bc

Tambay Pogi: Kiel (Ezekiel Garcia)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
25.0K
READ
love-triangle
second chance
self-improved
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
betrayal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Full Time: Water Station Boy/Owner

Part Time: Hunky Guy sa Kanto

Kiel. Ezekiel Lopez-Garcia.

Binatang may-ari ng water station at siya ring nagmamanage nito. Siya na rin minsan ang tagapaghatid ng orders ng mga taga Calle Adonis kaya naman pamatid uhaw ang presensya niya sa mga customers na kababaihan.

Malinis ba ang tubig sa station niya? Oopps, pati nga yata pawis niya ay mineral water na.

Tama lang ba ang presyohan nila? Sobra pa sa sulit at inaakala.

Pamatid uhaw ba? Kapag siya ang nagdeliver, wala ka ng hahanaping brand na iba.

Subaybayan kung paanong ang binatang ito ay nanatiling uhaw sa pag-ibig sa kabila ng atenayong nakukuha sa paligid niya.

Lahat ba ng naiiwan ay naghihintay?

Kiel. Ezekiel L. Garcia

Nauuhaw ka na ba?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Kiel Sa unang pagkakataon, iniwan ako ng babaeng akala ko ay makakasama ko habang buhay. Pero naghintay ako. Maraming nagtatanong sa akin kung bakit ako nananatiling walang buhay-pag-ibig sa loob ng ilang taon mula nang iniwan niya ako sa payak na lugar ng Calle Adonis. Sabi nila, tanga raw ako. Sabi nila, huwag na akong umasang babalik pa siya. Sabi nila, maghanap na lang ako ng iba. Sabi nila, napakahaba na ng halos tatlong na taon ng paghihintay ko kaya dapat makalimot na. Sabi nila, baka may iba na siya. Pero sabi ko naman, hanggat may naiiwang nag-aantay, baka sakaling may babalik. Babalik para buuin ulit ang naiwang wasak. Pero hanggang kalian ako maghihintay? Hanggang kalian ako aasang babalik pa siya? Hanggang kalian ako magsasabing siya pa rin ang laman ng puso ko? Hanggang kalian ako magpapakatanga? Hanggang sa dumating na nga siya. Pero bakit ngayong nandito na siya ay parang nawala ng bigla yung dati? Bakit ngayong nandito na siya ay hindi ko magawang ibalik yung dati? Bakit ngayong nandito na siya ay parang nawawala na ang init sa puso ko? Dapat pa bang ibigin ko pa siya? O ang nakaraan ay dapat lang na limutin ko na? Mananatiling katanungan ang mga ito hanggat hindi pa kumpirmado ang lahat sa aking puso at isipan. Sa ngayon, iisa-isahin ko muna ang mga nangyari sa buhay ko na kasama siya matapos ang mahabang taong paghihintay ko sa pagbabalik niya. Sa huli, alam kong pag-ibig ang naglapit sa aming dalawa sa isa’t isa. Sana ay pag-ibig din ang maglapit sa aming dalawa. Kung hindi man bilang magkasintahan, ay sana bilang magkaibigan. Ako si Ezekiel, at ito ang aking kwento.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

The Young Master's Maid

read
748.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

The Sex Web

read
130.2K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
498.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook