bc

The Playboy's Bodyguard

book_age18+
2.8K
FOLLOW
16.4K
READ
HE
gxg
kicking
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Si Luna Murray isang Rank 1 assassin agent na inatasan ng TAJSO upang maging bodyguard ni Forrest Revillia. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi masangkot sa gulo, mangolekta ng babae at maging sakit ng ulo ng kanyang amang senador. Kailangan ni Luna na kumuha ng impormasyon tungkol sa kanyang ama upang mapatunayan kung sangkot nga ito sa illegal na mga transaction at corruption. Kaya kahit naubusan na siya ng pasensya sa kapilyuhan ni Forrest ay nagawa niyang magtiis upang mapagtagumpayan ang kanyang misyon. Ngunit dahil sa taglay na charisma ni Forrest mahuhulog ang kanyang loob sa lalaking alam niyang hindi kayang magmahal at manatiling tapat sa isang babae lamang kaya gagawin niya ang lahat ng paraan upang hindi ipagtapat kay Forrest ang kanyang nararamdaman. Ngunit paano kung ipakita nito na kaya niyang magbago? Maniwala kaya si Luna sa kanya? Pagbigyan niya kaya ang puso niyang magmahal? At paano kung malaman ni Luna ang secreto na tinatago ni Forrest sa kanya? Mas pipiliin ba niyang iwan na lamang ito ng walang paalam o tapusin ang misyon na kanyang inumpisahan.

chap-preview
Free preview
Uno
LUNA Magbantay ng palihim sa isang lalaking sakit sa ulo ng kanyang mga magulang. Ito ang naging trabaho ko nang pumasok ako bilang bodyguard sana kay Senator Revillia. Sa anak niya ako ini-assign at wala akong choice kundi ang sumunod. Hindi ito ang inaasahan kong trabaho. Akala ko ay mababantayan ko na ang galaw ng senador dahil yun naman talaga ang mission ko na ibinigay sa akin ng TAJSO. Hindi pa rin kasi malinaw kung may kinalaman nga ito sa illegal na transaction at corruption. At isa pa, utos ito ni President Xander kay Mr. X dahil sa Organization lang namin siya naniniwala. Kaya ako napunta dito. Pero imbis na si Senator Revillia ang dapat kong manmanan sa anak niya ako napunta. Ito ang unang araw ko sa pagmamanman sa kanya. Napansin ko agad na isa siyang lalaking walang bayag hindi man literal sa tingin ko marami ng babaeng binuntis at iniwan ang lalaking ito. Hindi na rin ako magtataka. Kung ganyang mukha ba naman at malakas na dating isang pitik lang ng daliri niya kaya niyang kunin ang loob ng babaeng magugustuhan niya. Pero hindi yan tatalab sa akin. “Forrest, kilala mo ang magandang babaeng yun hindi ba?” Narinig kong tanong ng kaharap niyang lalaki na may hawak na baso ng whisky.” Nandito kasi kami ngayon sa isang VIP class na club. Puro mayayaman at may kaya lamang sa lipunan ang nakakapasok dito. Mabuti na lang dahil sa black card na bigay sa akin ni Senator nakapasok ako dahil alam niyang dito daw naglalagi ang kanyang anak kapag ganitong araw. At nasa likuran lang ako ng upuan nila nakikinig at nakikimatyag sa maaring mangyari para ma-isumbong ang gawain ng kanyang anak. “Si Selena yun diba? Ang sikat na modelo ng isang cosmetic brand.” Narinig kong sagot ni Forrest. “Yes, at kasama niya ang guwapo niyang boyfriend.” Dagdag pa ng kaibigan nito. “Boyfriend niya ang tukmol na yun? Hindi bagay sa kanya.” Nagtawanan silang magkakaibigan. Naiiling na lamang ako habang sumisimsim ng cocktail drink. Itim na pants, at fitted na black jacket ang suot ko. Inikot at itinali ko pataas ang buhok ko saka ko nilagyan ng chopstick dahil naiinitan na ako. At nakalimutan kong magdala ng pantali sa mahaba kong buhok. Ako lang ata ang hindi litaw ang mga balat sa lahat ng babaeng narito. Lahat sila suot ang pinaka-sexy nilang damit. Samantalang ako ay balot na balot . Wala din ako sa mood na buksan ang zipper ng jacket ko dahil white crop top sleeve lang ang panloob ko. “At sinong bagay kay Selena? Ikaw?” Natatawang sabi sa kanya ng kaibigan niya. “Watch and learn.” Narinig kong sagot ni Forrest kaya napalingon ako sa gawi nila. Tinangal niya ang kamay ng babaeng naka-akbay sa kanyang leeg at tumayo siya. Humakbang siya papalapit sa sinasabi nilang babae. Hindi ko inasahan ang sumunod na eksena. Hinila niya ang wrist nito at bigla niyang hinalikan sa labi. Damn it! Hindi lang itlog ang makati sa lalaking ito! Hinila ng lalaki ang kamay ng Girlfriend niya at pagkatapos ay sinuntok sa mukha si forrest. Buti nga. He deserve that punch! Kaya lang mukhang mahina nakabangon kaagad si Forrest. Tatayo na sana ako pero naglapitan na ang mga kaibigan niya para umawat. Naiiling na sumimsim ulit ako ng alak sa baso. I know obligasyon ko ang ipagtangol siya dahil yun ang utos ni Senator sa akin. Pero kahit naman siguro sino magagalit sa ginawa niya kaya buti nga sa kanya. Nagdatingan ang mga bouncer ng club na may malalaking katawan at pinigilan ang dalawang panig. Nag-walk out ang lalaki habang hila niya ang girlfriend niya palabas ng club at bumalik naman si Forrest at mga kaibigan niya sa VIP seat nila. Ganun lang kadaling natapos ang gulo? “Sira ka talaga!” Tapik sa kanya ng kaibigan niya. Napagawi ang tingin niya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. “Hindi naman masarap ang labi ng babaeng yun kung maka-react ang boyfriend niyang tukmol.” Nagdugtong ang kilay ko sa lakas ng hangin niya sa ulo. Pagkatapos niyang nakawan ng halik ang babae at sabihin yun sa harapan ng mga kaibigan niya parang gustong kumulo ng dugo ko at ako na lang ang uupak baka sakaling matauhan. Ang kapal ng mukha! Dumating ang panibagong order ko ng alak. May laman itong cherry sa ibabaw at natuwa akong kinuha ito. Ibinuka ko ang aking labi at akmang kakainin ko na ang cherry nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Pumaling ako sa kaliwa pero wala naman nang mapunta sa kanan ang mata ko ay natigil ako sa pagsubo dahil nakatayo na siya at nakatingin sa akin habang nakangiti. Ano naman kaya ang nginingiti ng buweset na yun? Inirapan ko siya at itinuloy ko ang pagsubo ng cherry. Kunwari’y wala sa kanya ang presensya ko pero alam kong nakatingin siya sa akin. Dinampot ko ang wine glass at inisang lagok ang laman nitong lady’s drink. “Hoy! Sinong tinitignan mo?” Tawag sa kanya ng kaibigan niya pero wala akong narinig na sagot. Sa halip may biglang sumulpot sa harapan ko. Napaangat ako ng tingin at mukha niya ang bumungad sa akin. “Hi, are you with someone?” Nakangiting tanong niya. Ang sarap punitin ang labi! “Yes.” Tipid na sagot ko sa kanya. Kahit wala naman talaga akong kasama. Sinabi ko lang yun para tantanan niya ako pero kabaliktaran dahil nakuha pa niyang umupo sa harapan ko. “You're lying, kanina ka pa mag-isa dito diba?” Pangungulit pa niya. Matalim ang matang ipinukol ko sa kanya. “Mind your own business.” Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. Napansin ko ang namumuong dugo sa gilid ng labi niya. Dahil siguro yun sa suntok ng lalaki kanina. Pero wala akong paki-alam. Kapag life threatening situation lang ako kikilos. “Bro! Wala ka pala eh!” Nagtawanan ang tatlo niyang kaibigan dahil sa sinabi ko. I’m his bodyguard at hindi kasama sa trabaho ko ang i-intertain ang lalaking siya kahit malaman pa niyang bodyguard niya ako. “Akala mo ba hindi ko alam na kanina ka pa nakasunod sa akin? Paglabas ko ng mansyon hangang sa pagdating ko sa restaurant at pagdating namin dito?” So, may sa aso pala ang pang-amoy ng lalaking ito. Masyado ko siyang minaliit. “Tapos?” Walang ganang sagot ko sa kanya. “It means, may gusto ka sa akin kaya ini-stalk mo ako. At nagpapa-hard to get ka lang para mas magustuhan kita.” Nakangising sabi niya sa akin. Walang alam talaga ang lalaking ito kadaling patumbahin pala nito. Akala ko pa naman naghihinala na siya sa akin. “Ako? May gusto sayo?” Dinuro ko ang aking sarili. Marami na akong nakilalang mas guwapo pa sa kanya. Pero hindi naman ako naapektuhan. Yun ngang asawa ni Keyla guwapo din at si Pres Xander pero hindi naman ako naapektuhan siya pa kaya na may bad image na? Ang taas ng pangarap! “Yes, ikaw nga. Kaya wag ka nang magpakipot. Sasagutin na kita ngayon din.” Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. Kinuha ko ang wallet ko at nag-iwan ako ng lilibuhin sa ibabaw ng table. Kinuha ko ang phone ko at nagpasyang tumayo na para iwan siya dahil baka lamigin pa ako sa lakas ng hangin na dala niya. Nagpasya akong sa labas na lamang siya hihintayin dahil sure naman ako na walang mangyayari sa kanya sa loob. “Hey miss!” Narinig kong tawag niya pero nagtuloy parin ako sa paglabas sa salamin na pinto. Bumaba ako ng hagdan at pupuntahan ko sana ang bigbike ko ngunit mabilis niya akong hinabol. Hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako sa paghakbang. “Aalis ka na agad?” Hinila ko ang kamay ko at nilingon ko siya. “Ang mga lalaking katulad mo dapat kinakapon para hindi na makapagpadami ng lahi. Anong palagay mo sa lahat ng babae? Isang titig mo lang magkakagusto sa’yo?” Nakataas ang kilay sa sabi ko sa kanya. Muli ko siyang tinalikuran at mas mabilis ang naging paghakbang ko ngunit natigil ako nang may sumalubong sa akin na mga lalaki. Napansin ko din ang dala nilang patalim hindi ako maaring magkamali kasamahan yun ng lalaking sumuntok sa kanya kanina sa loob ng club. Lumampas sa akin ang mga lalaki at paglingon ko ay nakatayo pa rin si Forrest habang nakatingin sa akin. Hindi pinansin ang mga lalaking papalapit sa kanya. Ang tanga talaga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
299.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook