bc

Innocent Maid

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ito ay kwento ng dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay.Ang isa ay namuhay na nakukuha ang lahat ng gusto at naisin.Samantalang ang isa ay lumaki na kapos sa kaalaman sa lahat ng bagay.Lumaki kasama ang mga ibang tribo na naninirahan sa kabundukanPaano nga ba magsisimula ang kwento ng kanilang pag iibigan.Pwede kayang may mabuong pagmamahal kahit ang isa ay nakatakda ng ikasal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
***Monique Sanchez*** "Monique.....,Monik..asan ka ba!!.."Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni inay sa katatawag sa akin. Hindi agad ako makasagot dahil may kagat kagat akong bunga ng bayabas. "Inay narito po ako" ani ko kahit hindi ko pa nalulunok ang nasa bunganga ko. "Jusme kang bata ka,bumaba ka nga diyan baka magalusan ka!" sigaw ni inay. Simula bata ako ayaw na ni inay na nagagalusan ako kaya naman may makinis padin akong balat. "Inay ang dami kasing hinog eto oh" sabay pakita ko sa mga nakuha kong bunga na nakasahod sa aking malaking tshirt. "Anak hindi ka na dapat umaakyat sa mga puno dalaga ka na" nag aalala nitong saad.Kinuha niya ang mga napitas kong bayabas at iginiya na niya ako pauwi. "Ka Senia,nanggaling ako sa patad,at may pinapaabot na mensahe si Kuring na kung pwde ipadala mo ng manila tong si Mon para may kasama siya sa mansyon na pinagtatrabahuan niya umalis na daw kase yung kasa niya doon" dinig kong saad ni Mang Estong. "Eh baka mapano ang anak ko doon alam naman ni Kuring na hindi marunong bumiyahe ang anak ko at baka mapahamak lang siya sa manila" may pag aalalang wika ni Inay. "Naku kakang Senia,hindi naman siguro pababayaan ni Kuring si Mon,ayaw mo bang magkaroon ng pera ang anak mo at makapagtrabaho din siya sa loob pang naman daw sila ng bahay at magaling namang maglinis at magluto ang anak mo" panghihikayat nito kay Inay. "Sige pag uusapan muna naming mag ina" Mahinang wika ni inay. "Inay ano po yung Manila?maganda po ba doon?" pangungulit ko ng makarating na kami sa bahay. "Ayon sa kwento ng tyang Kuring mo maraming tao doon,maraming sasakyan at matataas na mga bahay" kwento nito kaya namilog ang aking mata. "Inay gusto kong pumunta ng Manila" may pananabik kong saad.Natigilan si Inay at tumingin sa akin. "Sigurado ka ba anak,mangako ka na kapag pinahirapan ka doon sabihin mo kay tyang kuring mo iuwi ka niya dito" saad nito na may halong lungkot. "Opo inay pangako po"punong puno ako ng pananabik sa mata.Sa wakas makikita ko na din ang patad hindi kase ako dinadala ni inay sa baba ng bundok na ito. "Isasama kita bukas sa baba para makabili ka ng mga bago mong damit at panty" ani ni inay. "Inay okay pa naman mga panty ko eh,atsaka wala po tayong pera" wika ko naman. "naku anak kita mo mga panty mo pinagbubuhol mo lang mga garter"napatawa ako sa tinuran ni inay.Meron naman akong panty na iba pero mas gusto ko lang gamitin yung mga luma na para hindi sabay sabay maluma. Kaya naman kinaumagahan isinama nga ako ni inay sa palengke at unang beses ko itong baba mula ng maipanganak ako sa mundo.Si inay ang naging guro ko,siya qng nagturo sa akin naagbasa at magsulat kaya may konti naman akong alam pagdating sa pagsusulat,pagbabasa at pagbibilang.Sumakay kami sa kariton ni mang estong na susundo sa mga matatandang nagtungo din sa bayan para mamalengke. Napaawang ako ng labi ng makababa na kami mula sa bundok dahil ibang iba ito sa namulatan kong kapaligiran,maingay at mausok.Nanibago ako sa mga madaming sasakyan at natuwa ako sa panibago kong nakikita may ganito pala sa ibaba ng bundok na aking kinagisnan. Abot tainga ang aking ngiti na napansin naman agad ni inay. "Anak mas madami pang tao at sasakyan sa manila kumpara sa nakikita mo ngayon" wika ni inay habanh naglalakad na kami sa loob ng palengke kung saan maraming mga panindang damit na nakasabit sa mga pwesto. Nakahawak lang si inay sa aking kamay na parang takot na mawala ako sa tabi nito.Ako man ay nahahaluan ng takot at pananabik ang aking puso dahil sa plano kong pagpunta ng manila. "Dito anak,pasok tayo sa pwesto ni ka Agnes" hila sa akin ni inay papunta sa loob kung saan may mga panindang damit. "Oy ka Senia napababa ata kayo ng bundok at himalang dinala mo ang maganda mong anak" sabay pasada ng tingin sa akin,nginitian ko naman ito. "Bibilhan ko lang siya ng damit at ng may maayos siyang maisusuot pagpunta niya ng Manila" ani ni Inay. Nanguha si inay ng mga tshirt na medyo maluluwang sa akin at ilang jogging pants. "Anak pili ka na ng mga panty diyan " turo ni inay sa linya ng mga panty. Dinampot ko isa isa at natuwa ako sa mga nakaguhit.Dinampon ko ang isang piraso at may nakasulat. "Do- do- ra a-nd Bu-but ch" nahihirapan kong basa.Marunong naman akong magbasa pero konti konti lang. "Ah Dora and Butch hihi" napatawa ako dahil sa kasamang unggoy sa panty. "Inay ito oh" sabay taas ko sa hawak kong panty. Namilog ang mata ni inay ng makita ito." Naku anak,madaming pangdalaga na design dito,huwag na iyan at pang bata lang yan" kamot ang ulo ni inay na lumapit sa akin. "Nay kasya naman ito sa size ko eh" pamimilit ko.Dumampot si inay ng ilang mga panty pero hindi ko iyon natipuhan dahil ang may guhit na bata at unggoy ang gusto ko. Wala ng nagawa si inay kundi bilhan ako ng isang dosena bago kami nagpaalam kay ka Agnes. Sobra na ang pagkasabik ko sa pagpunta ko sa Manila halos hindi na ako nakakatulog ng maayos sa kaiisip. "Nay bukas na po ang alis ko,mag iingat ka palagi dito ha" saad ko habang nakahiga na kami ni Inay at nakayakap ako sa kanya. Niyakap din niya ako at hinaplos ang aking buhok. "Anak basta yung bilin ko huwag mong hahayaang maliitin ka ng kahit sino doon,kapag nasa katwiran ka lagi mong ipagtanggol ang sarili mo dahil hindi ka naman laging nababantan ng tyang Kuring mo doon" paalala nito. "Opo inay" saad ko at isiniksik ko ang aking ulo sa kanyang kilikili. "Huwag kang basta nagtitiwala sa kahit sino bukod kay Tyang mo okay ba yun anak?" hinaplos nito ang aking likod. Tumango ako at ngumiti.. Kinaumagahan maaga kaming pumunta ng terminal ng bus at ibinilin ako sa kundoktor kung saan ako ibaba at kung sino ang susundo sa akin. Ilang oras din ang naging byahe ko bago ko narating ang sinasabi nilang manila.At tama nga si inay sobrang ingay ng mga sasakyan at ang daming tao. Nag unahan ng bumaba ang mga pasahero samantalang ako ay palinga linga kung bababa na ba ako o hindi pa. "Diyan ka muna Monique hintayin mo lang makalabas ang lahat "ani ng kundoktor.Mabuti nalang at mabait naman ito at inalalayan ako. "Dito ka maupo hintayin mo ang tyang kuring mo" ani nito at naupo ako sa bakanteng upuan na nasa terminal ng bus kung saan ito huminto. Palinga linga ako ng may batang lumapit sa aking at nanghihingi.Nakatitig lang ako sa bata baka nasa 6yrs old palang ito. Bigla akong nakaramdam ng awa dito kaya ng akmang kukuha sana ako ng pera sa bulsa ko ay agad na may humawak sa aking kamay. "Huwag mong bibigyan" madiin ang hawak sa aking kamay ng tumingala ako ay bigla akong natakot sa mukha nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
475.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
522.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
614.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook