Chapter Two: Trouble

1186 Words
"Sumimasen..okuremashita" [ Trans: Sorry , I'm late ] walang ganang sabi nya , napatingin lang sya saglit sakin at diretsong lumakad sa upuan sa bandang likod din at... katabi ko. A Japanese? Bat pati sya nag-Japanese. Gaya-gaya. Fan ko ata. Napatingin ako sa mahaba kong buhok. Pati kulay ng buhok, ginaya. "Parang ngayon ko lang nakita yung lalaking with a white hair?" si Miyami "Balita ko, scholar sya dito sa school. Mukhang matalino ang isang 'to," si Clyde na nakahawak pa sa baba nya. "But kinda scary person Clyde right? Samahan mo pa nung pula nyang mata sa kaliwa. But , he's mysteriously handsome," nakahalumbabang saad ni Miya. "Di naman ah. Teka Pat, you and that transferee have the same hair color," "Hayaan mo na," walang ganang saad ko, wala talaga ako sa mood makipag usap ngayon. Di nalang ako nakikisingit sa usapan nila at nagpatuloy lang sa pagkain. That White hair reminds me of someone but I can't remember his name nor his face. Nang tumayo ako dala dala ang pinagkainan ko ay aksidenteng natabig 'to ng lalaki. I guess he is a baseball player base sa suot nyang uniform ngayon.Kasama nya rin mga kateam mates nya. Nakita ko namang namilog ang mga mata nito at napatingin sakin. "Anak ng--Di ka marunong magdahan dahan?" "Marunong. Ikaw lang naman 'tong di marunong tumingin sa dinaraanan." "Sasagot kapa!?" at lalo pa syang lumapit sakin. Napaaatras naman ako, Sa baho ba naman ng amoy neto, pano ba kong di lalayo? hehe seryoso. Tinakpan ko ang ilong ko na lalong ikinainit ng bait niya. "Malamang tinanong mo ko diba?" sagot ko pa. Nang akmang hahawakan nito ang kwelyo ko ay agad na hinawakan ni Clyde ang braso nito. "Get off." kalmadong saad ni Clyde. "Di pa tayo tapos babae ka," sabi pa nito sakin. Di naman ako natakot sa pagbabanta nya kundi sa mismong mukha nya. Gosh. Nang sasamahan pa sana ako nina Clyde sa parking area pero tumanggi ako. Di na naman ako bata para samahan pa. "Are you sure ?" Clyde "Ehem! Di na nga daw Clyde eh. O sya! Pat. We have to go!" at naglakad na sila paalis. Dumiretso na'ko sa parking lot area. Nakita ko naman yung bagong hired na butler at nang makita ako neto ay umayos sa pagkakatindig. "Umalis ka na. I don't want you as my butler--no. I don't want a butler." "Pero.. sabi kase ni Mi--" "Magkano ba ang kailangan mo?" "P-po?" "I don't want to repeat it. You hear me right?" "Trabaho po ang kailangan ko, yung mapa--" Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at kinuha ko sa bag ang cheque . Nilagyan ko 'to ng amount sa 10 million dollar at pinirmahan. Siguro naman sa halagang 'to ay makakapagtayo na sya ng business at masusuportahan ang pamilya nya. "Here." abot ko sa kanya pero sa halip na abutin ay tiningnan nya ito tila nagtatano ng kung ano ba iyon. I rolled my eyes. "Pera. Magtayo ka ng business at gamitin mo yan para sa pamilya mo. Kung itatanggi mo yan sayang kase in every month , you'll earned only 50,000 dollar a month tapos mukhang di ka pa makatatagal sakin. Minsan lang 'to. Tatanggihan mo pa?" nakangising sambit ko. 'Come on. Kumagat ka na. Wag mo na ko pahirapan' "Pero pano nalang po ang sasabihin ni Mister Mashimo?" Alam kong takot din sya kay Mister Mashimo, miski naman ako pero nahahandle ko pa naman. Huminga muna ako ng malalim. "Take it or leave it?" tanong ko sa kanya. Dali dali niya itong tinanggap at umalis. Bibigay din pala , pinahirapan pa ko. Inistart ko na ang engine ng kotse nang may kumatok sa kotse ko. Napakunot naman akong napatingin sa labas, grupo ng mga lalaki. Eto ata yung nakausap ko kanina sa cafeteria. Pinatay ko ulit yung engine at binuksan ang pinto ng kotse. Kita ko silang may hawak na mga baseball bat. Mga duwag, babae kalaban pero may baseball bat pang bitbit. "Anong kailangan n'yo?" nakacross arm at nakasandal lang ako may pintuan. Ngumisi naman ang lalaking nasa harap ko habang pinapalo palo pa sa kamay nya yung bat. "Well..mali ka nang binagga Miss. Mizumi? haha! nasan ngayon ang butler mo ?" " I don't need a butler. I can handle myself," "Ha! Masyado ka atang mayabang." singhal neto. Di naman kase ako nagmamayabang, "Ano? Nagsisisi ka bang --" naputol ang sasabihin ng isa pa nyang kasamahan nang may magsalita mula sa kanilang likuran. "What do you think you're doing?" rinig kong boses ng lalaki na papalapit samin. Habang papalapit sya, unti unti kong naaaninag ang mukha nya at nakita ko rin ang kaliwang pulang mata neto. Yung transferee? "Oh? May hero ka pala dito?" "I'm not her hero. I'm just asking on what you're doing but it doesn't mean I'll save her from you," What the? So wala pala syang balak akong tulungan. Muli akong tiningnan nung lalaki at unti-unti nang lumalapit sakin habang hinahampas hamapas pa sa kamay nya yung bat. Kala mo cool 'tong isang 'to. Pacool lang naman. "Stop acting cool. Doesn't suit you." mapang-asar na sabi ko. Pinandilatan naman nya 'ko at nang hahampasin nya ko ng bat ay agad ko namang naiwasan at hinawakan ang bat nya. Itinulak ko yung dulo ng bat at natamaan ang tyan nya ng kabilang dulo ng bat. Nakuha ko ang bat na kanina lang ay hawak nya. May dalawa pang sumugod sakin. Hinigpitan ko sa pagkakahawak at hinintay silang makalapit. Hinampas ko sa tyan ang naunang sumugod at hinampas ko naman sa kaliwang braso ang sumunod na sumugod. Napatingin naman ako sa isa pang susugod at nang tatama ang dulo ng bat sa ulo nya ay napatigil ako, halata sa mukha nya ang gulat at takot. "Umuwi na kayo. Sa susunod na kalabanin nyo pa ako, babasagin ko na ng tuluyan yang bungo mo at ng mga kasama mo," Dali dali nyang tinulungan ang iba pa nyang kasamahan at tuluyan nang umalis. Itinapon ko sa kung saan yung bat , nakita ko namang nakatingin lang sakin yung lalaki at nakacross-arm. "M-may problema ba?" Huminga muna ito ng malalim at lumapit sa'kin "Sinuwerte ka lang siguro dahil mahina ang kalaban mo ngayon." "Wala akong pake. Mr. Red Eye Man." may pagdidiing sabi ko habang nakatingin sa mga mata ne'to. Bigla akong may naalala pero di ko matandaan. Ang mga titig na 'yon. "Troublesome woman," gumuhit sa labi nya ang mapangasar na ngiti at umalis na sya ng tuluyan. Problema ba no'n. Maalala ko nga pala. We have the same hair color. Last time , nagpakulay ako ng all red. Should I change my hair color again? ARGH at di manlang nya talaga 'ko tinulungan kanina. Whatta gentleman! That stupid jerk. Teka, bakit ko ba inaasahan ang tulong ng iba. Hays. Nang makarating ako sa bahay ay sermon na naman ang bumungad sakin. Matapos ang mahabang orientation at ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan. Biglang sumagi muli sa'king isipan ang lalaking 'yon. 'I feel something. Something that I've felt before. The way he looked and talked at me, something is familiar. What was that?' ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD