Thankful

2305 Words
Nakauwi na kami ni Lolo ng bahay galing sa pamamasyal namin kasama sila Ash at Zico. Hapon na kami nakauwi kaya ngayon ay nasa sala kami at nanonood ng TV. Ayaw ko sana makisama sa kanila kasi marami pa akong gagawin at isa pa panay ang mariing titig nila Mommy at Daddy sa akin. Lalo pa't mukhang hindi kami nanonood dahil sa panay na pagsasalita ni Lola sa buhay nila doon sa Canada. Si Lolo at Lola ko na mga magulang ni Daddy, doon sila nakatira sa Canada at bumisita lang dito. "I heard Noah's had a boyfriend." Wika ni Lola sabay lingon sa akin at tiningnan ako ng nang-aasar. Ngumiwi naman ako. Saan naman nanggaling ang tsismis na 'yan? Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Psalm. "That's not true, Grandma. She don't have a boyfriend but she have Boy Best friends." Nakangiting pagsasalba ni Psalm sa akin. Sinamaan ko nalang siya ng tingin ng magsalubong ang paningin namin. Ito talaga ang ayaw ko sa kanya. Palagi niyang pinapalabas ang pagiging mabait niya. Hello, Psalm? Baka pwede namang alisin mo rin sa katawan mo ang pagiging mabait. Inaabuso na, e. "Oh? And who are they?" Nagtatakang tanong ni Lola sabay lingon ulit sa akin. Bumuntong hininga nalang ako hindi pa din kasi nakikilala ni Lola sila Ash at Zico. Kumpara kay Lolo ay minsan lang kami magkausap o magkasama ni Lola pero close pa din naman ako sa kanya. "Uh, they're my childhood best friends, Lola." Sagot ko. Tipid na ngumiti naman siya. "Imbitahan mo silang maghapunan dito, Mahal kong Noah. Gusto ko silang makita." Sabi niya. Nagulat naman ako. I mean, bakit? Bakit gusto niyang makita ang mga kaibigan ko? "Why?" "Just wanted to see them." Simpleng sagot niya. Agad na tumango naman ako at nilingon sila Daddy at Mommy na pinandilatahan ako ng mata. Ano bang problema nila? "So, How are you in New York, Psalm? You okay there, Honey?" Pag-iiba ng topic ni Lola sabay tingin kay Psalm. Ngumiti naman si Psalm at tumango. "I'm good there, La. Nagpaplano nga akong bumalik na naman don dahil sa surprise naming trip to California." Sagot naman ni Psalm. "I thought you're on your break?' "Nah, I thought it too. But suddenly My Prof email me that we need to go to California due to our new experiment." Pagpapaliwanag ni Psalm. "Hmm. I heard that you passed your Entrance Exam at Westford." Wika naman ni Lola. Tumango ulit si Psalm. "Yep. I never expect it." "That's good, Apo. Keep it up." "Thanks, La." Sagot naman ni Psalm. Tumango lang si Lola at nilingon si David na nanonood ng TV habang kumakain ng Popcorn. The spoiled. "And David?" Pagtatawag ni Lola ng atensyon dito. Agad naman na lumingon si David dito at umayos ng upo. "Yes, Grandma?" Kinakabahang tanong ni David kay Lola. Tss. Palibhasa spoiled. Akala niya siguro di porket spoiled siya hindi na siya kakausapin ni Lola. "Eni-spoil ka parin ba ng mga Magulang mo?" Tanong ni Lola dito ng hindi tumitingin kila Daddy. "Mom." Pagtawag ni Daddy kay Lola. Pero hindi ito pinansin ni Lola at naka'y David lang nakatingin. Nilingon ko naman si David na kinakabahan at panay ang lingon kay Mommy. "A-Ah, hindi naman Mom—" pagsasabat ni Mommy. "Kinakausap ba kita, Bethina?" Pagbabara ni Lola kay Mommy. Hmm, interesting. "No, Mom..." "Good. You better shut your mouth whenever I don't speak with you." "I'm sorry." Nakayukong sagot ni Mommy. "So, David? Did your parents spoiling you even now?" Pagbabalik ng tanong ni Lola kay David. Dahan-dahan namang nakayukong tumango si David na ikinasinghap ni Lola. Ayaw kasi ni Lola na may inispoil sa aming magkakapatid. Kumbaga para sa kanya dapat sa edad namin ngayon marunong na kaming tumayo sa sariling mga paa namin. Gaya nalang ni Psalm. Nasa New York siya nag-aaral at nagtatrabaho. College na ngayon si Psalm at pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral. Kinukuha niya lang ang sustento na ibinibigay ng magulang namin sa pang araw-araw na kailangan niya sa Condo niya, like groceries. But among that lahat ng bayarin niya sa Pag-aaral, sa gusto niyang bilhin, lahat yun pinaghirapan niya. Pawis at dugo ang iniambag niya para lang makapag-aral sa New York which is his dream. Kaya pinagmamalaki ni Lolo at Lola si Psalm sa kahit na sino dahil sa taglay nitong talino at diskarte sa buhay nito. Limang taon nang nandon si Psalm sa New York at nag-aaral. Hindi din naman masyadong malaki ang babayaran niya dahil may Scholarship naman siya. Nagtatrabaho siya bilang waiter ng isang Cafe doon at doon siya nagkakapera. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko. You better know how to handle yourself alone, David without their help. Kaya lumalaki 'yang ulo mo dahil sa pang ispoil ng mga magulang mo sayo." Mataas ang boses na sabi ni Lola kay David na nakayuko. Bumuntong hininga nalang ako dahil mukhang sa pagkakataong ito si David ang mapapagalitan. Nilingon ko naman sila Daddy at sakto namang sa akin sila nakatingin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "How about Noah, Mom? Si David nalang ba ang pagagalitan mo na kahit si Noah ay hindi rin makatayo sa sariling mga paa niya?" Mataas rin ang boses na sabi ni Daddy. "Matteo." Banta ni Lolo kay Daddy. "Bakit, Dad? Pinapagalitan mo ang anak ko without knowing na pati rin 'yang si Noah!" Sumbat ni Daddy sabay duro pa sa akin. Bakit ba ganyan siya? Bakit ba parang sakit sa ulo niyang nabuhay ako? "Anak mo rin siya, Matteo." Sagot naman ni Lolo sabay lingon sa akin. Nag-iwas lang ako ng tingin at hindi sinalubong ng tingin ni sino man sa kanilang lahat. "Ha! Kung sana hindi ko nalang siya naging anak! Pinapagalitan niyo si David dahil sa pang ispoil namin sa kanya, e kayo din naman at iniispoil ang batang 'yan!" Singhal ni Daddy na ikinatayo ko at naglakad papalabas ng bahay, tinawag pa ako ni Lolo at Psalm pero hindi na ako lumingon. Hindi pa ako nakakalabas ay saktong narinig ko ang sinabi ni Lola kay Daddy. "You better watch your mouth, Matteo. Dahil wala akong pake sa opinyon mong pangbobo." NASA loob ako ngayon ng Taxi at hindi alam kung saan pupunta. Gabi na rin kasi at wala akong maisip na pupuntahan dahil na rin sa ayaw kong bumalik sa bahay. For sure na pag babalik ako doon magagalit na naman si Mommy at Daddy. Ano bang nangyayari sa kanila na halos araw-araw nalang akong pagagalitan. Bumuntong hininga nalang ako at sakto namang pumasok sa isip ko ang lugar na pupuntahan ko. Agad ko namang sinabi sa Driver kung saan ako bababa. Minuto ang lumipas ay nakarating na ako. Agad akong bumaba at tiningnan ang malaking gate na nasa harap ko. Itinaas ko ang hintuturo ko at pinindot ang doorbell. Matapos ko itong pindutin ay bumuntong hininga ako at hinintay na buksan ang Gate. Ilang sandali pa ang lumipas ay bumukas ito. Agad na tumambad sa akin ang mukha ng kaibigan ko. Nagulat pa siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Walang sabi-sabing pinapasok niya ako at agad na pinaupo sa Couch nila. Sinalubong naman ako ng mga Magulang niya at binati. Pumunta pa kasi siya sa kusina nila at sinabing kukuha ng tubig. "Kamusta ka, Ija? Mabuti at nakabisita ka, kesyo gabi na." Wika ng Mommy niya. Tipid na ngumiti naman ako. "Pasensya na, Tita pero pwede po ba akong magpalipas ng gabi dito? Kahit ngayon lang." Mahina ang boses na sabi ko. Nagtataka naman niya akong tiningnan at agad na tumango. "Tamang-tama. Aalis din kami at mamayang madaling araw pa kami makakabalik, mag-isa lang dito si Ash kaya pwede mo siyang samahan." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at nagpaalam na aalis. Tinapik lang ng Daddy ni Ash ang balikat ko at nagpaalam naring aalis. Tinanguan ko lang sila at isinandal ang likod ko sa Couch at ipinikit ang mga mata. Grabe ang sakit ng narinig ko kanina. Akala ko ba sanay na ako? Sanay na yata akong makarinig non pero hindi ako sanay sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ganon sila? Bakit ba sobrang galit sila sa akin? Ano bang nagawa ko? "Noah?" Hindi ko iminulat ang mga mata ko ng may tumawag sa akin. Paanong nandito siya? Bumuntong hininga nalang ako ng maalalang may kaibigan pala akong Ash ang pangalan. Nakapikit parin ako ng maramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko iminulat ang mga mata ko hanggang sa narinig kong nagsalita si Ash. "Pumunta siya ditong may malumanay na mga mata. Nag-aalala ako baka anong nangyari sa kanya." Wika ni Ash. Bumuntong hininga naman ang katabi ko at ramdam ko ang titig niya sa akin. "For sure patungkol na naman ito sa Pamilya niya. Lalo pa't hinahanap ni Psalm si Noah sa akin." Sagot naman ni Zico. "Bakit ba sila ganon? Kawawa 'tong si Noah pag palagi silang ganon." Komento naman ni Ash sabay buntong hininga pa. "Huwag mo silang husgahan dahil sa ganon sila, Ash. Hindi natin alam ang katotohanan. Kung alam man natin na patungkol sa Pamilya niya kaya si Noah nagkakaganyan ang magagawa lang natin ay aliwin siya, para mawala ang sakit na nararamdaman niya." Sagot naman ni Zico na ikinangiti ko. Talaga ngang mga kaibigan ko silang tunay. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saktong nakasalubong ko ang mga mata ni Ash na nakatitig sa akin. "You okay, Noah?" Sabi niya. "Gusto ko pizza. Dalawang box, dapat yung toppings ay pepperoni at mustard leaf, Ash." Sagot ko. Tumango naman siya at inabot ang kamay niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko at nagpabalik-balik ng tingin sa kamay niya at sa mukha niya. "Bigay ka isang libo, kaibigan. Wala akong pera ngayon." Wika niya na ikinatawa ko. Kahit kailan talaga. "Gago, akala ko libre mo!" Tatawa-tawang wika ko. Natawa din naman siya at umayos ng tayo. "Wala ng libre ngayon, Noah. Kiss ko nalang ang libre, gusto mo?" "Tarantado." Nakangising sambit ko at nilingon si Zico. Matiim siyang nakatingin sa akin kaya inakbayan ko siya at idinikit ang kanang pisngi namin sa isa't isa. "Ngayon ko lang nalaman na matambok pala ang pisngi ni Zico! Hahahaha!" Sabi ko at pinagdikit pa lalo ang pisngi namin. "Hoy, ako rin!" Sabat ni Ash. Natawa naman ako at sinipa siya kaya sinamaan niya ako ng tingin at pumunta sa Telepono at nag-order ng pizza. Binitiwan ko naman si Zico at umayos ng upo. Nginitian ko pa siya dahil matiim talaga ang titig niya sa akin. "Okay kalang, Zic?" Tanong ko. Tumango naman siya at nag-iwas ng tingin. Bumuntong hininga nalang ako at sinundan si Ash na pumunta sa kusina. Tinulungan ko siyang magtimpla ng Juice at ilagay ito sa baso. Matapos nito ay kumuha ako ng mga chips sa Ref nila at dinala ito sa Sala. Doon nadatnan ko si Zico na nakahiga sa Carpet na nilagyan niya ng bedsheet. Inilipat niya rin ang center table sa tabi kaya lumaki ang bakante ng gitna ng magkaharap na mga Couch. Agad kong inilagay sa Center table ang juice at mga chips at tumabi sa kanya pero hindi ako humiga at umupo lang sa bandang uluhan niya. Nakaharap kami sa Malaking TV nila Ash at nanonood ng Movie. Hindi nagtagal ay tumabi na din sa amin si Ash na may dalang Popcorn. Pinatay niya rin ang mga ilaw kaya mukha tuloy kaming nasa Sinehan. Inabot ni Ash ang Popcorn na may Cheese sa akin habang kay Zico naman ay may Ketchup. Noong una naming nalaman na hilig ni Zico ang popcorn na may ketchup talagang pinagtawanan namin siya pero ngayon sanay na kami. Alam namin ang paborito at gusto namin sa isa't isa kaya tulad nalang ngayon binigyan ni Ash si Zico ng popcorn na may ketchup at ako na may cheese. "May Goya ka, Ash?" Tanong ni Zico kay Ash na kumakain ng Chips habang nasa TV ang paningin. "Oo, wait kuha lang ako." Sagot niya sabay tayo at kumuha ng Goya na hiningi ni Zico. Minuto ang lumipas ay bumalik din si Ash dala-dala ang Goya na hiningi nito. Nanood lang kami ng Movie magdamag kaya nang inabot na kami ng antok ay doon narin kami natulog. May Aircon ang sala nila Ash kaya walang problema kahit pa abutin kami ng umaga doon sa Sala. Nasa bandang gilid ako at katabi ko ang Couch ng narinig kong nag-aaway ang dalawa dahil gusto nilang tumabi sa akin. Inaantok na ako kaya sinuway ko sila at bumangon. Pumunta ako sa gitna at doon humiga tuloy ay nasa kanan ko si Ash habang sa kaliwa si Zico. Ilang sandali pa ay humiga na rin sila sa tabi ko. Hindi ako sanay na walang niyayakap na unan kaya ang ginawa ko ay bumangon ako at naghanap ng unan. Tatlo lang ang unan namin at malalaki kaya humiga nalang ako ulit. "Lapit kayo sakin, Ash, Zico." Tawag ko sa kanila. Agad naman silang lumapit sa akin kaya ang ginawa ko ay inakbayan ko sila habang nakahiga at nakatihaya. Sobrang antok na namin kaya ang ginawa nilang dalawa ay ginawa nilang unan ang braso ko at ipinulupot nila ang kamay nila sa bewang ko at ipinikit ang mga mata. Ngumiti ako ng makitang para silang mga bata kung makayakap sa akin. Para silang bata na takot iwanan ng Mommy nila. Tuloy ay nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko. God, thank you for giving me this kind of friendship. Salamat at binigay mo sa akin ang dalawang 'to. Mahal na mahal ko po ang dalawang 'to, God. At ang hiling ko lang huwag masira ang pagkakaibigan na meron kaming tatlo. Dahil pag nasira man kaming tatlo, hindi ko na alam kung sino at ano yung makakapagpagaan sa kalooban ko. Pinapangako kong aalagan, at mamahalin ko ang dalawang 'to, mapanatili lang ang pagkakaibigan naming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD