bc

Jerk Butler and the Mischief

book_age16+
15
FOLLOW
1K
READ
tragedy
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

This story is about the stubborn heiress and the mysterious butler.Patricia Yatori Mizami is a spoiled and stubborn woman, the only daughter of the wealthy Mizumi family in Japan. Despite having gone through many butlers, none have lasted due to her difficult personality.Several accidents have occurred in her life and within her family, some of which she cannot even remember. However, everything changes when she meets Zyco Bustamante, a butler with a similar personality to her own.One day, her father sends her to the private and secretive Drevillo University. Little did she expect to meet death upon her arrival. With no mercy, and no limit to the battle, buried secrets become the reason for her survival.Through these mysterious events, the two of them develop feelings for each other. But will they find the answers to their questions, or will it lead to their tragic end?

chap-preview
Free preview
Chapter One: Red-eyed Man
Patricia's P.O.V. I was under my parent's bed when suddenly I heard a gunshot. I saw my mom's eye without emotion, cold body and dead voice. A small hole on her forehead with blood. My mom was shot dead. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at pawisang pawisan. That nightmare again. Bumalik ako sa pagkakahiga at muling pumikit. Isang oras ang lumipas ay tumunog ang alarm clock dahilan para magising ako. Habang nakapikit ako ay iginala ko ang kamay ko papunta sa table hanggang sa makapa ko ang alarm clock at ibinato ito sa kung saan. I totally hate first day of school tapos kakasuko lang ng bagong hired na butler kahapon. Ayoko may mga matang nakatitig sakin, feeling ko tuloy selyado at nasa kontrol ako. Ang hirap kumilos, hangang kailan ba ako makakalaya sa buhay kong ito? "Patricia!" sigaw ni manang Mabilis kong tinakluban ang buo kong katawan ng makapal na kumot at sinikap na makabalik pa sa pagkakatulog subalit sobra talagang makulit si manang hinila niya ako hangang magising ako. "Hirashi naman eh!" Pasigaw na sabi ko habang nakapikit pa rin at itinaklob muli ang kumot sa katawan ko. Narinig ko nalang ang pagtaltak n'ya at nagsimula na namang maglabas ng mga bala mula sa bibig n'ya. You know what I mean. "Napakawalang galang na bata nito, tsk tsk bilisan mong kumilos at ipapakilala ka pa namin sa bago mong butler," Nagising ang diwa ko sa sinabi ni manang at napabangon sa kinahihigaan samantalang si Hira-- Miss Hirashi ay lumabas na ng room ko. 'Masaka!' [ Trans: No way ] Bakit ba pilit nila akong kinukuhanan ng butler, di na naman ako bata para don?! Pagkatapos kong maligo at maguniform ay bumaba na ako. Tumambad naman sa'kin ang isang lalaking naka-tuxedo at nakangiting sumalubong sa'kin pero di ko na lang s'ya pinansin . Sa halip ay pumunta ako kay Miss Hirashi na naghahanda ng pagkain. "Miss Hirashi , sino naman ho 'to?" sambit ko habang nakaturo dun sa lalaking naka-tuxedo at di ko naramdamang sumunod sa'kin. "Ahh. s'ya si Mister Yimomori , bagong butler mo at japanese din sya pero nagsasalita naman ng tagalog," nakangiting saad naman ni Miss Hirashi "Hirashi naman! matagal ko na pong sinasabi na hindi ko na kailangan ng butler, Yes, wala pa ako sa tamang edad pero kaya ko na ho ang sarili ko , I don't need a butler " Ilang beses ko naman bang sasabihin kay manang na di ko kailangan ng butler? Mukhang wala pa nga sa kalingkingan ko 'tong butler na 'to , ni-miski ako ata eh di makakaya nito. "Di mo alam ang mangyayari sayo sa araw-araw , lalo na't nagiisa kang anak ng Mizumi, sa ating mundong ginagalawan madaming mapagbalatkayo, kaya kailangan mo ng butler, para rin naman sa'yo iyon e... Sa kaligtasan mo," singit naman sa usapan ni Mister Mashimo "At isa pa, babae ka pa rin." dagdag nya pa. Di ko nalang sinagot si Mister Mashimo at tuluyang umalis sa mansyon na 'yon. Para san pa't tinuruan nya ko ng judo. Pinagmamasdan ko lang ang paligid habang patungo kaming paaralan. I saw a group of family member. Smiling, laughing, eating together na animo'y walang problema. Kahit na hindi man sila ganoon kayaman o kaganda ang buhay. Masaya pa rin sila. Samantalang ako, nasa akin na ang lahat lahat ng kailangan ko pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Siguro last na tumawa, kumain, ngumiti kasama sina mom and dad ay halos di ko na rin matandaan. Madalas sa isang taon lang si Dad pumunta dito sa Pilipinas at minsan pa nga ay hindi na. Busy siya sa trabaho na palagi nilang sinasabing para sakin din daw 'yon. But I don't really need that. Mas importante sa kanya ang trabaho kaysa sa akin. Simula nang mawala si Mom, parang nawala na din sa akin si Dad "Okay kalang?" tanong ng bagong butler. "Nope. Until you gave up as my butler," I sarcastically answered. "Totoo pala ang sinabi sayo ni Ma'am," Naputol na ang usapan namin nang makarating na ako ng university. "PAT!!" sigaw ni Miyami at tsaka ako niyakap nito. Siya na rin ang bumitaw sa pagkakayakap at mabilis na humarap sakin, nakita ko naman si Clyde sa likod n'ya na nakatingin lang sa'min. Miyami Dela Cruz and Clyde Lim was my childhood bestfriend. Actually, I treat them as my bro and sis. Napamahal na silang dalawa sakin, in every trials or problems ay nandyan sila at tinutulungan ako. We have no secrets to hide. Lahat sinasabi namin sa isa't isa. "By the way , kamusta si Mister Yori?" tanong ni Clyde at umupo sa tabi ni Miyami. "Hmm. Sino nga ulit yon?" naguguluhang tanong ko. "Ano ka ba? Butler mo yon nung last month," Malay ko ba doon. Sa dinami-rami ng mga naging butler ko at di ko na sila matandaan. "Ahh yun ba? 5 days ko lang sya naging butler. Bukod don may apat na sumunod pero sumuko na rin tapos may bago na naman ngayon," paliwana Pero syempre, hahanap ako ng paraan mapaalis lang sya. Hehe "T-talaga? Wow. Just wow. Napakaangas!" nakangiting sambit ni Miyami. "Wala na talagang tumagal sayo Pat, pano kaya kung ako nalang maging butler mo?" nakangising saad naman ni Clyde. Dinapuan ko naman sya ng masamang tingin at itinaas niya ang dalawa nyang kamay. "Okay? I'm just kidding," natatawang sagot nito. Nasa gitna kami ng paguusap nang nay lumapit sa aming tatlong lalaking estudyante. They're all wearing thick glasses. "You're the president of Judo club right?" tanong ng isang estudyante na lumapit samin. Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa. May magulo itong buhok. Gusot at magulo din ang uniform nito. Masyadong malaki ang coat. Halos kasya din ang dalawang paa ko sa laki ng sapatos niya. He has a bad taste of fashion. Tumango ako bilang tugon. Clyde, Miyami, and me are black belters. Yes! Black belters. 5 years old pa nga lang ay marunong na kami sa Judo bilang self defense. Si Mister Mashimo ang pinaka-unang nagturo samin. It was after my mom's death. Aminin ko man o hindi pero magaling talaga si Mister Mashimo sa pakikipaglaban. He was my lolo's bestfriend at di sya nagkamali na sa kanya ako ihabilin bago sya pumanaw since alam nyang di ako maaalagaan ng maayos ng sarili kong magulang. It sucks. Simula talaga nang mawala si mom nagkagulo gulo na ang buhay ko. "Ah--can we join your club?" tanong pa nung lalaking nasa hrap ko. Tiningnan ko muna sya mula ulo hanggang paa. Same fashion. "Ilan kayo?" "Three." nakangiting sabi nya Tumango-tango ako then I smirked. "In one condition. The three of you..." I move my index finger from left to the right then points it with myself, "Must fight with me" Nakita kong nagbago ang expression nilang tatlo. Mula sa pagkakangiti ay napaltan ng takot. "If you're interested. Meet me at the Judo club room at 4 o'clock in the afternoon. Tomorrow." Tuluyan na silang umalis. "Don't break their bones, Pat." si Miyami "What if I want ? Kailangan muna nilang mabalian ng buto bago matuto" sarkastikong sagot ko. Napailing nalang sila. Di na mabiro. Maya maya pa ay dumating na si prof. Eto din ayoko sa first day of school. Wala naman akong interes sa kanila o ano man ang pangalan nila. Tyak na magyayabang lang yang mga yan tungkol sa mga ari-arian na meron sila. Naghalumbaba nalang ako dito at kunwaring nakikinig. Di ko napansing tapos na silang magpakilala lahat. "Next. Ikaw na nasa last seat. Please introduce yourself" sabi nung teacher at mukhang ako nga ang tinutukoy.Tumayo ako at habang naglalakad ako pauna eh ramdam ko ang titig nila at napaparinggan ang mga bulungan nila. "She's a Japanese right?" "Yep! Sa pagkakaalam ko . Sya lang ang anak ng Mizumi." "Woah. She's so lucky." Pilit akong ngumiti sa harapan nila. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ohayo Gozaimasu , Watashi wa Mizami Patricia Yatori...Hajimimashte mina-san" [ Trans: Good morning. I am Patricia Yatori Mizami. Nice to meet you everyone. ] Maraming di nakaintindi sa sinabi ko. Malamang nasa Pilipinas kami. Trip ko lang na mag-nihongo hehe. I know. They know me well. Madami din kasing mother earth dito. Kaya ayon. Boom! Kilala nalang ako bigla. Actually, dito sa Pilipinas ako pumasok ng lower grades ko. Nang maghigh school ako ay it-nransfer naman ako nina Mom sa Japan. Nang mag grade 11 naman ako ay inilipat ulit ako dito. Kahit na sina Clyde at Miya ay kasama ko rin na palipat-lipat dahil din sa magulang nila. Magkakakilala din kase ang mga magulang namin. Nagbow na muna ako. Nang akmang lalakad ako eh biglang bumukas ang pinto at niluwa naman nito ang isang lalaki. Isang lalaking may katangkaran, nakasalamin but it suits him well. Di sya nagmumukhang nerd binagay pa dito yung white hair nya. But, I saw her left eye. May contact lense ba sya? Pero ba't iisa? Weird. "Sumimasen..okuremashita" [ Trans: Sorry , I'm late ] walang ganang sabi nya , napatingin lang sya saglit sakin at diretsong lumakad sa upuan sa bandang likod din at... katabi ko. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.4M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
458.0K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
487.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
595.7K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
459.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook