bc

Shattered Wife (LEA)

book_age18+
443
FOLLOW
1.1K
READ
drama
bxg
heavy
betrayal
cheating
lies
affair
humiliated
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Unang pag-ibig, unang pasakit. Unang bumuo ng iyong pagkatao, una ring dumurog dito.

Paano mo bubuuin ang lahat, kung ang asawang ginawa mong mundo ang wawasak ng iyong pangarap.

Si Lea, nagmahal, nagsakripisyo. Ngunit sinuklian ng pasakit sa puso.

Hanggang kailan niya ipaglalaban ang asawang hindi na siya magawang panindigan pa?

*Ito ang una sa serye na dudurog sa inyong pagkatao. Magmumulat sa ating pagkatao na hindi sa lahat ng oras ay pagmamahal ang mananaig kundi kailangan rin na unahin na bigyang halaga ang sarili*

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ah! ang sarap mo baby!" Hagikgik! Halinghing! Ungol! Tawanan at ang paulit-ulit na tunog ng salpukan ng katawan ng dalawang tao. Parehong hubad! Nasa kama. Pinapaligaya ang isa't isa. Bawat haplos ng mga kamay nila sa kanilang mga katawan ay nagdudulot ng sobrang sakit at tila kutsilyong tumatarak sa puso ni Lea. Natutop ni Lea ang kanyang bibig habang hindi kayang alisin ang mga mata sa mainit na eksenang napapanood. Tila mga bida sa porno ang dalawang taong nag-uulayaw sa kamunduhan ng laman. Sarap na sarap sa bawat isa. Bawat galaw ng katawan nila ay galaw ng panga ni Lea dahil sa paglunok at pagtiim bagang. Mga bida sa porno! Ang pinagkaiba nga lamang ay sobrang kilala niya ang lalaki sa video. Ang lalaking nangako ng lahat sa kanya, ang kanyang asawa. At ang pinapaligaya nito? Ibang babae. Dapat ay hindi na siya nasasaktan. Dapat ay sanay na siya dahil hindi naman unang beses na nambabae ang asawa. Ngunit dahil sa napapanood niya. Labis na naman na sakit ang namuo sa kanyang sistema. Pait at galit! Hindi lang sa asawa kundi pati sa sarili. Dahil sa kabila ng lahat. Mahal na mahal niya pa rin niya ang asawa. Gusto niyang pumalahaw ng iyak, ngunit tila natuyo na ang kanyang mga luha. Wala na siyang mailabas. Nasasaktan siya oo, masakit sa kalooban niya na hanggang ngayon, paulit ulit pa rin siyang niloloko. Paulit-ulit pa rin na nagpapaloko. Nanginginig ang kanyang kamay, gusto na niyang ayawan ang panonood. Ayaw na niyang makita, ngunit tila naman may sariling utak ang mga mata niyang halos tinapos na ang apatnapu't minutong s*x video ng taksil na asawa. Kaya pala! Kaya pala bigla na lamang itong nag-iba sa kanya. Nanlamig na parang yelo. Kaya pala lagi-lagi na lang nagpapaalam na aalis. Lagi-lagi na lamang umuuwi nang halos madaling araw na. Dahil may iba na naman ito. At lantaran na ang panloloko sa kanya. Tinutop ni Lea ang sariling bibig. Gusto niyang magalit. Sumigaw! Ngunit muli, kinimkim niya ang mga iyon. Ganoon naman siya, kung puwedeng sarilinin ang sakit ay sasarilinin niya. May pamilya, mga magulang at kapatid, ngunit tila lumaki siyang parang mag-isa! May kumupkop sa kanya at inakala niyang ito ang magpaparamdam sa kanya ng kabuuan ng pagkatao, ng may buong pamilya, pero sa paglaban sa buhay, mag-isa na naman siya. Hindi sila kasali. Masasabi lamang silang pamilya sa salita, pero hindi sa gawa. Hindi siya binigyan ng dahilan para maging masaya sa sariling pamilya, sa pangalawang pamilya, at sa binuong pamilya. Napatingala siya sa kisame habang naaalala ang nakaraan. Ang hirap na dinanas sa kabataan niya. Binuhay niya ang sarili. Nagtinda ng kung ano-ano para sa kakarampot na barya para may pantustos sa sarili. Hanggang sa makilala niya ang inakala niyang mag-aahon sa kanya sa pagiging mag-isa. Hindi lang sa hirap kundi, inakala ni Lea, nakahanap siya ng taong magmamahal sa kanya ng wagas at buo. Magbibigay ng pag-asa at pagiging masaya. Mabibigyan siya ng masaya at buong pamilya. Hindi ipinanganak kahapon si Lea na hindi makakaramdam ng panlalamig ng asawa. Hindi siya tanga para hindi alam kung paano gamitin ang teknolohiya. Maging ang naiwang mp3 ng asawa na halos itago nito sa kanya. Nagdududa na si Lea na sa pangalawang pagkakataon,niloloko na naman siya. Ngunit dahil mahal niya, hindi niya nagawang komprontahin ang asawa. Tila may nag-udyok lamang sa kanya na tingnan ang naiwan nitong gadget nang umalis ito. Dala ng kuryosidad. Gamit ang manual ng mp3 sa drawer ng kanilang kuwarto. Kinuha niya iyon at sinundan ang nakalagay na instruction. Hanggang sa bumukas nga iyon. Hanggang sa makita nga niya ang mga video na naging dahilan ng pagkawasak ng puso niya at ang pagguho ng mundong inasam niya para sa kanya at kanilang anak. Sa pag-aakalang may pagbabago na sa asawa. Ang unang video, naglalampungan lamang ang dalawa. Nakakalong ang babae sa kanyang asawa...naghahalikan sila. Pangalawang video ay nasa kubeta ang babae. Tila sa loob ng isang motel, vini-video-han ang babae habang hubad na nasa banyo. Alam ni Lea, ang asawa niya ang kumukuha ng video na iyon. Boses pa lamang ay kilalang kilala na niya. Ang pangatlo nga ang halos hindi niya maarok. Halos masuka siya habang pinapanood ang mga ito sa kama. Wild ang s*x video ng mga ito. Sa tindi ng salpukan ay rinig pa sa video iyon at ang sigaw ng babae sa ginagawang pagpapaligaya ng asawa rito. Nanginginig niyang pinatay at ibinalik ang mp3 sa drawer. Hindi makapag-isip ng tama. Kung ano-ano ang tumatakbo sa utak niya. Nawala na talaga ang lalaking minahal niya at nangako sa kanya ng masayang buhay. Nawala na ang lalaking inakala niyang magsasalba sa kanya sa isang masalimuot na eksperyensiya. Kung bakit? Hindi niya masagot. Hindi niya maiwasan kuwestiyunin ang sarili. May kulang pa ba sa kanya? Naibigay naman niya ang lahat? Wala siyang alam na pagkukulang. Wala siyang alam na kasalanan para bigla na lamang siyang saktan ng ganoon. Hindi lang emosyonal. Hindi lang sa pagdurog sa kanyang puso. Kundi, maging pisikal ay nararanasan na niya rito. Bumaba si Lea dahil narinig niya ang motorsiklo ng asawa. Dinagundong siya ng kaba dahil hindi niya inaasahang uuwi agad ito. Hindi pa siya handang makaharap ito. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ito sa kabila ng nalaman at napanood ngayon-ngayon lang. Galit, pandidiri, awa sa sarili ang halo-halong emosyon na nasa sistema ni Lea. Ngunit sa kabila ng lahat, nagsusumigaw ang pagmamahal sa kanyang puso. Mahal na mahal niya si Darwin. Hindi niya kayang bumitiw dito. Dumating ang kanyang asawa at hindi diya nagpahalata na alam niya ang tungkol sa s*x videos. Na sa muli, nagawa siyang lokohin nito. Na sa pangalawang pagkakataon, may babaeng nagpapaligaya rito. "Hon, kain na," malambing na saad niya sa asawa. Binabalewala ang sakit at pait na dulot ng nalaman. Kung kailangan niyang makipagkumpitensiya sa babae nito. Gagawin niya. Siya naman ang legal at asawa. Ang mga babae nito ay mananatiling kabit. Mananatiling pangalawa. Ngunit imbes na matuwa ay nang-uuyam pa ang tingin nito sa kanya. Walang gana siya nitong tinitigan na para bang malaking kahibangan ang pagsisilbing ginagawa niya rito. Ang lambing sa kanyang pananalita. Hindi na ba talaga kayang ibalik ang noon? Martir na kung martir. Tanga na kung tanga. Isa lang naman siyang babae na nagmahal ng iisa. Kahit masakit ang hatid ng pag-ibig sa kanya. "Ano ba! Pagod ako. Tumigil ka nga!" asik ni Darwin sa kanya. Nakahiga na sila sa kama. Hinaplos niya ang braso nito na may halong lambing at pananabik. Ilang araw na rin naman na hindi sila napag-isa ng katawan. "Safe ako ngayon, Hon!" nanliliit sa sarili na saad niya. Iniengganyo ang asawa. Blanko ang mukha na tumingin ito sa kanya. Nasasaktan siya dahil wala na talaga ang dating apoy sa mga mata nito sa tuwing magdidikit pa lamang ang kanilang mga balat. "Pagod ako sabi!" ika nito bago ngumisi. "Kung gusto mo! Ikaw ang trumabaho. Tutal ikaw naman ang nangangailangan!" Iniiwas ni Lea ang nagtutubig na mga mata. Babae siya. Isang asawa. May pangangailangan. Ngunit tila wala ng pakialam ang kanyang asawa. Lumunok siya bago malakas ang loob na umibabaw kay Darwin. Lalong lumawak ang ngisi nito habang ikinikiskis niya ang sarili dito. Dala ng gustong paligayahin ang asawa, maging ang sarili, nanaisin ni Lea na makipagkumpitensiya sa babae ng asawa maging sa kama. Kung anong kayang gawin ng mga ito kay Darwin ay kaya niya. Hihigitan pa niya. Magpapaka-puta siya sa asawa. Ngunit halos hirap na hirap siyang patayuin ang sandata ni Darwin. Ang dahilan? Pagod na ito sa babae nito. Masakit isiping hindi na niya kayang buhayin ang libog nito. Hindi siya tumigil sa ginagawa. Hanggang sa maisipan niyang umalis sa ibabaw nito. Hindi para sumuko. Hindi para tumigil. Bumaba pa siya at hinarap ang ibaba nito. Gamit ang nanginginig na kamay ay ibinaba niya ang shorts ng asawa. Inilabas niya ang malambot na sandata nito. Kaliligo lamang nito kaya alam niyang kahit papaano ay nawala ang bahid ng babaeng kabit nito roon. Kaya naman nagkalakas siya ng loob na isubo iyon. Kahit hindi naman niya nagagawa iyon. Binaba niya ang sarili para sa asawa. Para sa kakarampot na pag-asa na muling maibalik sila sa dati. Bigla ay napahawak ito sa kanyang buhok at mahigpit siyang nasabunutan habang iginigiya ang kanyang ulo pataas pababa. Hanggang sa unti-unti itong tinigasan. "Para kang puta! Magaling ka rin pala!" Pabalag siya nitong hinila at pinahiga. Marahas na inalis ang kanya suot na panloob sa suot na bestida at inangkin na wala man lang pag-iingat at tila nagmamadali pa. Marahas ang bawat ulos nito. Hinahabol ang kaganapan na mag-isa. Hindi man lamang siya isinasama. Kahit na nasasaktan si Lea, hindi mapigilan ni Lea ang mapaungol. Asawa pa rin niya ang gumagamit sa kanya. Kakaibang init pa rin ang hatid ng kanilang pag-iisa. Halos mapawi ang kanyang hininga dahil gigil na gigil si Darwin sa pag-angkin sa kanya. Bawat labas masok nito ay may sakit at sarap siyang nadarama. "Ito? Ito ba ang gusto mo ha!" anas nito. Ang kamay nito ay napasakal sa kanyang leeg. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang patigilin ito dahil mas nananaig na ang sakit kesa sarap. Pero siya ang humiling noon, 'di ba? "Puta! Masarap ka pa rin naman! Ah!" Sa isang malakas na ulos ay agad na hinugot nito ang sandata at sumirit ang semilya nito sa kanyang puson. Nanghihina si Lea sa isiping, hindi na talaga siya nito gustong mabuntis pa. Lupaypay niyang pinanood si Darwin noong umalis sa kanyang ibabaw. Nagsuot ng panloob at shorts. "Ano, masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo!" ika nitong tila siya pa may malaking kasalanan. Ang tanging hinangad lamang naman niya ay mapunan ang pangangailangan nito. Baka sakaling, siya na ulit. Tumalikod ito at lumabas sa kanilang kuwarto kasabay ng pagpatak ng luha niya na kanina pa pinipigilan. Wasak na wasak na ang pagkatao niya dahil sa nararamdamang pagmamahal para sa asawa. Para kay Darwin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook