bc

Kasindak-sindak Na Grim Reaper Game

book_age12+
detail_authorizedAUTHORIZED
297
FOLLOW
1.2K
READ
evil
horror
MMORPG
like
intro-logo
Blurb

"Gusto mo bang makaranas ng isang laro na talagang libre habang buhay? Gusto mo ba ng buhay na puno ng thrill? Sumali na sa Grim Reaper game! Makaka-encounter ka ng kasindak-sindak na mga pagsubok, bilang isang Grim Reaper o multo. Ikaw mismo ang mag-dedesisyon kung ang anong klaseng Grim Reaper ka."

Nag-download ako ng larong libre habang buhay, pero pinagsisisihan ko ito. Ngayon, alam ko na ito ay isang laro na buhay ko ang nakataya…

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Isang Libreng Laro
Minsan, ang mga emotional scars ay talagang mahirap hilumin. Simula nang umamin ako sa babaeng nagustuhan ko at na-reject, nahumaling ako sa lahat ng klase ng mobile games. Nawalan ako ng ng kontrol. Naglaro ako ng mobile games sa klase, sa dormitoryo, sa canteen, at kahit habang naglalakad ako at kumakain. Talagang hindi na ako matapos maglaro. "Ganyan ka ba talaga ka-enjoy sa mga mobile games?" Minsang tinanong ako ng mga kasama ko. Sa totoo lang, wala silang ideya na pinipigilan ko lang ang damdamin ng pagkabigo at kalungkutan. Ang tanging paraan para maiwasan ko ang labis na kalungkutan ay kung ilalagay ko ang lahat ng atensyon ko sa mga laro. Gayunpaman, minsan ay natatakot nang sa walang partikular na dahilan. Paano kung ang mga mobile phone ay biglang nawala sa mundong ito? Mabubuhay kaya ang mga taong katulad ko? Nang tumingala ako at napagtantong lahat ng mga college students sa paligid ko ay patuloy ding nakatingin sa kanilang mga mobile phones, gumaan ang pakiramdam ko. Sa paglalaro ng maraming mobile games, nakarating ako sa isang konklusyon. Wala sa mga laro na nagsasabing 'libre' ang tunay na libre. Magagawa ba ng sinuman na manatiling kalmado kapag na-realize nila na ang mga players na nagbayad sa mga laro ay may mas mataas ang levels, may mas magandang na items, at mas madaling silang durugin sila sa mga larong iyon? Mayroon bang tunay na libreng laro sa mundong ito? Sa huli, nakahanap talaga ako ng laro na libre habang buhay. Gayunpaman, pinagsisihan ko ang paglalaro nito dahil buhay ko mismo ang nakataya. Isang Biyernes ng gabi, mag-isa lang ako sa aking dormitoryo at walang magawa. Dahil weekend noon, lahat ng kasama ko ay lumabas sa mga date kasama ang kanilang mga kasintahan. Ang mga walang syota ay nagpunta naman sa isang cyber cafe, at malamang ay magpapalipas sila ng buong gabi sa labas. Dahil biglang inanunsyo ng isa sa mga paboritong kong mobile na mawawala na ito, nainip ako at nagsimulang mag-browse sa game store sa pag-asang makahanap ng kapalit na bagong larong. “Gusto mo bang makaranas ng isang laro na talagang libre habang buhay? Gusto mo ba ng buhay na puno ng thrill? Sumali na sa Grim Reaper game! Makaka-encounter ka ng kasindak-sindak na mga pagsubok, bilang isang Grim Reaper o multo. Ikaw mismo ang mag-dedesisyon kung ang anong klaseng Grim Reaper ka." Nag-download ako ng larong libre habang buhay, pero pinagsisihan ko ito. Ngayon, alam ko na ito ay isang laro na buhay ko ang nakataya.” Napangisi ako. Isa na namang mobile game na 'libreng laro'. Masyado ng gasgas ang term na ito. Sino pa kaya mahuhulog dito? Gayunpaman... Ang Grim Reaper game ay mukhang interesting. Horror game ba ‘to? Natukso ako ng kaunti. 'Subukan ko kaya! Anyway, pag-pinagbayad ako nito, buburahin ko nalang ito. Wala naman ‘tong magagawa sa akin.' Ang game client ay hindi masyadong malaki. Mabilis na natapos ang pag-download at pag-install. Isang classic icon ng Grim Reaper na nakasuot ng itim na balabal at may hawak na malaking scythe ang lumabas sa phone screen ko. "Makaka-encounter ka ng kasindak-sindak na mga pagsubok, bilang isang Grim Reaper o multo..." Medyo nakaramdam ako ng kaba nang walang dahilan nang maalala ko ang pangungusap na ito sa summary. Bigla akong nagkaroon ng malakas na kutob na kapag nasimulan ko ang larong ito, magbabago ang lahat. Ang buhay ko’y ganap na magbabago ... 'Hehe. Anong silbi ng labis na pag-iisip? Mobile game lang ‘to.' Natawa nalang ako at napailing. Pagkatapos ay pinindot ko ang icon. Agad na nagsimula ang laro. Maya-maya, naging itim ang screen ng phone ko. Isang bakas ng dugo ang dahan-dahang tumulo mula sa itaas ng screen. Dugong dumadaloy ang nag-mamarka sa progress bar. “Haha! Ang ganda ng design ng progress bar." Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko maiwasang abutin at hawakan ang tila makatotohanang bakas ng dugo. Naramdaman kong... malagkit ang mga daliri ko. Agad kong inalis ang mga daliri ko para tignan, pero para namang walang kakaiba. Anong nangyari? Bakit parang tunay? Imposible namang imahinasyon ko lang. Itinaas ko ang daliri ko sa ilong ko at huminga ng malalim. May kaunting amoy ng dugo. Nang muli akong tumingin sa screen, ipinakita ng progress bar na ang laro ay fully-loaded na. Nawala ang bakas ng dugo, at ang view ay naging isang mabituin, madilim, at asul na kalangitan. Unti-unting bumababa perspective. Isang bush ng mahaba at itim na d**o ang lumitaw sa harapan ko. May nag-iisang puntod sa gitna ng grass. Apat na salita ang nakaukit dito. "Place of Eternal Slumber," binasa ko nang malakas. "Gusto mo bang simulan ang laro?" May nakita akong prompt sa ibaba ng mga salita. “Hehe. Ang interesting naman nito.” Tinapik ko ang 'yes' nang walang pag-aalinlangan. Tatlong opsyon ang lumabas sa kanang bahagi ng gaming interface. Ang mga pagpipilian ay Character, Quest, at Store. Samantala, paulit-ulit na kumikislap ang isang mail icon sa kanang sulok sa itaas. Tinapik ko ang mail, at may lumabas na dialogue box. 'Congratulations sa pagsali sa Grim Reaper game. Ikaw ay isang opisyal na player ng Grim Reaper. Nakuha mo ang title na 'Scapegoat'. Mangyaring kumpletuhin ang beginner’s quest sa loob ng specified time. Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang quest panel.' 'The heck? Anong klaseng title ang 'Scapegoat'? Ampangit!' Napaisip ako. Medyo nakaramdam ako ng galit kaya tinapik ko ang quest panel. Beginner’s quest: Tumakas mula sa haunted dormitory. Mode: Single-player mode. Time Limit: Wala. Completion Reward: Sampung araw na lifespan. Quest Difficulty: Normal. Unang Hint: Ang multo ay lilitaw sampung minuto pagkatapos magsimula ang laro. Pangalawang Hint: Hindi nababaluktot ng multo ang mga kasukasuan nito. Ang katawan nito ay laging mananatili sa estado bago ito mamatay. Pangatlong Hint: Huwag na huwag kang magpapakita sa 'kaniya.' Nalaglag ang panga ko sa gulat. 'Ano... Anong nangyayari? 'Sino kaya ang gumawa ng Grim Reaper game? Prank lang ba ‘to? Bakit kailangan kong tanggapin ang random na 'quest' na ito?' Apat na salitang nakasulat sa pulang dugo ang biglang lumabas sa screen. 'Nagsimula na ang laro!' Umitim bigla ang screen. Naghintay ako ng kaunti, pero makalipas ang ilang segundo, biglang lumabas ang home page sa screen. "Anong meron? Nag-error ba? Pangit naman ng larong ito!” sambit ko. Ilang beses kong sinubukang mag-log in, pero hindi pa rin ako makapasok. Sa sobrang galit ko ay gusto kong tanggalin ang laro sa background menu. Sa sandaling iyon, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko maiwasang manginig. 'What? Mayo na. Ang panahon ay unti-unti nang uminit. Paano magkakaroon ng malamig na simoy ng hangin?' Tumingin ako sa bintana at napansin kong nakasara ito ng mahigpit. 'May mali... May mali. Bakit ang tahimik dito? Bakit wala akong marinig? Parang ako lang ang tao sa mundo,' sabi ko sa sarili ko. Kahit ako lang mag-isa sa dormitoryo, hindi dapat ganito katahimik. After all, weekend ngayon! Normally, naririnig ko ang mga tunog ng pag-awit at pagtawa mula sa katabing silid. Sa katunayan, ang aking kapitbahay ay may mga speaker pa nga habang nanonood sila ng isang pelikula na bukas ang pinto. Naririnig ko na sana ito mula sa siwang sa ilalim ng pintuan ko. Paano kaya naging ganito katahimik? 'Nakakapagtaka naman..' Bumaba ako sa aking kama. Pagkabukas ko ng pinto, tumingin ako sa magkabilang side ng hallway. Walang katao-tao. Sarado ang mga pinto sa magkabilang gilid ng dormitoryo. Bukod sa dim light sa hallway, wala na akong ibang makita. Napalunok ako, binuksan ng buo ang pinto, at naglakad papunta sa gitna ng hallway. 'Nasaan ang lahat?' nagtaka ako. Mabilis akong naglakad papunta sa katabing kwarto, Room 501, at kumatok sa pinto. “Liam! Will! Nandyan ba kayo? Buksan niyo ang pinto!" Walang sumagot! Inabot ko ang door handle at sinubukang buksan ang pinto, pero hindi ito natinag. Kakaiba ang hawakan ng pinto. Tinignan kong mabuti at na-realized kong puno ng kalawang at alikabok ang kamay ko. Pagtingin ko sa hawakan ng pinto, napansin kong kinakalawang na ito, na para bang ilang dekada na ang lumipas nang huling ginamit ito. Isang patak ng malamig na pawis ang tumulo mula sa aking noo. Ang mga nangyayari sa harap ko ay parang hindi na makatotohanan. Nanginginig kong kinuha ang phone ko at sinubukang tawagan ang mga kasama ko. Nagulat ako nang makita ko na walang reception. Ang aking phone ay out of service. Dahan-dahan akong naglakad sa hallway at napansin kong lahat ng pinto, tulad ng Room 501, ay may mga door handle na kinakalawang. Pakiramdam ko ay wala na ako sa boys' dormitory building, kundi sa isang haunted building. Nagsimula akong makaramdam ng hindi mapigilang takot. 'F*ck. Nasa haunted building yata talaga ako.' Hindi ako naglakas loob na bumalik sa kwarto ko. Sa halip, tumakbo ako diretso sa hagdan. Ang tanging nasa isip ko ay ang umalis sa building na ito sa lalong madaling panahon. Ang ikalimang palapag... Ang ikaapat na palapag... Ang ikatlong palapag... Ang ikalawang palapag... Nang makarating ako sa unang palapag ay agad akong huminto. Iyon ay dahil may natuklasan akong iba na lalong ikinatakot ko. Hindi nagtatapos sa unang palapag ang hagdanan. May mas mababang floor pa! Hindi ko napigilan ang pawis ko. Halos mawalan ako ng kakayahang mag-isip pagkatapos ng sunod-sunod na mga kakaibang pangyayari. 'Hindi ba underground na ang sunod sa first floor? Ano kaya ang nasa baba? Ito kaya ay hagdan patungong impiyerno?' nagtaka ako. Hindi na ako naglakas-loob na mag-isip pa. Wala rin akong balak na galugarin ang mundo sa ibaba. Tumakbo ako papunta sa isang malaking pinto sa dulo ng hallway. Ngunit, nawalan ako ng pag-asa nang napagtanto ko na ang pinto ay isa lamang makatotohanang painting sa dingding. Hindi ito pinto. “Ahh!” Sumigaw ako at sinipa ng malakas ang pader. Napaupo nalang ako sa sahig. 'Anong nangyayari? Dahil ba ‘to sa Grim Reaper game?' nagtaka ako. Hingal na hingal ako at ramdam ko ang t***k ng puso ko. Parang nababaliw ako, at saglit na nagdilim ang paningin ko. 'Nako, parang ‘di ko na kaya. Baka mahimatay ako sa takot bago ko pa makita ang multo.' Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Matapos magpahinga ng ilang sandali, unti-unti na akong nagpahinga. Parang walang nagbago sa paligid ko. Para akong nakakulong. Walang kabuluhan ang maghintay dito na parang sitting duck. Batay sa kasalukuyang sitwasyon, isa lang ang pagpipilian ko. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa hagdan. Tumingin ako sa ibaba at nag-alinlangan. 'Dapat ba talaga akong bumaba? May mas kakaibang ‘bagay' pa kaya ang naghihintay sa akin sa ibaba? Baka naghihintay lang 'ito' na mahulog ako sa bitag nito.' Pagkatapos ng maraming debate, nagngangalit ako at kinuha ang unang hakbang. Sa gusaling walang kalaman-laman, tanging ang mga yabag lamang ng aking mga paa ang maririnig. Hindi ko alam kung ang hagdan na ito ay patungong impyerno, ngunit wala nang balikan ito. Hindi ako isang risk taker, pero hindi ko pipiliin na maging isang sitting duck kapag walang ibang pagpipilian. Pagkatapos lumiko sa kanto, nakita ko ang numerong '-1' sa dingding sa aking kanan na nagpapahiwatig kung saang palapag na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
47.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
168.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook