Confirmation

1432 Words
Sashna’s pov: Tinungo ko ang hapag-kainan. Naupo ako sa tabi ni Clarisse at kumuha ng tinapay. Inilapag naman ni lola ang tasa ng kape sa harapan ko kaya nilingon ko siya ng may ngiti sa aking mukha at nagpasalamat. Nakakailang kagat pa lang ako sa tinapay ay dumating na si Aizen na nakabihis na. Nasa pinto pa lang siya ay amoy na amoy ko na ang pabango niyang nakakaakit. Tila mabibilaukan naman ako nang lumapit siya at naupo sa may tapat ko. Bakit sa harapan ko pa siya naupo? N-nakakailang! “Aalis ka ba apo?” tanong ni lola kay Aizen. “La, mag-aalmusal lang,” sagot niya. Ginawan din siya ni lola ng kape at inabot sa kanya. Pagkakuha ay hinigop niya ito ng kaunti at tumingin kay lola bago ngumiti. “Salamat, ang sarap mo talagang magtimpla!” puri ni Aizen at inilapag na ang tasa sa kanyang harapan. “Kuya, parang ang gwapo-gwapo mo ngayon?” patanong na sabi ni Clarence na nasa tabi niya. Natawa naman ng mahina si Aizen at ginusot ang buhok ni Clarence. “Matagal na, sira!” Bahagya naman akong napayuko at kumagat sa tinapay. Naramdaman kong binalingan ako ng tingin ni Aizen kaya naman agad-agad kong nilunok ang nginunguya kong tinapay at ininom ang kape kahit mainit-init pa kasabay ng aking pagtayo. “Oh, Sashna, tapos ka ng kumain? Kakaupo mo lang ah?” nagtatakang tanong ni lola at pati ang kambal ay napatingin din sa akin. “A-ano po kasi lola, masakit po ang sikmura ko! Magpapahinga lang po ako sa kwarto sandali,” palusot ko. “Oh sige, sabihin mo na lang kung kakain ka na at ipagdadala kita,” sabi ni lola. Nginitian ko ng pilit si lola at tumangu-tango na lamang ako bago ako naglakad ng nakayuko para hindi ko mahagip ng tingin si Aizen. Nang marating ko ang kwarto ko ay agad kong isinara ang pinto. Napasandal ako sa likuran nito at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Haayyy, hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko kapag nakita ko siya ulit! “Akala ko ba masakit ang sikmura mo?” biglang sabi ng isang pamilyar na boses. Nagulat ako nang marinig ko iyon kaya agad akong napalingon sa may bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya doon na matamlay na nakatingin sa akin habang nakasalo sa kanyang baba. “A-Aizen!” utal kong sabi. Dahil sa kaba ay napalunok ako ng laway at hindi ako makaisip ng sasabihin. Bakit siya nandito? Hindi ba’t kumakain siya kasama nila lola? “A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya at sinubukan kong itago ang pagkataranta ko. “Ikaw, anong ginagawa mo? Kanina ka pa!” irita niyang sabi. Binuksan niya ng husto ang bintana saka niya itinapak ang kanan niyang paa at tumalon papasok ng kwarto ko. Lalo akong kinabahan kaya bubuksan ko sana ulit ang pinto para lumabas pero bigla naman niya akong binato ng unan na tumama sa aking mukha. “Aray! A-ano bang—” “Akala mo hindi ko alam na iniiwasan mo ako? Para kang sira!” sabi niya sa akin. Eh? Gano’n ba ako kahalata?! Sh*t! Naupo siya sa gilid ng kama ko habang nakasilid ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Walang ekspresyon sa kanyang mukha nang muli niya akong lingunin ngunit parang naghihintay siya na magpaliwanag ako sa kanya. A-ano bang sasabihin ko? “Ano bang gumugulo sa isip mo?” malumanay nyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ang mga palad kong nakaladlad sa magkabilang gilid ko ay mahigpit kong naikuyom. “W-wala,” maiksi kong sagot. “Sa tingin mo ba malalaman ko ang nasa isip mo kung hindi mo sasabihin sa akin?” sabi pa niya ngunit hindi pa din ako umimik. “Isa akong Mafia, hindi manghuhula.” Alam ko naman ‘yon eh, pero ano ba kasing ipapaliwanag ko? Nabalot kami ng ilang segundong katahimikan. Napaisip ako habang nakatingin sa sahig. Tama nga siya, para akong sira. Iwas ako ng iwas sa kanya dahil nahihiya ako pero… bakit nga ba ako nahihiya? Dahil inamin namin sa isa’t isa kagabi ang nararamdaman namin? Hindi ko nga sigurado kung totoo ba na nangyari ‘yon dahil… parang panaginip pa rin para sa akin ang lahat. Isang beses nya lang naman sinabi iyon at hindi ako sigurado kung tama din ba ako ng pagkakarinig. Hmn, sabagay ay parang hindi nga niya alam ang nangyari kagabi. Maybe he's toying me again, why should I be surprised? Maybe it just really matters to me… but not for him. He's a jerk! Naisip kong h’wag na lang ipaalam ang nasa isip ko at ibahin na lang ang usapan. Baka nga nagkamali lang ako ng pagkakaintindi. Ang tanga ko talaga! “K-kailan ba tayo babalik ng mansyon? Baka parusahan ako ni Prime,” malamya kong tanong ngunit hindi ko pa rin maibaling ang mga mata ko sa kanya. “H’wag kang mag-alala kay Prime, alam niya na ang lahat,” sagot niya agad. Hmn? Alam ni Prime ang lahat? Kung gano’n ay ibinalita niya na pala. Wala naman na siguro akong dapat ipag-alala pa, hindi ba? Hindi ko naman kagustuhan ang nangyari. Hindi ko nga alam kung bakit parang may nagtatangka sa buhay ko. Dahil ba sa isa na akong Mafia? O may iba pang dahilan? Naramdaman kong tumayo si Aizen at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Nagsasalubong ang mga kilay ko habang pinipilit kong ikalma ang aking sarili. Ayoko na siyang iwasan para naman hindi na niya isiping masyado akong apektado sa presensya nya. “Sigurado ka bang iyon lang ang sasabihin mo?” tanong niya nang makalapit sya sa akin. Malamig pa rin ang kanyang pananalita. Ano pa bang gusto niyang sabihin ko? Nagbuntong-hininga ako at saka ko siya sinubukang tignan ng diretso sa kanyang mga mata para maniwala siyang ‘yon lang ang pinangangamba ko. “May iba pa ba akong dapat sabihin?” pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Sandali siyang hindi umimik na para bang sinusuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. Maya-maya’y hinaplos niya ang aking mukha at para na naman akong nagyelo sa kinatatayuan ko. "I don't know, but I," —he grinned and brought his face closer to mine— "I want to kiss you again." Sh*t! N-no! He was about to kiss me but I suddenly pushed him away. "No, stop it!" He was obviously startled at his expression but even though I was craving for his lips, I didn’t want him to kiss me. “Stop!” I mumbled in distress. “Sash—” “Stop it, please!? Stop taunting me! Stop playing on me! Stop saying words that are just jokes for you! Just… just stop it already!” I blurted out that shut his mouth. “You're just making me want you!" My body trembled as I said those words. Even though I suppressed my emotions they still struggled to get out of my chest. I feel like I just want to sink to the ground so I can’t see him anymore because probably, it’s just nothing for him at all! Time seemed to slow down when he gently placed his palm on top of my head and stared at me solemnly. I was like a candle and he was slowly melting me with his gaze. This warm feeling again, mmn. "Who said I’m just making you to want me?" he smiled a little which made my heart pound even more. "I'm not, I am making you... love me." I feel like I want to cry at what he said. Heto na ba… ang kumpirmasyong hinihintay ko? Hindi ako nakapagsalita at nang mapansin niyang nakatulala lang ako sa kanya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palapit sa kanya. “Ahh!” gulat kong sambit nang maglapat ang aming mga katawan. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya ngunit hindi ko na siya pinagtulakan pa. “This is the last time I'll make you understand,” he whispered irritably as his arms wrapped tightly around me. "I love you, stup*d! So stop avoiding me! You're exhausting my patience!" He… he said it again! So, it’s true! It is true!!! I couldn't stop the smile from flashing on my lips. Because of what he said, the doubt disappeared from my heart and my happiness overflowed when I hugged him back. Even though he's an idi*t, it doesn't matter! It was enough for me that I knew we loved each other.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD