Message 1

999 Words
Inaantok kong sinagot ang phone nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. Ang aga aga pa kaya. Kainis to. "Hello?" bored na sagot ko. [Aikaaa!!] nilayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw niya. "Ugh. Mika? Bakit ang aga aga sumisigaw kana?" humikab muli ako habang nakapikit. [Papunta si Louie diyan sa bahay mo!] nanlaki ang mata ko at napabangon sa sinabi niya "S-Sinong Louie?" [LOUIE ZICO RAMIREZ BES!] Nanlaki ang mata ko at agad nataranta. "B-Bakit daw?" tumayo ako at halos matapilok ako sa pagtayo. [ABA MALAY KO! NAG UPDATE LANG SA INSTA YUNG ISANG FAN GIRL NIYA! MAY POST DAW KASI SI LOUIE NA BALAK KANG HUNTING-IN. OTW SA ADDRESS MO! BALIW KA KASING BABAE KA! UMALIS KANA DYAN!] "T-Totoo?!" sigaw ko. [Ay hindi. Joke lang ito, trip ko lang talaga mag joke time sa umaga.] sarkastikong sagot ni Mika. [Oo nga beshy! Chumugi ka na dyan dali!] napatay ko sa taranta ang tawag at agad dumiretso sa banyo. Nagkandadapa-dapa na ako sa sobrang madali ko. Kumuha ako ng bimpo at bagong damit. Para akong sundalo sa sobrang bilis ng kilos ko. Nagtoothbrush ako at naghilamos, kay Mika nalang ako makikiligo. Agad kong hinalukay ang closet ko at nag bihis at nagbaon ng konting damit. Palabas na ako nang bahay ng marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng motor na paparating. What the fudge?! Isang buong gang niya ba ang pupunta dito sa bahay?! Teka parang ang OA naman first time niya lang bang masabihan ng ganon? Grabe naman ang isang yon. Napaka dramatic. Ugh! Agad kong nilock ang pinto kaso pagharap ko isang lalaki ang bumungad sa akin at nagsalita. "Woah! I woke up like this pala ang eksena natin dito." sabi ng lalaking may bigoteng kabababa lang sa isang motor. Eto na ba? Eto na ba ang itinakdang araw kung kailan ako malalagutan ng hininga? Napalunok ako sa kaba. "A-Anong kailangan niyo sakin?" humigpit ang hawak ko sa bag ko at napasandal sa pintuan ng bahay ko. "Wala naman nabalitaan kasi naming nandito yung girlfriend ng mahigpit kong kalaban. Ang kauna-unahan niya daw girlfriend." napangiwi ako sa sinabi niya. Girlfriend? Ng mahigpit niyang kalaban? Ano naman gagawin ko sa gf ng kalaban niya? Bangag ba ang isang to? "Teka, w-wala dito ang hinahanap niyo--" agad siyang tumawa pero bumalik sa seryoso ang mukha ng lalaking nangunguna sa kanila. Nasaan ang ang Louie nayon? Akala ko siya ang pupunta dito? O baka gang niya lang pinapunta niya kasi kaya na nila akong chugiin? Eto ba ang gang niya? "Kilala mo si Louie Zico Ramirez diba?" alanganin akong tumango. "Good. Sumama ka sa amin." nanlaki ang mata ko. "Hala! Bakit ako sasama sa inyo? Hindi naman kami close noong Louie ano nayon Ramirez nayon!" umismid ang isa at sumandal sa motor niya. "Huwag mo ng itanggi pa miss, andami mong satsat dyan." iritadong sabi niya. "Dalhin nayan." utos niya sa mga kasama niya. Agad akong kinabahan. "Teka! Sino ba kayo? K-Kaibigan ba kayo ng Louie nayon?" nagtinginan sila at ngumisi. "Kaibigan? Hindi namin magiging kaibigan ang gunggong nayon! Bitbitin niyo nayan." agad kumilos ang ibang kasama niya kaya bago pa nila ako mahawakan ay mabilis akong tumakbo at lumiko sa isang daan. "Habulin niyo!" Lord naman. Gusto ko lang mag f******k, mag w*****d, mag ** at mag youtube. Mahilig rin ako sa libro lord pero di ko naman sinabing gawin mong action ang buhay ko. Hindi ganitong genre ang gusto ko. Kinuha ko ang phone ko at agad pumunta sa messenger. Agad kong inopen ang data at saktong tumawag si Mika. "M-Mika! Hinahabol ako ng mga gangsters!" [TEKA! WALA KANG CONNECTION! ANG INGAY ASAN KABA?] "Nasa Grindon Street!" sigaw ko habang patuloy na tumatakbo "Mika!" tiningnan ko ang phone at nakita kong wala ng connection. Pag minamalas ka nga naman.. "Ayun siya! Sundan niyo!" napapikit ako nang marinig ko ang boses nila. Binilisan ko ang takbo at para akong kukulangin ng hininga. Bakit ba nila ako hinahabol? Kidnappers ba ang mga iyon? Aish! *bzzt bzzt* Unknown Number Calling.. "Hello?" [Go to your left.] Malalim na boses ng lalaki ang nagsalita. Napatingin ako sa kaliwa ko at may isang madilim na iskinita doon. Wala sa sariling tumakbo ako papunta doon bago pa ako mahanap ng mga gangsters nayon. Pagpunta ko sa madilim na parte. Hindi pa ako nakakreact nang may kamay na humila sakin at isinandal ako sa pader. Nanlaki ang mata ko at nagpumiglas. "Hmmp!" nakatakip ang kamay niya sa bibig. "Shut up or I'll rip your throat." malalim na boses ang nagpatigil sakin. 'Nandito lang yun kanina!' 'Badtrip! Antatanga niyo! Hanapin niyo!' Iyon ang huli kong narinig bago nagsialisan ang mga gangsters nayon. Salamat naman. Nakahinga ako ng malalim. Nasa bibig ko parin ang kamay niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin siya sa kanan namin kung saan dumaan ang mga lalaki kanina. Ngayon nakatagilid siya, nadedepina ko kung gaano ka kinis ang mukha niya at hubog na hubog din ang panga niya. Mahaba ang pilik mata niya at ang tangos ng ilong niya ay bumagay sa hulma ng mukha niya. Nanlaki ang mata ko at napalunok nang bumalik ang tingin niyang nanlilisik sakin. Bakit naman ganito ang tingin ng lalaking ito? Nakakatakot. Ibinaba niya ang kamay niya at pinagpag. "Tss. Disgusting." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya pero wala akong masagot. Lalo na at nakakatakot siya kung tumingin. Lumayo ako at mabilis niya akong hinila pabalik nang may narinig akong nahulog na kung ano mula sa taas. Nakasubsob ako sa matigas na dibdib niya at rinig ko ang init ng katawan niya. Pakiramdam ko nalipat ang init sa mukha ko. Tumingala ako para tingnan ang reaksyon niya at mabilis akong lumayo nang makita ang mata niyang kulang nalang i-lazer ako sa sobrang talim tumingin. Bakit ba ganito ang tingin ng isang to? "T-Thank you." nakayukong sambit ko. "Thank you your ass." nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko bago marahas na hinila sa kung saan. -- Heart and Comment ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD