Chapter 3

2197 Words
Jea Raine Serrano’s POV “Mr. Rafael Arellano, you’re late!” nakasimangot na sabi ko sa kadarating lang na boyfriend. Hindi naman ako totoong galit dahil wala pa naman akong ten minutes na naghihintay dito sa lihim namin na tagpuan sa university na pinapasukan namin. “Babe, sorry. May importante kasi akong dinaanan, kanina ka pa?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Humahangos din ito na halatang lakad takbo ang ginawa makarating lang dito. Naawa naman ako dahil may butil butil pa ng pawis sa noo nito. Hindi ako nagsalita at lumapit lang ako dito at inilabas ko ang panyo. Marahan kong pinunasan ang butil ng pawis nito sa noo. Sa height kong 5’3 ay bahagya pa akong tumingkayad dahil gusto kong pantayan ang mukha nito. Seryoso ako sa pagpupunas sa noo nito nang bigla akong hinapit ni Rafael kaya napahawak ang isa kong kamay sa dibdib nito at natigil ang pagpunas ko sa noo nito. Napalunok na lang ako nang magtama ang mata namin. Mataman itong nakatitig sa akin habang malamlam ang mata. Ilang saglit lang ay dahan dahan nitong inilapit ang mata habang namumungay ang mata. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil alam kong hahalikan ako nito. Pigil ang aking hininga at nahawa na lang ako nang unti-unting pumikit si Rafael. Awang ang labi ko at mariin ipinikit ang mata. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang mainit na labi ni Rafael na dumampi sa labi ko. Sandaling halik lang ang iginawad ni Rafael at agad din nitong inilayo ang labi at katawan. Nagulat na lang ako nang inilabas nito ang isang kamay na nasa likod nito. Napaawang ang labi ko nang makita ang tatlong piraso ng gumamela. “Happy anniversary, babe.” Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig mula sa boyfriend. Ang akala ko kasi ay nakalimutan nito. “Babe, akala ko ay nakalimutan mo na ang anniversary natin.” Mahinang sambit ko. Naiintindihan ko naman kasi na hindi maalalahanin ang lalaki sa mga special occasions na gaya nito. Like my dad, kapag anniversary nila ni Mommy ay hindi na nito naalala. “That’s impossible,” sambit ni Rafael at ay matapos at kinuha ang isang piraso ng gumamela at inipit sa isang tainga ko. “Basta tungkol sa’yo hindi ko makakalimutan. I love you, babe.” Ngumiti ito sa akin at matapos ay hinalikan ako muli nang mabilis sa labi. “MA’AM RAINE!” Napakislot naman ako nang marinig ang malakas na katok ni Yaya Tinay sa pinto. Bigla kong pinahid ang luha ko. “Y-yaya! Bakit?” sigaw ko mula dito sa kama ko. “Pinapatawag po kayo ng Daddy niyo!” “S-sige, susunod na ako!” muli kong sigaw. Naramdaman ko naman na umalis na sa tapat ng pinto si Yaya. Muli kong tinignan ang cellphone ko. Kaka-text lang sa akin ni Daddy ng petsa ng kasal ko dahilan para tumulo ang luha ko nang biglang naalala si Rafael kanina. “Your wedding is re-schedule on August 2. Come here in in the library.” Ang sabi sa text na hindi ko na nagawang reply-an. Nainip naman siguro si Daddy kaya hindi na-kuntento at ipinatawag pa ako kay Yaya. August 2. Anniversary date namin ni Rafael. Bakit ba nataon pa na ang petsa na iyon ang magiging araw ng kasal ko. Pilit kong tinanggal na lang sa isip ko si Rafel at tumayo mula sa kama. Ilang taon na rin ang nakakaraan at maraming August 2 na ang lumipas na nasasaktan ako na sa tuwing dadaan ang araw na iyon. The date is so memorable. Laging nasa isip ko ang ‘what if’. Siguro hindi ako ganito ka-miserable kung si Rafael ang napangasawa ko. Ayos lang kahit mahirap kami basta nagmamahalan kami. Pumunta muna ako sa vanity mirror ko at inayos ang sarili. Sinuklayan ko ang hanggang siko na buhok. Simula nang maghiwalay kami ni Rafael ay pinilit ko na i-maintain ang haba ng buhok ko dahil iyon ang gusto nito. Bukod raw sa mapungay kong mata at hugis pusong mukha ay iyon ang favorite part nito ng katawan ko. Kaya nga lagi nitong nilalagyan ng bulaklak ng gumamela ang buhok ko. Matapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at nagpunta na kung nasaan si Daddy. As usual ay nasa library ito na ginawa na nitong opisina. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ito pumasok ngayon. “What took you so long to respond on my text?” agad na bungad na tanong ng ama ko matapos kong kumatok at pumasok sa kwarto. Nakaharap ito sa laptop at hindi man lang ako tinapunan ng tingin at seryosong nagta-type dumerecho na lang ako sa table nito. “I just saw your text. Ano po ba ang importante na sasabihin mo, Dad?” “I will meet Mr. Clemente later. I asked him kung pwede kitang isama, but he refused. Mas gusto niya na sa mismong kasal niyo na lang kayo magkita.” sambit ni Daddy. Napa-ismid naman ako sa narinig. As if na gusto kong makita ang mapapangasawa ko. Ni pangalan nga nito ay wala na rin akong interest na itanong sa ama. “About the date of your wedding, si Mr. Clemente na rin ang nag-decide na August 2 gaganapin. And last, he wants a simple civil wedding instead of a church wedding.” Tumango tango lang ako. Wala naman na akong pakialam sa mga desisyon nila. Ang importante lang sa akin ay magiging safe na kami ni Nicole kapag nakasal ako. Saka ko na iintindihin ang pakikisama sa magiging bagong asawa. May mga concerns pa si Daddy sa akin bago ako tuluyan na magpaalam para sunduin si Nicole sa school nito. Sa sobrang praning ko na baka bigla muli na manggulo si Jonas ay inagahan ko na ng isang oras ang paghihintay sa school. “Mommy!” nagtatakbo naman si Nicole sa akin nang makita ako. “How is your school, my princess?” nakangiti na sabi ko sa anak ko. Agad naman na nag-kwento si Nicole ng mga nangyari sa kanya. Madaldal at bibo na bata si Nicole kaya kahit sino ay malilibang talaga kapag kausap ito. Bigla kong naalala na hindi ko pala naitanong kay Daddy kung ano ang magiging set-up kapag naikasal na ako. Dapat ay kasama ko si Nicole at matanggap ito ng magiging asawa ko. Gusto ko rin na ituloy ang plano ko na magkaroon ng bagong negosyo. Kahit anong negosyo basta sariling akin na ako ang magdedesisyon. Kahit doon man lang ay magkaroon ako ng boses. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nga nasasabi sa anak ko ang tungkol sa pagpapakasal ko. Mahirap din kasi na ipaliwanag na magkakaroon ako ng bagong asawa. Masyado itong bata at hindi naman nito maiintindihan ang mga bagay bagay. Isa pa ay mahal nito ang kinilalang ama na si Jonas. Pinasyal ko muna si Nicole sa mall at sa labas na kami kumain bago umuwi ng mansion. Nang makauwi ay hindi ko pa rin nadatnan si Daddy. Inasikaso ko muna si Nicole hanggang sa makatulog ito at nang papunta na ako sa kwarto ay sakto na kakatok si Daddy sa kwarto ko. “JR,” mahinang sabi nito. He looks tired. “Dad, kararating mo lang?” tanong ko kahit halata naman dahil naka-formal pa ito ng suot. “Yes, I’m just checking on you.” Bahagya naman akong nagulat sa sinabi ni Daddy. Napalunok na lang ako dahil ramdam ko ang concern sa mata nito na matiim na nakatingin sa akin. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin ng ama. Nang mukhang wala na itong sasabihin ay nagpaalam na ako na papasok sa kwarto nang bigla ako nitong tinawag at dali naman akong lumingon. “Dad,” Pero hindi naman na nagsalita pa si Daddy at nagpakawala lang ng malalim na buntong hininga. “N-nothing,” sambit nito. “Take a rest.” Ang tanging nasabi ni Daddy bago tumalikod. Ako naman ay malungkot na tinignan ang ama hanggang sa nawala na ito sa paningin ko. Matapos ay pumasok na ako sa kwarto. Pagkasara ng pinto ay agad akong sumandal sa likod at napapikit. Ramdam ko ang pagkahapo ng katawan. Isang sorry lang ni Daddy ay matatanggap ko pa siguro ang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko pa nakikita. Pero masyadong matigas ang ama ko. Napailing na lang ako na pumunta sa kama ko habang iniisip ang kakaharapin na buhay sa mga susunod na araw... _ _ _ “ARE YOU ready?” Narinig ko naman ang sinabi ng kaibigan ko na si Rose pero hindi ko naman magawang sumagot dahil tulala lang ako habang narito sa loob ng kotse. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ngayon ang araw ng kasal ko sa isang estranghero. Halos pinagdasal ko nga na sana ay huminto ang oras para lang hindi dumating ang araw na ito. “Raine?” muling usal ni Rose na hinawakan na ako sa braso. “Hinihintay ka na ng daddy mo sa may lobby.” Dagdag pa nito. “Rose, hindi ko yata kaya.” Malungkot na sabi ko. Ngayon pa lang ay gusto ko ng umiyak na matatali na naman ako sa lalaking hindi ko mahal. Alam ni Rose na magpapakasal ako para maisalba ang mga properties namin ni Daddy. Bestfriend ko ito simula pa lang ng college at tanging ito lang naman ang nakaalam ng sikretong relasyon namin ni Rafael dati. “Raine, b-baka naman pwede ka pang mag-back out habang maaga pa?” Bigla naman ako na natigilan sa tanong ni Rose. Hindi pwede! Bago ako magpunta dito ay nakausap ko pa si Jonas at pinagbantaan ako na kapag hindi natuloy ay gagawa ito ng bagay na hindi ko magugustuhan. “Hindi pwede, Rose. Paano na ang business at properties namin.” Ang tanging nasabi ko na lang sa kaibigan. Hindi ko na sinabi dito ang tungkol sa mga pananakot sa akin ni Jonas. Kahit naman kasi bestfriend ko ito ay hindi ko sinabi ang lahat ng sikreto ko lalo na ang tungkol sa pagkatao ni Nicole. “Kung ganoon ay halika na at baka naghihintay na ang groom mo. At pilitin mo na hindi maiyak dahil sayang ang make-up mo. Ang ganda-ganda mo pa naman.” Simple lang naman ang suot ko. Isang off shoulder cream color dress na hanggang kalahati ng binti ko. Ewan ko ba dahil ayaw raw ng groom ko na magsuot ako ng puti na pangkasal. Balewala naman sa akin ang tungkol sa kung ano man ang suot ko. Hindi ang damit o hitsura ko o hitsura ng pakakasalan ko ang isa sa problema ko ngayon. Iniisip ko ay paano mamayang gabi kapag honeymoon na namin. Hindi ko yata kayang ibigay ang sarili ko kahit kaninong lalaki. Ngayon pa lang ay labis na pagkawasak na naman ng puso ko. Kung kay Jonas ay nakaligtas ang virginity ko. Paano naman kaya ngayon? Huminga ako ng malalim bago tuluyan na bumaba ng kotse. Nang nasa lobby na ay doon ko nakita si Daddy na naghihintay sa akin. Hinagod ako nito ng tingin at ngumiti ng mapait. Siguro ngayon ay naaawa ito sa akin. Lumapit naman si Daddy at nagulat na lang ako nang yumakap ito sa akin at tinapik ako sa likod. Matapos ang ilang sandali na pagtitig ko sa ama ay inilahad nito ang braso nito na agad akong umalalay papunta sa kwarto kung saan gaganapin ang simpleng kasal. Nang makarating ay may ilang tao lang na naroon. Kinakabahan kong inilibot ang mata pero wala naman doon na nakapostura at mukhang magiging groom ko. Hindi pa pala dumadating. Nakahinga ako panandalian sa isipin na na-late ang groom ko. Hindi ko yata alam kung ano ang ire-react kapag nakaharap na ito. Dati kasi nang ikinasal ako kay Jonas ay nakilala ko na ito bago pa ang mismong araw ng kasal namin sa simbahan. Ngayon ay pati ang pangalan ng mapapangasawa ko ay hindi ko inabalang alamin. Ilang sandali pa ay dumating na ang judge na magkakasal sa amin pero wala pa ang groom ko. Itinayo naman ako ni Daddy sa harap ng judge nang makareceive na ito ng text mula sa pakakasalan ko na paakyat na raw ito dito sa kwarto. Walang tigil ang kabog ng dibdib ko sa isipin na ilang sandali na lang ay matatali na naman ako sa isang relasyon na labag sa kagustuhan ko. “Mr. Clemente are here.” Narinig kong sambit ni Daddy na lumingon sa likurang bahagi na naging dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Napalunok na lang ako ng laway at pakiramdam ko ay natutuyuan na ang lalamunan ko. Hindi ko magawang lingunin ang lalaking kararating lang. “Rafael, you’re late.” Sambit ng judge na nasa harapan ko. Tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa pagkagulat ng marinig ang pangalan na Rafael. Coincidence na kapangalan pa ng ex ko. “I’m sorry, ninong. Na-traffic lang.” Napahawak ako sa dibdib nang marinig ang boses na nagpalingon sa akin. Tila tinakasan ako ng dugo nang magtama ang mata namin ng lalaking nakasuot ng formal na damit. He stare at me emotionless. “R-rafael?” tila mahihimatay ako. Totoo ba itong nakikita ko sa harapan ko. Ang ex boyfriend ko ang mapapangasawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD