Chapter 1-The Good Kissers

2978 Words
Chapter 1-The Good Kissers First day of school sa Chireo High,hindi naman sa kinakabahan ako as a transfer student pero hindi naman maiiwasan yon kahit gaano pa ko katapang. Ang hindi ko lang magets ay bakit sobrang layo ng school na papasukan ko,ewan ko ba dyan kay mommy mas trip pa kong ipasok sa mamahalin na school na yon. "Airin! Gusto ko marami ka ng friend doon ha!"sabi ni mommy,tss ayoko makipag friend kaya nga lagi ako mag isa. "Sige mom! Alis na ko!"humalik ako sa pisngi nya at lumabas na ng bahay suot ang uniform ng Chireo. Ayos lang naman yung uniform nila,pantao. Sumakay na ko ng bus,2 hours ang byahe eh syempre soundtrip soundtrip lang, hangang sa nakarating na ko sa Chireo High,ayos lang naman yung gate ang nakakalula yung mahabang pathway na lalakarin mo pa papasok. Habang naglalakad ako may naririnig akong parang takbo ng kabayo kaya napalingad ako at -- ASDFGHJKL MGA MUKHANG KABAYO NGA! I'm not kidding parang may marathon ata at nagsisitakbuhan sila,isang damukal ng babae kaya ako naman hindi ko alam kung san ako tatabi kasi halos buong pathway eh masisik ako! "Bilis girls ayan na sila!"one of the girls screamed. Takte sino? may aswang ba sa school na to?! Nanlalaki na yung mata ko sa takot and hell yeah ayan na nadadali na nila ako at napaluhod na ko sa semento hindi man lang inisip na may tao! "Shit."sabi ko na lang habang pinapanuod tumakbo palayo yung mga babae,gusto nyo malaman mukha ko ngayon? Eto lang naman sabog lang sa mukha yung buhok ko,letse mga babaeng yan! "Tss."napalingon naman ako kung sino yung nagtss na yon,tumingala ako at ang sama nga ng tingin nya sa mga babaeng nagtatakbo tapos sabay tingin naman sakin. Nagtitigan lang kami,ewan ko ba gusto ata makipaglabanan ng titigan ng mokong na to eh e di titigan ko din. Nakahood nga pala sya,nilalamig? Init init sa 'Pinas makajacket wagas. Shabu pa kuya. At ayun after 1 minute inalis na nya yung pagkakatitig sakin at nagsimula ng maglakad,tinignan ko lang sya maglakad patalikod,matangkad si kuya at may pagkapayat. "Hi!"napalingon naman ako kung sino yung nagsalita ulit. "Hellow."sabi ko naman habang tingin ako ng tingin sa itim sa big tooth nya ang kapal pati ng kilay nya,sa madaling salita panget sya. Hindi ako laitera pranka lang. "Wah! Ikaw pala si Heroine Airin Valdez! Yung transfer galing pa sa Iraq!"napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya.Iraq? Paris ako galing noh! Iraq sya dyan baka ipatapon ko sya doon eh! Malamang kaya nya nalaman name ko ay dahil sa name plate sa damit ko. "Correction: Paris not Iraq."sabi ko sa kanya na tumayo na ko sa pagkakadapa. "Ah! sorry shunga talaga yon si Jerome sabi nya Iraq! Anyway wag na natin pag usapan yung bakla na yon,I'm Jessel Adarbe,Jess na lang for short!" ang bubbly at high ang spirit ng babaeng to. Inabot nya sakin yung kamay nya kaya inabot ko din yung akin. "Heroine Airin Valdez, Airin na lang." at ayon nagshake hands na kami tapos sya naman todo ngiti abot tenga kaya exposure yung itim sa big tooth nya. Nagbitaw na kami hangang sa lumiyad sya doon sa palabas ng mamahaling kotse na kulay red tapos may mga nakadrawing pang mga gitara,drums basta mga pang rakista. "Ay kaya nanaman pala nagtatakbuhan yung mga babae kanina andyan na sila,first day of school kaya malamang namiss sila ng lahat!"sabi nya habang nakatingin pa rin doon. Hangang sa may isang lalaki na lumabas doon sa kotse. "Sino ba sila at ganyan na lang sila magreact?" okay dahil takang taka ako kaya tinanong ko na rin si Jess. "Yang palabas na yan na kumakaway si Ivan yan,yung sumunod naman na lumabas yung nakasalamin na nagbabasa ng libro si Calvs,yung cute naman na yan si Neil!" giliw nyang pagdefined sa 'kin habang pinapanuod ko yung nagsisilabasan doon sa kotse habang grounded ng mga girls at nagtitili. Tumungo tungo na lang ako habang nakikinig sa kanya hangang sa nag bukas yung front door ng kotse at lalong yumanig yung sigaw ng mga babae,tinakpan ko nga yung tenga ko sa ingay! Ano ba yan artista ?artista? "Eh sino naman sya!?"malakas yung boses ko kasi malakas yung sigaw,napatingin naman ako kay Jess kasi hindi pa sya sumasagot. AND HECK! Namumula si ate! Ano ba yan may tama rin ata tong Jess na 'to. Tinignan ko naman yung lalaki lumabas na nakashade napansin ko nga may humawak sa may balikat nya pero pinunasan nya ito ng kamay nya. Aba suplado ah. "Gene."mahina pero rinig ko sabi nya. "Gene? Gusto mo ng Gene? Bawal under 18 ka pa."sabi ko. "Ano ka ba hindi! Ibig kong sabihin sya naman si Gene." "Ah eh sino naman sya at ano bang meron at giliw na giliw yung mga babae na halos gusto na ata ibigay ang sarili nila." "Psst I would tell you all the full details later! male late na tayo!"tapos hinila nya yung wrist ko at pumasok na ng paloob ng building kahit grounded pinilit namin. Sa pagkakataon na yun,nakita ko ng malapitan yung mga lalaki,wala naman mali? Tao pa rin naman sila? Daming ganyan kagwapo sa Paris nagtitiis sila dito sa 'Pinas. "Yan lang tinitilian nyo? tsk"sabi ko. Nagtaka naman ako dahil bigla nawala ng ingay at parang nanlilisik tumingin sakin yung mga babae pati yung mga lalaki kanina. "Airin,you make a big attraction."bulong sakin ni Jess,what? Big attraction? Ano bang ginawa ko?! "Huh?"sabi ko pero nawala yung tingin ko kay Jess ng isa doon sa lalaki ang lumapit sakin. Sa pagkakatanda ko Gene ang pangalan nya. "Repeat it again."humarap sya sakin may katangkaran eh kaya ang yabang ng tindig sakin nakatingala tuloy ako. Naalala ko yung huli kong sinabi 'Yan lang tinitilian nyo?' eh sa totoo naman eh,masama ba magsabi ng totoo? "Mga katulad nyo tinitilian? Tsk,waste of time." inulit ko sabi nya eh,may dumagdag nga lang. Sensya pranka lang. After that sinisiko ako ni Jess at binigyan ako ng stop-it-and-you're-dead look,paki ko ba gusto ko makipag asaran sa Gene na to eh una kita ko palang yabang na ng dating. "I would given you 3 reasons that I would forgive you this day,the 1st one is your name is Heroine Airin Valdez."tumingin pala sya sa nameplate ko,tsk bad news classmate ko pa "2nd is I'm going to be late and last but not the list,I don't talk to a kind of creature like you."tumingin sya sakin mula ulo hangang paa. CREATURE DAW OH! Sampulan ko kaya to! Nakatalikod na sya sakin at akmang paalis na nagsalita uli ako "Hindi ka nakikipag usap sa creature na kagaya ko kasi ako TAO,ikaw ALIEN,ALIEN NA NILAHIAN NG UNGGOY!" o di ba ganyan lang yan,nakita ko naman na nagtatawanan yung kasama nyang lalaki pati yung mga babae. Bigla syang tumingin sakin ng nanlilisik at papalapit sakin at ang mukha! Mukhang pahiyang pahiya,tsk yun lang magagalit na sya? "Alien na nilahian ng unggoy? Hahaha,you're so funny with telling those stuffs. Salitang kalye." "Excuse me it's not 'salitang kalye' it's how I defined people who takes so much confidence with himself but the truth is you look like an alien came from nowhere." "Confidence? Me? Why don't you join some Funny Show I'm sure you would win,Ms.Dwarf." sinabihan ako ng dwarf oh! Siguro dahil sa height ko. "Dwarf? Atleast height lang hahaha,eh ikaw Alien kasi mukha mo! Kaya pala pamilyar mukha mo eh napanuod na kita sa Alien Vs. Predator at nasa harapan ko ngayon haha pa autograph ha!?"sarcasm overload! "Children would be happy seeing you because they will know that Snow White and the Seven Dwarfs are really exist and one of the Snow White's dwarfs are in front of me telling some rudeness infront of many students."he was smirking at me,buwisit na alien 'to pinipikon ako. May lumapit na lalaki uli yung Calvs yung name may salamin eh. "Genesis, we need to go and will you stop this childish act,remember she's a transfer student ,she knows nothing about us." Tumungo naman yung Gene,AH so Genesis pala buong pangalan nya , ano ba yan nasa bible yung name ugali naman pang Lucifer. "See you,Ms.Dwarf."nag kindat pa ang lokong Alien na yan! "Alien!" Sumunod na yung dalwa pa nyang kasama sumakay na sila sa elevator, ako naman standing lang habang pinapanuod umalis sila while the other girls are suddenly gone,bilis ah si Jess na lang nasa tabi ko. "WAHHH grabe sa tala ng life ko ngayon ko lang sya narinig magsalita ng ganon kahaba!"sabi nya while embracing herself. "Bakit naputol ba dila nya at ngayon lang bumalik?" "Nope! That's not what I mean! Sabihin ko sayo later! Lika na punta na tayo classroom." Sumakay na rin ako ng elevator 4rth floor pa daw yung classroom eh. Nung makarating na ko magstart na yung class hangang sa nakita ko doon yung apat na boys kasama si Alien, he's smirking at me right now. "Ms. Valdez sit behind Mr. Valdez."sabi ni Sir,wow magaling to si Sir as if kilala ko si Mr.Valdez na ka-last name ko -_- bad vibes mga pre. "Sir I hope you don't mind, I was new here and I don't know who's Mr.Valdez ."sabi ko with my almost sarcastic smile. "I'm sorry Ms.Valdez,anyway he was there near the left window."parang nagslow motion yung ulo ko habang sinusundan yun hintuturo ni sir,at boom sabi ko na nga ba eh sya yon. Wala na kong nagawa kung hindi ang umupo sa likod nya,yung nasa left side ko yung Neil sa kanan naman yung si Calvs katabi naman ni Ivan si Jess. Anyway nagstart na si sir,hindi na ko pinakilala kasi sinabi na nila yon after pa ko makalipat dito kaya updated na sila kung sino ako. *** Lunch time na at magkasama kami ngayon ni Jess sa may field pero hindi pa namin binubuksan yung lunch box namin,may hinihintay kasi daw sya. Wala naman gaanong nangyare masama sa classroom kanina,hindi naman ako ginulo nung Gene na yon in fact masyado silang tutuk sa pag aaral kanina. "Now,will you tell me the full details?" sabi ko. "Sige na nga,kaya ganon sila kasikat kasi they were a boy band at sikat sila sa buong Chireo High at sa ibang universities. Si Calvs ang bass guitarist,Neil the Rhythm,Ivan the drummer and Gene the Lead. And they named themselves 'The 5 GoodKissers'."paliwanag nya,sus schools lang naman pala sikat kala ko pang hollywood. Anyway nagtaka naman ako ng bahagya "Bakit 5 GoodKissers apat lang naman sila?" "Ah! Sorry nalimutan ko si Luhan,he's the Vocalist,minsan lang sya magpakita pag kakanta lang sya kaya nalilimutan ko o kaya naman andito sya pero hindi sya nagpapakita because ayaw nya ata sa mga tao." Ahh I see pa especial pala yang Luhan na yan. Magtatanong pa sana ako kaya lang may biglang sumingit. "HI! Mga ateng! Churi late ako! Dumating kasi kuya ko hihihi,wahhh eto pala si Heroine Airin Valdez! Ang ganda mo naman!"niyapos nya ko bigla tapos bumitaw din umupo sya malapt kay Jess. "Ang gwapo mo sayang bakla ka naman."sabi ko. Binuksan ko na yung dala kong pagkain. "Wow as a first meeting nasabi mo yan sa ganda ko! I like your pranka attitude magkakasundo tayo atey!"nagpipilatik pa yung mga daliri nya. "Hahaha ikaw talaga Jerome! Anyway Airin he is my bestfriend,Jerome Sanchez a.k.a baklang chismosa ng campus alam lahat ng details!"nag akbayan pa silang dalwa,bagay nga sila parehas silang high energetic. "Actually ayoko sa mga bakla for me sila yung mga klase ng tao na papansin,mahilig manlalaki,bastos,rants and etc. pero sige I will try to mingle with you."sabi ko,nagpout naman sya well actually straight to the point ako magsalita and I don't care kung masakit man but I was just stating what is my feeling towards to that person. "Don't worry Airin,Jerome is different to the other gays that you have known,anyway hindi si Jerome ang bida sa storyang 'to kaya let's continue of what we have discuss." Jess said,sabay subo ng hotdog. "Yung kay alien,bat ganon yung sabi mo kanina?" "Si Gene kasi 2 or 5 words na masabi nya sayo isang himala na,kasi napakatahimik nyang tao. And I think yung mga fan girls kanina tumahimik nung nagaaway kayo is because that's the first time they saw Gene making a few words with someone."- jess "Sus,Jessel for I know selos ka din!"-Jerome. "Tss."-ako "Oy di ah! Anyway alam naman ng girls na may girlfriend si Gene kaya hindi na sila naasa pa na papansinin, doon na sila naasa sa apat na natira."-Jess "Yung alien na yon may girlfriend? Siguro yung gf din non alien!"sabi ko,nakita ko naman nabiluukan si Jess at si Jerome ay tawa ng tawa. "O' di ba napatawa ko kayo kasi siguro totoong alien noh?"sabi ko lalong tumawa ng malakas si Jerome. "Churva ka Airin! Hahaha Jess oh Alien ka daw!"sabi ni Jerome,eh? bat nya tinuturo si Jess? "What's with Jess?" "Jess and Gene are couple!HAHAHA" Nalalag yung chicken sa bunganga ko at dali dali tumingin kay Jess at tinignan ko ng talaga-bang-syota-mo-yon look and she nodded! Oh my gasshh laslas na friend! "Ang pangit mo nagustuhan ka nya?Baka naawa lang sayo pinatos mo pa." "She's not really ugly,Jess pakita mo yang ganda mo! Pakitaan mo tong si Airin."-Jerome "HAHAHA ang pranka mo talaga! Tayo lang naman andito sige papakita ko na." Hinawakan ni Jess yung makapal nyang kilay at tinanggal yung pango nyang ilong na sobrang laki tapos tinangal din nya yung itim sa big tooth nya. "Wow.Yung daliri mo parang mukha lang ni Jerome."sabi ko na may pagkamangha. "Uy girl grabe ka naman!"sabi naman ni Jerome,nag pout uli. "Wag ka nga magnguso dyan,hambulusin ko yan eh."sabi ko,pansin nyo init ng ulo ko sa kanya pero no,it just my way showing my affection. (weh?) Magtatanong pa sana ako kaya lang napansin nya na may padating kaya dali dali na syang bumalik sa dati. Anong meron at bakit kailangan nya pang magdisguise ng ganyan? Genesis POV "That girl she look so familiar."sabi ni Calvs. Ang henyo at bookish person sa min. "Pre. wag kang mag english,nosebleed ako men." sabi naman ni Ivan,tao yan wag kayong mag alala. "Pano mo naman nasabi pamilyar eh kakakita lang natin!"sabi naman ni Neil na nagstrum ng gitara. Yung pinaguusapan nila yung babaeng dwende kanina,sabihan ba naman ako ng alien. Sa gwapo kong to? Alien? Tss. wala akong pake sa kanya wala syang karapatan gumalaw sa isipan ko ang kinaiinis ko ngayon ay 'tong tinetxt ko hindi man lang magreply! Sayang yung battery ng Iphone 5 ko! "Tignan mo tong si Gene,kunot na naman ang noo hahaha!"-Neil "HAHAHA di nanaman sya nirereplayan ng kapatid ko!"-Ivan "Are you trying to txt Jess?"- Calvs "Yup."sabi ko tapos balik sa tingin sa iphone ko. Nung pagbalik ng tingin ko may calling kaya agad ko tong sinagot "JESS!" "Genesis? It's your mom."aww si mommy pala,tss. "I'm sorry,what's the matter?" "Pumunta ka agad sa bahay ha!" "Why?" "Just do what I said.darling." "Okay."tapos pinatayan ko na ng phone. Family business? I think? *** Nung patapos na ang klase panay ang tingin ko kay Jess hinihintay ko syang lumapit sa kin pero hindi nya ko mapansin pansin dahil sa dwende na yon! "Dude! Tara uwi na tayo!"sabi sa kin ni Neil na umakbay pa sakin. "Okay."nagpahigit na ko kay Neil. Kaasar may sasabihin pa naman ako kay Jess ngayon,kontrabida talaga yung dwende na yon kaya tinext ko na lang yung sasabihin ko kay Jess. "I love you"tapos sinend ko na,sana man lang mabasa nya yon. Mga ilang segundo rin nag ring yung iphone ko at biglang nanlaki ang mata ko,a txt message from Jess kaya agad ko tong binuksan. "I love you more."napangiti naman ako ng di oras. "WAHHH kapatid ko yan noh!?"sabi ni Ivan. "Nope." "Sus,kunwari ka pa!"-Ivan "Alis na ko."sabi ko na nauna ng maglakad sa kanilang tatlo. "Dude,I think I saw Luhan."napatigil ako sa paglakad sa sinabi ni Calvs,tzk that man why he's doing all this time. "Better."sabi ko sabay alis. Pagdating ko sa motor ko,yung kotse kanina 'di akin yun ,kay Calvs yon eh,ayoko talaga magkotse pinilit lang ako ng mga mokong na 'yon ginawa pa kong driver. Pagdating ko sa bahay namin agad sumalubong si mommy,actually hindi talaga ako madalas sa bahay na 'to dahil may dorm ako malapit sa school kaya hindi ko gamay ang bahay na 'to. "DUMATING KA NA ANAK!"si mommy yan,kahit talaga makatawag sakin parang may sunog lagi. "Yes mom."sabi ko na walang gana. "YEY,may papakilala ako sayo?!" "Fixed marriage? Tss."asar di ba mawawala yang fixed marriage na yan sa kwento badtrep pagmayaman talaga uso fixed marriage. "Naku anak walang ganyan corny mo ha! HAHAHA yung pinsan mo kasing galing Paris umuwi na!"ahhh kala ko naman kung ano. "Okay."tapos pumasok na ko sa loob at umupo sa sofa. "Nakuh wait mo lang sya,nasa cr kasi! Ganda nya grabe!"eh ano naman? 'to talaga si mommy. "Okay." Mga ilang segundo rin ako nag hintay hangang sa may nakita akong babaeng mahaba ang buhok at ---- BAKIT MAY ENGKANTO SA BAHAY NA 'TO! "Darling,this is Heroine Airin Valdez,your cousin." Napatulala ako ng sobra. Yung dwende kasagutan ko lang kanina nasa bahay ko at pinsan ko pa! The heck. "And makakasama mo sya sa dorm mo sa buong school year!" WHAT! DORM?!SYA! Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila. "Mom,I can't." "But why?" "Baka mabuntis ko yan." Shet,mabuntis? the heck katawan nyan? Di rin kaaakit,sinabi ko lang yan para hindi patirahin ang kinaiinis ko lang talaga bakit kailangan sa dorm ko pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD