bc

[GEMSTONE OF LOVE] money can't buy happiness and love.

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
drama
bxg
rebirth/reborn
musclebear
addiction
brutal
like
intro-logo
Blurb

MASAYANG PAGBUNGAD PARA SA MAMBABASA. Pag Ibig... Pag Ibig Ay Sampung Letra, Ngunit Ang Aking Iniibig Ay Iisa. Sa Bawat Segundo, Minuto, at Oras Man Ang Lumipas, Ikaw at Ikaw Lamang at Wala Nang Iba. Ang Kwentong Ito'y Alay sa Minamahal, Daing Ng Aking Puso'y Panghabang-buhay. Papel na Maputla Lamang ang Kaagapay, Sa Hindi Mapigilang Pagmamahal. (Tungkol ito sa babaeng walang malay sa kaniyang nakaraang istorya. Hindi nagtagal ay bumalik ang alaala niya sa nakaraang buhay niya. Labis siyang nasaktan sa mga alaalang iyon. Ngunit dahil sa lalaking kaniyang nakilala ay pinilit niyang itinago ang lahat at sinubukang kalimutan. Nang malaman na ito ng lalaki ay agad namang lumisan ang babae dahil sa takot nito. Ang hindi mapigilang pagmamahal ng lalaki para sa babae ang nagdala nito sa isang matinding pagnanais na maibalik ang babae. Akala ng lalaki nung una ay kayang bilhin ng pera ang lahat ngunit siya, nagsisi na't ginawa ang lahat para maibalik lamang ang babaeng kaniya palang tunay na minamahal.)

chap-preview
Free preview
GEMSTONE OF LOVE [Chapter 01]
Unang araw pa lamang ng araw ko sa trabaho ay natanggal na ako, paano ba kasi hindi ko makontrol itong issue ko sa pagkagalit. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita kong alas dyes na pala ng umaga. Habang tinititigan ko ang oras ng aking cellphone ay biglang may tumawag. Pambihira naman ito! Wala na yata akong magagawa kung hindi ay sagutin na lamang ang telepono. “Hello? Sino ito?” wika ko dahil sa pagtataka at nagpatuloy nang maglakad. Natigilan ako sa aking paglalakad at halatang sa mukha kong ako ay gulat na gulat. “Samantha Dela Vega, pinapabalik ka ng kompanya.” wika ng manager ko na mismong nagtanggal sa akin sa trabaho. Akalain mo yon? sa dami daming malas na natanggap ko sa buong buhay ko ay may swerte pa palang darating kahit papaano. “Ay! Sam! hwag mo nang sayangin pagkakataon mo! Let's go!” wika ko sa aking sarili. Ilang sandali ang lumipas ay agad akong nakarating sa kumpanya. Kumpanya ito kung saan nag bebenta o dinedisplay lamang nila ang mga paintings at iba pang mga arts. Teka, bago ang lahat. Ako nga pala si Samantha Dela Vega at ako ay dalawampu't anim na taong gulang(26). Ako ay mayroong kapatid na si Jiselle, siya ay kasalukuyang nagpapagamot ng kaniyang karamdaman na Lung Cancer. Mahirap man ang kalagayan ng kapatid ko ay ginagawa ko naman ang lahat upang maipagaling siya at upang matupad ko na ang pangarap niyang makapunta ng Japan at makakita ng Blossom Sakura Tree. Antaas ng pangarap ng kapatid ko ano? at gagawin ko ang lahat upang mangyari ang munti niyang hiling. Pumasok na ako sa kumpanya ng Young of Art and Sining, dito ko ibinabahagi ang aking mga paintings sa kanila. Kanina ay natanggal ako sa trabaho nang malate ako ng 30 minutes. Aba'y! sinong hindi malalate nun? sa vellum na nila pinapaint sa akin ang isang napakagandang tanawin, napakaditalye pa, kinulayan ko pa ng todo, at halos mas malaki pa ito sa lamesa ng bahay namin— Aray! Natigil ako sa pag iisip ng kung ano anong bagay nang biglang mayroon akong mabanggang lalaki. May itsura rin pero di ko type, hmp! “Tingnan mo nga ang dinadaanan mo miss.” wika niya na parang siya pa itong galit. “Maporma siya, may itsura at pormal ang pananamit. Hmmm.“ Iniisip ko habang maiging nakatitig sa kaniya nang maigi. “Miss Dela Vega, igalang mo nga ang Boss ng kumpanyang ito.” wika ng manager. T-teka? siya ang boss dito? hindi na nakakagulat. Hala! paano ako mag sosorry sa lalaking ito!? Wala na akong ibang maisip na gagawin, anong gagawin ko? ibababa ko nalang ba ang pride ko para sa lalaking ito? No No no! T-teka Samantha loko ka na ba. Pinabalik ka dito dahil tinawag ka ng boss, hindi para magsimula ng gulo. “S-sorry.” wika ko at medyo niyuyuko ang ulo ko. At talagang aabot pa sa ganito ang lahat? ibinaba ko na nga talaga ang aking pride nang dahil lang sa nabangga ko itong kaisa isa kong pag-asa. Oh my boss! please, sorry na. Nagulat na lamang ako nang nag wika ang boss namin ng... “So? you're Samantha Dela Vega, twenty six years old. A good painter and a beautiful lady but no manners? come to my office.” wika ni boss na ikinakulo ng aking dugo. Ganito na ba talaga kayo ngayon? kapag ba alam niyong mahirap lang ang tao at mayroong talento ay aabusuhin lang ninyo? “S-sir?” wika ko habang nasa patanong na boses. “Hah! wala, kung wala kang narinig. Isipin mo nalang na biro ko nalang yun.” wika niya at may pa tawa ka pa talagang nalalaman boss? Umupo siya sa kaniyang malambot na upuang parang trono kung ituring niya. Tinitigan niya ako ng masama na para bang kakainin na niya ako ng buhay. “sir... Bakit nyo po pala ako pinabalik dito?” tanong ko sa kaniya at tiningnan siya ng diretso sa mata. Na iba ang baling ng kaniyang ulo at binuksan ang loptop na nasa desk niya. “Narinig ko kasing mayroon na namang tinanggal na na empleyado sa kumpanya na ito. Naisip ko lang na baka malugi ang kumpanyang ito kaya pinabalik kita.” wika niya ng diretsuhan. “at isa pa, nakita ko yung painting mo, maganda rin pala. Magaling ka din palang puminta ano?” dagdag pa niya. Nako Sam! narinig mo ba yun? ang lalaking nabangga mo kanina ay ka na! Sa totoo lang, labis akong nagalak sa kaniyang pagpuri sa aking gawa. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib nang bigla niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Kailangan pa ba talaga niya itong gawin sa akin? Ano ba ang binabalak niya? “Can you just sit?” wika niya na medyo mataray. Aba't! tinatarayan ako ng lokong to ah! Kumukulo na naman ang aking dugo. “Hmp!” wika ko na maemosyon. “Anong ikinagagalit mo?” wika niya, angtaray! talaga! Wala akong nagawa at umupo na lang sa sofa dahil baka matanggal na naman ako. Tumigil ako sa pag iisip nang bigla siyang nagsalita ng isang bagay na ikina saya ko. “Well, I noticed your paintings are unique. Kanina sa presentation mo, napansin kong magaling kang mangilatis ng ibang paintings at magaling ka din mag deliver ng speech for your artwork. Kaya...” wika niya habang nakatitig ng husto sa mukha ko, at bigla niyang sinabi ang isang bagay na ikinagulat ko ng husto. “Dahil may itsura ka rin, mayroon talento at magaling sa mga bagay bagay. Gusto sana kitang kunin vice President ng kumpanya namin. Payag ka?” Bigla akong tumigil sa pag iisip ng kung ano anong bagay nang siya na mismo ang nagwika ng bagay na iyon. Talaga bang kukunin niya ako bilang... “A-ano!?” gulat kong winika sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko, tatanggapin ko ba o hindi? Siguro kailangan ko na itong tanggapin dahil malaki naman siguro ang sweldo dito. “Kung hindi kapa sigurado sa isasagot mo, pwede rin namang bumalik ka nalang dito mamaya o di kaya ay bukas. Maliwanag naman siguro ang pagkakasabi ko kanina para maintindihan mo ng husto?” winika niya. “Ah, sige. Pag iisipan ko na muna.” sagot ko at tumayo. “Aalis na ako.” dagdag ko pa at umalis na. Kung tatanggapin ko ang trabahong ito, maipapagamot ko na ang kapatid ko at mababayaran ko na ang mga utang ko. Pero, kung tatanggapin ko ito... Hindi ko pa alam masyado ang ugali ng boss na yun, at hindi ko alam kung gaano siya ka strikto at kung manyak ba ang lalaking yon. “Ah! Sam, ano ba ang iniisip mo? grasya na yan hwag mo nang tanggihan. Hwag ka na ngang mag isip ng mga bagay na walang kabuluhan.” wika ko sa sarili at huminga ng malalim. “haa!” pagbuga ko ng aking hininga pagkatapos kong makapag isip isip. “nakapagdesisyon na ako.” SA SUSUNOD NA BAHAGI...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.9K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
499.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
465.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook