UNANG KABANATA

2096 Words
"Inay, ako na po ang maglalaba sa malaking bahay ngayon dahil sabado naman po," ani Issa sa ina. "Naku huwag na anak ang isipin mo ay ang paghahanap mo ng trabaho mo," sagot ni Aling Teresita. "Inay, sabado po ngayon at sarado po ang mga tanggapan. Isa pa po oras na rin po para ako naman ang kumayod para sa ating lahat. Tapos na po ako sa pag-aaral at dahil po sa paglalabada n'yo sa malaking bahay at pakikisaka ni Itay sa bukid. Kaya't hayaan n'yo po, Inay na tulungan ko rin kayo para sa atin." Paglalambing ni Issa sa ina. "Anak, ang magulang ay karapatan o responsibilidad ang pag-aralin ang mga anak. Kagaya namin ng Tatay mo, kahit sa pakikipaglaba at pakikisaka ay napagtapos ka namin. Dahil bilang magulang mo ay iyan lamang ang aming maipamana sa iyo. Salamat sa Diyos at biniyayaan ka niya ng mabuting kalooban at talino. Isang taon na lang din ay matatapos na rin si Lito sa sekondarya. Kaya't hindi puweding umasa na lang din kami sa iyo, anak. Oo, tapos ka na nga sa pag-aaral mo at kung papalarin ay makapagtrabaho. Kailangan mo ring mag-ipon para sa sarili mo. Nandoon na tayo, nandiyan pa ang kapatid mong nag-aaral pero hindi ibig sabihin no'n na ikaw na ang bahala sa kanya. Dalaga ka anak at kailangan mo ang mag ipon para sa kinabukasan mo," pahayag ng butihing Ginang. Lumapit naman ang dalaga sa ina at yumakap. "Kaya po love na love ko kayo ni Itay, Inay. Ikaw na ang pinaka the best na Nanay sa buong mundo. Napakasuwerte namin ni Lito na kayo po ang naging magulang namin. Pero hayaan n'yo pong tulungan ko rin kayong kumayod, Inay. Dahil ang tagumpay ko ay tagumpay din ninyo. Sabi nga nila tulong-tulong para sa pag unlad," aniya habang nakayakap sa ina. Ang hindi alam ng mag-ina ay nasaksihan iyon ng mag-amang Lito at Poldo. Mga bagong ahon mula sa palayan. "Aba'h, Itay, mukhang kailangang ibenta na natin ang television ah," ani Lito. "Kaya nga anak. Aanhin pa natin ito eh live na ang pinapanood natin di ba?" segunda naman ni Mang Poldo. Dahil dito ay napalingon ang mag-inang Issa at Teresita. "Lito naman, bakit ibebenta n'yo pa ito? Aba'h ayaw n'yo ba no'n live ang pinapanood ninyo. Maganda nga iyon dahil bawas sa kunsumo ng kuryente." Nakatawang hinarap ngdalaga ang ama at kapatid. Kaya naman ay pumagitna si Aling Teresita. "Hala tama na iyang biruan ninyo. Maghugas na kayong mag-ama para makapag-almusal na muna tayo bago kami pumunta sa malaking bahay para maglaba at maglinis. Baka mamaya kung saan-saan na naman mapunta ang biruan ninyo." Nakangiting pananaway ni Aling Teresita sa mag-aama. Pero bago sila makadulog sa hapag kainan ay tumunog ang cellphone ng dalaga na 3310. "Saglit lang po sagutin ko lang po ito," ani Issa kaya't tumango ang mga ito. "Good morning po." "Clarissa Adelline Pascual I am right?" "Opo, Ma'am. May resulta na po ba application ko?" "Actually kaya ako napatawag kahit sabado dahil sabi ni mother ay kailangan na namin ang secretary dito sa THE SURVIVORS ORPHANAGE lalo at linggo bukas darating ang mga taga-Baguio. Annual gathering ito ng orphanage. Kaya kailangan namin ang karagdagang tao rito." "Wow thank you, Lord. Sige po, Ma'am. Ano'ng oras po ako magrereport, Maam?" "If available ka ngayon, Miss Pascual ay magreport ka na ngayon. Confirmation mo lang naman ang kailangan ko para masabi ko kay mother Estella." . "Sige po, Ma'am, darating po ako. Maraming salamat po ulit, Ma'am." "Your welcome, Miss Pascual. I'll hang up the phone for you to prepare yourself to come here. Take care and see you later." Pagkabulsa ng dalaga sa cellphone niya ay para siyang batang nagtatalon dahil sa tuwa. "May trabaho na ako. May sumagot na sa application ko. Salamat, Ama." Tuwang-tuwa siyang nagtatalon at hindi malaman kung kanino yayakap. Kung sa magulang o sa kapatid. Tuloy! "Di halatang excited ka, Ate. Baka imbes na makapunta ka sa trabaho mo eh hindi na. Sa lagay na iyan parang hindi mo alam kung pupunta ka o hindi." Panunukso ng binatilyo sa kapatid kaya't natauhan ito. "Ikaw naman, Lito. masaya lang naman ako dahil sa wakas ay may trabaho na ako. Iyon nga lang hindi na ako makakasama kay Inay sa malaking bahay para maglaba," tugon ni Issa sa kapatid. "Anak, huwag mo ng isipin iyon dahil may lakad ka naman. Tama naman ang Inay ninyo hindi masamang tumulong kapag nakakaluwag ka kaya't bago na naman tayo mag-live drama at maantala ang lakad mo ay tara na sa kusina at makapag-almusal na tayo nang makapaghanda ka na. It's your first day on your work so you need to show them that you deserves the position. Tama ba ang english ko anak?" patanong na ni Mang Poldo. "Yeah! That's right, father." Nakatawang pag-ayon ni Lito kaya't napatawa sila. "Ayan na naman kayo. Nakasimula na naman kayo sa biruan at bago pa kayo humantong sa kung saan-saan kain na tayo at may lakad pa si Issa." Nakailing na pag-awat ni Aling Teresita. Gano'n ang buhay ng pamilya Pascual, isang kahig isang tuka man kung ituring pero mayaman sila sa pagmamahal, respeto, at pananampalataya. Kung mayroon man sa buong San Vicente ang tahimik pamilya ay isa na ang pamilya nila Mang Poldo. Mahirap man ang buhay nila pero hindi naging sagabal ito sa kanilang pang araw araw na ipinakita sa mga kapwa nila. Samantala sa bahay ng matandang Mckevin o kina Grandpa Bryan. "Asawa ko, tawagan mo nga si Adrian gusto kung makausap," ani Grandpa B sa asawa. "Saglit lang asawa ko at tawagan ko. Baka sakaling nasa bahay pa nila ito," tugon ni Grandma Donna. "Sabado naman, asawa ko. Saan pupunta ang batang iyon?" anito. "Asawa ko, you know so well ang apo natin. He's a hard working person, workaholic one. Kaya't huwag ka ng magtaka kung bakit pati sabado ay ginawang working day," pahayag ng ginang pero sinunod pa rin ang kagustuhan ng asawa. Sa edad na eighty ay matikas pa ring tingnan ang dating abogado at FBI officer na si Grandpa B. Pero sa kagustuhan ng mga anak pinagbawalan na nila itong pumasok sa kompanya nila total hawak naman ng magpinsang Bryan Christoph at Adrian Joseph. Dahil ang kambal ng mga Mondragon ay may kaniya-kaniyang linya. Si Tristan Keith negosyante ito pero nasa Nevada kasama ang mga magulang at minsanan lang magawi sa bansa. Si Braxton Keith ay isang bokalista sa sariling banda na kung saan-saan napapadpad sa iba't ibang sulok ng bansa. At si Clarrence ay isang modelo na siyang nakamana sa pagmomodelo ng ina nilang si Tigresa way back then. At mas lalo namang walang nakamana mula sa iyakin nilang anak dahil isang surgeon at alagad ng batas ang isa. At si Bryan Christoph at Adrian Joseph lang ang naging permanente sa bansa dahil ang bunsong anak ni Bryana ay kasa kasama ni Braxton sa kanilang bansa. Ito ang babae pero ito ang drummer sa grupo, though kaya naman nilang lahat na umawit. "Oh anong sabi niya?" tanong agad ni Grandpa B nang ibinaba ni Grandma Donna ang telepono. "On the way na rin daw naman siya patungo rito, asawa ko. Kaya hintayin na lang natin ha," sagot nito. "Mabuti naman kung gano'n asawa ko. Namimiss ko ang mga apo natin. Kailan kaya sila uuwing muli?" biglang nanulas sa labi niya. "Ano ba ang mahalagang sasabihin mo kay Adrian at pati mga apo natin na nasa iba't ibang sulok ng mundo ay naisip mo?" nahahabag na tanong ng Ginang sa asawa. "Asawa ko, alam mo bang mas namimiss ko ang mga apo natin kaysa ang mga anak natin? Hindi ko rin alam asawa ko pero kapag nakikita at nakakausap ko na sila ay pakiramdam ko ay mahihintay ko pa silang lumagay sa tahimik. Lalo na si Kuya Adrian Joseph siya ang panganay sa kanilang lahat pero siya pa ang walang maipakilala sa atin." Ang azul na mata ng matanda ay kakitaan ng lungkot. "Huwag ka ng malungkot asawa ko bagkos maging masaya na lang tayo para sa kanilang lahat. Wala naman tayong magagawa dahil nasa tamang edad na sila at hindi rin naman natin sila puweding hawakan sa leeg. Masuwerte pa nga tayo asawa ko dahil hindi sila nakakalimot sa atin kahit gaano sila kabusy." Pang-aalo ng Ginang. Dahil kahit siya ay nalulungkot din. Dahil sa seryoso nilang usapan ay hindi nila napansin ang pagparada ng sasakyan ng kanilang panganay na apo kaya't hindi na rin nila ito namalayang pumasok. "Ahem mukhang nag-eemote ang guwapo kong Grandpa ah." Agaw-pansin ni Adrian Joseph. "Oh, nandiyan ka na pala apo ko. Halika rito sa tabi ko apo." Ang malungkot na matanda ay biglang nagliwanang nang nasilayan ang apo. "Kumain ka na ba apo? O, nakalimutan mo na namang kumain dahil sa pagiging workaholic mo?" tanong naman ng Ginang. "Tapos na po, Grandma sa bahay. Mano po." Magalang na inabot ng binata ang mga palad ng ninuno at nagbigay-galang. "Kaawaan ka ng Diyos apo ko," sagot nito. "Mano po, Grandpa. The most handsome Grandpa ever." Lambing ng binata saka hinalikan ito sa noo nito matapos nakapagmano. "Huwag naman apo ko baka multuhin ka ng Grandpa Allen mo eh kagaya kong guwapo iyon." Biro naman ng matanda. Sa simpleng biro ng matanda o ang Lolo niya ay hindi niya maiwasang napahalakhak lalo at alam niyang habang tumatanda ito ay bumababaw ang kaligayahan. "Hindi magagawa sa akin ni Grandpa Allen iyon sa akin 'Lo. Kagaya mo, mahal ako no'n kaya hindi niya ako mumultuhin and besides, masaya ako kapag magparamdam siya sa akin. Alam n'yo naman po I wasn't able to be him way back on his burial. Anyway, kumusta pala kayo ni Grandma?" sagot ng binata sabay upo sa mismong tabi ng abuelo. "Tama ka diyan apo ko. Biro lang iyon ni Lolo mo. Alam mo naman kahit tumanda na sa edad hindi pa rin kumukupas ang pagiging palabiro nito," sabad naman ni Grandma Donna. "Diyan kami nabuo ng mga kaibigan ko asawa ko. Mula sa Harvard hanggang sa napadpad kami rito sa Pilipinas and you know the rest asawa ko." Baling naman ng Ginoo sa asawa. "Maiba ako lolo tumawag ang THE SURVIVORS ORPHANAGE may annual celebration pala bukas kaya ako nagsadya dito dahil yayain ko sana kayong dumalo roon," ilang sandali pa ay sabi ni Adrian Joseph. "Akala ko apo ko hindi mo pa alam kaya naman kita pinatawag sa Grandma mo kanina dahil sa annual celebration. Pero salamat apo ko at hindi mo nakakalimutan ang simbolo ng pagbangon ng mga magulang mo mula sa trahedyang kinasangkutan nila ilang taon na ang nakakaraan," sagot ng Ginoo. "Of course not, Grandpa. Hindi ko po makakalimutan ang lugar kung saan kami napadpad ni Mommy. And besides namimiss ko na sina Nanay at Tatay matagal na rin akong hindi nakadalaw sa kanika," tugon ni AJ. "Yayain mo ang mga pinsan mo apo ko lalo si Shainar Joy alam mo namang tuwang-tuwa iyon kapag nagagala sa Ilocos." Suhestiyon naman ng abuela. "Ang tanong kung gustong sumama ni B.C. kapag sas---" "Sasama ako insan pero pagsabihan mo ang mala-palaka mong pinsan na huwag ako ang guluhin niya kapag nandoon tayo. Para pa namang machine gun ang bibig no'n." Singit at putol ng bagong dating na si Bryan Christoph. "The more you hate, the more you love apo ko. At bakit ba kasi mainit ang dugo mo kay Shainar. Baka naman may natatangi kang pagtingin sa kanya kaya't itinatago mo sa pagsusungit mo ha?" Pagbibiro ni Grandma Donna sa apo. "Me? Aba'h naman, Grandma, sa guwapo kong ito ay papatol ako sa palakang iyon? Masasayang lang ang lahi ng mga Harden kapag nagkataon 'La." Simangot ever ni BC! "Huwag kang magsalita ng patapos, Insan. Maganda ang pinsan ko, kaya huwag kang magpakasiguro. Aba'h naman insan marami kayang manliligaw no'n, " nakatawang ani Adrian sa panganay na anak ng Mama sss nila. "Bago pa ako tuluyang mainis sa palakang iyon mano po muna, Grandma, Grandpa," saad ng binata sabay abot sa palad ng mga ninuno. "Kaawaan ka ng Diyos apo ko," sabay pang tugon ng mag-asawa. Ilang sandali pa ay napagkasunduan nila na convoy style na lang ang gagawin nila para maiwasan ang pagsangga ng landas ng palaka at masungit sa isang sasakyan. Sina Adrian Joseph at Shainar ang kasama ng mag asawang Donna at Bryan. Samantalang si Bryan Christoph naman sa mga magulang. Si Garrette naman sa mga magulang at si JP sa mga magulang kasama ang kambal nito. Pero hindi nila maiwasang malungkot dahil hindi na makasama ang ilang kaibigan ng matandang Mckevin na alam nilang isa iyon sa kaligayahan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD