bc

Niena: Monie and Monalya

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
warrior
superhero
humorous
mystery
straight
bold
multiverse
supernature earth
supernatural
gay
like
intro-logo
Blurb

Moon was said to be the home of powerful beings that look like humans. What if this story is true and not just a result of creative human imaginations? Witness the life of Monie- (gay human) and Monalya- (Cursed galactic warrior) as they transformed into a powerful superhero known as Niena to save gay people from invaders coming from outer space. Be with them as they discover the truths, fight the enemies, unleash powers, met the love of their lives, and be contented for outcomes of one's actions.

A HUMOROUS FANTASY LGBT THEMED NOVEL

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Daily Work
Monie's POV “A-alis na po ako lola,” nakangiting paalam ko sa napaka-sexy kong lola na ngayo'y nagwawalis sa labas ng bahay namin bago ako gumora kung saang lupalop man ng kalawakan. Ang sipag talaga ni lola, at ang ganda ganda pa. Lumapit ako sa kaniya upang magmano. “Oh sige, apo. Mag-iingat ka, at sanay ay maubos mo iyang paninda mo,” masayang bilin nito sa akin. Matanda na si lola pero need niya pa ring gumalaw-galaw dahil baka mas lalong rumupok ang mga buto niya kung palagi lang siyang naka-upo. Syaka, ayoko ng tamad no, baka maihagis ko siya sa ilog. Charembang! “Syempre naman po, lola no. Hindi pa po akong umuuwing zero kailan man. Parating ubos na ubos ang tinda dahil sa sarap niyong mag-luto!” pagmamayabang ko. Napangisi naman siya. “Hindi nga rin po napapansin ng mga customers natin na may langgam ang mga puto dahil sa lambot at linamnam nito,” pambibiro ko pa. “Ikaw talaga. Baka may makarinig pa sa iyo, isipin na totoo ang sinasabi mo. Oh umalis ka na at baka maunahan ka pa ng ibang tindera sa tabi-tabi. Wala ka pang maibenta.” “Okay po la, basta huwag masyadong magpapakapagod sa pagwawalis marami pa pong gawaing iba sa loob ng kubo! Joke.” Nagbiro pa ako bago lumisan nang tuluyan bitbit ang malapad na ngiti sa aking mga labi.  Kumikinang na kislap sa aking mga mata, at higit sa lahat bitbit ang aking mga paninda. Oh, bibili ba kayo riyan? Ito na naman tayo, parang kailan lang ang lumipas... gaano man kalayo pinagtatapo pa ring muli.... ay kanta ata iyan. Masyado na akong nahahaling sa pakikinig ng radyo sa kubo habang gumagawa ng iba't ibang gawain kaya nag-sink in na sa subconscious mind ko ang lyrics ng kanta. Bongga! “Puto! Putong puti! Bili na kayo! Ang hindi bumili ay magiging comatose! Sige kayo! Bili na. Go! Go! Go!” sigaw ko sa kahabaan ng kalye. Naghihikayat ng mga customers na bumili ng paninda ko. Buti nalang at maraming tao sa labas ngayon. Sana ay hindi pa sila nag-aalmusal para maisipan nilang tikman kung gaano kasarap ang mga putong puti na gawa ni lola. Mukhang hindi nila ako naririnig ah. Wala silang inaksyon sa much. Puwes ay sisigawan ko sila mismo sa mukha nila nang wala na silang kawala pa. Ayan, lalapit ako kay ate na mukhang nagpupunas ng dagta ng malunggay sa face nito dahil grabe ang pagbabalat. “Hoy, ate! Bumili ka na! Alam mo ba na hindi mo na kailangan pang gumamit ng kahit anong whitening products na makikita mo sa bayan dahil kapag kinain mo ang puto namin ay magiging kasing lambot, puti at kinis ka nito!” saad ko kay ate. Mukhang naniniwala naman siya sa sinasabi ko. “Hmmm… totoo ba iyan!? Baka hindi ah!” pagdadalawang isip niya habang naka-nguso. Sa tingin ko ay nakaka-angat siya ng ilang pulgada sa lipunan dahil napansin ko ang bongga nitong bag na kulay silver. Iyon ang isa sa bag na favorite kong bilhin ang kaso ay wala akong pera. “Naku, ‘te! May gluta ‘to no! Syaka ano iyon... vitamin E and finally it is dermatologically tested,” pagkumbinsi ko. “Huwag mo na akong sine-sales talk no! Kahit hindi iyan nakakaputi ay bibili pa rin ako dahil mukhang ang sarap. Amoy pa lang, nanghahatak na ng sikmura!” wika niya. “Ay ayon naman pala! Bibili ka rin naman pala, hinayaan mo pa akong mag-ubos ng laway dito kaka-say.” Mahina ko siyang hinampas sa braso nito. Akala ko ay magagalit siya. Buti nalang at natawa ito. “Ilan ba?” tanong ko pa. “Magkano ba isa?” “Dos lang, ate. Sulit na sulit ang dalawang piso mo...” Hindi na ako pinatapos nito sa pagsasalita ko dahil sumabat na siya. “Itigil mo na iyang bibig mo! Ang dami mong sinasabi. 15 pieces ang kukuhain ko. Bilis dahil uuwi na ako. Baka ma-late na sa school ang mga anak ko,” turan niya. “We? May anak ka na?” Tumango siya. “Hindi halatang may anak ka na ‘te! Parang kang 4 years old lang ganern!” salita ko habang naglalagay ng puto sa plastik. “Bakla ka ng taon! Dagdagan mo ng niyog ha! Gustong gusto iyan ng mga anak ko,” salita niya. “Sure, ate! Niyog lang naman pala ang request mo. Marami tayo niyan kaya't 'wag kang mag-alala,” sagot ko. Nang makapaglagay ako ng 15 pieces ng white puto sa plastic at nag-pour ng maraming niyog ay inabot ko na sa kaniya iyon dahil nagmamadali ang lola niyo. “Oh.” Binigay niya ang bayad sa akin. Buti nalang at sakto ito dahil wala pa akong panukli ngayon. 'Di ba nga't may kasabihan tayo na barya lang sa umaga? Kaya dapat iyon ang sundin niya. “Salamat ate, pagpalain ka nawa ng mga bathaluma sa Encantadia, tutal naman ay may kamukha kang character roon.” “Oh, talaga ba? Si Reyna Minea ba 'yan?” kinikilig niyang tanong habang pumipikit-pikit pa ang mga luwa niyang mata. “Si nunong Imao 'teh,” sagot ko. Parang nagbago agad ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ata siya natutuwa? “Pero kapag kinain mo iyang puto namin! Magiging kamukha ka na ni Reyna Avria! Oh huwag ka nang choosy ah! Hindi ka rin kagandahan!” pambabawi ko. “Sabagay, ayos na rin si Reyna Aviria kaysa kay nunong imao,” salita niya at umalis na bibit ang mga putong binili niya sa akin. “Ingat ka ate! Salamat! Next time ulit wah!?” sigaw ko pa rito. Oh ganiyan ang tamang paglalako ng paninda. Dapat samahan natin ng humor para naman ganahan ang mga mamimili sa produkto natin at maging interesado silang alamin kung ano ang kakaibang bagay na hatid ng ating paninda sa kanila. Hmmm... this is my everyday life na. Kung mapapansin niyo ay hindi na ako nag-aaral dahil kailangan kong buhayin ang sarili ko pati na rin si lola. Hindi ba't matanda na nga si lola at hindi na niya kaya pang maglakad-lakad ng malayo. Hindi na siya makakapagtinda kaya ako nalang. Isa pa, nag-gagamot na ito kaya hindi rin sapat ang kinikita ko sa pagtitinda upang maisingit ko pa ang pag-aaral ko. Darating din naman tayo riyan, baka kapag mga 80 years old na ako ganern. Ugod-ugod na no, pero education naman has no age e. Kaya who knows? Only God. “Monie! Pabili ng putong puti mo!” May sumigaw sa pangalan ko. Parang bibili siya kaya bumuka ng todo ang tainga ko at narinig ang pagtawag niya. Nang malingon ko ito ay nakita ko si Alfred. Akala ko naman ay kung sino na, siya lang pala. “Oy, ang aga mo ata. Naka-sampa ka na?” bungad ko sa kan'ya nang makalapit ito sa akin. Hindi siya seaman no, naglalayag siya sa katabi naming ilog kaya ang ibig kong sabihin ay kung naka-sampa na siya sa bangka at kaka-ahon niya lang ganern. “Ngayon pa lang. Eh, hindi pa nga ako nag-aalmusal. Bibili sana ako ng kape dahil naubusan na ako. Buti nalang at nakita-kita rito. Na-miss ko rin iyang putong puti mo,” nakangiti niyang salita. Guwapo itong si Afred. Malaki ang katawan. Nasa 6 feet ata ang height, moreno at balbon pero tingining freshy at mukhang hindi amoy pusali. Charembang, pero iyon nga lang. Wala akong feelings sa kaniya dahil mag-frenny kami. “Naku, tamang tama nga! Na-miss mo ba talaga? Puwede ka namang gumora sa amin kung na mi-miss mo na ang putong puti ko. Gagawan ka naman ni lola,” sagot ko sa kaniya. Magkasundo kasi silang dalawa ni lola dahil ang bait niya, masipag at matino pa. Napangisi siya at napakamot ng ulo. “Hehe... ayoko nang abalahin si lola Sita dahil matanda na iyon. Bibili nalang ako sa iyo kapag nakikita kitang naglalako. Ayos ba iyon?” dahilan niya. “Ikaw ang bahala. Basta, welcome ka naman sa kubo namin na kainin ang putong puti ko.” Napangisi na naman siya sa pagsasalita ko. “Masayang masaya ka no!” bulyaw ko pa rito. “Ilan ba ang bibilhin mo? Masosora mo akong lalaki ka kahit malalaki iyang mga muscles mo sa braso ay hindi kita uurungan sa bugbugan!” hayag ko ngunit pambibiro lamang. Natawa na naman siya. “Sampu, Monie. Nakakatawa ka talaga!” ani niya. “Ikaw kasi e.” Kumukha ako ng sampung piraso ng puting puti. Naglagay ng buko at inabot sa kaniya iyon. “Salamat!” Bigla nalang siyang umalis nang makuha ang binili. Teka, may nakalimutan siya. Ang bayad. “Bayad mo Alfred! Shuta ka! Gagawin kitang adobong palaka! Manggagastog kang lalaki ka!” sigaw ko sa kaniya. Hala! Pangalawang customers ko pa lang siya. Naku. Malalagas ang balahibo ko sa katawan dahil sa kaniya. “Lista mo muna sa puso mo, Monie. Ibibigay ko bukas ang bayad huwag kang mag-alala. Kasama iyong sandatang katulad ng kay Sang're Danaya na pinapagawa mo sa akin dati,” sagot nito. Juskong lalaking iyan! Ang aga-aga nabudol pa ako. Pero nagbabayad naman siya no. Better not to worries, kailangan ko pang magtinda at maubos ito. Hayst, makapaglako na nga akong muli.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

NINONG III

read
362.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook