Message 2

1028 Words
Nakarating kami sa isang gilid kung saan may puno at walang dumadaang mga tao. Bahagya siyang lumayo sakin at mariin akong tinitigan. Bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak at pabalya niya itong binitawan. Agad naman akong umiwas dahil narin sa titig niya. "Why the hell did you post that f*****g, shitty, and disgusting status?" parang kulog na tanong nito. Natakot ako sa sobrang lalim ng boses nito. "Babe huh?" nanguuyam na tanong niya. Kumunot ang noo ko at nagtaka sa sinabi niya. Post? Ang alam ko sa messenger ko lang siya nakausap. Anong post ang sinasabi niya? Ano na naman drama ito? Umismid siya at may dinukot sa bulsa niya. Halos mapaatras ako sa galaw niyang iyon, pakiramdam ko ay napaka delikado niyang tao na bawat galaw niya masisindak ako. Napakurap nalang ako nang hawak niya ang iPhone niya at inabot niya ito sakin. "A-Anong gagawin ko dito?" mahinang tanong ko. "What do you think dimwitted girl?" mahinahon pero malalim na tanong nito. Lumunok ako at inabot ang iPhone niya. Binasa ko kung anong meron at napaawang ang bibig ko sa nabasa ko na halos hindi ako makapagsalita sa nakita ko. Muntik ng malaglag ang panga ko sa nabasa ko. Iniscroll ko pa ang mga comments. What the? Hindi ako nagpost ng ganito. Babe? Bakit ko siya tatawaging ganon? Nagpapatawa ba ang isang ito? "Teka hindi ako ang nagpost nito!" halatang hindi ko gawa ang post na iyon. Nakakabaliw lang kasi hindi naman ako ganon mag post, ni hindi ko nga siya crush. Kapal nito. Eto lang naman ang nakalagay sa post: Aika Nomiuri with Louie Zico Ramirez 16 hours ago Dont ever talk to me! Stop saying sorry! Break na tayo! And dont call me babe! ❤ 3k likes 396 comments "Hindi talaga ako yan noh!" sigaw ko. Iritado niya akong nilingon at inagaw ang iPhone niya sakin. Halos mapaatras ako sa pagkuha ng cellphone niya. "You dare to raise your voice on me?" napalunok ako at mabilis na umiling. "H-Hindi po." kinakabahang sagot ko. "P-Pero hindi naman talaga ako ang nagpost niyan. B-Baka nahack--" napatigil ako at napaisip. Wait. May isa pang nakakaalam ng email at password ng f******k, twitter at insta ko. Isang tao lang talaga.. "Si Mika!" sigaw ko at napatingin sa kanya. "S-Si Mika lang ang alam kong nagbubukas ng accounts ko." iritado na naman niya akong tiningnan. Bakit ba parang laging ang init ng ulo ng lalaking to? Red days niya ba ngayon? "I dont care whoever it is! Just delete that post." lumunok ako at inilahad ang kamay ko "What?" tumikhim ako bago magsalita. "A-Ano paopen ng account. L-Lowbat na ako eh." matalim muna siyang tumingin sakin ng matagal bago inabot ang iPhone niya. "T-Thanks." Hindi na ako nagsayang ng oras at agad pumunta sa f******k app. Nakita ko ang f******k account niyang napupuno ng friend request at notification. Sobrang dami pang message. Pero hindi ko na pinakialaman at agad ni log out ang kanya. Agad akong nagtype ng email at password. Sira ba ang phone niya? Bakit ayaw? Incorrect username/email or password *type* Incorrect username/email or password Hanggang sa paulit-ulit kong tinype ang email at password ko. Hala! Bakit hindi ako maka log in?! Paulit-ulit akong nagtype at paulit-ulit ding mali! Isa lang ang naiisip kong dahilan at alam ko kung anong ginawa ng taong iyon sa account ko. "Faster will you!" halos mabitawan ko ang bagong labas niyang iPhone nang sumigaw siya. Tiningnan ko siya at sana hindi nalang ako tumingin. Nakakunot ang noo niya at nakita siyang sinuklay ang kamay niya sa buhok niya. Lord, bakit ang gwapo--I mean bakit ang init ng ulo ng lalaking to? Kung matapang lang ako kanina ko pa to tinakbuhan. Oo ang pagtakbo ay katapangan. Napaka high blood naman niya kasi eh. "A-Ano kasi pinalitan yata ng bestfriend ko y-yung password ko." dumilim ang mukha niya at hindi makapaniwalang tumingin sakin. Mika. Patay ka sakin mamaya. Pag ako nalagot sa isang to, lagot ka din sakin. Kasalanan mo ito eh! Naman talaga! Kainis. "Then use your brain and do something!" napapikit ako at tumango nalang. "Mag deactivate ka kaya muna?" suggest ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Why would I? You're the one who made that mess. You bitch." iritado niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin at kulang nalang masunog siya sa titig ko. Huminga ako ng malalim at handang handa na siyang sigawan nang magsalita siya "Don't ever show your face in front of me again. Its disgusting." laglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Kanina b***h? Ngayon disgusting? Wow. Akala mo gusto ko siyang makita? Inis din tong lalaking to ah. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. "Stupid." rinig ko pang bulong niya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at ilang beses lumunok. "Teka wait!" hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya. "P-Paano na yung post?" hinarap niya ako at nagtaas ng kilay. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanya. "Get. Your. Filthy. Hands. Off. Me." mabagal at puno ng awtoridad niyang sabi. Agad ko siyang binatawan. "S-Sorry." tiningnan niya ako at ilang sandali pa ay hinablot niya ang bag ko at kinalkal ito. "A-Anong ginagawa mo?" hindi siya sumagot at inangat niya ang kaliwa niyang kamay na sign para tumigil ako. Hinalungkat niya ito at nang hindi niya mahanap kung ano man ang hinahanap niya ay tinaob niya ang bag ko at hinulog ang mga laman nito. Halos hindi ako makareact sa ginawa niya. "T-Teka.. B-Bakit mo.." Hawak niya ang phone ko at tinitigan ito. Nakatunganga lang ako sa bawat kilos niya. Lumapit siya sa akin at inabot ang cellphone ko. Alanganin ko itong inabot, pero nang aabutin ko na sana ay bitawan niya sanhi ng pagkahulog sa sahig. Narinig ko pa ang c***k ng screen. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Hindi ako makapagsalita dahil binasag niya lang man ang 15,000 na phone na bigay nila mama sakin. "Buy a new new phone. Your phone is an old model." guni guni ko lang siguro ang nakita kong demonyo niyang ngisi bago tumalikod. Napasigaw ako sa inis habang tinitingnan ang basag kong cellphone. Ugh! Ang sama niya! -- Heart and Comment ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD