The Trio

1776 Words
Nagmamadali akong nagbihis matapos kong maligo dahil sa late na ako sa klase. Natagalan kasi ako sa pagtulog kaya tumagal din ang gising ko. Matapos kong magbihis ay agad na lumabas na ako ng kwarto ko kahit hindi pa maayos ang pagkakakabit ng Necktie ko, ang pagsuot ng ID ko, pati na ang buhok ko ay buhaghag pa at wala sa ayos. Nang makababa sa kusina ay papasok na sana ako ng makasalubong ko si Mommy. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bumuntong hininga nalang ako dahil wala akong oras makipagbangayan sa kanya. Nilampasan ko siya at dumiretso sa Mesa kung saan nakaupo si Daddy at nagbabasa ng Diyaryo. Kumuha na ako ng mansanas sa Mesa at aalis na sana nang marinig kong tinawag ako ni Daddy. Agad akong lumingon sa kanya at minadaling ilagay sa bag ang mansanas na nakuha ko na. "Ganyan ka ba mag-ayos, Noah? Parang hindi ka babae ah?" Galit na singhal niya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ano bang problema niya? "As if gusto mo sa babae. Sibat na ako." Sagot ko at isinara ang bag ko. "Aba't sumasagot ka na ah?!" Sigaw niya. "Noah?! Ano ba?! Stop pestering us!" Narinig kong singhal ni Mommy sa akin. Inikot ko nalang ang eyeballs ko at tinalikuran sila. Ano pa bang makukuha ko sa kanila na ganyan naman talaga sila. Parehong galit sa akin kahit wala akong ginagawa. Lalabas na sana ako ng bahay nang makasalubong ko ang kapatid kong pacool na naglalakad papunta sa pinanggalingan ko. Inikot-ikot niya pa sa daliri niya ang susi ng kotse na bagong bili ni Mommy sa kanya. As if naman naiinggit ako, eh alam ko namang masisira din ang kotse niya sa barumbado niya kung makapagmaneho. "Oh late ka yata, Noah." Nakangising wika niya. "Eh ano naman sayo? Pinakialaman ba kita nong nag-cutting ka? Tigilan mo ako David alam ko ang mga katarantaduhan mo." Sagot ko at nilampasan siya. Binangga ko pa ang balikat niya para malaman niyang hindi niya ako mapapasindak. Nang makalabas ng bahay ay huminga ako ng malalim sabay pikit ng mga mata. Pag talaga nasa loob ako ng bahay, pakiramdam ko nasa hawla ako at nakakandado. "Let me give you a ride, Noah." Agad na binuksan ko ang mga mata ko ng marinig kong may nagsalita sa likuran ko. Maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Singhal ko sa kanya sabay takwil sa kamay niya. "Ihahatid na kita." Kalmadong sabi niya hindi alintana ang naiinis kong mukhang nakatingin sa kanya. "Hindi ko kailangan ang paghatid mo. Kaya ko na ang sarili ko." Sagot ko sabay nagmamadaling naglakad papalabas ng gate at pumara ng Taxi. Papasok na sana ako sa Taxi ng marinig kong tinawag pa niya ako. "Ano?!" Singhal ko. "Mag-iingat ka." HOURS passed ay Lunch Break na. Ininat ko pa ang katawan ko ng matapos ang klase namin dahil kakatunog lang ng bell. Inayos ko na ang mga gamit ko at ipinasok ito sa Bag nang may narinig akong tilian ng mga kaklase kong babae. Hindi ko na ito nilingon at dumiretso nalang sa pag-ayos at nang matapos ay tumayo ako at lumabas ng Room. "Late ka kanina noh?" Agad na salubong sa akin ni Ash nang makalabas ako ng Room. Tumango naman ako. "Matagal akong natulog kagabi." Simpleng sagot ko at inaya na silang umalis doon. Panay tili kasi ang mga kaklase ko dahil sa dalawang kasama ko. "Bakit naman? Nanonood ka ba ng Kdrama?" Umismid naman ako. "Ano ako? Kapatid mong adik sa Kdrama? Ulol hindi nga ako nanonood non." Sagot ko, tumawa naman siya. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad papuntang Cafeteria hindi alintana ang maraming matang nakatingin sa amin. "Hindi daw nanonood pero nanonood nang Hotel de Luna." Narinig kong pagsasabat ni Zico sa tabi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin ng marinig kong tumawa si Ash. "Oh, busted si Noah! Hahahaha!" "Totoo namang hindi ako nanonood at Hotel de Luna lang! Ikaw Zico malilintikan ka talaga sa akin." Pagbabanta ko kay Zico. Tipid na nginitian niya lang ako at nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang Cafeteria. Nang nasa Cafeteria na kami ay hindi parin namin pinansin ang mga titig nila samin na parang bubblegum dahil sa lagkit. Sanay na kami sa ganyan kaya hindi nalang namin sila pinapansin. Nang makahanap ng mesa ay agad kaming umupo ni Zico habang si Ash naman ay nag-order ng kakainin namin na dumiretso sa Counter. Kinuha ko ang cellphone ko at maglolog-in na sana sa f******k ng marinig kong kinausap ako ni Zico. "Nakabalik na pala si Psalm galing New York?" Bumuntong hininga naman ako at tumango. "Nadagdagan ulit ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko na ikinatawa niya. "Bakit naman? Mabait naman siya, perfect brother kumbaga." Wika niya na ikinatitig ko sa kanya. Totoo yun. Psalm is really a good brother and a good man. Everyone wants and not everyone have. Si Psalm ang tipo ng tao na kahit makasalanan ka pang tao asahan mong mabait parin ang turing niya sayo. Sa Pamilya ko, si Psalm yung napakabait at yun ang ayaw ko sa kanya. He's so kind that my Parents abuse his kindness and used it. Sa sobrang bait ni Psalm lahat ng mga inuutos ng mga magulang namin sinusunod niya. He's living all his Life following the order of our both parents. Nakikita kong never na inenjoy ni Psalm ang buhay binata niya dahil sa palagi niyang pagsunod sa mga utos ng magulang namin. Galit ako sa mga magulang ko dahil inaabuso nila si Psalm dahil sa kabaitan nito. Galit din ako kay Psalm dahil parang hindi na niya pwedeng kontrolin ang buhay niya dahil nakakandado na ito sa mga magulang namin. I remember clearly nong nakaraang Pasko gumawa si Lolo ng sinasabi niyang 'I ask you, answer me well' Game niya na talagang nagpaliwanag sa nararamdaman ko ng Paskong yun. Binigyan niya kasi kami ng Papel at Ballpen at isulat daw namin doon ang mga sagot o tanong namin depende sa tao. Ang gagawin namin ay uupo kami ng pabilog sa Sahig tapos magtatalikuran kami. Like yung likod ko ay nakaharap sa kanila and ganon din naman sa kanila. Nasa gitna si Lolo at sinabi niya kung paano laruin ang laro niya. Una, magsisimula siya sa taong tatawagin niya pero nakaupo parin ang tinawag niya at nakatayo parin si Lolo sa gitna. Pangalawa, kung sino ang natawag niya ay magsusulat siya ng tanong sa taong tatanungin niya. May nakalagay para kanino ang tanong pero walang nakalagay kung kanino galing ang tanong. Pangatlo, pag nasulat na ang tanong sa papel kukunin ito ni Lolo at titingnan kung para kanino ang tanong. Pang-apat, ibibigay ito ni Lolo kung para kanino ito. Walang nakakaalam kung sino ang bibigyan ni Lolo dahil nga nakatalikod kaming lahat sa isa't isa. Pang-lima, pag nakuha na ang tanong nang tinanong ay sasagot siya pero isusulat niya sa papel na hawak niya at ibibigay ito kay Lolo dahil ibibigay naman niya ito sa nagtanong. Tapos ang sunod na naman na tatawagin ni Lolo ay yun ang magtatanong. And so on. At sa larong yun nakatanggap ako ng tanong, dalawang tanong na talagang nakapagpasikip sa dibdib ko. "Pamilya mo kami diba? Kahit anong mangyari hindi mo kami tatalikuran diba?" 'yan ang nakasulat sa papel na tinanong niya para sa akin. Gaya nang sabi ko hindi ko alam kung kanino galing ang tanong na yun pero ramdam at alam ko na agad kung sino ang nagtanong nito. Sa pagbabasa ko pa lang nang tanong naririnig ko na sa tenga ko na tinatanong niya sa akin ang mga katagang yun. Kahit sumisikip ang dibdib ko ay sinagot ko parin ang tanong niya. "Pamilya ko kayo pero tatalikuran ko kayo pag marunong na akong tumayo sa sariling mga paa ko." 'yan ang sinagot ko kahit alam kong masasaktan siya. Wala akong pakialam as long as alam niyang kinamumuhian ko sila mabuti na yun. Para malaman niyang sila ang tipo ng Pamilya na ayaw kong maging Pamilya at kasama. "Aray!" Mariing sigaw ko nang biglang may malakas na bumatok sa akin. Sa sobrang lakas nito nasampal ang noo ko sa Mesa. Narinig ko namang nagtawanan silang dalawa kaya ko sila sinamaan ng tingin pero agad ding ngumisi ng maka-isip ng igaganti. Paupo na kasi si Ash habang dala-dala ang dalawang tray at ilalapag na sana niya ito sa Mesa ng malakas na sinipa ko ang Mesa kaya imbis na sa Mesa mailapag ang tray ay sa sahig ito at nahulog. Sapol sa kabilang tenga naming lahat ang nagtapon na ulam at kanin na nahulog sa sahig, maingay ang pagkakahulog nito dahil sa lalagyan nitong Aluminum. "Noah!" Iritado namang sigaw ni Ash sa akin. Aba, tarantado siya ah? Nambabatok siya ng pagkalakas-lakas tapos pag gaganti ako mapipikon siya? Tumawa lang si Zico at tumayo ng lumapit sa akin si Ash at hilahin ang buhok ko. Panay naman ang pagpupumiglas ko habang naririnig ko naman ang paligid namin na puno ng tawanan, isa na doon ang malakas na halakhak ni Zico. Nakayuko ako dahil malakas na hinihila ni Ash ang buhok ko kaya hinawakan ko ang bewang niya at sinuntok-suntok ang tagiliran niya. Pero hindi parin siya bumibitaw ng pagkakahila sa buhok ko kaya sinipa ko ang binti niya gamit ang binti ko. Panay ang atras niya dahil sa pagsipa ko kaya niya mas hinihila ng malakas pa ang buhok ko. Walang may lakas ng loob na awatin kaming dalawa ni Ash dahil sa tagal ng pag-aaral namin dito sa Paaralang 'to, walang araw na hindi kami nagbabangayan, nag-aasaran at nagbubugno. Normal na 'to sa amin kaya kilala kaming tatlo sa Paaralang 'to bilang Trio ng Pakikibugno dahil kaming magkakaibigan lang ang nagbubugno kahit sa maliit na bagay tulad nalang ngayon. Panay tawa parin ang mga tao sa loob ng Cafeteria at panay bugno din kami ni Ash, hindi kasi ako magpapatalo sa kanya at ganon din naman siya. Hinahanap ng mata ko si Zico para sipain din siya dahil sa lakas ng tawa niya sa aming dalawa ni Ash. Aabutin ko na sana si Zico ng biglang narinig naming lahat ang malakas na sigaw ng Dean namin. Agad na umayos kami ni Ash at nilingon ito na galit na nakatingin sa amin. "Nag-eeskandalo na naman kayo, Ariño at Luchavez! Sa Guidance ngayon na!" Malakas na sigaw niya sa amin kaya kami umayos ng tayo. Sinalubong ko naman ang tingin niya at kinamot-kamot ang buhaghag ko ng buhok. "Sir, lunch break naman ngayon. Bakit pupunta kaming Guidance?" Pagrereklamo ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "May lunch break bang Wrestling, Novianah?!" ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD