bc

My 3 Wive's Obsession

book_age18+
5.3K
FOLLOW
15.0K
READ
sex
contract marriage
family
counterattack
brave
self-improved
inspirational
twisted
sweet
coming of age
like
intro-logo
Blurb

Book 1- My 3 Wive's obsession

Book 2- The Twin wants to devour me

Book 3- Strange tides

Book 4- Hopelessly, Devoted to you

SPG! SPG!

R-18

Wala ako sa sariling umalis ng hospital matapos nga sabihin ng doctor na kailangan ng ma-operahan ang mama ko. Matagal na pala iyon iniinda ni mama at hindi 'man lang niya iyon sinabi sa akin. 

"Saan ako kukuha ng pera pang-opera kung kahit 1 thousand wala ako," ani ko na naiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Sinubukan kong puntahan ang lola ko sa side ni papa. Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa para pautangin ako ng pera ngunit walang nangyari. 

Pinagtabuyan lang nila ako. Bakit sila ganoon sa mama ko. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may pulang sasakyan na palapit sa direksyon ko. 

Sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na nasa sahig. Masakit ang katawan at nanlalabo ang paningin. 

"s**t! Ayos ka lang ba!" sigaw ng babaeng hindi ko kilala. Sobrang ganda nito at muntikan ko na itong mapagkamalang anghel. 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabing huwag na akong dalhin sa hospital. Bigyan na lang niya ako ng pera. 

"Gusto ko maipagamot ang mama ko," naiiyak na sambit ko. Pilit akong bumabangon. Hinawakan ko ang ulo ko at doon nakakita ako ng maraming dugo. 

"Bakit ba ang malas ko ngayon," nanghihina na sambit ko hanggang sa tuluyan na ngang umikot ang paningin ko. Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari. 

Hanggang sa nagising ako sa isang hospital. Noong una nanlalabo ang paningin ko ngunit nang luminaw iyon. Bumungad sa akin ang puting kisame. 

Napabalikwas ako at napahawak ako sa ulo ko. Nakita kong may mga naka-kabit sa akin na apparatus. 

Hihilahin ko iyon nang may pumigil sa kamay ko. Napatingin ako iyon 'yong babae na nakabangga sa akin. 

"Wala akong pambayad sa hospital bills. Ilabas mo na ako dit—"

"Sinong may sabing ikaw magbabayad ng hospital bills? Ako ang magbabayad," ani ng babae. Sopistikada ito at mukhang mayaman. 

Masyado na akong desperado at kinapalan ko na ang mukha ko. Sinabi kong kakalimutan ko na ang nangyari— ilabas na ako agad sa hospital para hindi na lumaki ang bills. Bigyan ako ng pera kahit magkano.

Tiningnan niya ako na parang nababaliw na. Yumuko ako matapos makita kung anong klaseng tingin ang pinukol niya sa akin. 

"Para saan ang pera at masyado ka yatang desperado. Alam mo bang muntikan ka ng mamatay kanina? Then nagawa mo pang sabihin sa akin na huwag ka ng dalhin sa hospital at bigyan na lang kita ng pera."

Niyukom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung sino siya pero nasabi ko sa kaniya ang kondisyon ng mama ko. 

"Kung bibigyan kita ng doble sa kailangan mong pera— gagawin mo ba lahat ng gusto kong mangyari?" tanong ng babae. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya. 

"Kahit ano— kahit habang buhay ako magtrabaho sa iyo. Kahit buhay ko ibibigay ko— iligtas mo lang ang buhay ng mama ko."

Nagulat ako ng kapalit ng 124 million at sa hospital fees ng mama ko. Kailangan ko pakasalan pinakamagandang babae na nakilala ko sa timeline na iyon ngunit mas nagulat ako noong sinabi niya na kailangan ko din pakasalan ang mga kapatid niya. 

Himala ba ito o sumpa. Biyaya ba sila o bagong problema. Hindi ko alam basta isa lang ang alam ko. 

Imposibleng maging mabuti akong asawa kung tatlo sila. Imposibleng makapagmahal ako ng isa kung may tatlo akong asawa. 

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV "Ha? Ito na ba ang asawa natin ate?" Napatanga si Jackson Ortega matapos dalhin siya ng nagpakilalang isa sa mga asawa niya sa isang unit. Isa sa dalawang babae ay minsan niyang nakita sa magazine dahil sa mga kaklase niyang lalaki. Nanlaki ang mata ni Jackson at napaatras matapos hawakan ng isa sa dalawang babae ang harapan niya. Namula ng todo si Jackson. "Oh my god! This is real? Ate! Ate ang lak—" Tinakpan ni Dahlia Rivas ahg bibig ng bunsong kapatid. Sinabing manahimik— tiningnan ni Dahlia ang lalaki na mukhang hiyang-hiya. "Simula ngayon dito ka na titira— hindi mo kailangan mag-work dahil katulad ng nasa kontrata. Lahat ibibigay namin sa iyo— makakapag-aral ka sa isang private school hanggang sa college. Kailangan mo lang gawin ay gawin ang responsibilidad mo sa aming tatlo bilang asawa. Maglinis nitong unit, ipagluto kami and at rest ikaw na bahala. Iyon lang naman," ani ni Paris. Malabo pa din kay Jackson kung paano siya napunta sa ganoon na sitwasyon at may kaharap siyang tatlong diyosa na siyang magiging mga asawa niya. "Paano kung hindi ako pumayag sa s*x?" tanong ni Jackson. Napatigil ang tatlo. Napa-pokerface si Paris. "Bakla ka ba?" tanong ni Paris. Tumawa iyong dalawa. Nanlaki ang mata ni Jackson at sinabing hindi. Nahihiya na si Jackson kaya pumunta na ito sa likod ng sofa at umupo doon. Nagtago sa tatlo. "It's up to you pero kung ayaw mo hindi ka namin pipilitin." Iyon ang sinabi ni Paris ngunit malayo sa mga ginagawa ng dalawa ang mga salitang binitawan ni Paris. Paulit-ulit siya minamanyak ng mga kapatid ni Paris. Lalaki din siya at mahirap magpigil ngunit naiilang pa din siya sa tatlo. Hindi niya ang mga ito gaanong kakilala at malaki ang respeto niya sa babae. "Pakiramdam ko anytime mababaliw na ako," ani ni Jackson habang nakatago sa ilalim ng kama. Pulang-pula ang mukha niya habang yakap ang katawan niya at tinatakpan. Hina-harass kasi siya ni Paige at isama pa si Dahlia na tinago lahat ng damit niya para wala siyang suutin sa loob ng unit na iyon. "Nasaan si Jackson?" tanong ni Paris. Napatigil si Jackson at agad na lumabas ng ilalim ng kama. "Huli ka!" Walang saplot si Jackson. Tinawag nito si Paris matapos siya talunan ni Paige at patungan. Bumukas ang pinto at hinila ni Paris ang kwelyo ng suot na uniform ng kapatid. "Kyaah ate!" tili ni Paige. Tiningnan ni Paris si Dahlia na ngayon ay nakapako ang tingin kay Jackson na tinatakpan ang sarili. "2 days pa lang si Jackson dito. Hindi niyo ba siya hahayaan mag-adjust?" pikon na sambit ni Paris. Sumimangot si Paige. "Pero may responsibility siya sa amin ate! It's so unfair naman!" pagmamaktol ni Paige. Hiyang-hiya si Jackson. Maganda ang mga babae sinong hindi magkakainteres dito ngunit in some reason hindi niya magawang tingnan ang mga ito kahit hawakan. "For god's sake. Tao pa din si Jackson hindi isang s*x doll. Asawa natin siya— hindi ba pwedeng gawin niyo din ang responsibilidad niyo bilang asawa niya? Mukha kayong mga hayok na leon na nag-aagawan sa kapirasong karne." Napakamot sa ulo si Dahlia. Nag-cross arm si Paige at umismid sa kapatid. Inutos ni Paris na ibalik ni Dahlia lahat ng damit ni Jackson. Jackson Ortega's POV Hindi maganda ang naging first impression ko sa kanila ngunit paunti-unti nagi-improve naman ang tatlo. Hindi pala nito alam kung paano ako ie-entertain as in— ginawa nilang first move ay s*x since iyon ang iniisip nilang magandang way para ipakita ang sincerity nila sa akin. Hindi ako makapaniwala. "Ha? Kiss?" ulit ko. Tumango-tango si Dahlia. Napakamot ako sa pisngi. Noong kinasal kami ni Paris sa judge nag-kiss din kami. Hindi naman ito ang first kiss ko. Habang nakaupo kami sa ibaba ng sofa. Hinawakan ko ang likod ng ulo ni Dahlia at hinalikan siya sa labi. Magaan na halik lang iyon. Tumawa si Dahlia kaya napasimangot ako lalo na ng inasara niya ako na hindi ako marunong humalik. "Huwag mo nga ako tawanan. Wala pa akong naging girlfriend!" namumula na sambit ko. Nahihiya na naman tuloy ako. Tumawa si Paige na nasa kaliwa ko. "Ako din husband gusto ko din ng kiss!" ani ni Paige at nagtaas ng kamay. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko din siya sa labi. "Isa pa!" "Ayoko na. Tiyaka na kapag marunong na ako ng kiss," ani ko. Nawawala na din paunti-unti ang ilang ko dahil noong una akala ko talaga pervert sila. Masyado lang talagang bold ang magkakapatid at nasasanay na din ako sa demand nila. Hindi na nila ako hina-harass kasi binalaan nga sila ni Paris na hindi ako makikita ng 1 year kapag pinagpatuloy pa nila ang pangha-harass sa akin. Hindi ko akalain na magiging effective iyon. Nagpatuloy kami sa panonood lang ng mga drama sa t.v. Maya-maya bumukas nag pinto. Napatayo ako at sumilip. Nakita ko si Paris. "Paris!" natutuwa na bati ko. Lalapit ako nang hawakan ni Paige at Dahlia ang magkabilang braso ko. "This is so unfair! Bakit kapag si Paris ang papasok masyado kang excited! Binabati mo siya agad!" sigaw ni Dahlia. Nagmaktol din si Paige. "Ha? Lagi kayong nandito? Lumbas ba kayo minsan?" tanong ko. Napatigil ang dalawa. Actually, takot ako sa side nila iyon in some reason. Nagdidilim kasi ang mukha nila at parang mapapatay nila ako anytime kapag ganoon. Alanganin na tumawa sina Paige at sinabing oo nga. Vacation 'non walang pasok si Paige at si Dahlia naman humingi ng vacation leave. Next week pa ang pasok niya. Nakatingin ako kina Dahlia nang may humawak sa panga ko. Napatigil ako matapos ako iharap ni Paris sa kaniya at hinalikan ako sa labi. "Kinontak ako ng private doctor na ini-assign ko para alagaan ang nanay mo. Stable na ang condition niya at pwede mo na siya bukas dalawin," ani ni Paris. Agad ako napangiti at sunod-sunod na nagpasalamat kay Paris. Okay na ang mama ko— ligtas na siya. Ngayon alam ko na ligtas na siya medyo nakahinga na ako ng maluwang. Tiningnan ko si Paris. "Pwede ko ba siya dalawin bukas? Pangako babalik din agad ako," ani ko. Nagkibit-balikat si Paris at tumalikod. "Pwede ka naman dumalaw doon anytime pero dapat isa sa amin kasama mo." "Kami na sasama bukas kay Jack! Gusto ko makilala si mother-in-law!" excited na sambit ni Paige. Natawa ako dahil doon at sinabing huwag magpapakilala sa nanay niya. "Baka kapag sinabi kong tatlo ang asawa ko baka atakihin na naman siya sa puso," ani ko. Nag-cross arm si Dahlia. "Marami kaming pera. Kahit ilang puso mabibilhan namin siya." Agad ako umapila at sinabing huwag. Hayaan na muna sana nila maka-recover ang mama ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
35.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.2K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
31.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook