bc

In Bed With Hardinero (COLLABORATION SERIES: HARDINERO#6)

book_age18+
837
FOLLOW
8.1K
READ
one-night stand
HE
powerful
bxg
lighthearted
office/work place
musclebear
like
intro-logo
Blurb

No boyfriend since birth. Never ever been touched. Innocent body but not so innocent mind. Hindi naman kami magkakilala. Hindi rin magkaano-ano. Mas lalong hindi kami magkaibigan. But then how the hell did I end up naked on a bed of hardinero? WARNING! Beware. Some contents are not suitable for young readers. YOU HAVE BEEN WARNED! Pikit-matang ipo-post. Hope you all support this just like how you support my other stories. This genre is kind of different to what I usually write so pardon with me. I have now completed stories. Go to my profile by clicking my name below and kindly follow me. Pwede niyo ring basahin ang completed book ko, just clicked the link below. This story is dedicated to my readers, co-writers, family, and friends. This is the book 6 of Hardinero series. Please also read the other Hardinero books of Team Khala writers, I will put the link after they posted the story. Or you can go to their profile and follow them. Here are the list:HARDINERO 1: Play, Pain, And Pleasure by ELSenyoraaHARDINERO 2: Ang Tigasin Kong Hardinero by Jey KimHARDINERO 3: Mr. Gardener's Dirty Little Secret by Analia FaithHARDINERO 4: Nang Gabing Iyong Diligan by Maria Angela GonzalesHARDINERO 5: A Gardener's Forbidden Lust by HmaestoriesHARDINERO 6: In Bed With Hardinero by Sipar De AlHARDINERO 7: King Of The Garden by zt_cvxHARDINERO 8: Dilig Sa Pink Rose Ni Rosy by ChilvaryWet69HARDINERO 9: Landscaper's Lust by SPLENDiDHARDINERO 10: Ang Namumukadkad Na Rosas Ni Maria by Maginoong ManunulatHARDINERO 11: My Psychopath Hardinero by MayoraMieriaelle_WPHARDINERO 12: Mr. Hardinero My Secret Lover by NHELDSHARDINERO 13: Mr. Hardinero Pop My Cherry by Khala CastroAbangan po ang aming collaboration series!

chap-preview
Free preview
Simula
"Wear this." May binigay si Giorgio sa 'king kulay itim na mahabang wig at paper bag. Nagtataka ko 'yong tinanggap. "Para saan 'to?" Iyon ang huling araw ko sa Internship. Nakapag-make up na 'ko para sa disguise. Inaral ko pa nga 'yong make up para hindi naman hassle sa part ko na magbabayad pa para sa make up. "We have another job." Tumaas ang kilay ko at tiningnan ang laman ng paper bag. It's a white long sleeve blouse and black pencil skirt. May kasama rin siyang coat na itim. "Anong klaseng trabaho?" Mukhang magpapanggap akong ibang tao dahil sa wig. "You'll act as a landscaper who will design a yard. I'll be the gardener." Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang sinabi niya. "Magpapanggap ka ulit na hardinero? Why? Is this another mission? At kasama ako?" Unti-unting lumawak ang ngiti ko sa excitement. There's a mischievous glint in his eyes. "May kukunin lang akong importanteng bagay. I want you to distract the owner while I roam around the house. Kaya ko namang gawin 'to ng mag-isa but I cannot leave you alone. Isasama na lang kita." Mukhang hindi naman delikado ang misyon niya kaya nagawa niya akong isama. Bukod pa ro'n, nagtitiwala naman ako sa kanya na hindi niya hahayaan na mapahamak ako. Habang bumabyahe kami papunta sa destinasyon ng kanyang misyon, binibigay naman niya sa 'kin ang mga impormasyon tungkol doon at sinasabi ang mga dapat kong gawin at sabihin. "Ipapakilala mo 'ko as Theodore Magno. You will be Georgina Buenaventura. Nasa likod ang mga tools na gagamitin mo as a landscaper," aniya. Kinuha ko ang bag sa back seat at tiningnan ang tinutukoy niya. "Our client is an old woman who loves conversation a lot so while you talk to her, I will secretly do the mission as fast as I could." Tumango ako. "Is this a one day mission only? I'll get back to work tomorrow right?" tanong ko. "Yes. We are going leave before sunset. This is one of the easiest task that I handle that's why I was able to bring you. Rest assured that you will not be in danger as long as you have me," he promised that make me smile. Mabilis kaming nakarating sa nasabing destinasyon. It's a huge house with untamed lawn. Mukhang napabayaan na kung ikukumpara sa mga katabing bahay na ang gaganda ng mga lawn. "Hindi kaya siya magtaka kapag nakaalis na tayo? We suppose to make her lawn beautiful. She would expect it. Kapag basta na lang tayong umalis, baka magduda naman siya," sambit ko ng huminto ang sasakyan. "There's a real worker who will be assign to finish the task. Besides, if I wasn't able to receive that thing, mananatili ako rito bilang hardinero hanggang sa matapos ko ang misyon." "Then it wasn't a one day mission anymore," I stated. Gusto ko sanang samahan siya hanggang sa matapos niya ito kaso kailangan ko naman ng bumalik sa trabaho ko. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. We both wearing our disguise. Giorgio, even when his disguise was about being a gardener, still his physical look stand out. Kahit na sobrang simple lang suot niya, mukha siyang anak ng may-ari kaysa hardinero. Though I salute his effort for changing his face by putting on some make up. He looks much darker now. I couldn't explain his looks but overall, he looks ruggedly handsome, dark and dirty. "Good morning! I am Giorgina Buenaventura, the landscaper. Kasama ko iyong hardinero na sinasabi ko na expert sa pagpapaganda at pagpapatubo ng halaman. He's Theodore Magno." Lumapit si Giorgio at bahagyang yumuko sa matandang babae. "Magandang umaga ho madam." The old woman was all smile when she received us. Saglit niya kaming pinaupo at kinausap tungkol sa state ng kanyang lawn. "Kauuwi ko lang galing sa ibang bansa. Mga ilang taon din ako roon. Akala ko may nag aalaga nitong bahay nang iwan ko sa anak. Nalungkot ako na isa ito sa marami pang properties na napabayaan." That's why the house looks old. Okay pa naman ang pintura kapag nasa labas pero halata mo ng luma kapag nasa loob. Malinis naman ang bahay kahit na mukhang mag-isa lang si Madam Vivoree. Wala siyang kasamang katulong at siya mismo ang naghanda ng maiinom namin. Tumayo kaming tatlo at lumabas papuntang lawn habang patuloy pa rin siyang nagku-kwento tungkol sa sinapit ng bahay. "Ilang malalakas na bagyo pala ang tumama sa lugar na 'to kaya nagkaganyan ang harap. Umaasa ako sa inyo na mapapaganda niyo ang lawn bago pa man umuwi ang pamilya ng anak ko." Ngumiti ako at nangako sa ginang na kami na ang bahala. "Trabaho namin 'to. Makakaasa po kayo sa 'min." "O'sya, maiwan ko na kayong dalawa habang naghahanda akong tanghalian natin." Nang maiwan kami sa labas ni Giorgio, agad niya 'kong hinila sa tabi. "Alright. Papasok ulit tayo sa loob after 30 minutes. You have to distract her while I do my job. Huwag mo siyang hahayaan na lumabas para tingnan ang ginagawa ko. We'll finish this as soon as possible," seryosong pahayag niya. Though I don't understand why he suddenly looks unfriendly. "May problema ba?" kunot ang noong tanong ko. I think there is something happening here. Umiling siya at hinawakan ang pisngi ko. "Don't be so kind. You don't know her," paalala niya. "She's just an old lady." "No. Looks can really be deceiving. Aren't you surprised? This is a huge house yet she's alone. I also notice several foot print on the way to the kitchen. Imposible namang sa kanya lang 'yon galing. Now, she must be cleaning it now that's why she left us here alone. There is something else on this house that I have to discover. " True to his word, when I entered the house, una kong pinansin 'yong tinutukoy ni Giorgio na mga bakas sa sahig pero wala na 'kong nakita. Instead, I saw madam Vivoree na naghuhugas pa lamang ng mga gulay. 30 minutes kaming nasa labas pero naghuhugas palang siya ng mga gulay? That's kind of suspicious. Mukhang nilinis nga muna niya ang mga bakas at hindi ko man lang 'yon napansin. Because of that, I tried to spot all the small things that can be suspicious and indeed, I realized that everything that she told us isn't the truth. Wala raw gumagamit nitong bahay for the past years kasi napabayaan. But the looks of the kitchen shows that it has been used for a long time though it looks clean naman. I know it kasi ganoon ang hitsura ng kusina sa bahay. Aside from that, the carpet is dark so it looks clean too. However, when I try to lift the corner up, I saw lots of soil and sand na parang ilang sapatos na ang nakadaan doon kaya naiwan ang mga alikabok, lupa at buhangin sa ilalim. Or maybe, it was purposely hidden there. "Madam, I want you to choose from this layout so we could start the make over of your lawn immediately." Napansin ko ang gulat sa mukha niya ng pumasok ako sa kusina at naabutan siyang naghuhugas ng mga gulay. "Nasaan na 'yong kasama mo?" tanong niya. Tumabi ako sa kanya. "He's outside madam. Clearing out the messy bushes." Pinapili ko siya sa mga designs na dala ko habang nagtitingin-tingin sa paligid. Then I noticed something strange. "Madam, ang dami niyo na pong lulutuin para sa tatlong tao. Hindi po kami malakas kumain. Baka masayang lang po kapag hindi naubos," puna ko. Ngumiti ang ginang. "Huwag kang mag alala. Hindi masasayang ang mga pagkain. Alam mo, mahilig talaga akong magluto bata pa lang. Simula ng makapag asawa ako ng mayaman na mahal na mahal ako, hindi na ako masyadong nakakaapak sa kusina. Madalas akong sawayin kapag tumatapak sa kusina kasi may mga katulong naman daw," magiliw na kwento niya. "I see. Pero bakit po mag-isa kayo ngayon at wala man lang kasamang katulong?" "Hindi ko gusto na maraming tao sa loob ng bahay ko hija. Kaya ko namang pangalagaan ang bahay. Bata pa lamang ay iyon na ang ginagawa ko." Tumango-tango ako. Now that I'm suspicious, I'm questioning all the words that came out on her mouth and her actions too. Hindi kasi mga nagtutugma. Tinulungan ko siya sa ginagawang pagluluto. Hinayaan niya naman ako at mukhang natuwa pa siya na may katulong siya sa pagluluto. "Marunong ka bang magluto hija?" tanong niya. "Medyo po." "Naku! Dapat pag-aralan mo 'yan dahil isa 'yan sa basic skill na dapat meron tayong mga babae," aniya. "Nga pala Gina, pwedeng pakikuha noong spices sa taas ng cup board? Masakit na ang tuhod ko at nahihirapan na 'kong tumingkayad." "Sige po." Mabilis ko iyong sinunod. Kalaunan ay panay na ang utos niya sa 'kin. Nang malaman niyang hindi ako masyadong maalam sa kusina, iba na lang ang inutos niya sa 'kin. For an old lady like her na hindi pinapapasok ng asawa sa kusina at ilang taong nanatili sa ibang bansa, nakapagtataka naman na tila alam niya ang pasikot sikot ng kusina like it's been her place for a long time.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
460.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
492.8K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
598.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook