bc

Unexpected Love

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
stepfather
heir/heiress
sweet
detective
addiction
like
intro-logo
Blurb

Hanggang kailan mo kayang itago ang nararamdaman mong pag ibig sa taong itinuring kang bestfriend at kapatid.Aamin ka ba kahit alam mong mababago ang pakikitungo niya sayo?o ililihim mo nalang para masave ang relationship niyo as a friend.Minsan mapaglaro talaga ang tadhana kung kailan ready ka na doon naman sila nawawalaSino ang pipiliin mo,yung taong matagal mo ng nakakasama o yung taong naging panakip sa pagkatao ng nauna?True Love may come in unexpected way

chap-preview
Free preview
Chapter One
**** Gwyneth "Gwynnnn!!!! Gwynnn!!!,,Bhe...yuhhooo!!" nasa malayo pa si Aiko naririndi na ako sa boses niyang tila nakamegaphone. "Pwede pumasok ka muna dito,katanghaling tapat sigaw ka ng sigaw diyan" "May chismis ako bhe" pawisan at hinihingal niyang bungad pagkapasok sa loob ng bahay. "Alam mo dapat Hindi Aiko pangalan mo,dapat Marites.kase reyna ka ng mga chismosa" natatawa kong sagot sa kaibigan "Eto nga kase,Natatandaan mo si Ate Heera at Ate Alexa,yung anak ni tita Maureen,Iniwan na da wni Ate alexa si Ate Heera,ni hindi manlang nagpaalam hanggang ngayon ilang taon na wala parin daw paramdam si Ate Alexa" halos hindi humihingang kwento nito. Tumayo ako at kumuha ng tubig. "Eto inom ka muna,pwde ka namang magpahinga bago magmarites na ganyan baka ikamatay mo yan kachichismis mo..Breaking News isang dalaga namatay nakalimutang huminga"Pabiro ko sa kanya. "Ang pangit mo talaga kausap" nakanguso nitong tugon "alam ko naman na kase yan eh,mabilis ngkalat yung balita,Lalot kamuntikan pang mamatay si Ate Heera sa sobrang lugmok" "Nakakalungkot lang botong boto pa naman ako sa dalawang yon" "Baka eto ang hindi mo alam,na si Ate Heera ang may ari ng Haciendang tinitirhan natin,na lahat ng mga nakapaligid dito na mga tao ay tauhan niya,At si tita Maureen ay Yaya pala niya.Nilihim ni tita Mau ang lahat at ilang mga matatanda na nakakaalam ng mga nangyari sa magulang ni ate heera para sa kaligtasan niya"Mahaba kong kwento,habang siya titig na titig sa akin at natatawa ako sa itsura niya nakakanga ga pa eto. Nakilala ko si Aiko sa isang event ng Delavegas University..2ndyr Highschool palang kami noon,Kapwa kami scholar ng D.U. "Halla talaga? ow em gheee!!" halos manlaki ang mata sa narinig "Yan lang ba ang ipinunta mo dito sa villa?" nakairap kong tanong "Hindi ka nagrereply eh,ang pangit mo kachat sabi mo magbibihis ka lang,apat na oras na wala pang reply,ano yon nilunok ka ng kabinet" nabusangot nitong tungon. "Nagpreprepare ako ng mga gamit ko luluwas na ako bukas,enrollment na sa D.U.ayaw kong mahuling magpaenroll mas madami kapag nasa kalagitnaan na". tugon ko sa kanya habang busy akong nagtutupi ng mga damit at inilalagay sa maleta. "Ano to" sabay dikwat sa underwear ko na nakapatong sa tupihin" "Aiko bitawan mo nga yan,natural panty bakit dika ba nagpapanty"simangot ko sa kanya "Mag fourth yr college may hello kitty pang marka sa harapan" hagalpak niya sa tawa habang binibinat pataas "Para kang tanga,akin na nga yan,maganda nga kase yang tela niya "wika ko habang inaagaw ko ito sa kamay niya. Ayaw niyang bitawan kaya nakipag agawan ako hanggang sa matumba kami sa upuan nakapatong ako sa kanya.. Matagal kaming nagtitigan hanggang bigla itong napangiwi "Aray ko!! ang sakit ng ulo ko,lanya naman Gwyn papatayin mo ba ako dahil lang panty mong hello kitty" Nakangiwi niyang tugon. ___________________________ **** Aiko Chua**** Naging masaya ako sa aking buhay kahit na walang tulong na natatanggap mula sa aking pamilya.Simula kase noong natapos ko ang grade school ayaw na nila akong pag aralin sa Highschool kaya magpursigi ako para sa sarili ko. Nakapasok ako sa na grant yung scholarship ko mula sa D.U.,kaya from High school until now college na hindi nawala ang assistant na nakukuha ko. Kailangan ko na din mag empake para makasabay ako kay Gwyn sa byahe. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kanina "tsk pambihira hello kitty talaga" ngingisi ngisi ako habang nag aayos ng gamit. Pareho kami ng kurso,sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto kumuha ng kursong Animal Science dahil sa ayaw kong malayo kay Gwyn kaya sinundan ko kung anong course niya. Masaya ako kahit nahihirapan ako dito,kahit sobrang naalila ako ng mga taong akala ko ktuturing ako pamilya pero wala akong choice kundi sumunod nalang sa kanila kaysa wala akong tutuluyan at walang susuporta dahil di naman kasya lahat kung sa Scholarship ko lang i aasa. "Aiko!!"" Yon nga sisigaw nanaman bungangera kong nanay nanayan. "Bakit po nay " mabilis akong lumabas sigurado kaseng kawawa nanaman ako kapag hindi ako lumabas "Bakit hindi ka pa nghugas ng pinagkainan,anong hinihintay mo undas!!" bulyaw niya sa akin "inaayos ko lang po kase yung mga dadalhin ko sa dorm,luluwas na po ako bukas papuntang manila" mahinahon kong sagot "at inuna mo pa talaga yan" sabay hablot sa aking braso at itinulak ako papuntang lababo.." maghugas ka bago mo gawin yang mga ginagawa mong iba,diba sabi ko sayo unahin mo ang bahay,unahin mo lahat dito,tatanga tanga ka talaga" duro nito sa aking sintido Naging normal na sa akin ang mga senaryo na ganito twing umuuwi ako dito sa kanila kaya minsan mas gusto ko nalang sa dorm ako tumira pero hindi pwede dahil binibigyan din ako ni itay ng pera,lalo na ngayon graduating na ako. "Eto bigay ng itay mo,isang buwang allowance mo yan 500"nakairap na wika ni inay "Salamat ho inay,babawi po ako sa inyo pag nakapagtapos na ako,pangako po" masaya kong tugon. Hating gabi na ng matapos ko ang lahat ng mga gawain ko sa loob ng bahay,makalat kase sa sala kaya inayos at nilinis ko na din.Tulog na ang lahat kaya pumasok na din ako sa aking kwarto. Hindi na ako matutulog 4am aalis na ako ng bahay para daanan si Gwyn. 5 missed call bff 3messages "bhe kumusta ka diyan,bakit dika nag oonline ngayon dati dika umaabsent sa pag oonline" "bhe okay ka lang" "unggoy na to bakit hindi mo sinasagot tawag ko" Gising pa kaya siya,subukan ko lang tawagan hays,naiiyak din lang ako sa oras na to,dahil sa pagod. Kringg.... "Hello bhe" "Hello,hello kitty" pabiro ko sa kabilang linya "Baliw,tumawag ka ba para asarin ako" inis ang boses nasumagot "hindi ah sinubukan ko lang kung gising ka pa,matulog ka na diyan ako hindi na matutulog mamaya konti magluluto na ako para makakain muna bago magbyahe" "okay sige bhe see you sa terminal nalang mamaya,magpahinga ka din diyan alam ko madami ka nanamang ginawa kaya ganyang late ka nanamang nakapasok sa kwarto mo,sige na bye muaah" Napangiti ako habang nakatitig sa end call ng kaibigan ko,,boses lang niya napapagaan na niya ang loob ko.Hanggat kaya ko Gwyn pipiliin ko kung saan tayo magtatagal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
475.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
522.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
614.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook