bc

Codename Apollo: Laurel's Slaying Arrow (CBS III)

book_age18+
4.3K
FOLLOW
34.5K
READ
spy/agent
forbidden
kidnap
bxg
humorous
kicking
bold
city
lusty
wild
like
intro-logo
Blurb

Callboy Series III

Codename Apollo: Laurel's Slaying Arrow

Sanay na si Lucas Macapuno sa pakikipag- one night stand sa mga babaeng nakakahook-up niya sa bar. Hindi na rin mabilang ang mga babaeng naikama niya dahil na rin sa kanyang angking kakisigan at pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

Ngunit iba si Aurora sa lahat. Ito ang babaeng pagbibigyan niya ng kanyang serbisyo bilang isang callboy sa bar ng Queen's Men Lair at ang magiging kliyente niya sa isang masalimuot na sinapit nito matapos pagtangkaan ang buhay nito ng mga taong nagnanais siyang makidnap.

Dahil eksperto si Lucas o mas kilala sa codename na Apollo, mabubura sa landas ni Aurora ang mga masasamang taong ito. At tatatak naman sa kanya ang galing at husay ng lalaking madalas pa sa madalas kung magpaligaya sa kanyang mga kagustuhan, ang tawag ng kanyang laman.

Ngunit paano kung matapos ang misyon ay matatapos din ang kanilang sikretong relasyon? Pero matatawag nga ba itong relasyon?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "BAKIT KAILANGAN mo pang magluto ng pagkain natin kung maaari naman tayong kumain sa labas?" Umaali-aligid sa akin si Aurora habang abala ako sa pagluluto ng aming hapunan sa kanyang condominium unit. "Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na medyo iwasan natin ang labas ng labas?" "Kung ayaw mo namang kumain sa labas, kahit naman huwag ka nang magluto. Mabubusog na ako sa mga bagay na maaari mong ipakain sa akin." Saka niya pinaglakbay ang kanyang hintuturo mula balikat ko hanggang braso. Patuloy lang ako sa pagcha-chop ng karne habang siya ay wala pa ring humpay sa pangungulit sa akin. Mula Day 1, wala siyang ibang ginawa kundi ang pagtripan at galitin ako. Ewan ko kung masasabing pinagtitripan niya ako o gusto niya lang talagang madali ko siya. "Aurora, hindi na pagkain ang tinutukoy mo," napalingon ako sa kanya na naupo pa sa mesa sabay tingin sa ginagawa ko. "Ang galing mag-chop ng mga kamay mo ano. Magaling ka talaga. I wonder kung saan pa magaling ang mga kamay na iyan," sabay hawi niya ng kanyang buhok mula sa kanyang dibdib kaya naman nakita ko ng bahagya ang sinasadya niyang ipakitang hinaharap. Napataas na lang ang kilay ko at saka ibinalik muli ang atensyon ko sa aking ginagawa. "Maraming kayang gawin ang mga kamay ko. Maghawak ng baril, manuntok, manapak, magpatulog at magmaneho. Alin ba doon ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa aking ginagawa. "Magpaligaya, hindi ba iyon kasali sa pagpipilian?" Tanong niyang may halong ka-sexy-han at pang-aakit. Napalunok ako at saka kumuha ng maiinom sa refrigerator niya. Day 4 ko pa lang sa condominium niya pero sanay na akong mag-feel at home dito dahil iyon naman ang bilin ng mga magulang niya, at iyon din naman ang gusto niya. Kalilipat pa lang namin mula sa aking sikretong bahay nang isang buwan kami doon mag-stay. "Aurora, bakit hindi ka na lang manood ng palabas at huwag ako ang pagtripan mo, nang mapadali itong ginagawa ko," sabi ko pa sabay nguso sa sala. "Ah eh, gusto ko kasing mapanood na ikaw ang labasan," sabi pa niya. Tama ba ang naririnig ko? Napamaang ako at saka kumunot ang noo ko. "Ay, mali ang pagkakasabi ko sorry. Gusto ko kasing panoorin kang nagluluto dahil ayaw kong manood ng mga palabas sa TV. Iyon ang ibig kong sabihin," palusot niya. Napailing-iling na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ilang taon ka na?" Maya maya ay tanong niya. Hindi na bago sa akin iyon dahil hindi na niya ako tinitigilan na tanungin ng mga bagay tungkol sa aking pagkatao simula noong una. Hindi ako sumagot. "May girlfriend ka na ba?" Heto pa. Hindi pa rin ako sumagot. "Active ang s*x life mo?" Yung mga tanong niya ay hindi ko talaga maaaring sagutin. "Taga saan ka na lang?" Hindi pa rin pwede. "Kahit size ng brief hindi ko pwedeng malaman sayo?" Tanong pa niya. Ibinagsak kong bigla ang knife sa mesa saka ako tumingin sa kanya. Napakagat siya ng kanyang hintuturo na parang mukha talagang may ginawang pangungulit sa akin. Ang nakakainis ay alam niya iyon at sinasadya niya talaga. Nang tumigil na siya ay saka ako nagpatuloy sa aking ginagawa. Mahabang katahimikan bago siya muling magsalita nang malapit ko nang matapos ang aking hinihiwang karne. "Mabuti pa iyang karne ano, nagagawa mong hiwain," sabay taas niya ng isang kilay ngunit sa karne nakatingin. Napabuntong hininga ako sabay iling. "Sana all, karne. Para nahihiwa at nahahawakan mo," dagdag pa niya. Napapikit ako dahil nagtitimpi lang talaga ako sa kanya. "Pero siguro kailangan ko pang mag-undress para maging kagaya ko iyang karneng nilalamas at hinihiwa mo," dagdag pa niya na mas lalong ikinainit ng ulo ko. Ibinagsak ko ang knife sa mesa saka muling tumingin sa kanya. "Aurora, kung hindi ka pa titigil ay baka ikaw na ang isunod kong chop-chopin ngayon," pananakot ko sa kanya. "Oww. Harsh. My mistake. Sorry," bumaba siya sa mesa saka lumapit sa akin at pinaglakbay ang hintuturo sa aking dibdib. Mas lalo akong nabuwisit. "Aurora, konting konti na lang ay sasabog na ako." "Ow, di pa tayo nagsisimula, sasabog ka na? What an amazing org...," Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin. Hinablot ko kaagad ang apron ko at saka ihinagis sa kung saan saka siya pinaghahalikan ng marahas sa kanyang labi. Agad namang naglakbay ang kanyang mga kamay sa hubad kong dibdib saka ko siya ipinatong muli sa mesa. Ikinawit niya naman ang mga paa sa bewang ko at dinama ang halik kong punong puno ng galit at inis sa kanya. Ngunit ito ang gusto niya, marahas at palaban. At nang bumitiw ako sa halikan naming dalawa ay hinabol pa niya ang labi ko ngunit umiwas na ako. "Bakit?" Tanong niya. "Kapag hindi ako nakapagpigil ineng, baka magsisi ka sa ginusto mo," sabi ko pa sa kanya. "Hindi ako magsisisi, Apollo," at matagumpay niyang sinakop muli ang mga labi ko. Hanggang sa bumaba siya sa mesa at mabilisang tinanggal ang sinturon ko at saka ang butones ng pantalon ko. Dinig na dinig ko ang pagbaba ng aking zipper at ang biglaan niyang pagdakma sa bagay na nagnanais nang kumawala sa suot kong boxer brief. Patuloy lang kami sa paghahalikan nang bigla niya akong itulak. Hingal na hingal ako. Nakababa na hanggang sa hita ko ang suot kong pantalon, nakahantad sa kanya ang bakat na bakat kong sandata sa loob ng aking boxer brief. "Bakit?" Tanong ko. "Sorry, nakalimutan ko, meron pala ako ngayon. Next time na lang, thanks," saka niya inayos ang sarili niya at umalis sa harapan ko. Ganon na lang iyon? Paano pa itong naninigas kong sandata, wala man lang napaglabasan ng sama ng loob? Aagggghhh. Inis na inis kong dinampot ang sinturon ko at mabilisang nagsuot ng pantalon saka ako nagpatuloy sa gagawin ko. Bad trip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
579.1K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

Love Donor

read
85.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook