bc

Magdalena: Tukso ng Makasalanan By: Ritmo Y Syggrafeas

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
revenge
single mother
heir/heiress
tragedy
scary
loser
harem
like
intro-logo
Blurb

Sa karimlan ng gabi sumulpot ang babaeng kasagutan sa pantasya ng kalalakihan na hayok sa laman. Ang kanyang pakay ay mga kalalakihan na uhaw sa makamundong kaligayahan. Matapos niyang paligayahin ang kanyang natipuhan ng gabing iyon ay biglang binasag ng isang nakakakilabot na palahaw ang nakakabinging katahimikan ng gabi. Nakatirik ang mata at hubo't hubad ng matagpuan ng otoridad ang walang buhay na katawan ng lalaki. Laganap ang p*****n at lahat ng biktima ay pawang suki ng bahay aliwan. Mga lalaking sakit sa ulo ng kanilang Asawa. Mga iresponsableng ama ng tahanan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Magdalena dahil mababawasan na naman ang mga makasalanang haligi ng tahanan. Mayroon naman siyang mapapalaya na maybahay na katulad niya na minsang inabuso at niyurakan ang pagkatao. Isinumpa niya sa kanyang sarili na bago siya mamatay uubusin niya lahat ng kalalakihan na patuloy tumatangkilik sa imoral na gawain. Katulad ng ginawa niya sa kanyang Mister matapos siyang mahawaan ng sakit na unti-unting gumagapi sa kanyang pagkatao.

Abangan si MAGDALENA " Tukso ng Makasalanan ".

chap-preview
Free preview
Magdalena: Tukso ng Makasalanan
Magdalena: Tukso ng Makasalanan Mapait na ngiti ang iniwan ni Magdalena sa kanyang Mister na nakahandusay. Tanging mga kuliglig ang saksi sa kanyang ginawang krimen. Mababakas ang naiwang pulang likido sa kanyang bibig, walang pagsisisi siyang nadarama sa kanyang ginawa. “ Wala kang karapatan na mabuhay sa mundo, bago ako magapi ng sakit na ipinunla mo sa aking pagkatao, mauuna ka kasama ng katulad mo Marco”. Sigaw ni Magdalena habang humahakbang palayo sa bangkay ng kanyang Mister. ******* Oh’ Magdalena!... Bakit bago ka lang? May kasamang galit na usisa ng Ina sa kanyang anak na dalaga. ‘ May ginawa pa kaming proyekto kaya nahuli ako sa pag-uwi Inang. Sagot niya sa Ina. Sinungaling!!... Magkakasunod na sampal ang dumapo sa pisngi ng dalaga. ‘Ako ba pinagluluko mo Magdalena, simula ng makilala mo ang Marco na iyan ay natutuhan mo ng magsinungaling. Akala mo hindi ko alam na buong araw ka sa bahay ng lalaking iyon. Tandaan mo Magdalena, matatakpan mo ang iyong ginagawa sa amin na iyong magulang pero hindi sa mga tsismosa na matatabil ang dila. Ikaw ang ginagawang pulutan ng mga marites diyan sa kanto. Biglang nakaramdam si Magdalena ng pagkalam ng kanyang sikmura, patakbo siyang pumunta sa lababo para magsuka. Nagkatinginan na lang ang kanyang magulang at kapatid. Hinablot ng kanyang Ina ang kanyang buhok at pasalampak na pina-upo. Umamin ka nga sa amin Magdalena… Buntis ka ba? Mababakas ang matinding galit sa litanya ng kanyang Ina. ‘Opo… Inang…. Magkakasunod na Sampal ang dumapo sa kanyang pisngi… Sa lakas ng sampal ng kanyang Ina ay natumba si Magdalena. Wala na siyang nagawa kundi ang humagulgul dahil sa kanyang kinahihinatnan. Tumalikod ang kanyang Ama, bumalik ito na dala dala ang kagamitan ng dalaga. Lumayas ka na Magdalena, ibangon mo ang iyong moral at huwag na huwag ka bumalik dito hangga’t walang ama ang batang dinadala mo. Walang nagawa ang magulang ni Marco kundi kupkupin si Magdalena na pinalayas ng kanyang magulang. Hindi nadatnan ni Magdalena ang lalaki dahil ayon sa magulang nito, maagang umalis para puntahan ang barkada. Unang gabi pa lamang ni Magdalena sa bahay ni Marco ay naranasan na niya ang totoong pagkatao ng lalaki. Hindi inakala ni Marco na nandoon sa kanilang bahay si Magdalena, may kasama itong babae sa kanyang pag-uwi. Nabulabog ang pagpapahinga ng mga kapatid at magulang ni Marco. ‘ Magdalena…. Iyan ang nakagisnang buhay ni Marco, babae…alak…bulakbol… at barkada!... May panahon ka pa Ineng para umatras… Walang pangarap sa buhay at tanging pagpapakasaya ang takbo ng buhay ng lalaking nakabuntis sayo. Saad ng Magulang ni Marco. ‘Oh! Ikaw sinu ka na man? Baka gusto mo rin matulad sa kapalaran ni Magdalena? Sabat ng kapatid ni Marco Patakbong lumabas ang babaeng kasa-kasama ni Marco. ‘Oh!... Ikaw…? Bakit ka nandito…? Dis-oras ng gabi bakit mo ako pinuntahan dito? Umuwi ka na!.. Bukas ka na lang bumalik…. Lasing ako… Bulyaw ni Marco kay Magdalena ‘Hoy!.... Marco… Kahit kailan talaga… Iresponsable ka!.... Alam mo ba kung bakit andito si Magdalena? Nabuntis mo yan!... Bulyaw ng Kapatid ni Marco sa kanya. ‘ Buntis ka?.... kapag minalas ka na man talaga!... Hindi ka kasi nag-iingat kaya ayan ang napala mo! Ang tanga tanga mo talaga!... Sarkastikong pahayag ni Marco kay Magdalena. 'Bukas na lang tayo mag-usap pagod ako!.... Hindi dahil buntis ka?..... May karapatan ka ng himasukan ang personal kong buhay. Maghintay ka kong kailan lang ako may oras sa iyo… Diyan ka na… Malas!.... Pahayag ni Marco habang pumapanhik sa taas. Gustong gusto ni Magdalena na umuwi na lang at bumalik sa piling ng kanyang magulang. Pero huli na ang lahat dahil isinumpa na siya ng kanyang Ama at binalaan na huwag na huwag umuwi hangga’t wala siyang maiharap na magiging ama ng kanyang anak. ‘Magdalena…. Hahayaan kita na dumito muna pero labas na kami sa paraan ng pakikitungo ni Marco sayo, sumuko na kami sa kanya…. Wala na siyang pag-asa na magbago…. Binibigay na namin sayo ang kalayaan na magdesisyon para sa kapalaran ninyong mag-ina. Pahayag ng magulang ni Marco. ‘ Sa totoo lang po… Pinalayas na ako ng aking magulang kaya gustuhin ko man bumalik… Hindi ko na magagawa…. Wala na akong mapupuntahan!... Naluluhang pahayag ni Magdalena sa pamilya ni Marco. ‘Buweno….! Wala na tayong magagawa…! Dahil nangyari na ang dapat… mangyari… Tutulungan ka namin Magdalena hanggang mapanganak mo ang inyong anak. Hindi magiging madali ang buhay mo sa piling ni Marco… Nakikita ko na Magdalena….! Saad ng magulang ni Marco ****** Pumasok si Magdalena sa silid ni Marco, Inakala niyang natutulog na ito. Humiga si Magdalena sa tabi ni Marco…. Ganoon na lang ang kanyang pagkabigla ng bigla siyang pangubabawan ni Marco. ‘Marco ano ba…..! Masama ang pakiramdam ko…. Pagmamakaawa ni Magdalena. ‘Ikaw ang may kasalanan kong bakit umalis si Diane…. Sana masaya kaming dalawa ngayon…. Nagpapakasarap…. Pinapaligaya ang aming sarili…. Intrimitida ka kasi!.... Tikman mo ang parusa sa iyong kabobohan!... Nakangisi si Marco habang binbanggit ang kataga kay Magdalena Naluha na lang si Magdalena habang marahas siyang inaangkin ni Marco…. Paulit-ulit siyang inangkin ni Marco… Hindi alintana ng lalaki ang kanyang pagdadalang tao. Kinaumagahan ay nagising na lamang si Magdalena na labis ang pananakit ng kanyang tiyan, napasigaw siya sa tindi ng sakit na kanyang nadarama…. Itinakbo siya ng magulang ni Marco sa hospital at ayon sa Doktor…. Labis na trauma sa kanyang tiyan kaya siya muntik na makunan. Hindi man lang sumama si Marco sa hospital. Hindi naging madali ang buhay ni Magdalena hanggang maisilang niya ang panganay na anak nila ni Marco. Sa kabila ng kanilang pagsasama halos linggo linggo ay may isinasama na babae si Marco sa bahay ng kanyang magulang. Sinubukan niyang komprontahin si Marco pero nauwi lang sa bugbugan ang kanilang usapan. Mabuti na lamang naging maagap ang magulang ni Marco at napigil ang kanyang ginagawa. **** To be continue?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
243.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.9K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.3K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook