bc

The Rented Wife (TAGALOG)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
14.0K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
heir/heiress
drama
bxg
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ada Clementine Valentino, a timid and well-reserved woman. So living in the personality of her late sister, Ava Constance Valentino— a famous fashion model, a wild and liberated, is a challenge for her.

chap-preview
Free preview
Prologue
Hindi ko alam kung normal lang ba na isang pamilya ay mayroong outcast. Hindi ko alam kung normal din ba na sa grupo ng magkakapatid ay mayroon doon nag-iisang hindi tanggap, iyon bang pilit tinatago at ikinakahiya sa publiko? Anak din ako ng pamilyang Valentino— panganay. Pero ako iyong tipo ng anak nila na hindi kilala ng lahat. O mas magandang sabihin na hindi paborito. Nakakatawa. At the same time, nakakagalit. Ngunit anong magagawa ng galit ko? Ano mang boses ang ilabas ko, kailan man ay hindi iyon pinakinggan. Ni isang beses sa tanang buhay ko bilang anak ng mga Valentino, walang pumanig sa akin. Mga laruan noong bata kami, ako palagi ang walang nakukuha. Kailangan ko pang magmakaawa at lumuhod sa kanila na bilhan ako ng ganito at ganiyan. Minsan, talagang wala silang pakialam sa akin. Kaya ano man ang iyak ko sa harapan nilang mag-asawa, umiyak man ako ng dugo, wala rin akong napapala. Hindi ako ganoon kaimportante para pagtuunan ng pansin. Kaligayahan ko ay wala lang sa kanila. Naalala ko pa, tuwing kaarawan ko, na halos kasabay lang ng kaarawan ng kapatid ko, nakakulong lang ako sa kwarto habang lahat sila ay nagsasaya sa labas at pinagdiriwang ang mahalagang selebrasyon. Lumipas ang kaarawan ko na walang bumabati sa akin, walang yumayakap at walang nangangamusta. Kahit iyon na lang sana, kahit hindi na magarbong regalo at wala ng maraming handa. Iyong yakapin na lang sana ako at batiin din ako. Bukod sa espesyal na araw katulad ng kaarawan ko, wala rin sila noong nagtapos ako ng elementary, high school, senior high, at college. Kaya lahat ng litrato ko noon ay madalas akong mag-isa. Kahit noong recognition day dahil sa mataas kong marka, palagi rin akong top student, pero kailan man ay hindi sila nagsayang ng panahon para puntahan ako, para samahan ako. Maging sa mga PTA meeting, wala sila. Nakilala na nga ako sa school namin na walang magulang. Halos lahat ng teacher ko ay kaawaan ako. Naging tampulan ng tukso ng mga kaklase at mga kaedad ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit mas nababagay ako na itago sa dilim. Kasi wala namang espesyal sa akin, hindi ako mahalaga. Kumpara sa kapatid ko, siya ang mas nabibigyan ng atensyon. Magkaiba kami ng school na pinasukan, sadya iyon ng magulang ko. At lahat ng araw na kailangan ang magulang, naroon sila at palaging present. Tuwang-tuwa sila na kahit hindi katalinuhan ang kapatid ko, siya pa rin ang mas nabibigyan ng special award. Palagi silang lumalabas, tini-treat ang kapatid ko dahil sumabit pa sa pasang-awa ang marka niya sa school. Uuwi sila sa bahay na masaya. Habang ako ay hinihintay sila, naghahangad na sana ay ako rin. Sana ganoon din ako. Sana mahal din nila ako. Sana ako na lang si Ava Constance... Pumatak ang luha sa aking pisngi, kasabay nang malakas na hagulhulan sa paligid. Napakurap-kurap ako. Marahan kong pinasadahan ng tingin ang kabuuang lugar. Naroon sila sa gitna ng isang Memorials Park. Nasa lilim ng malaking tent at nasa gitna ang isang hukay at kabaong. "Ava!" umiiyak na sigaw ni Mommy habang yakap-yakap ang puting kabaong kung saan naroon si Ava— ang kaisa-isahang kapatid ko. "Ava! Please! Wake up!" "Emily, stop. Let go of her," ani Daddy at marahang inilalayo si Mommy upang tuluyan ng bumaba ang kabaong sa hinukay na lupa, umiiyak din siya at bakas sa mukha ang labis na kalungkutan. "No, Theo! I don't want to! She's all I have! What should I do?!" hiyaw ulit ni Mommy. Muling tumulo ang luha mula sa mga mata ko, hindi dahil sa katotohanang namatay ang kapatid ko. Kung 'di dahil sa sakit na naipon na narito pa rin sa puso ko, na palaging nagti-trigger kapag nakakarinig ako ng mga ganoong salita. She's all she has? Ano ako? Saan dapat ako lumugar? Saan ba dapat ako nararapat? Sunud-sunod na bumuhos ang luha ko. Tahimik akong umiiyak habang nakatayo sa hindi kalayuan. Nababalot ng kulay itim na tela ang ulo ko, takot na baka may makakita sa aking mukha— mas takot na mamukhaan ako nila Mommy at Daddy. Dapat ay nasa bahay lang ako, iyon ang habilin nila. Bawal akong magpunta rito at makita ng ibang kamag-anak. Bantay-sarado ako ng kasambahay namin. Nakakuha lang ako ng pagkakataon na tumakas. Ngunit masama ba na sa huling sandali ay masilayan ko man lang si Ava? Kapatid ko siya at kahit na anong inggit ko sa kaniya noon, hindi ako nagalit sa kaniya. Kailan man ay hindi ko siya sinaktan. Hindi ako nagkaroon ng sapat na rason para ipahamak siya, kahit pa ano mang tulak niya sa akin palayo. Siya iyon— siya ang mas nanakit sa akin. Isa siya sa mga naging bully ko noon, na bukod kay Mommy at Daddy, sa kaniya ako nakakatanggap ng mga masasakit na salita, sampal at sabunot. Lahat ng sakit na idinulot niya sa akin ay hindi ko ginawang dahilan para bawian siya. Tinanggap ko iyon lahat. Kasi naisip ko, ano man din ang sumbong ko kina Mommy at Daddy, siya pa rin ang mas papanigan. Kaya ngayon, hindi ko ba alam kung umiiyak ba ako sa pagkamatay niya o dahil sa katotohanang naging malaya na ako sa kaniya? Hindi ko mawari. Masama na ba ako para makaramdam ng ginhawa? Nakagat ko ang pang-ibabang labi, bumuntong hininga rin. Bago pa man din ako maabutan ng tingin doon ay minabuti ko nang tumalikod. Mahigpit kong hinawakan ang tela upang hindi maisama sa malakas na hanging bumubulusok sa lugar na iyon. Mabilis ang lakad ko, natatakot na hindi lang pagdadalamhati ang makikita ko kay Mommy at Daddy mamaya. Paniguradong galit din at pagkamuhi sa akin. Malamang nga ay nasa isipan nila na sana ako na lang iyong namatay at hindi si Ava Constance. Kung ganoon nga marahil, hindi sila iiyak, walang dadalo sa lamay at libing ko. Walang magsasayang ng oras para bisitahin ako sa tuwing death anniversary ko. Hanggang sa mabaon na lang siguro ako sa limot. Nang makarating sa kalsada ay kaagad akong nagpara ng taxi cab. May huminto naman, pero mabilis pa sa kidlat na may humawak sa siko ko at marahas na ipinaharap sa kaniya. Literal na lumuwa ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki. "Fabian!" tili ko nang kaladkarin niya ako upang itabi sa gutter, pinaalis nito ang taxi dahilan para mataranta ako. "What are you doing here?" madiin niyang sinabi, na para bang isang malaking kasalanan na nagpakita pa ako rito. Umahon ang kakaibang takot sa dibdib ko. "Uuwi na ako... hu—huwag mo na lang sabihin kina Mommy at Daddy. Please..." Nagtagis ang bagang niya. Saglit siyang lumingon sa pinanggalingan niya. Mayamaya nang balingan niya ulit ako, ngayon ay mas dumoble ang galit sa mga mata niya. Fabian Ambrose Iverson. Ang fiance ni Ava— ang dapat na pakakasalan niya sa susunod na buwan. Bukod sa pamilya ko, isa si Fabian sa nakakakilala sa akin. Alam niya kung ano ako sa pamilyang Valentino. Kaya malamang ay ganito na lamang din ang galit niya sa akin. Hindi na kataka-taka. "Hindi ko naman balak na magtagal dito, gusto ko lang talagang makita si Ava sa huling libing niya, kahit na sa malayo lang. Pero uuwi rin ako... uuwi na ako," mahinang pahayag ko, kapagkuwan ay pilit na kumakawala sa kaniyang hawak. "You better, Ada Clementine." Sa matigas at baritono niyang boses ay halos manlamig ako, tila nayanig ang mundo ko at napaatras ako nang bitawan niya ako. "You'd better hide where everyone won't see you." Tuluyan niya akong nilubayan. Mabibigat ang mga yabag niya nang maglakad siya palayo at pabalik sa loob. Tinanaw ko naman ang pigura niya, na kahit nakatalikod siya ay ramdam ko ang galit niya. Kamuntikan na akong mawalan ng balanse nang sabay na mangatog ang dalawang tuhod ko. Napasinghap ako sa hangin. Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi sa ganoong lagay, basta pagkauwi ko ay ikinulong ko nga ang sarili sa basement kung nasaan ang naturingang kwarto ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook