bc

The Abandoned World

book_age16+
347
FOLLOW
1.9K
READ
adventure
dark
system
space
powerful
independent
another world
special ability
kingdom building
war
like
intro-logo
Blurb

Secresia is a daughter of a well known scientist and doctor. She's a gifted child for having the highest intelligence quotient ever recorded in the history. With the sharp mind, Secresia received all the great achievements at the age of 16. She's the epitome of perfection for having the pretty face, wealthy and healthy life, a loving family, friends and a lover. Not until when she invented the replica of Earth to fulfill the promise she made with her sister. She's yearning for overwhelming joy but Secresia got the dark side of it. People discovered about the Earth's clone and decided to abondon their world for the new world hoping to have a better and fresh start there. Secresia the inventor of the world was left behind in the Earth because of people who sees her as a threat. She's all alone by herself and able to make a living but one day someone broke her peace. A man who only want is know her history, dark secrets and crimes before killing her.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Secresia Tamia's Point of View Ipinasok ko sa aking dalawang tenga ang headset at pumikit. Humuni ako na tila ibong ninanamnam ang pagiging tahimik ng kapaligiran. Idinuyan ko ang aking sarili para mas maramdaman ang lamig na dala ng hangin. Ipinagpatuloy ko ang paghuni at pinilit ang sariling 'wag mag-isip dahil parang nagiging gawain ko na iyon sa loob ng isa't kalahating taon. Nakakapagod mag-isip sa mga bagay na hindi naman na mababago. Mga bagay na hindi magbibigay ng simpatya sa buhay ko. Pinilit kong 'wag isipin pero parang pinipigilan ko lang ang paghinga ko. I opened my eyes and traced the wide field of beautiful flowers dancing because of the wind. Hindi ako makapaniwalang mag-isa kong napalago ang mga libo-libong bulaklak na iyon. Pero nagawa ko. Bukod kasi sa wala naman akong pagkakaabalahan ay wala lang din akong ibang kausap kun'di ang mga halaman. I am fond on talking to flowers because there's no one I could talk to. Kulang na nga lang ay sagutin ko ang sarili ko para kahit papaano'y matuwa ako. Parang sira, pero hindi mo maiisip iyon kung ika'y nasa sitwasyon ko. Nag-iisang tao sa mundo at ang pinamalungkot na tao na rin siguro ay ako. Nakakatawang isipin na nag-iisa na lang ako. Literal. Tumingala ako at mula rito ay kita ko ang napakalaking mundo sa labas ng mundo na kinalalagyan ko. Mundong maaring tahanan na ang tawag ng mga tangang tao. Iniwan nila ang totoong mundo dahil sa impluwensya ng gobyerno. Napakabobong desisyon sa kasaysayan ng mundo. "Tangang tao," sambit ko sa sarili ko. Kasama ako sa mga tao na iyon dahil alam ko sa sarili kong nagbulagbulagan ako at iniwan din ang totoong mundo para lang makasabay sa buhay ng lahat. Sino ba naman ang gustong maiwan mag-isa rito? Wala. Pero pinatapon ako na parang isang bagay na hindi nararapat sa lugar na iyon. Masakit, nakakagago dahil ako mismo ang gumawa ng mundong iyon pero ako pa mismo ang hindi maaaring tumapak sa gawa ko. Noong una ay pumasok sa isip ko ang pagpapakamatay dahil ano bang gagawin ng isang tulad ko kung nag-iisa na lang ako? Hindi ko kayang mabuhay mag-isa pero naisip ko na kelan man ay hindi solusyon ang pagpapakamatay at ito'y kasalanang walang kapatawaran. Tsaka hindi naman ako nag-iisa, I am with my God who will be with me, so basically, I am not alone. My father taught me to trust him and I did. I trusted him that he will have his own way to make things right. I just need to wait. Napatawa ako sa mapait na kapalaran. Pumikit ulit ako at dinuyan ang sarili. Napakunot ang noo ko nang may marinig mula sa langit. Ngumuso ako. Is there an alien that will seize this lonely world because there's no human living anymore? But I'm still here! Hindi ko alam kung kaya ko bang makisama sa mga alien. Nakakatakot, grr. O baka mga tao iyan sa kabilang mundo na nangunguha ng mga resources tulad na lang ng mga materyales na rito lang nakukuha. Mga langis, yamang mineral at mga halaman na maaari pa nilang mapalago sa bagong mundo. Hindi kasi ganoon ka-instant ang bagong mundo. Kailangan pa nilang magtanim at magsimula ng panibagong istruktura. Parang back to zero lang. Wala ring yamang mineral ang bagong mundo kaya bumabalik-balik ang mga tao ng gobyerno rito para mangulekta. Ang tanga talaga nila. Kung hindi nila nilisan ang mundong ito ay sana hindi sila nagpapagod kakabalik dito. Anong nangyayari sa utak ng mga henerasyong 2060? Nadurog? Hindi ako nagmulat ng mata. Wala akong pake sa kanila. Basta 'wag lang nila akong guguluhin. Kakaway na lang ako kapag nakita nila ako. As if naman bibigyan nila ako ng free ride pabalik sa 'tahanan' nila. Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang tunog. Mukang malapit lang ang pagla-landing-an ng isang 'to. Hindi pa rin ako nagmulat at nagpatuloy sa paghuni hanggang sa bigla na lang bumagsak ang bagay na mula sa labas ng mundo at lumikha iyon ng malakas na yanig kaya malakas na umuga ang duyan na kinahihigaan ko. Dahil sa malakas na pag-uga ay nalaglag ang headset ko. Pinilit kong habulin pa ito pero nalaglag na iyon sa napakalalim na bangin. Ang duyan ko ay nakapwesto sa dalawang puno sa dulo ng bangin. Tumingin ako sa baba. Sobrang nakakalula pero hindi naman ako natatakot na malaglag. Buwis buhay man pero ito ang pinakamagandang pwesto para matanaw ko ng mabuti ang napakaganda kong halamanan. "Sayang headset ko," sabi ko sa sarili. Umirap ako at nilingon kung saan bumagsak ang bagay mula sa kalawakan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang puting Hyacinth Space Ship na bumagsak sa gitna ng halamanan ko. "Oh, f*****g boy! My flowers!" Sigaw ko at mabilis na umalis mula sa dulo ng bangin. Mabilis kong tinakbo ang distansya ng flower field ko. Damn, damn! I'm gonna f*****g scratch the face of who ever operates the freaking ship! Halos magliyab ako nang makita ko ng malapitan ang mga nasira kong bulaklak. I worked hard for this lovely flowers and that ship will just ruin it? Magbabayad ang gumawa nito! There's no way they could get out of it! Mabilis kong tinakbo ang pinto ng ship. May salamin iyon kaya sumilip ako roon dahil nakasara pa ang pinto. Kinalampag ko ang bintana nang may makita akong isang tao sa loob. I shouted as if the person will hear me. I kept slamming on the window until the person noticed me. Naglakad siya papunta sa pinto at may pinindot doon para bumukas ang pinto. Nakapamewang ako habang nakatayo sa harap niya. Hindi ako nagsalita dahil may suot pa siyang gear at alam kong hindi niya ako maririnig hangga't suot niya iyon. Nagliliyab ang tingin ko sa kaniya habang unti-unti niyang tinanggal ang kaniyang helmet. Napansin ko ang logo ng Hyacinth Army sa suot niyang gear. Umirap pa ako dahil sa pagkainip. At nang matanggal niya ang helmet ay saka ko siya sinigawan. "Hoy! Hindi ka ba marunong mag-drive ng space ship! Siguro naman tinuro sainyo ang tamang pagla-landing ng hindi kayo nakakasira ng ari-arian ng iba!" Bulyaw ko. Itinapon niya ang helmet at hinilot ang noo na parang nananakit ito, pero wala akong paki. Gustong gusto ko siyang suntukin! Nangangati ang kamao ko kaya aamba na sana ako sa pagsuntok nang nag-angat siya ng tingin sa akin at tinitigan ako. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Palihim akong napalunok nang makita ang madilim niyang mga mata. Halos kapusin pa ako ng hininga dahil para akong nakakita ng totoong superman. Kamuka niya si superman! Sobrang gwap- the heck? Why am I complimenting this bastard? He killed my flowers! Wala siyang awa! Nakatiim ang bagang niya at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. "Yong mga bulaklak ko! Nag-iisa na nga lang ako rito, hindi pa kayo naawa sa mga bulaklak ko? Purwisyo! Bumalik ka na sa mundo mo bago pa kita gawing pataba sa mga tanim ko!" I banged but he didn't said anything. He just stared at me like he is puzzled to something. Pipi ba ito? Sayang gwapo sana. "Ano? Titigan challenge?" I said. Umirap ako. Tumingin ulit ako sa muka niya. Siguro 'di siya nakakaintindi ng tagalog dahil baka taga ibang bansa siya noon. Well, he has foreign features naman. "Hola?" No response "Konichiwa?" Still none. "Bonjour!" Still none. "Ciao?" Mas lalong kumunot ang noo niya. Ngumiwi ako sa pagkainis. "You know what? I don't care if your are mute or whatever is your citizenship but look at my flowers! They are shouting for help because of your idiotic way of driving! May I punch you for once?" Sabi ko at mabilis na iniangat ang kamao para suntukin siya pero mas mabilis siya sa akin at nakaya niyang ilagan ang suntok ko. Mabilis niya akong inikot at nilagay ang dalawa kong kamay sa aking likod habang nakapwesto siya sa likod ko. Narinig ko ang hininga niya dahil ang lapit ng bibig niya sa tenga ko. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang lakas niya! Suminghap ako nang mahinang tumawa siya malapit sa tenga ko. That was so sexy! "Hindi ako pipi," matigas at puno ng awtoridad na sabi nito. Pumiksi ako. "Let me go!" Sinubukan kong tumakas pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. "I said-" napasigaw ako nang inikot at tinulak niya ako sa pinto ng ship niya. Ngumiwi ako nang nasaktan ang likod ko dahil sa pagkahampas ng katawan ko sa matigas na pinto. "Get off me! Binatawan mo ako!" Tumalim ang tingin ko sa lalaki pero kinulong niya ang dalawa kong kamay pataas at nginisian ako. "Muka kang professional na maniac! Bitawan mo ko!" Humakhak siya pero mas tinaliman ko ang tingin sa kaniya. Hindi nakakatawa ang sinabi ko! Sa sobrang pagkaaliw ata niya ay hindi niya napansin na lumuwag ang hawak niya sa akin kaya mabilis ko siyang sinipa sa gitna ng hita niya. Napasigaw siya sa sakit at tuluyan na akong nabitawan. Nagkaroon ako ng pagkakataon para lumapit ulit para suntukin naman siya sa muka. "Para 'yan sa pagsira ng mga halaman ko." Ngumisi ko habang namimilipit siya sa sakit. Hindi alam kung saan hahawak. Sa treasure ba niya o sa mukang sinuntok. "Tama lang 'yan. Para 'di kana magkaanak! " bulyaw ko. "Ugh! s**t, You wont have your chance to have a child too if it get unproductive!" Aniya. Namilog ang mata ko. "Aba't ang manyak mo talaga! Hindi ako papatol sa'yo! Kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundong ito!" Sigaw ko. "Don't try me, Miss." Sa inis ko ay lumapit ulit ako para bigyan pa siya ng isa pang suntok sa muka. Natumba siya at napasandal sa ship niya. Ngumisi ako. Tumingin ako sa langit na pinanggalingan niya. "Fallen Jerk," saad ko bago naglakad palayo sa lalaking iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook