bc

Laro ng Hari

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
547
FOLLOW
2.7K
READ
revenge
horror
MMORPG
like
intro-logo
Blurb

Ang utos ni King ay batas. Ang pagsuway rito ay katumbas ng kamatayan.

Samahan natin ang Ating Kamahalan sa silakbo ng damdamin, matinding pagnanasa, at walang hanggang kasakiman.

Nagsimula lamang ang lahat sa isang biro pero naging daan ito para sa kakila-kilabot na kamatayan ng mga kaklase ko. Isa-isa silang nawala.

Ngayon, ako naman ang susunod…

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 – Ang Maingay na Group Chat
Madalas nakareserba ang klase namin sa gabi para sa self-study. Pero, nababagot na ang lahat at nakatutok lamang sila sa kanilang cellphones. Wala rin akong pinagkaiba sa kanila. Nasira lamang ang katahimikan nang biglang may nag-post sa group chat ng klase.  Nang makita ko ang notification sa screen ko, hindi ako nagsayang ng oras at agad ko itong binuksan. Tawang-tawa ako nang mabasa ito. Isang tinatawag na King ang nagsimula ng “Chelsea Adams harassment event”. Paniguradong maglalagay ng premyo ang King na ito bilang pang-asar. Nang basahin ko ang premyo… A-Ano?! Dalawang libong dolyar?! Kaklase namin si Chelsea. Kahit hindi siya masasabing supermodel, nakakaakit pa rin siyang tignan. Hindi man kagandahan ang kanyang mukha pero pamatay naman ang hubog ng kanyang katawan; ang pinakaprominente niyang bahagi ay ang kanyang 36D na dibdib. Sinira nito ang kumpiyansa ng lahat ng mga babaeng seniors at tila ba napapahiya rin ang mga babae naming teacher. Marami sa mga lalaki sa klase namin ang tinitignan si Chelsea bilang kanilang leading lady sa kanilang mga malilibog na pantasya—seksi at malaki ang dibdib nito! At ngayon, mayroong event sa group chat na tungkol sa kanya. Dalawang libong dolyar ang premyo. Maligalig ang lahat at sunod-sunod ang pumindot ng salitang “Join” sa kanilang screen. Sa isang pitik ng kamay, napasali na rin ako. Tinignan namin ang bagay na ito bilang isang simpleng laro lamang, pero nangako si King na tutuparin niya ang kanyang sinabi. Babayaran niya ang challenger na makakatapos ng task na ito. Dahil self-study dapat ang nakalaan sa oras na ito, walang teacher na nagbabantay sa amin kaya mabilis na nagkagulo ang lahat. Agad na sinigawan ako ng isa kong kaklase, “Evan, subukan mo na siyang haplusin. Hindi darating ang ganitong klase ng pagkakataon lagi. Matitikman mo ang ligaya at babayaran ka pa pa!” Hindi sikreto sa klase na mahirap ako. Dahil dito, mababa ang pagtingin nila sa akin. Pero, ang pinakamalaking dahilan kung bakit ako ang puntirya nila ay dahil katabi ko si Chelsea. Hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na hamakin ako. Napatayo si Chelsea habang nasa tabi ko. Nang makita kong hawak niya ang kanyang cellphone, alam kong natanggap niya rin ang notification. Napangiwi sa galit ang kanyang mukha at tumalbog ang kanyang dibdib sa kanyang pagtayo. “Sino ang lintik na King na ito? Magpakita ka, duwag!” Nagulat ang klase sa ginawa niyang pagsigaw. Sa ngayon, Iritang-irita si Chelsea, tinatapik niya nang malakas ang kanyang cellphone habang sinusubukan niyang alisin ang banta ng event na ginawa ni King sa kanya. Sa pagkakataong ito, tumunog ang cellphone ko. Ito ang best friend ko, si Jayden Rees. Ito ang naging dahilan para magwala si Chelsea—sa sumunod na pagkakataon, nakaramdam na ako ng hilo mula sa mabigat na libro na inihampas sa ulo ko. “Anong ginagawa— Nasisiraan ka ba ng bait?” Galit na galit ako at gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya. Wala namang dahilan para saktan niya ako. “Paano nangyaring tumunog ang cellphone mo nang padalhan ko ng message si King? Ibig sabihin, ikaw ang nasa likod nito! Hindi ko inakalang ganito kababa ang pagkatao mo, Evan!” Pinagbintangan ako ni Chelsea at naghanda na naman siyang atakihin ako gamit ang mabigat niyang libro. Dahil alerto ako, nagawa kong makaiwas sa kanyang malakas na hampas. Ganoon pa man, hindi ibig sabihin na tumigil na siya sa kanyang pagwawala. Gusto niya pa ring hampasin ang ulo ko. Naiirita na talaga ako sa kinikilos ng babaeng ito. Nauubusan na ako ng pasensya dahil wala namang dahilan para gawin niya ito sa akin. Sa pagod ko, itinulak ko siya dahil sa galit. Sumunod, nahawakan ko ang kanyang dibdib. Sandali lang naman iyon at dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan, pero hindi ko makakalimutan ang lambot ng dibdib ni Chelsea sa buong buhay ko. “Patay ka sa akin, Evan!” Umatras si Chelsea papalayo, hawak niya ang kanyang dibdib habang hiyang-hiya. Kasabay nito, masama ang kanyang titig sa akin. “Ang siraulong si Jayden ang tumawag sa akin. Bakit ka ba nagwawala?” Ipinakita ko kay Chelsea ang cellphone ko kung saan nakabukas ang chat window ni Jayden. Tinignan ni Chelsea nang mabuti ang screen ng cellphone ko saka niya napagtantong nagkamali siya. Mula sa pagiging mapang-akusa, para bang gusto niyang lumubog sa lupa sa pagkakataong iyon. Nang muling tumunog ang cellphone ko, nawala na ang galit sa mukha ni Chelsea pati na rin ang konsensyang nararamdaman niya. Nagtaka ako nang magbulungan ang mga kaklase ko. Nakatitig sila na para bang naiinggit. Dahil dito, napatingin na rin ako sa cellphone ko. Tapos na pala ang Chelsea Adams harrassment event. Sinasabing natapos ko ito at makakatanggap ako ng dalawang libong dolyar. Sumunod, pinadalhan ako ni King ng regalo. Iniisip kong barya lamang ang ipapadala niya dahil siguradong biro lang naman ito. Wala namang mayaman sa klase namin kaya barya lang rin ang kaya naming ipadala sa isa’t isa. Ganoon pa man, nasilayan ko ang dalawang libong dolyar mula sa pulang gift box na nasa screen ko. Nagmadali rin ang mga kaklase ko para puntahan ako at nang makita nila ang mga numero, napuno sila ng inggit. “T*ng i*a, totoo pala talaga! Sino ba ang King na ito ha? Akala ko walang mayaman sa klaseng ito.” “Kaunting pang-aasar lang at makakakuha ka na ng premyo? Kung may dalawang libo ako sa bulsa ko, ilang beses kaya akong makakahanap ng babaeng malalandi ko? Masyado bang maraming pera si King at wala siyang mapaggastusan?” “Hoy, King, isang round pa. Bigyan mo naman kami ng pagkakataon, ako naman ang kukumpleto ng task!” Nagkagulo sa buong klase nang makita nilang tunay ang $2,000 na ipinadala sa akin. Hindi sila makapaniwalang may madaling paraan pala para kumita ng pera. Nakatira ang lahat ng mga kaklase kong nasa self-study class sa dorms ng campus at isang beses lang kada buwan nagpapadala ang kanilang mga magulang, minsan dalawang beses kung susuwertehin. Madalas nauubos ito sa loob lang ng ilang araw. Ngayong nakahanap na sila ng mahuhuthutan, gusto nila itong pagkakitaan. Syempre, natural lang naman ang bagay na ito. Ngayong nagkakagulo at nagsisigawan na ang mga estudyante, umabot na ang ingay sa faculty. Binisita na tuloy kami ng mataba at malaki naming homeroom teacher. Habang nakatayo siya sa pinto, para bang sinasakop niya ang buong lugar. Kumalma ang mga kaklase ko. Bumalik sila sa kani-kanilang upuan at mesa habang nakatago ang mga ilong sa kanilang libro. Ganoon pa man, halatang nagpapanggap lamang silang mag-aral. Samantala, hindi agad umalis ang homeroom teacher namin, tinitigan niya muna ang klase nang ilang sandali. Mamaya-maya, tumalikod na siya. Halata namang wala siyang oras para bantayan ang mga kagaya namin. Sumunod, muli kaming pinadalhan ng message ni King: “Dahil gusto niyo pang maglaro, gagawa pa ako ng isang event. Pero ngayon, may penalty na. Masyadong nakakabagot ang laro natin kanina. Hindi nakakatuwa!” Nagpadala ulit ng isa pang mensahe si King sa group chat: “Pwedeng sumali ang kahit sino sa event na ito. Makakatanggap ng $1,200 ang magwawagi, pwede nila itong gastusin sa kahit anong paraan, pero kapag natalo ka, makakatanggap ka ng penalty.” Natapos ito sa pagpopost niya ng isa pang event sa group chat. Nagdalawang isip ang mga kaklase ko nang maalala nila na may parusa. Hindi nila agad pinindot ang salitang “Join” nang hindi binabasa ang mga detalye ng laro. Nang mabasa nila ang nilalaman, nagsimula silang magtawanan. “May pasaway na bata sa klaseng ito. Pumapasok siya nang walang suot na underwear. Alamin kung sino ito at patunayan sa pamamagitan ng paghubad sa pang-ibaba ng taong ito. Ang unang makakahanap sa kanya ay makakakuha ng $2,000!” Kagaya ito ng mga kapilyuhang nakikita sa TV. May isang hind nakasuot ng underwear at huhubaran ito ng pantalon para malaman ng mga manonood na totoo nga talagang wala itong suot na underwear. Sasali na sana ang mga kaklase ko nang biglaang tumayo ang isang maskuladong anyo sa harap namin. “Walang ibang sasali! Sa akin lang ang premyo at walang pwedeng makihati na iba!” Ang maskuladong lalaking ito ay si Blake Grant. Lagi siyang nadadawit sa mga gangs at street fights sa labas ng campus. Takot ang lahat sa kanya at ayaw nilang makisalamuha sa isang gaya niya. Dahil alam ng lahat na totoo ang kanyang mga banta, umatras ang mga kaklase ko at hinayaan nilang angkinin niya ang event. Tanging si King, ang host ng game, at si Blake lamang ang nag-iisang sumali sa event. Suminghal si Blake sa mga babaeng nakapalda at isa-isa niya itong inangat na para bang isang hayop na wala sa tamang pag-iisip. Umiyak ang karamihan sa mga babae at sinisigawan nila si Blake na pansinin ang nakalagay sa event. Sinasabi doon na may suot na pang-ibaba pero walang namang sinabi na babae lang. Wala namang dahilan para puntiryahin lamang ni Blake ang mga babae. Baka nga lalaki pa ito. Dahil dito, napangisi si Blake sa mga lalaking nasa klase. Nang lapitan niya ang mga ito, nagkagulo na sa buong kwarto, tumatakbo ang marami habang sumisigaw at nagmumura. Samantala, maputlang-maputla si Chelsea. Nanginginig siya sa bawat galaw ng lahat at hinihigpitan niya ang pagkakaipit sa kanyang mga hita. Sa kanyang reaksyon, agad kong nahalata na siya na naman ang pinagkakatuwaan ni King. “Pakiusap, huwag mo akong ibuking.” May sindak sa ekspresyon ni Chelsea. Nakakaawa siyang tignan nang mapansin niyang alam ko na rin ang katotohanan. “Huwag kang magpahalata. Kumalma ka dahil makukuha mo lang ang atensyon nila kung masyado kang tensyonado.” Pinahiram ko ng pera si Blake dati at hindi niya pa rin ito nababayaran. Ayaw ko namang bigyan siya ng pabor sa pamamagitan ng pagbuking kay Chelsea. Sa halip, bumulong ako sa katabi ko, “Ito na ang pangalawang beses na pinuntirya ka ni King. May nakaaaway ka ba kamakailan lang?” Umiling si Chelsea bilang pagtanggi, wala siyang ideya kung bakit paulit-ulit siyang pinupuntirya ng isang tao. Subalit, may suspetsa ako na may nakaaway siyang babae sa dorm nila. Iyan ang pinakalohikal na konklusyon. Halata namang sila lang rin naman ang nakakaaalam ng mga sikreto ni Chelsea gaya nang hindi pagsusuot ng underwear. Hinahanap pa rin ni Blake kung sino ang hindi nakasuot ng underwear sa aming magkaklase nang biglaang tumunog ang notification na tapos na ang laro. Sabik na sabik na sa pangakong premyo at hindi niya man lang pinansin ang detalye ng laro. Nalagpasan niya ang isang mahalagang impormasyon—magtatagal lamang ang event sa loob ng limang minuto. Sumali siya sa pag-iisip na siya na ang mananalo agad. Pero nang matapos ang timer, napamura na lamang siya sa galit. Sa huli ng laro, kailangan naming bumoto. May kinalaman ito sa penalty ni Blake sa kanyang pagkatalo sa laro at hindi pagtapos ng task. May dalawang options na pwedeng pagpilian: “Let Blake Off the Hook” o “Go to HELL!”. Anonymous ang pagboto. Isang magandang estratehiya dahil bully si Blake. Kinagagalitan siya ng mga babae at lalaki ng klase.  Walang antala at agad na pinindot ng lahat ang option na “Go to HELL!”. Galit na galit si Blake habang naglalakad pabalik-balik. Pero ngayon, sa kabila ng kanyang pagmumura, pumunta siya sa tapat ng bintana. Inabot niya ang hawakan saka niya binuksan ang bintana. Subalit, sa sumunod na pagkakataon, tumapak siya sa malapit na bangko at tumalon siya palabas ng gusali.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
54.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook