bc

Until the Sunset

book_age16+
161
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
fated
inspirational
student
bxg
humorous
campus
office/work place
coming of age
passionate
like
intro-logo
Blurb

"On our most awaited day, he waited for me until the sunset, but I didn't know if I could still face him after knowing everything. He hurt me, and waiting until the sunset was not even worth it, just like my love for him. "

Klaire Marriane Frakier is an indepedent woman who wants to become an accountant someday. But it turns out that her parents had a lot of debts. She was a persistent honor student, so she got a scholarship from Harmown Town University. In this town she had once lived, but she could not remember what had happened.

Will she remember the things that happened to her in the past by living in that town?

Will that be a hindrance to their romance?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Ano ba Robert, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kailangan na nating mabayaran ang utang natin kay Aling Neda?!" "Ano bang sinabi ko sa 'yo kanina? Ako na ang bahala at ako naman ang magbabayad n'yan!" "Puro ka salita, 'yan na rin ang sinabi natin noong makalawa, pero ano? Nabayaran ba natin?" "Mariana tumigil ka habang ako'y nakakapagtimpi pa sa 'yo!" "Sirang-sira na ang pangalan ko sa lahat ng tao, naturingan pa naman akong isang guro!" Naalimpungatan ako nang dahil sa sigawan ng aking mga magulang sa kabilang kuwarto. Well ano pa nga ba ang bago, e halos araw-araw naman silang nag-aaway ng dahil sa utang nila. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong ng narinig ang pagbabangayan nilang dalawa. Hindi ko nga alam kung aware ang mga magulang ko na alam ko palagi ang pinag-aawayan nila. I checked my phone and it was already 3 AM. Nagulantang ako dahil ngayon lamang sila nag-away ng ganitong oras. Kadalasan kasi ang pag-aaway nila ay sa umaga, o 'di kaya'y paminsan-minsan ay sa harap pa ng hapag. I dialed my friend's number, because she is the one I can talk to at this time. "Hello Klaire, what are you up to? It's still in the morning." Her voice sounded like she was still drowsy. "Hmm, I just want to remind you, about sa gala natin for tomorrow—I mean mamaya na pala," I said and I can't help but feel ashamed because it looks like I woke her up. Akala ko kasi ay gising siya ng mga ganitong oras, dahil palagi siyang nanonood ng anime na inaabot siya hanggang madaling araw. Hindi ko naman kayang sabihin sa kaniya agad ang problema ko lalo pa't kagigising lang n'ya. "Klaire, why do you need to remind me? Kailan ba 'ko hindi sumipot sa mga gala natin?" tanong niya sa mula kabilang linya, at hindi ko maiwasan malugmok sa kinahihigaan ko dahil gumising pa ako ng isang tao para lang sa problemang ito. I sighed out of defeat. "Hindi lang ako makatulog," saad ko at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakuha ang mga dahilang iyon. I heard her chuckle. "No, Let me guess? Nag-aaway na naman ba ang mga parents mo?" Hindi na ako sumagot dahil alam naman niya ang mga dahilan kung bakit ako tumatawag sa kaniya, lalo pa't wala naman akong magandang rason na idadahilan sa kaniya kung bakit ako tumawag. I heard her sighed on the other line. "Klaire Marriane Frakier, how many times do I have to tell you that you need to talk to them?" tanong niya sa kabilang linya, at mukhang napabangon na siya mula sa kaniyang kinahihigaan. "And how many times do I have to tell you that you don't say my full name?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, bagkus tinanong ko rin siya. I'm not a fan of those people who want to be called by their full name. Masiyado na akong nahahabaan sa Klaire, ano pa kaya ang buong pangalan ko 'di ba? "Wag mo 'kong maganyan-ganyan Klaire Marri—" I cut her off before she could continue what she was going to say. "Sakiya Josefina Morfelliano," I seriously said. "Okay, okay. Just answer my goddamn question for Pete Sake!" she slightly shouted on the other line. Umayos ako nang pagkakaupo at inihilig ang ulo ko sa headboard ng kama at tumingin sa kisame na may nagliliwanag na mga bituin. "For what? Ilang beses ko na silang nakausap, pero ano? Ganito pa rin sila." I sarcastically laughed about what I said. Narininig ko siyang bumuntong-hininga mula sa kabilang linya. "Go back to sleep and get some rest. I'll see you tomorrow." And she hung up the phone immediately. My eyes rolled spontaneously. "Tignan mo nga naman 'tong babaeng 'to. Bakit ko nga ba ulit naging kaibigan 'to?" Iiling-iling na sabi ko sa sarili ko. Umayos ako nang pagkakahiga at bahagyang pinakinggan kung nag-aaway pa rin sila. Nang masiguro na wala na akong naririnig unti-unti nang hinila ng kadiliman ang pagkatao ko. Nagmulat ako ng aking mata, dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. I immediately grabbed my phone under my pillow to check the time. I was so shocked because I received a lot of messages and missed calls from Iyah. I unlocked my phone and I was left dumbfounded when I saw the time. It's already 10 in the morning! And our meet up for today is at 8 AM. So basically, I was late for f*****g two hours. Gosh. I quickly stood up, and went to the bathroom to take a shower. "Omg, ano na naman kayang sasabihin sa 'kin ni Iyah," I whispered to myself. Habang nag-aayos ng aking sarili. Nag-iisip na ako ng mga panibagong dahilan kung ano ang p'wede kong sabihin kay Iyah mamaya, dahil paniguradong tatalakan niya ako at pagagalitan. My phone beeped and I saw a message coming from Iyah. I instantly checked it. From: Iyahpot Hoy babae ka! Where are you? Kanina pa 'ko rito sa resto, baka naman pwede mo na akong puntahan?! Natawa na lang ako sa nabasa kong text, paniguradong inip na inip na iyon sa kahihintay sa akin. "Siguro galit na galit na 'to." I chuckled. I sent a peace sign and, as expected, my phone rang and Sakiya's number flashed on the screen. She really really hates it when someone sends her a peace sign, and I asked her why, but she chose not to tell me. "Hello, my beautiful friend," I cheerfully said, knowing that my friend was now bursting into anger. "Beautiful friend my ass," she replied sarcastically on the other line, and I think she's rolling her eyes now. "'Eto na paalis na, pababa na nga ng hagd—" I didn't finish what I was going to say, when she suddenly hung up the phone. "Napaka bastos, 'di pa nga 'ko tapos magsalita. Tss. Bakit ko nga naging kaibigan 'to?" I chuckled. "Good morning sweetie, how's your sleep?" When I went down the stairs, Mom greeted me with a wide smile on her face. I can't help but worry because her eyes are swollen, maybe because she cried for the whole night. "Ma, bakit po ganyan na naman ang mga mata n'yo?" I asked her with full of concern. Hindi ko pinansin ang tanong niya sa 'kin. "Wait, do you have any plans for today?" My Mom asked. She ignored my question and I understand it. Every time I bring up the topic about herself, she chooses not to answer it. Maybe because she doesn't want me to worry? Well, I don't think so. "Yes, Ma. I'm going to meet my friend," I said, smiling. "And I can't wait to see her po." Pinilit ko na lang din na ngumiti sa nanay ko kahit pa alam kong ayaw niya akong nag-aalala para sa pamilya namin. Wala naman akon magagawa kung ayaw itong sabihin sa akin ng mga magulang ko. "Si Sariya ba?" she asked. I couldn't help but laugh when she mis-pronounced my best friend's name. "Sakiya po Ma, not Sariya," I corrected her. "Para 'di na po kayo mahirapan, you can call her po as Iyah na lang," I added and she nodded, interestingly. "Oh, well, that's great," she replied, and then she suddenly hugged me tight. I hugged her back. "What is this for, Ma?" I asked with a confused tone. Minsan lang kung mangyakap si Mama. Pero iba yung yakap n'ya ngayon. Kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. "Go home early, okay? I have something to tell you, sweetie," she said sheepishly, and I couldn't help but worry. I creased my forehead. "You can say it to me naman po, ngayon Ma." Ngumiti ako nang bahagya para hndi niya mapansin na nag-aalala ako sa mga sinasabi niya. "No sweetie, you better go na, kanina pa nagri-ring yung phone mo." She laughed and pointed out my phone, which was now ringing. I checked my phone above the table, and I saw my bestfriend's name flashed on the screen. "Goodbye Ma, see you later!" I said and kissed her on her cheeks. Habang papasok sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Iyah, kitang-kita ko na mula sa labas ang pagkainip sa kaniyang mukha. Umupo ako sa harapan niya na may masiglang awra. "Hey! Kanina ka pa?" Pilit din akong ngumiti dahil hindi ko alam ang susunod niyang gagawin. It's either sisigawan niya ako o lalayasan niya akong mag-isa rito sa restaurant. She plastered a smile on her lips. "Oh my beloved best friend, buti naisipan mo pang pumunta," she stated sarcastically while rolling her eyes. Tumikhim naman ako dahil totoong nakaramdam ako ng hiya. Pinaghintay ko siya ng higit dalawang oras. "I'm really sorry. I woke up late, and kinausap lang ako ni mama saglit. Kaya ngayon lang ako," I explained sheepishly. She just rolled her eyes again and she diverted her gaze outside. "Oh come on, it's my treat." I pressed my lips. Alam ko kasing hindi ko pa siya kayang ilibre ngayon pero 'yon lang ang natatanging pambawi na kaya kong i-offer para mawala ang inis niya kahit pa malabo ko iyong magawa. She looked at me with disbelief. "Ay nako, tigil-tigilan mo 'ko, alam natin pareho na ako palagi ang nanlilibre sa 'yo," she said while reaching her pocket from her sling bag. I just laughed sarcastically. "Just wait for me to become a billionare, bibilhin ko po 'yong mall na gusto mo." This time it's my turn to rolled my eyes. "Ayan d'yan tayo magaling Klaire Mar—" I glared at her before she could say my goddamn full name. "Okay, fine, order mo?" she asked. "Any crab recipe will do," I said while grinning. Sa t'wing pumupunta kami ng restaurant or kahit na anong fast food chain. Crab ang palagi kong ino-order. Well after all that's my favorite. Habang kumakain, biglang sumagi sa isip ko ang pagyakap sa 'kin ni Mama nang gano'ng kahigpit at kakaiba. So I decided to open up that topic while we are eating. "Iyah, you know—" I didn't finish what I'm going to say when she halted me. "No, hindi ko pa alam, kaya ipaalam mo," she said nonchalantly. Napaka talaga ng babaitang 'to akala mo kung sinong maganda. Tch. "My Mom hugged me tight earlier, ta's kakaiba siya e. I can't explain the feeling," I said while remembering what happened earlier. Iyah squinted her eyes at me. "What if she just missed you? Or maybe you're the only one who gives a strange reason?" she asked, shrugging, without even looking at me. "No, may kakaiba talaga eh. I asked her why, but she told me na umuwi na lang daw ako nang maaga." I insisted on the strange feeling I felt earlier. "Oh baka gusto mo, ngayon ka na umuwi?" She even pointed at me the spoon, while she was eating her banana cake. Ayoko namang hindi matuloy ang gala namin ni Iyah ngayon dahil ngayong araw na lang ulit kami nag-decide na gumala. Sa mga nakalipas na araw kasi ay naging busy kami dahil katatapos lang ng Fiesta rito sa aming bayan. But at the end, parang gusto ko na lang din ang umuwi para malaman ko ang mga dahilan ni Mama, dahil nag-aalala na ako nang sobra. "Parang gusto ko na nga e. Iba kasi talaga 'yong feeling, may mali," I said worriedly, squinting my eyes at nowhere. "Gusto mo bukas na lang natin ituloy? Makiki-sleep over muna ako sa inyo, para updated ako kung ano man 'yang strange feeling na nafi-feel mo sa hug ni Tita." She giggled and it looked like that she was excited. Nanahimik ako ng ilang sandali bago tumango. Marami pa namang susunod na araw para sa gala namin ni Iyah, at hindi na talaga ako mapakali na malaman kung bakit ganoon ang trato sa akin ni mama. Wala rin naman akong maisip na dahilan kung bakit ganoon ang inaasal ng aking nanay, gayong maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa. Winakli ko ang mga nagpapagulo sa isip ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko, habang nakikinig sa kinu-kuwento ni Iyah.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
226.9K
bc

Rewrite The Stars

read
94.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
65.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook