bc

Her Nerdy Secret

book_age16+
236
FOLLOW
2.6K
READ
HE
arrogant
badboy
bxg
gxg
lighthearted
mystery
loser
campus
highschool
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Erica Abijero, The Nerd, kung tawagin ng mga kaklase niya. Siya ay mahiyain, duwag, at walang lakas ng loob na kalabanin ang mga kaklase na walang ibang ginawa kung hindi ang bully-hin siya.

Hindi makabasag pinggan, yuyuko lang sa tuwing pagtitripan, ngunit sa likod pala ng pagiging-nerd at mahiyain ay may sikretrong nakatago.

Paano kung isang araw ay mabunyag ang sikreto na iyon?

Magiging dahilan ba iyon para lalo siyang maging tampulan ng tukso at panghinaan ng loob, o magiging dahilan upang lumakas ang loob at matutong lumaban sa mga taong hinuhusgahan siya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Pangit ka na nga, bobo ka pa!" sigaw ni Kuya Eman habang paulit-ulit na dinidiin ang daliri niya sa noo ko. "Didn't I tell you, 'wag na wag mo akong lalapitan, especially when I'm with my friends! Pero ang bobo mo—" "Eman!" sigaw ni Mama. She ran up to us in panic and hugged me right away, nang mapansin niya na hirap na akong huminga dahil sa pigil na pag-iyak. "Bakit mo inaaway ang kapatid mo?" she asked as she stroked my hair. "Napahiya po ako, Ma! Nasira ang araw ko dahil sa pangit na 'yan—" "Sumusobra ka na, Eman!" sikmat ni Papa habang dinuduro na rin ang kapatid ko. "Siya po ang sumusobra, Pa. Ang simple lang naman ng utos ko, hindi niya pa magawa! Ang bobo-bobo—" "K-kuya, sorry na po, hindi ko naman po talaga gustong lumapit sa'yo—" "Shut up and get lost, or better yet, die so that I will not be in shame because of you!" he yelled as he slammed the door shut. "Erica, tahan na. Intindihin mo na lang ang kuya mo. Alam mo naman nagbibinata na—" Napabalikwas ako sabay ang pahapyaw na tawa, ngunit pumapatak naman ang mga luha. "Ano ba? Bakit ayaw akong tantanan ng alaalang 'yon?" Marahas kong pinahid ang mga luha ko, sabay ang mabilis na pagbangon. Nakakainis na hanggang ngayon, hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga masakit na salita na binitawan ng kapatid ko. Ang eksenang 'yon ang parang alarm clock na gumigising sa akin tuwing umaga. Paano ko nga ba makakalimutan ang pangyayaring 'yon? Iyon nga ang dahilan kong bakit ako lumayo. Tatlong taon na ang lumipas, mula nang lisanin ko ang Batanes at ang aming tahanan. Pero 'yong hinanakit ko sa kapatid ko, nandito pa rin sa loob ko. Nakabaon pa rin sa puso ko. Hindi ko gustong umalis, hindi ko gustong iwan ang mga magulang ko, pero iyon naman ang gusto ng kuya ko, kaya ginawa ko. I really wish, masaya na siya dahil wala na ako. Wala na ang kapatid niya na hindi niya tanggap at ikinahihiya niya. Tatlong taon na nga akong hindi nag-e-exist sa buhay nila, malamang masayang-masaya na siya. At heto ako, pinipilit na mabuhay na mag-isa, kahit ang hirap. Tumayo ako at humarap sa mga collection ko, saka umupo at binuksan ang computer. Ang tahimik at ang lungkot ng buhay ko, pero sa tuwing haharap ako sa computer, napapangiti ako. Ito muna ang ginagawa ko bago simulan ang araw ko sa labas ng apartment. Unang araw na naman kasi ng klase, kaya mapipilitan na naman akong lumabas. Isang malakas na buntong-hininga muna ang ginawa ko, bago binuksan ang pinto at lumabas. Hinanda ko muna ang aking sarili dahil mamaya, panigurado na sandamakmak na mga demonyo na naman ang kahaharapin ko. Yuko ang ulo at mabagal akong naglakad papunta sa coffee shop na nasa harap ng school kung saan ako nag-aaral. Ayoko kasing pumasok ng napakaaga, baka maaga rin na masira ang araw ko, kaya dito sa coffee shop na 'to ako tumatambay at naghihintay ng oras ng klase. "Ahh, shit... ang sarap." "Ano ba, 'tol? Boses mo! May tao sa likuran natin. Hindi ka ba nahihiya? I'm sure, naririnig niya tayo." "Sorry, 'di ko mapigil, 'tol." "Grabe ka, hinaan mo naman ang ungol mo, 'tol." Napailing at napatakip na lamang ako ng tainga, as I heard the men behind me whispering grunts and moans. Gusto ko lang naman sana ng tahimik na lugar kaya pinili ko ang pinaka-corner nitong coffee shop, pero dumating ang mga binata na akala ko ay tatambay at magkakape lang din gaya ko, but no, nag-group study sila. Ay mali, nag-group ungol pala. Iyon yata ang pinag-aaralan nila, kung paano magbasa habang nasasarapan. Nagbabasa lang naman kasi sila, pero sumasabay na ang ungol nila. "C.R. na muna ako, tol." "Aww!" I was forced to face the man, nang hindi niya sinasadyang mahagip ang ulo ko sa kamay niyang parang nakagat ng langgam at hindi na maperme. "I'm sorry..." pubulong nitong sabi habang gulat at nanlaki ang mga mata na sumulyap sa akin. Ang sarap din pitikin ng ngalangala niya para lumakas ulit ang boses gaya no'ng umu-ungol siya sa harap ng laptop niya kanina. "Later na lang pala ako pupunta sa toilet," sabi ng lalaki na nagtakip pa ng bibig at bumalik sa upuan, pero nasa akin pa rin ang tingin niya. Napailing na lang ulit ako at nagbaba ng tingin. "Ikaw talaga. Nakita mo lang si Erica, nawalan ka na ng gana," pabulong na sabi naman ng kasama niya na may kasabay pang tawa. "Lahat naman siguro, Tol, kapag nakita ang pagmumukha ng babae na 'yan ay siguradong mawawalan ng gana," madiin na sabi naman ng lalaki na nakasagi ng ulo ko. Napabuga na lang uli ako ng hangin at kibit-balikat na tumayo. Iniwan ang mga lalaki na diring-diri sa pagmumukha ko. That’s how my classmates and schoolmates treated me. Pinandidirihan, pinagtatawan, nilalayuan, at binu-bully ako ng lahat. And I was no longer surprised or hurt because I had gotten used to hearing such words from my classmates and schoolmates. "Welcome to hell, Erica," I muttered quietly, habang papalapit na sa classroom ko, which I regard as hell because of my classmates' demonic behavior towards me. 'Yong narinig ko kanina mula sa mga binata sa coffee shop. Wala lang 'yon sa mga maririnig ko kapag nakapasok na ako sa classroom. Pero kahit nag-aapoy pa ang classroom na papasukin ko, at alam ko na mga demonyo ang kahaharapin ko, matapang pa rin akong papasok doon, hindi ko hahayaan na masira ang pag-aaral ko dahil sa kanila. Kunti na lang kasi; kunting push na lang at makakaalis na ako sa impyernong school na 'to. Pero nakatatawa rin, pinili kong lumayo sa kapatid na siyang number one bully ko noon, pero nagtitiis ako sa pambu-bully ng ibang tao. Sandali muna akong nagtiim ng mga mata, saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hinanda ko lang ang sarili sa pagsuong ko sa mala-impyernong classroom na papasukin ko. "The Nerd!" mala-demonyong mukha ang kaagad sumalubong sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
460.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
492.8K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
598.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook