bc

BIDDER#1: Capturing the Billionaire's Heart

book_age18+
369
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
dark
possessive
dominant
boss
mafia
bxg
city
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

She has left with no choice. Ayaw man niyang mapabilang sa mga kababaihang ibini-bid sa mga mayayamang tycoons, at bachelor ng kanilang club ay wala na siyang nagawa. She played with fire, and now she has to deal with a stranger who payed millions just to have her.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Abala ang lahat sa loob ng dressing room dahil sa pinaghahandaang party at bid na magaganap mamaya. Mga bigating tao raw kasi ang naroon kaya naman aligaga kami ngayon, lalo pa at isa ako sa mga babaeng ibi-bid mamaya. Noong una ay hindi ko rin maintindihan, pero kalaunan ay nakuha ko rin. Marumi para sa iba, pero hindi nila alam… maging ako man ay hindi rin naman ginusto ito. Alam ko na sa ganitong klase ng hanap-buhay, hindi kailan magiging malinis ang tingin sa akin lalo na kapag iniiisip nilang natutuwa ako sa ganito dahil malaki ang kita. Ilang beses ko na ring hiniling na sana ay may kakayanan akong ibalik ang oras para hindi na ako nakaririnig ng masasakit na salita mula sa mga matatabil na dila ng mga taong hindi naman alam ang buong detalye ng kuwento pero panay pa rin ang pagpapakalat ng kung ano-ano, samahan pa ng mga matang mapanghusga na akala mo ay mga santang hindi pa nakagagawa ng kasalanan. "Ayusin niyo ang mga sarili niyo! Kailangan presintable kayo, hindi iyong mga dugyot kayo tignan," paalala sa amin ni Mami Jules — iyong make up artist na naatasang umasikaso na rin sa amin ngayong gabi. Napabuntonghininga at umiling na lang ako. Itinuon ko na lang din ang atensiyon ko sa salamin para mas maayusan ko ang aking sarili. I put on some makeup, but made sure na hindi magmumukhang OA iyong magiging resulta. May tiwala rin naman kasi ako sa mukha ko, kaya alam kong kahit hindi ko pupugin ng makeup ang mukha ko, maganda pa rin naman ako. "Oh, ikaw? Dagdagan mo pa 'yang make-up mo. Ayoko ng losyang, ha? Mayayaman lang ang makakapasok sa bid mamaya kaya ayusin mo. Ikaw pa naman ang pinag-aagawan." Natigil ako sa narinig kong iyon mula kay Mami Jules. I subtly rolled my eyes dahil para sa akin ay wala namang mali sa ginagawa ko. Sa huli ay sinunod ko na lang din ang sinabi niya kahit pa labag sa loob ko iyon. Isa rin iyon sa ayaw ko sa trabahong ito; ang dinidiktahan ako na para bang hindi ko alam ang ginagawa ko para sa sarili ko. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag-angat siya ng tingin sa iba ko pang mga kasama. He massaged his temple before saying, "Hay nako kayo, sawang sawa na ako sa pagmumukha ninyo kaya i-lelet-go ko na kayo! Jusmiyo marimar!" Pag-da-drama pa nito at pinaypayan ang sarili na animo'y naiinitan. Alas siète y media na ng gabi at mamayang alas otso magsisimula ang bid. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at ito ang una at huling beses ko itong gagawin. Ilang beses na rin akong inalok sa ganito, pero ngayon ko lang tinanggap dahil nalagay ako sa isang sitwasyon na pera ang paraan para masolusyonan ang pinakamalaking parte ng problema ko. Ang alam ng lahat ay isa ako sa mga escort ng Fantastic Bliss— ang club kung saan ako nagtatrabaho. Ang totoo ay waitress lang ako rito. Ilang beses ko na ring ginustong dipensahan ang sarili ko sa mga maling akusasyon sa akin, lalo na kapag sinasabing isa akong bayaran at nagpapagamit sa iba't ibang lalaki, ngunit pinipigilan ko na lang ang sarili ko dahil wala rin namang mangyayari kung papatol pa ako sa kanila. Isa pa… kung gan'on na ang tingin nila sa akin, kahit isang milyong beses ko pang ipaliwanag sa kanila, iyong paniniwala pa rin naman nila ang paninindigan nila. My thoughts were cut off when I heard Mami Jules called for our attention. May mga paalala lang siya para sa amin bago, habang, at pagkatapos ng bidding. We were told to weara mask. Marami ang may ayaw, lalo na ako dahil makati sa mukha, pero tatanggalin din naman daw mamaya kaya pumayag na lang din kami. Mami Jules said it was to add some thrill. Lalo lang humataw ang kaba sa dibdib ko nang sinabihan na kaming maghanda dahil malapit na kaming tawagin. Ilang beses ko na ring kinurot ang sarili ko para patahanin ang aking kaba. I also keep on taking deep breaths. Salamat na lang din at kumakalma naman ako kahit paano. "Ten minutes, ladies!" Sigaw ni Mami Jules na naroon sa pinto. Tumango ako. Kaya ko 'to. Maraming beses na rin akong dumaan sa mga pagsubok. Ano ba naman ito para sukuan ko. Inisip ko na lang na matatapos din 'to. "Kabado?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Napalingon ako sa kasama kong ni hindi ko nga kilala dahil bago lang din. Kahapon nga lang yata ito pumasok, e. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tumango. "First time ko rin 'to, pero mukhang mas kabado ka. Reasonable naman kung saan nanggagaling ang kaba mo kasi ikaw ba naman ang ipa-bid, 'di ba?" Tumawa siya, ngunit wala iyong bakas ng tuwang nahimigan doon. "Ako… wala na akong pakialam. Sinisira na rin naman ng mga magulang ko ang buhay ko, e di tapusin ko na lang din siguro iyong sinimulan nila." Nagkibit balikat siya. "Sinubukan din nila akong ibenta sa isang matandang mayaman, e. Alam mo 'yon? Simula pagkabata, nakikita lang nila ako bilang isang babae na puwedeng pagkakitaan. Pero siyempre, kahit siguro iyong pinakatangang tao, maiintindihan din kung tinetake na sila for granted. Imbes na sila ang kumita, naisip kong mas mabuti na rin siguro kung ibenta ko na lang din sarili ko at least sa akin lahat ng benefit. Kaysa naman doon sa ginagamit ako ng mga magulang ko para sa pansariling kagustuhan lang nila nang hindi ko man lang natitikman iyong ginawa galing sa paggamit nila sa akin," she narrated. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko naman naranasan iyong pinagdaanan niya, pero naramdaman ko iyong sakit sa kuwento niya. Iyong inakala kong masakit na iyong pinagdaanan ko, pero may kuwento pa palang mas malala kumpara sa akin. "Pasensiya na. Na-carried away lang ako," aniya saka niya ako nginitian. Then, she offered her hand to me. "I'm Yuri," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. Mabilis kong tinanggap iyong kamay niya. I smiled back at her. "Ako naman si Francine…" "Nice to meet you, Francine. Good luck sa atin mamaya. I hope mapunta ka sa isang taong hindi ka sasaktan. Hindi kita lubusang kilala, but I'm wishing you the best kasi alam kong deserve mo 'yon." Muli niya akong nginitian. She also tapped my shoulder. "Ikaw din, Y-Yuri…" I replied as I swallowed the bile on my throat. Sa tono ng pananalita at sa kilos niya, alam kong galing siya sa marangyang pamilya. Hindi ko lang din alam kung bakit niya pinasok ito, bukod pa sa sinabi niya kanina. Kung ano man din ang rason niya, alam ko ring hindi ko na dapat alamin dahil kasama na iyon sa parte ng pribadong buhay niya. Nang tuluyan na kaming tinawag ay nabawasan iyong kaba ko. My mind was still occupied by what Yuri told me. Gusto kong iwaglit sa isip ko pero hindi ko magawa. "Focus, ladies. Alam niyo na ang gagawin niyo. Bukod sa endorsement namin sa inyo, gawin niyo rin ang best niyo para magustuhan kayo ng mga mayayaman sa crowd. Remind ko lang kayo na mas mataas na bid, mas mataas ding porsyento ng share niyo." Iyon ang huling naalala ko bago ako tuluyang natawag sa stage. Kahit kabado ay itinatak ko na lang din sa isip ko na para 'to sa solusyon ng problema ko. The speaker did some introduction. He also mentioned and noted the reminder for the bid. Sinabi niya iyong mga terms ang condition at iba pang mga importanteng detalye bago pormal na nagsimula ang bid. Ramdam ko pa rin iyong kaba, lalo na noong nasabihan kaming tanggalin na iyong mga maskara namin. As guys drooled over us, I can't help but ask myself… Magkano ba talaga ang dignidad ko? Tinanggap ko 'to, kaya dapat handa rin ako sa kapalit, pero parang ang sakit pa rin tanggapin kung bakit ako humantong sa ganito. Umaabot sa milyon ang bid sa mga kasama ko. Hindi na rin naman ako nagulat dahil sa sigaw pa lang ng mga lalaking nasa harapan namin… alam ko ng handa silang magwaldas ng pera para lang maibsan ang uhaw nila sa laman. When it was Yuri's turn, I held my breath. Her bid started at ten million. Sinundan ng eleven hanggang sa umabot sa thirty-eight million. I turned my head to her only to see her annoyed face. "C-Congrats…" Wala sa sariling nasabi ko. "Well, yeah. Congratulations to me," aniya. Bakas ang sarkasmo sa kaniyang tinig. Napatingin ako sa lalaking may pinakamataas na bid kay Yuri at kahit hindi gaanong maliwanag sa banda nito, I can say how angry he was while starring straight to Yuri. Umiling na lang ako at nag-focus sa harap ko. Nang natawag na iyong pangalan ko ay nagsimula na rin iyong bid. Nagulat ako dahil mataas kaagad iyong offer. Starting to fifteen, hanggang sa tumaas pa. Napansin kong mas mataas iyong bid kapag nalalaman nilang virgin ang ipinapapa-bid. It made me hate this place more. Para akong nasusuka na hindi ko maipaliwanag. We were sold like we were some rare meat sa isang palengke. I suddenly felt the urge to be disgusted at myself, pero alam ko ring huli na para umatras pa. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang umabot na pala sa seventy-one million iyong bid sa akin, but it did not stop there. May naririnig na nga akong nag-aaway dahil mataas na raw iyong bid nila, pero may mas mataas pang mga offer. "One hundred million." A strange man raised his board with the amount he said written on it. Hindi ko makita iyong mukha niya dahil nasa pinakadulong sulok siya ng silid, but with his voice, I could guess that he was around thirty. Napuno ng bulungan ang buong espasyo. The speaker asked kung mayroon pa bang itataas iyon, pero wala ng naglakas loob. Then that was it. I was bid for one hundred million pesos to a man named Dalton El Sharique.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
35.3K
bc

Just Got Lucky

read
142.2K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.4K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.9K
bc

The Luna He Rejected

read
139.7K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
775.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook