Parang natuwa pa sa naging reaksyon ni Janelle na hindi na maipinta ang mukha dahil bahagya pa itong tumawa. Samantalang si Janelle ay halos umusok na ang ilong sa inis! Aba't ang lalakeng to? Sinabihan pa talaga ako ng parang matanda at daig pa ang lola niya? Anong tingin niya sa akin? Gurang? Akmang susuntukin ni Janelle ang lalake sa mukha pero tiningnan ulit siya nito ng nakakaloko kaya napatigil ang kamao ni Janelle sa ere. Pinausad ng lalake ang motorsiklo at lumayo kay Janelle. Lalong nag init ang sistema niya. "Talagang inuubos ng lalakeng ito ang pasensya ko ah." Lalapitan sana ulit ni Janelle ang lalake pero agad ding sumakay sa motorsiklo nito. Ngunit bago umalis ay lumingon pa ulit ito sa kinaroroonan niya. "Let's separate our way at wag na sanang magtagpo ang mga landas natin. Baka kung ano pang magawa ko sayo! Tapos!" sigaw nito at pinaharurot na ang motorsiklo. "Hindi pa tayo tapos!" sigaw rin ni Janelle dito pero alam naman nyang hindi na siya maririnig ng lalake dahil malayo na agad ang narating nito. Wala talagang kadala-dala. Sinundan na lang ni Janelle ng tingin ang pigura ng papalayong lalake at nailing iling na lang sa inasal nito. "Napakaarogante!" "Bastos!" "Walang modo!" Para siyang baliw na sumisigaw at nagsasalitang mag isa sa gitna ng kalsada. Gustong mailabas ang inis na nararamdaman para sa lalake sa kahit na anong paraan. Ipinapatuloy na lang ang kanyang paglalakad ngunit maya maya ay nakarinig na naman si Janelle ng tunog ng mabilis na takbo ng motorsiklo kaya naman mas binilisan na ang kanyang hakbang. Pagtingin niya ay bumalik ang mokong! Itinaas nito ang salamin ng helmet at sinabing... "Bye! Bubwit!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook