bc

Rebels of Heart (Tagalog Story)

book_age18+
4.4K
FOLLOW
48.2K
READ
billionaire
possessive
second chance
CEO
bxg
campus
engineer
gorgeous
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

AFFLICTION SERIES 1

THIS STORY IS UNDER THE EDITING PROCESS. PASENSYA NA PO SA TYPOGRAPHICAL AT GRAMMATICAL ERROR KO.

Si Amara ay isang babaeng pinagkaitan ng kalayaan. Seryoso at puro pag-aaral ang palaging inaatupag nito. Ginawa niya ang lahat para maging perfect daughter sa paningin ng mga magulang niya. Naging sunod-sunuran at kinalimutan ang sariling kaligayahan para lang maging proud sa kan'ya si Alicia, ang strict at walang puso niyang ina.

Para maging successful tulad ng kaniyang ama, kinailangan niyang mag-focus sa number one goal niya sa buhay. Itinatak ni Amara sa kaniyang sarili na ang mga lalaki ay sakit lamang sila sa ulo. Kaya napagdesisyunan niyang hindi siya mag-e-entertain ng kung sinumang sumubok manligaw sa kan'ya. Manloloko at destruction lamang ang tingin nito sa mga kalalakihan.

Ngunit paano kung isang araw ay ligawan siya ni Theodore? Isa siya sa mga kinababaliwan ng mga kababaihan sa kanilang unibersidad. Hot. Guwapo. Mayaman. Sikat. Loyal at higit sa lahat ay patay na patay sa kan'ya ang binata.

Handa ba siyang papasukin si Theodore sa malungkot nitong mundo? O ipagtatabuyan niya ang lalaking walang ginawa kun'di suportahan at mahalin siya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nandito ako ngayon sa aking opisina, nagpipirma ng mga importanteng papeles. Napahilot ako sa aking sentido dahil ang dami kong gagawin ngayon. "I'm tired," reklamo ko ng pumasok ang sekretarya ko. "Ma'am, Ms. Eleanor is looking for you," my secretary said. "Tell her to come in." "Yes, ma'am," she said politely. Itutuloy ko na sana ang pagpirma subalit biglang sumigaw si Eleanor. "Good morning, Belle!" "My god Eleanor, napakasakit mo sa tenga." I rolled my eyes out of annoyance. "Ang seryoso mo kasi. By the way, how are you? Kamusta ang pagtatago natin?" Kahit kailan talaga napakadulas ng bunganga niya. "I'm better than yesterday. At saka hindi ako nagtatago, 'no! Busy lang ako." "Ah, kaya pala," mapaglarong sambit nito sa akin. Mula kasi nang umalis ako sa Pilipinas ay hindi na ako bumalik doon at pitong taon na ang nakalipas. I was really hurt that time to the point na umalis ako noon at kinalimutan ang lahat ng nangyari. I was totally in pain and couldn't stand to see him because it hurt me so much. Baka kapag nakita ko lang siya ay maghabol ako't magmakaawa na balikan niya ako. Masaya na ako ngayon dahil wala na ang sakit sa puso ko at maayos na ulit ako. I am completely fine, and I have forgotten my feelings for him. "Ba't ka nga pala nandito?" tanong ko sa aking kaibigan. "Nandito ako ngayon para i-represent si Daddy sa meeting. Busy kasi siya," Eleanor said while roaming around in my office. Natampal ko ang aking noo ng maalala kong may meeting pala kami ngayon. Her dad is one of my business partners. Oh my gosh! Muntik ko ng makalimutan na may meeting pala kami ngayon. Napaka-importante pa naman itong meeting na 'to. Dahil ang napaka-impluwensya na TD Company ay magiging business partner na namin ngayon. Nagmamadali akong nag-ayos sa aking sarili dahil masyado na akong haggard. Ayoko namang i-welcome ang CEO ng TD Company na mukha akong losyang na yaya ng dalawang bata. Kaya naman inayos ko ang magulong buhok ko at naglagay rin konting lipstick sa aking manipis na labi. Standing in front of the mirror has always been a mesmerizing view for me. My long legs and my collarbone were exposed. My outfit today is quite daring—sexy but elegant. "Ma'am, kayo na lang po ni Ms. Eleanor ang hinihintay. Ang CEO ng TD Company ay nandoon na rin po." "Belle, hindi ka pa rin nagbabago. Tingnan mo, mas nauna pa ang CEO ng TD Company kaysa sa'yo na dapat ikaw ang nauna doon sa meeting room," wika ni Eleanor. Si Eleanor ang nagbukas ng pintuan sa meeting room. Bago ako pumasok sa loob ay huminga muna ako ng malalim. I entered the room with elegance and walked like a queen. They greeted me at ngumiti lang ako sa kanila. Bago ako pumunta sa gitna para ipakilala ang bago naming business partner ay humingi muna ako ng paumanhin sa kanilang lahat dahil sa pagiging late ko. "Good morning, everyone. Today, the famous and very successful TD Company is now one of our business partners. I am thankful because TD Company chose us and helped us be more globally influenced and more successful." Nagsasalita ako habang tinitignan sila isa-isa hanggang sa nadako ang paningin ko sa isang tao na maitim ang awra. Nakatingin siya ng diretso sa akin at mapapansin mo ang kan'yang umiigting na panga. Theodore, bigkas ko sa kan'yang pangalan. Nanlamig ako sa aking kinatatayuan at nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko akalain na magtatagpo ulit ang landas naming dalawa. Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Ang taong iniiwasan ko ng pitong taon ay nandito sa aking harapan at sa kasamaang palad ay isa na namin siyang business partner ngayon. Hindi ko alam na sa kaniya pala ang TD Company. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana pinirmahan ang kontrata kahit pa malaki ang benepisyo na maibibigay nito sa aking kumpanya. Nabalik lang ako sa wisyo nang tapikin ako ni Eleanor. "Oh, I was saying that today the TD Company is officially one of our business partners. Thank you, Mr. Deluvin, for choosing and trusting our company." I formally said. After my short speech, we proceeded to our main agenda. They are busy discussing our new project with the TD Company. Nailang ako sa uri ng titig niya sa akin at ni isa ay wala akong maintindihan sa sinasabi ng empleyado ko. I was preoccupied with the whole discussion. Ni hindi ko nga namalayan na tapos na pala ang meeting at nagkakamayan na sila. Mabilis akong tumayo at umalis na ako doon pagkatapos kong pasalamatan silang lahat. Naglalakad ako ngayon sa hallway at bago pa man tumulo ang luha ko ay tumakbo na ako papuntang comfort room. Unti-unting nagsibagsakan ang mga traydor kong luha na matagal ko ng kinikimkim. Impit akong napaiyak dahil sa buong pitong taon ay ngayon ko lang siya ulit nakita at bumalik lahat ng sakit, puot, at galit na nararamdaman ko noon. Akala ko ay okay na ako. Akala ko ay nakalimutan ko na siya. Iyon pala ay hindi! Napatigil ako sa pag-iyak ng bumukas ang pintuan. Hinarap ko ang taong pumasok dito sa loob ng comfort room at laking gulat ko ng makita si Theodore, ang lalaking nanakit sa akin. "Amara," puno ng pangungulila na tawag niya sa aking pangalan. Nalilito ako sa kan'ya dahil parang bulkan siyang sasabog kung tumingin siya sa akin kanina at ngayo'y tila maamong tuta. "What are you doing here?" Ang kapal ng mukha niyang sundan ako dito. "Amara," sabi niya ulit. Nangatog ang aking binti at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Halo-halong emosyon ang kumakawala sa aking sarili. Bago pa man ako mawala sa wisyo at tangayin ng aking emosyon, palihim kong pinunasan ang mukha ko. "Mr. Deluvin, this is not a boy's comfort room." Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na ako doon at pumunta sa aking opisina. Why does it hurt so much to see you again? For seven years, I thought I was okay and totally healed, but I was wrong. You've made my pain confine me in agony! Seven years ago, I said to myself that someday I would forget you completely. Pero sa pitong taon na lumipas, hindi pala kita nakalimutan. Sa nagdaang taon para akong tanga na kinukumbinsi ang aking sarili na okay na ako, pero 'ang totoo, hindi pa pala…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook