Chapter 1

1321 Words
“Oh, Rowena, nandito ka na naman pala. Nasa’n na ‘yong pinangako mo sa akin na pera?” bungad sa kanya ng kanyang nanay. Napakuyom na lamang ang kanyang kamao matapos niyang makita ang lalaking kalantari nito na nagmamadaling magbihis upang magbihis. “Wala pa pong sahod, ‘nay. Mahina po kasi ang raket ngayon dahil wala pang suweldo.” mahinang sagot niya. Napasulyap siya sa maliit na lamesang nasa kusina upang tingnan kung may natitira pang ulam ngunit wala, mukhang pinakain ng kanyang nanay ang pagkain na pinabili niya sa lalaki nito. “Aba! Para sa’n pa na bumubukaka ka sa mga lalaki kung gugutumin mo ako? Naniningil na sila Matilda at baka ipahiya pa ako no’n.” yamot na sagot nito sa kanya saka humakbang patungo sa kanya. Pigil ang galit na napabuntong hininga na lamang siya. Alam niyang hindi siya mananalo sa nanay niya dahil kilala itong eskandalosa sa barangay nila. Unti-unting naalala niya ang mga malagim na pangyayari sa kanya nang siya’y bata pa. “Para sa’n pa na nakapagtapos ka kung hindi mo naman kayang gamitin ‘yang utak mo. Rowena, parehas tayong makati ngunit mas lamang ka sa kagandahan sa akin. Pasalamat ka pumili ako ng foreigner kaya gawin mo ang obligasyon mo sa akin.” dagdag nito habang pasimpleng dinuduro ang kanyang noo. Tumingin pa ito sa kanya na para siyang hinahamak na nagpatiim bagang sa kanya. “Nay, magkaiba tayo. Ginusto mo maging puta habang ako ay walang choice para gawin ito. Hindi ako kasing sama mo na mas pinili sumama sa lalaking nangmolestiya sa anak—” “De puta kang bata ka! Sumasagot ka na!” galit na sigaw nito at mabilis na sinampal siya ng dalawang beses. “Tang ina ka. Pasalamat ka hindi kita pinalaglag! Kung tutuusin utang mo ang buhay mo sa akin. Putragis! Molestiya? Alam ko na inakit mo si Kanor para gapangin ka. Wala ka talagang kwenta!” Gustuhin man niya ang lumaban ay hindi niya ginawa. Hindi dahil sa mahina siya kundi sa kadahilanan na tanggap na niya sa sarili niya na walang pakialam ang nanay niya. Ang gusto lamang nito ay may pera itong natatanggap sa kanya kahit nang araw na kailangan niya ito ay iniwan siya. “Tang ina ka talaga! Pasalamat ka mabenta ‘yang mukha mo kundi baka binangasan ko na ‘yang pagmumukha mo!” “Huwag kang umastang mas malinis sa akin. Dahil puta nga ako pero kabit ka. Alam ng buong barangay natin kung gaano ka karumi!” Syempre, alam ng buong barangay dahil sa oras na nag-report siya sa mga awtoridad ay pinahiya siya ng kanyang ina sa maraming tao. Imbes na magalit ito sa kinakasama nito dahil ginapang siya ay mas siya pa ang sinisi na parang ginusto niyang magkaroon ng trauma sa buhay niya, na parang hiniling niya na sana ay maranasan niya ang mga pangyayari na pinipilit niyang kalimutan. “Hindi ka malinis, Rowena! De puta ka! Humingi ka sa jowa mong manager para naman may malamon ako kung ayaw mong sipain ko ‘yang pagmumukha mo!” gigil na dagdag nito matapos na itulak siya upang sumadsad sa sahig. Kagat-labi niyang pinigil ang kanyang luha dahil hindi niya na alam ang kanyang gagawin. Paano siya hihingi sa manager niya kung natanggap na siya sa trabaho? Dahil sa pagiging desperada niya na umasenso ay hindi niya napigilan ang tumikim ng putahe sa tatlong lalaki mismo sa kanilang kumpanya. Ang masama pa ay nalaman pa nang asawa ng boss niya na kinakalantari rin niya ang asawa nito. Galit na pinunasan niya ang kanya luha saka bumuntong-hininga na lamang upang alisin ang labis na galit at dismaya sa sarili. Inaamin niya na kasalanan niya ngunit biktima rin siya. Isa lamang siyang biktima sa isang hindi patas na sistema sa Pilipinas. Tanging hustisya lamang ang hangad niya ngunit ipinagdamot ito sa kanya. “Oh, ayan na pala ang puta!” Napairap na lamang siya ng narinig niya ang nag-iisang chismosa sa kanilang barangay. Nakangisi si Aling Marites kasama ang mga kaibigan nito. Nahuli niya ang lihim na pag-ismid nito saka humalakhak na parang may nakakatawa sa kanya. “Kumusta naman ang pagiging kabit, Rowena?” ngising tanong ni Aling Marites. “Enjoyable naman, Aling Marites. Ikaw naman? Kumusta naman ‘yong buhay mo lalo na ang s*x life mo? Nalaman ko kasi na iyong kinakasama mo valid customer mismo ng mga puta sa may kanto.” pailing-iling na sabi niya saka ngumisi na parang nanghahamak na naging dahilan upang galit na tumingin sa kanya ang ginang. “Ikaw naman kasi, eh. Dapat galingan mo sa kama. ‘Yong asawa mo tuloy naghahanap ng ibang babae na magalit at syempre fresh.” dagdag niya. “Tang-inang puta ito. Hoy, alam ko na hindi ka tinuruan ni Mosang ng tamang asal pero wala kang karapatan na magkalat ng chismis tungkol sa asawa ko? May pruweba ka ba?” “Kailangan na pala po ng proweba patungkol sa chismis. Kaya po pala nabuntis ang anak niyo habang pinagkakalat niyo po na buntis ako. Aling Marites, itigil niyo na po ang kakashabu, baka po mahuli kayo ng parak sa barangay natin. Concern lang ho ako.” pang-uuyam niya saka humakbang papalapit sa tindahan, “Isang napkin nga.” “Rowena, at least ang anak ko ay hindi pinalaglag ang apo ko.” malungkot na sabi ng ginang. “Oh, hindi po? Kaya po pala halos wala na kayong malamon. Good job po! Sana po maging the best lola kayo sa buong mundo. Kung sa oras man po na gahasain ang anak o apo mo, huwag naman po sanang mangyari, ay naway malaman niyo po na hindi po tama na isisisi sa biktima ang ganoong bagay kasi naniniwala na kung ginawa mo ito sa ibang tao ay pwede rin mangyari ito sa pamilya mo.” malambing na turan niya saka mabilis na kinuha ang napkin na binili niya. Huling-huli niya kung paano nawalan ng kulay ang pagmumukha nito at mukhang natakot. Hindi siya tanga dahil alam mismo ng buong barangay nila kung ano nga ba ang nangyari sa kanya ngunit wala, isa man lamang sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob upang tulungan siyang kunin ang hustisyang hinahangad niya. “Tay, huwag po!” iyak niya nang maramdaman niya ang pananakit sa kanyang gitnang bahagi. Nang oras na ‘yon ay tinawag siya ng kanyang pangalawang ama upang pumunta sa barangay hall nila ngunit hindi niya alam na may balak pala itong karumal-dumal na gagawin. Sa edad na trese ay tanging takot na lamang ang parati niyang nararamdaman. Hinihiling na sana ay tanging bangungot lamang ang mga nangyayari. Iniiwan siya ng kanyang ina na si Mosang parati upang magsugal ng tong its at alam niya na hindi niya kakampi ang kanyang ina. “De pugal! Ahh, ang sarap.” ungol na sambit ng kanyang pangalawang ama. Pinilit niya ang lumaban ngunit ilang beses siyang sinaktan ng lalaki. Ilang ulit siyang binaboy nito kahit sa tuwing nasa bahay ito at tulog ang kanyang ina. Napasigaw siya ng makita niya ang itsura ng lalaki saka mabilis na idinalat ang kanyang mga mata habang hinahabol ang kanyang paghinga. Patakbo siyang tumungo sa pinto saka mabilis na in-lock iyon matapos niyang buksan ang ilaw. ‘Rowena, patay na siya. Hindi ka na niya kayang saktan. Hindi ka na niya mabababoy.’ ‘Patay na siya.’ Impit na pag-iyak ang tanging nagawa niya ng unti-unti niyang napagtanto na hindi na maaring mabuhay pa ang lalaking nangmolestiya sa kanya. Alam niya dahil siya mismo ang nakakaalam kung saan nakabaon ang lalaking ito. Total, hindi naman kayang ibigay ang hustisya na hinihingi niya ng paulit-ulit, e’di siya na mismo ang gumawa ng himala upang makuha ito. Hindi naman siya tanga at may pagkamainipin siya kaya siya na mismo ang kumilos. Tanga lamang ang nanay niya dahil umuwi ito sa kanilang bahay na kasama ang lalaking lumapastangan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD