Conflict

2611 Words
Nang maimulat ang mga mata ay agad na nakita ko ang kisame ng sala ng bahay nila Ash. Nilingon ko naman ang malaking bintana na pinapasukan ng liwanag ng araw galing sa labas. Napabuntong hininga ako at tiningnan kung sino ang nakadagan sa akin. Napangiwi ako ng ang ulo ni Ash ay nasa tiyan ko at ginawa niya itong unan habang ang katawan niya ay nakatagilid at sa akin siya nakaharap. Nilingon ko naman si Zico na ginawang unan ang gilid ng dibdib ko at nakapatong ang isang binti niya sa kaliwang binti ko. Nasa ibaba din ng dibdib ko ang kamay niya at parang nakayakap sa akin. Kahit mabigat sa tiyan ko ay bumuntong hininga parin ako ng maalalang hindi ako pwedeng gumalaw o bumangon dahil magigising sila. Nilingon ko si Ash at dinahan-dahan na inalis ang ulo niya sa tiyan ko pero agad ding tumigil ng gumalaw siya at pikit ang mga matang bumangon at umiba ng posisyon. Mas lalo akong napabuntong hininga ng ang braso ko na ang ginawa niyang unan. Parehong kamay ko na ay apeke dahil sa kanilang dalawa. Napalingon ako kay Zico ng marinig ang mahihinang hilik niya. Mabuti nalang at hindi tumutulo ang laway niya dahil pag tumulo sisipain ko talaga siya. "Kawawang katawan, ginawang unan." Naisambit ko nalang habang nasa kisame ang paningin. Hindi naman kasi ako makagalaw at tanging ang ulo at mga mata ko lang ang nakakapag-ikot. Inilayo ko ng kunti ang ulo ko papunta kay Ash dahil nakikiliti talaga ako sa hininga ni Zico na tumatama sa leeg ko. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa likod ni Zico at hinagod-hagod ito. Para silang mga bata na walang pakialam sa itsura nila basta ang alam lang nila ay natutulog sila. Iniikot ko ang mga mata ko at hinanap ang wall clock nila Ash at sakto namang nakita ko ito. Pinasingkit ko pa ang mga mata ko para makita ko ng maayos kung anong oras na dahil medyo may kalayuan din ito. Bumuntong hininga nalang ako ng makitang alas sais pa ng umaga. Nasa alas nuebe kasi kung magising ang dalawang 'to kaya imposibleng magigising ko sila ngayon. Dahan-dahan kong binawi ang braso na hinihigaan ni Ash at swerte dahil nabawi ko ito ng hindi siya nagigising. Binigyan ko rin siya ng unan para ito ang higaan niya. Nilingon ko naman si Zico na hindi ko alam kung makakaalis ba ako lalo pa't mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Tarantadong boang 'to. Anong akala niya sakin yung Hotdog niya sa kwarto niya? Mayroon kasi siyang unan na parang hotdog ang porma at yun ang niyayakap niya pag natutulog siya. Bumuntong hininga pa ako at hinawakan ang ulo niya at dahan-dahan itong itinabi, hinanda ko rin ang unan para ito na ang hihigaan niya. Nang maitabi ko na ang ulo niya ay dahan-dahan ko ring ikinalas sa pagkakayakap ang kamay niya na nasa tiyan ko. Kinalas ko rin ang binti niya na nakapatong sa binti ko. Palibhasa mga mantika kung matulog. Nang maikalas ko ay agad na bumangon ako at kinuha ang unan na nasa paahan namin at ibinigay ito sa kanya para ito ang yakapin niya. Inabot ko rin ang kumot na nasa Couch nakalagay at ipinatong ito sa katawan ni Ash dahil hindi siya sanay na matulog sa sala ng walang kumot. Nakapamewang akong nakatingin sa kanila dahil nakatayo na ako habang sila ay tulog pa. Nakatalikod sila sa isa't-isa. Si Ash ay nakapulupot na natutulog na may kumot. Si Zico naman ay natutulog na may kayakap na unan. Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang pagkakaunan nilang dalawa. Matapos nito ay lumapit ako sa Aircon at pinahinaan ito. Pumunta ako sa garahe nila Ash para tingnan kung nakauwi na ba ang mga Magulang niya. Nang walang makitang nakagaraheng kotse ay agad akong pumunta sa kusina at hinanda ang mga lulutuunin ko. Marami namang laman ang Ref nila at masarap naman akong magluto kaya magluluto ako ng agahan ngayon. Hinanda ko na muna ang mga sangkap ng lulutuin ko matapos nito ay hiniwa at hinugasan ko ito. Hinanda ko na rin ang kawali ng matapos akong magluto ng kanin sa Rice cooker. Agad na inilagay ko ang mga sangkap sa kawali at hinalo ito. Minuto ang lumipas ay natapos na ako sa pagluluto. Hinanda ko na rin sa mesa ang kakainin namin. Nilingon ko ang upuan kung saan si Ash uupo at sinigurado kung nandon na ba ang lahat nang agahan niya. Dalawang sunny side up, isang chorizo at hotdog, isang boiled egg, isang cup ng kanin, isang kape na walang asukal at tubig na may limang hiwa ng kalamansi. 'yan ang palagi niyang kinakain at iniinom sa umaga. Kabisado ko na. Tumango-tango ako at nilingon naman ang upuan kung saan uupo si Zico. Isang bowl ng cereal na may gatas, dalawang boiled egg, isang toasted bread at boiled na patatas, isang tea na ang flavor ay matcha at isang baso ng tubig na may icecubes. Napangiti ako ng lahat ay nasa tama kaya ko hinanda din ang agahan ko. Tatlong boiled egg, dalawang longganisa, kanin at hiniwang pipino. Naglagay din ako sa baso ng kape at tubig. Matapos akong maghanda ay bumalik ako sa sala kung saan ay nakita ko silang natutulog pa. Pag mga magulang nila ang kasama nila ay hinahayaan silang magising ng tanghali pero pag ako hindi pwede. Dapat may laman ang tiyan sa umaga dahil ang agahan ang pinaka-importanteng pagkain sa lahat. Bumuntong hininga pa ulit ako at umupo sa Couch at tinitigan sila na para bang magigising sila sa titig ko. Ilang sandali pa ay lumapit ako sa kanila at hinigaan sila. Sa itaas na parte ng katawan ko at ang pinatungan nito ay ang tiyan ni Zico at ang sa ibabang parte naman ng katawan ko ay kay Ash. Nasa sahig ang ulo ko at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero ang gusto ko lang ay mapunta ang lahat ng dugo ko sa ulo para galit na gigisingin ko sila. Pero hindi pa napupunta ang lahat ng dugo ko sa ulo ng magising silang dalawa. Nagmamadali naman akong bumangon pero hindi pa ako nakakabangon talaga ay hinawakan nila ang parte ng katawan ko kung saan nakapatong sa kanila. "Akala mo makakatakas ka ah?" Narinig kong wika ni Ash sabay hawak ng paahan ko at kiniliti ito. Agad na humagalpak naman ako ng tawa dahil may kiliti ako sa paahan ko. Panay ang paggalaw ko dahil gusto ko ng bawiin ang paa ko pero mahigpit naman itong hinawakan at kinikiliti ni Ash kaya tuloy si Zico na pinatungan ko ay panay ang daing dahil nasisikuhan ko na siya sa mukha. "Hahahaha! A-Ash! Hahahaha! W-Wait! Hahahaha! H-Hala potangina! T-Tumigil ka na! Hahahahaha mamamatay na ako! Hahahaha! W-Wait! P-Patay na ako! Ash! Kakalagin kita! Hahahaha! Pota tumigil ka na! Hahahaha!" Tumatawang sigaw ko. Sobrang may kiliti kasi ako sa paahan ko kaya kahit siya ay nasisipa ko na gamit ang isang paa ko. Ilang sandali pang ganon lang kami at nararamdaman ko ng malapit na talaga akong mamatay sa kakatawa. Wala na si Zico sa tabi namin dahil tumayo na ito at nakatingin lang sa amin ni Ash na nagkikilitian. Lumipas ang ilang minutong pagtatawa-tawa namin ay napagod din si Ash sa kakakiliti sa akin. Kaya nagmamadali akong bumangon baka mahuli na naman niya ang paa ko at kilitiin ako. Sumunod ako kay Zico na pumunta ng kusina kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya at tumalon sa likod niya. "Noah!" Gulat na sigaw niya sabay hawak sa magkabilang binti ko. Sumakay kasi ako sa likod niya. Tumawa lang ako at umiling-iling naman siya pero nagsimula ng tumungo sa hapag-kainan. Nang makarating kami ay umupo naman ako sa upuan matapos niya akong ibaba habang sakto namang pumasok din si Ash kasunod namin. "Nice! Nangangamoy luto ni Noah!" Wika ni Ash sabay upo at agad na nilantakan ang pagkaing nasa harapan niya. Natawa naman ako at tiningnan si Zico na tahimik na kumakain. "Any compliment sa niluto ko, Zic?" Nakangising sabi ko. Umismid naman siya at itinuro sa akin ang hawak-hawak niyang toasted bread. "Humihingi ka ng papuri na ang niluto mo ay kayang lutuin ng limang taong gulang na bata. Ano ka pabebe?" Sagot niya habang dinuro-duro pa sa akin ang tinapay. Agad naman na sumapol sa magkabilang tenga ko ang malakas na tawa ni Ash habang nakaturo pa sa akin. Nilingon ko naman si Zico na nagkibit balikat lang at nagpatuloy sa pagkain. Patuloy parin sa pagtawa si Ash ng malakas na ibinagsak ko ang hawak kong kutsara at tinidor sa plato na siyang nagbigay ng malakas na ingay. Napatigil sa pagtawa si Ash at nagtatakang nilingon ako. Ganon din si Zico. Matamis na ngumiti naman ako at ipinatong ang siko sa mesa at ipinatong ko rin ang panga ko sa kamay ko na nakapatong sa mesa at malumanay na nakatingin sa kanilang dalawa. "Lapit kayo sakin." Mahina ang boses na sabi ko at sumandal sa upuan ko. Nagdadalawang isip naman silang lumapit dahil medyo may kalayuan din ang distansya naming tatlo dahil sa laki ng mesa. Nagkatinginan pa silang dalawa bago lumapit sa akin habang dala-dala ang mga upuan nila. Mas lalo naman akong ngumiti ng nasa harapan ko na sila at abot kamay ko na. "May tanong ako." Pagsisimula ko pero nakangiti parin. Nilingon ko silang dalawa na nagtataka talaga sa kinikilos ko. Hindi sila sumagot pero base naman sa reaksyong binigay nila ay interesado sila sa tanong ko kaya nagpatuloy ako. "Alam niyo ba ang tunog ng palakpak na ang gamit lang ay isang kamay?" Tanong ko habang nagpabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at naglabas ng sari-saring reaksyon. Nababasa ko sa reaksyon ni Ash na para bang sinasabi niyang nagbibiro ba ako o najo-joke. Habang kay Zico naman ay parang nakashabu daw ako. Mga gago. "Hindi." Sabay na sabi nila. Ngumisi naman ako. "Ngayon malalaman niyo na." Sagot ko sabay taas ng dalawang kamay ko at idinampi ito sa mga pisngi nila. Sapol hanggang kabilang tenga ko ang tunog ng palakpak habang ang gamit ay isang kamay lamang. Mas lalo akong ngumisi ng makita ang mga ulo nila ay nakatingin na sa ibang direksyon. "Ngayon? Magtatanong ulit ako, masarap ba ang sampal ko?" PINAPATUNOG ko ang leeg ko habang papasok ako ng bahay galing kina Ash. Maghapon akong nasa kanila kaya ni damit ay hiniram ko lang din kay Ash. Inayos ko ang buhok ko dahil sa sanhi ng hangin nung sumakay ako ng jeep papauwi. Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng bahay namin. Bumungad agad sa akin ang maraming pares ng mga mata na para bang sinasabing bakit bumalik pa ako, bakit nandito ako. "Noah?! Saan ka nanggaling?!" Agad na singhal sa akin ni Dad ng naglakad ako papasok ng bahay. "Sa labas." Sagot ko. Sabay diretso sa hagdan paakyat sa kwarto ko. "Bastos ka talagang bata ka! Kaya nagiging bastos 'yang bunganga mo dahil sa pagsama-sama mo sa mga tropa mong lalaki!" Singhal pa ulit ni Dad. Natigilan naman ako sa pag-akyat at agad na pumunta ang lahat ng dugo ko sa ulo. Ang ayaw na ayaw ko talaga ay ang sinasawsaw sa usapan ang dalawang kaibigan ko. Kahit na nakatingin silang lahat sa akin ay hindi ko pinalampas ang pambabastos ni Dad sa dalawang kaibigan ko. Wala akong pakialam kahit kadugo ko pa siya. Ang akin lang huwag niyang insultuhin sa harap ko ang mga kaibigan ko dahil ibang usapan na 'yon. Lumingon ako kay Dad at lumapit sa kanya. Narinig kong tinatawag ako ni Lolo at Lola pero hindi ako lumingon sa kanila. Umiinit talaga ang ulo ko pag nadadamay sa usapan ang kaibigan ko. "Noah!" Narinig kong tawag sa akin ni Mommy. "Noah, please stop." Sabat naman ni Psalm. Pero hindi ako nag-paawat at mariing tiningnan ko si Dad sa mga mata. "Alam mo bang ayaw na ayaw kong sinasawsaw sa usapan ang dalawang kaibigan ko?" Wika ko habang hindi inaalis sa kanya ang paningin ko. Umatras naman siya at dinuro ako. "Bastos ka talagang bata ka! Wala kang galang! Walang respeto! Puro ka kaibigan! E, wala naman silang ambag sa buhay mo!" Singhal niya. Pekeng natawa naman ako. "Puro ako kaibigan? Walang ambag? Ha! Anong walang ambag sa buhay ko na kung tutuusin ay mas may ambag pa ang mga kaibigan ko kaysa sayo. Alam mo palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ikaw yung naging Daddy ko na marami naman diyang mga magulang na kailangan ang isang anak na katulad ko. Minsan napapaisip ako, malas ba talaga ako o sadyang kayo yung mga walang kwentang tao sa buhay ko? Nagsisisi talaga akong lumaki ako na tinatawag kitang Daddy. Pasalamat ka pa nga may kaunting respeto pa ako sayo, dahil kung hindi kanina ka pa nakabulagta diyan sahig." Mariing sagot ko. Napasinghap naman siya kaya nilingon ko sila Lola pero hindi ko pa nababalik kay Daddy ang paningin ko ng maramdaman ko ang mainit na palad sa pisngi ko. "Bethina!" "Mommy!" "Beth!" Napalingon sa kaliwa ang ulo ko at parang pinukpok ang ulo ko ng kaldero dahil sa pag-ikot ng paningin ko. Hinawakan ko pa ang pisngi ko na dinapuan ng palad dahil parang paulit-ulit itong ginawa sa pisngi ko. Nang makabawi ay nilingon ko kung sino ang gumawa nito. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin at walang tigil na nahuhulog ang butil ng mga luha niya sa mata. "How dare you to say that!" Galit na singhal niya sa akin. "Mom, please stop." Narinig kong pag-awat ni Psalm. Pero hindi siya pinansin ni Mommy at sa akin lang nakatingin. "You're just a teenager who needs our financial! You stupid brat! Anong akala mo sa sarili mo?! Kung makapagsalita ka parang kung sino ka ah?! For your information, isa ka lang walang silbing anak! Wala kang—" "Ikaw na naman ang mang-iinsulto?" Pagpuputol ko sa walang tigil niyang pag-iinsulto sa akin. Dinuro niya ako pero hindi ako nagpa-awat. "Alam mo, Mommy bakit sa lahat ng tao ako yung kinamumuhian mo? Ano bang nagawa ko? Ginawa ko ang lahat para maging mabuting anak sa inyo ni Daddy, ginawa ko ang lahat para maging mabuting kapatid, para maging mabuting apo. Pero bakit kung makatrato kayo sa akin parang ako yung isang makasalanang tao sa buong mundo?" Mariing sabi ko sa kanila. "Sa labing anim na taong gulang kong nabubuhay sa mundo ni minsan ba naramdaman ko ang pag-aalaga niyo? Ni minsan ba narinig ko ang palaging sinasabi niyo kay David at Psalm na mahal niyo ako? Ni minsan ba nakakuha ako ng papuri sa inyo? Diba hindi? May kasalanan ba ako para ganito ang trato niyo sa akin? Alam niyo bang pagod na pagod na ako sa mga ugali niyo na kung bakit kayo ganyan sa akin? Pagod na pagod na ako, Mom. Pagod na pagod na ako, Dad. Pero nakita niyo bang sumuko ako? Nakita niyo bang naging mahina ako? Diba hindi? Kasi dahil yun sa inyo. Sa bawat masasakit na salita ang natatanggap ko sa inyo ay siya ring lakas at bato nitong puso ko. Kung sana dati pa pinatay niyo na lang ako para hindi ako maghirap dito. Alam kong hindi niyo ako mahal, Mom, Dad. Pero sana respetuhin niyo yung mga kaibigan ko. Dahil sa kanila ko naramdaman, ang tunay na halaga ko dito sa mundo." Pagpapatuloy ko sabay talikod sa kanila at dumiretso sa hagdan papunta sa kwarto ko. Pero hindi pa ako nakalimang hakbang ng tumigil ako at lumingon sa kanilang lahat na sa akin lang nakatingin. "Kalimutan niyong nangyari ang eksenang 'to sa pagitan natin dahil kakalimutan ko ring umiyak si Mommy sa harap ng walang kwenta niyang anak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD