Chapter One
Staples Center ( Los Angeles) The Devil's Favorite Demon ''Cade'' first appearance in AWE ( America's Wrestling Entertainment).
Habang binibigyan ni The Phenom ng Chokeslam ang kalaban nitong si Brad Strawman, sa gulat ng lahat ay biglang nagdilim ang paligid at lumabas si Cade kasabay nang pagtugtog ng theme song nito.
''Oh My God, wait a minute!'' sabi ng commenter.
''It's James Bearer! That's gotta be Cade. That's gotta be Cade!'' paulit-ulit na sabi ng isa pang commenter.
Samantala sa pagkagulat ni The Phenom sa paglabas ni Cade kasama si James Bearer ay hindi agad ito nakagalaw. Nakatingin lamang siya sa papalapit na si Cade na may pagkagulat sa kanyang mga mata.
Cade ripped the door of the steel cage and entered the ring. Cade face The Phenom and the Phenom is looking in the eyes of The Devil's Favorite Demon.
Cade is bigger than The Phenom. Cade created a pyro in the ring and kicked The Phenom, and gave him a Tombstone.
''Oh My God. The Phenom is down!'' sabi ng commenter habang ang mga tao sa buong Arena ay naghihiyawan dahil sa nasaksihang pangyayari sa loob ng ring.
Pagkatapos patumbahin ni Cade si Phenom ay bumaba ito ng ring at iniwan ito. Naglakad palabas ng Steel Cage si Cade kasama si James Bearer, ang kanyang ama at dating Manager ni Phenom.
''Look at the size of Cade,'' muling nagsalita ang nasa commentary.
''That's gotta be Cade,'' sabi naman ng isa pang nasa commentary.
Patuloy na naghihiyawan ang mga tao sa buong Arena habang naglalakad palayo sa ring si Cade. Hindi alam ng lahat kung bakit nito nagawa kay Phenom, ang kanyang nakakatandang kapatid. Tanging siya lamang at ang ama, pati na rin ang nakakatandang kapatid na si The Phenom ang nakakaalam kung ano ang sikreto ng kanyang nakaraan.
Si Cade ay isa lamang anak sa labas ito. Nagkaroon ng relasyon si James Bearer at ang Ina ni Phenom noon at ang naging bunga ng kataksilan ng Ina ni Phenom ay si Cade, bagay na naging dahilan ng maagang pagkawala ng Ama ni Phenom nang malaman nito ang kataksilang ginawa ng Ina nito at ang Ama ni Cade.
Binalibag ni Cade ang pinto ng kanyang Dressing Room at pinaghahagis niya ang kanyang mga gamit.
Hindi niya akalain na sa muling pagkikita nila ng kanyang nakakatandang kapatid ay mas titindi pa pala ang galit na mararamdaman niya para dito. Nagkalat ang lahat ng kanyang mga gamit sa loob ng Dressing Room, at ng humupa na ang galit niya ay umupo siya sa sofa na nandoon. Nakatitig sa kawalan si Cade at doon ay biglang sumariwa sa kanyang isipan ang nakaraan.
(July 28 1996, Knoxville, Knox County Tennessee)
''Iniwan ng ama ni Grey ang kanyang Ina pagkatapos nitong manganak sa kanya at dahil anak lamang siya sa labas ay hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya ng nakakatandang kapatid na si William. Lumipas ang ilang taon ay hindi pa rin magawang ituring na kapatid ni William si Grey.
Isang umaga mag-isang naglalaro ang pitong taong gulang na batang si Grey nang biglang lumapit si William, ang kanyang kapatid.
"Hey! Give me that toy!" galit na inagaw ng kapatid ang kanyang laruan.
"Give it back to me, that's mine!" sabi niya sa kapatid at kinuha ang laruan dito.
Dahil likas na may pagkasutil ang nakakatandang kapatid ay bigla siya nitong tinulak ng malakas. Napahiga si Grey dahil sa ginawang iyon ng kapatid. Umiiyak si Grey nang lumabas ang kanilang Ina mula sa kusina.
"Grey what happened? Why are you crying Sweetie?" tanong ni Allaina kay Grey.
Hindi sumagot si Grey at nagpatuloy lamang ito sa pag-iyak. Nilingon ng Ina ang nakakatandang si William at tinanong ito.
"Are you responsible for this William?" tanong ni Allaina sa panganay na anak.
"I didn't do anything Mom!" mabilis na sagot naman ni William.
"If you're not responsible for this, then why is your little brother crying?" tanong muli ni Allaina.
"Fine! I pushed him." galit na sagot ni William sa kanilang Ina.
"Why did you do that, why are you always making your little brother cry, William?"
"Because I hate him!" sigaw ni William at mabilis na tumakbo ito palabas ng kanilang bahay.
Hindi alam ni Grey kung bakit ganon na lamang ang galit sa kanya ng nakakatandang kapatid, kahit na gusto niyang lapitan ito ay hindi niya magawa. Gusto niyang tanungin ang Ina kung bakit ganon na lamang siya pakitunguhan ng kapatid pero wala siyang lakas ng loob, kaya hinahayaan na lamang niya.
Isang gabi habang tulog ang kanilang Ina, ay pumasok si William sa kanyang kwarto at niyaya siyang lumabas. Nagtungo sila sa imbakan ng mga lumang gamit. Tinanong ni Grey ang kapatid kung ano ang gagawin nila doon.
"What are we doing here Big Brother?" tanong ni Grey sa kapatid.
"Shhh! Quiet..." tanging sagot lamang ni William sa kanya.
Nagtataka man ang batang si Grey kung ano ang ginagawa nila doon at kung bakit dinala siya ng nakakatandang kapatid sa imbakan ng kanilang mga lumang gamit ay hindi na muling nagtanong pa ito. Nagulat siya ng biglang nagsindi ng apoy ang kanyang kapatid at mabilis na lumiyab ito. Hindi magawang gumalaw ni Grey dahil sa pagkagulat at takot sa mabilis na paglaki ng apoy, at dahil nasa malapit siya sa mga gamit na unti-unting nilalamon ng apoy ay napaatras si Grey. Nakita niyang ngumingisi ang kanyang nakakatandang kapatid habang paatras na lumalakad palabas sa lugar na iyon.
"Big Brother, don't leave me here!" pasigaw na tawag ni Grey kay William ngunit patuloy lamang itong lumakad palabas.
Hindi alam ni Grey ang gagawin, binalot siya ng takot at hindi magawang ihakbang ang mga paa upang makaalis sa nasusunog na lugar. Lumaki ang apoy at patuloy na nilalamon nito ang buong lugar na iyon nang biglang may maliit na kahoy na umaapoy at biglang nahulog ito sa mukha ni Grey na naging dahilan ng pagkabagsak nito. Bago mawalan nang malay si Grey ay may narinig siyang boses sa labas at sumisigaw ito.
"Greyyyy!" Ang sigaw na iyon ay nanggagaling sa kaniyang ina.
"M-Mommy-''. mahinang sambit ni Grey habang unti-unti siyang napapapikit.
Muling sumigaw ang kanyang Ina at humihingi ng tulong sa mga kapit-bahay ngunit huli na ang mga ito. Tuluyan nang nilamon ng apoy ang buong lugar na iyon.
Wala nang maaninag si Grey kundi ang makapal na usok sanhi ng apoy na bumabalot sa loob ng imbakan ng lumang gamit. At bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata ay may mga brasong bumuhat sa kanya. Nakalabas si Grey sa lugar na iyon. Binaba siya ng taong nagligtas sa kanya. Tinapik nito ang mukha niya.
"Hey! Wake up Son!" nag-aalalang gising sa kanya ng lalaki.
"S-Son-?" sambit ni Grey sa sinabi ng taong nagligtas sa kanya.
"Yes Grey! You're my Son. I am your father. " muling nagsalita ang lalaki .
Naguguluhan man si Grey ngunit pinilit niyang imulat ang mga mata upang makita ang taong tinawag siyang anak.
"Good Boy, you're not going to die Son," muling sambit ng lalaki .
Naguguluhan si Grey."You're not my father. My father is dead. "
"I am your real father Grey, and that's the reason why your big brother is always mad at you." paliwanag ng lalaki kay Grey.
"But we have the same mother-" naguguluhan na sagot ni Grey.
"Yes, Allaina is your mother."
"I don't understand. Please take me to my mother," pagmamakaawa ni Grey sa lalaking nagsasabing ito ang kanyang ama.
"I can't Son." sagot nito, bago tuluyang mawalan ng malay si Grey.