KABANATA 2

1597 Words
ARKISHA Bumangon kami ng bandang alas-tres ng madaling araw at nagmadaling pumunta sa Mt. Kiltepan. Ang van na inupahan ni Gen ang naghatid din sa amin. Inabot lang kami ng kinse minutos sa biyahe at mabilis na umakyat papunta sa viewpoint. Mababa pa ang hamog kaya medyo malabo ang daan pero kasama namin ang anak ni Aling Pina na nagprisintang maging tour guide namin na si Annabel. Pagdating sa tuktok ay marami nang tao ang nag-aabang sa pagsikat ng araw. Tiningnan ko ang relos ko at sakto lang ang dating namin na alas-kuwatro y media. Isinet-up ko ang tripod at camera ko upang makuhanan ko ng buo ang pagsikat ng araw. Pinindot ko na ang button upang mag-roll na ito ngayon pa lang. Sikat ang Mt. Kiltepan dahil sa pangunahing atraksyon nito na Sea of Clouds at ang Kiltepan Sunrise, ang pagsilip ng araw mula sa dilim ay parang nagbibigay ng kakaibang saya at lakas para harapin mo ang hamon ng iyong maghapon. Balak sana namin na mag-camping dito kagabi pero sabi ng nakausap namin na baka wala na rin kaming mapuwestuhan dahil marami umano ang dayo mula pa noong isang araw. Sina Cleo at Gen ay nakaupo sa batuhan habang may mga kausap na hikers na dumayo rin dito mula Batangas. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ng camera ko at tumulala. Anumang oras ay sisikat na ang araw at wala akong dapat na palagpasing oras. Nakatitig ako sa kawalan nang may lalaking tumabi sa akin, hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa pag-iisip. Ilang mabibigat na buntong hininga ang ginawa ko bago ko naramdaman na may nakatitig sa akin. Nilingon ko ang lalaking katabi ko at namangha ako dahil pakiramdam ko nakaharap ko si Hercules. Ang lalaki ay matangkad, hanggang balikat ang kanyang itim na buhok, ang ilong ay katamtaman ang tangos, at ang mga labi niyang medyo makapal ay bumagay sa pangahin niyang mukha. Pero ang mabilis na umagaw ng pansin ko ay ang malalalim niyang mga mata na may makapal ding kilay. Medyo madilim pa kaya hindi ko alam kung anong kulay no'n pero para itong magnet na hinahatak ang atensyon ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin bago nagsalita, "Dapat salubungin mo ang umaga nang may ngiti," iyon lang ang sinabi niya pero ang salubong kong kilay ay animo pinlantsa dahil tumuwid. Hindi ako makaapuhap ng sasabihin kaya bumuka lang ang bibig ko. Mabilis niyang inalis ang tingin sa akin at tumitig na siya pabalik sa mga ulap. Ako naman ay inaral pa ang itsura niya. Ang tangkad niya kumpara sa height kong 5'2 na hindi pa umabot kahit sa balikat niya. Hindi ko lubos maisip na ako lang ang pinakamaliit sa pamilya namin samantalang matatangkad ang mga kapatid ko, sa dami ng mamanahin ko kay daddy ay iyon pang height niya ang nakuha ko. Nakasuot siya ng v-neck na puting t-shirt at pinatungan ng navy blue jacket at itim na maong. Itim na rubber shoes rin ang suot niya at makikita mo na mamahalin ang lahat ng suot niya. Malamang ay isa ring dayo rito. Muli akong huminga ng malalim at humarap na muli sa mga ulap. Lumiliwanag na ang paligid, ilang minuto na lang ay lalabas na ang sinag ng araw. Lumapit na sa'kin ang dalawang kaibigan ko at pumuwesto sa tabi ng camera. Naramdaman ko naman ang paglapit lalo ng lalaki, hindi intensyonal dahil sadyang dumarami na ang tao sa paligid. Napasinghap ang lahat nang tuluyan nang lumabas ang haring araw. Pigil ko ang hininga ko habang pinanonood ang pagsilay ng liwanag sa mga ulap. Ito ang unang beses na mapapanuod ko ito kaya ayaw kong palagpasin. "Beautiful..." bulong ko sa hangin at ngumiti, parang gumaan ang pakiramdam ko nang masilayan ang ganda ng kapaligiran. Narinig kong bumulong ang katabi ko ngunit focused ako sa panonood. Ang bigat ng dibdib na dala ko ng isang linggo ay parang sinunog na ng sikat ng araw. Hindi ko napigilang mapaluhang muli, kung sana ay kayang alisin ng araw ang memorya ko at makalimutan ang dinaramdam ko. Mabilis ko ring pinahid ang luha ko sabay pikit. Sabi ng ilan ay humiling ka kapag sumilip na ang araw at matutupad ang iyong hiling, kaya naman nang masilayan ang araw ay halos lahat ng nanunuod ay nakapikit. 'Sana mawala na ang sakit... Sana makita ko ang daan patungo sa walang hanggang kasiyahan...' piping dalangin ko. Hindi ko alam kung anong meron pero nang dumilat ako ay napatingin ako sa lalaking katabi ko, nagulat ako dahil titig na titig siya sa akin. Kumabog ng walang kasimbilis ang puso ko, 'Lord, sinagot mo po ba agad ang hiling ko? Bakit gano'n ang pakiramdam ko?' Naagaw lang ng paghatak sa braso ko ang titigan portion namin ng lalaki. Napalingon ako at nakangiting mukha ng mga kaibigan ko ang sumalubong sa akin. "Huy Arki bakit natulala ka na riyan?" untag sa akin ni Cleo na may pagtataka ang mukha. "Eh kasi-" wika ko at nilingon ang lalaki ngunit sa pagtataka ko ay wala na siya roon, "Napansin mo yung matangkad na lalaking katabi ko? Nandito lang siya kanina eh, yung kumausap sa'kin?" "Are hallucinating Arki? Wala kang katabi, mag-isa ka lang kanina pa," kunot-noong turan ni Genevieve. "That's impossible, there's a man beside me. He's wearing a jacket and black pants! Annabel 'di ba may katabi ako?" nilingon ko si Annabel na iling lang ang isinagot. "Puyat ka lang Arki kaya kung anu-ano ang nakikita mo, tara na at sa Blue Soil naman tayo," tinulungan nila akong ligpitin ang mga gamit ko pagkatapos naming mag-picture taking. Bumababa kami ng bundok pero lumilipad ang isip ko. Hindi maalis ang mukha ng lalaki sa isipan ko, nakita ko talaga siya, nakita ko nga siyang ngumiti ng maliit bago ako hinatak ni Cleo! Kinilabutan ako nang maisip na baka maligno yung nakausap ko kanina! Siyempre nasa probinsya ako, malay mo 'di ba? Nalibang lang ako at nalimutan ko na siya nang magsimula kaming mamasyal. Lahat ng pinuntahan namin ay nakunan ko ng litrato. Napadpad kami sa isang sikat na resto at coffee shop dito sa Sagada, umorder kami ng kape at pagkain para sa almusal. Relaxing ang puwesto nito dahil tanaw mo ang mayayabong na pine trees at hamog. Kinunan ko muli ng litrato ang lugar at napangiti. I inhaled the fresh air that the mountain gives off, "I can live here forever..." wika ko saka napangiti. Ngumisi naman ang dalawang kaibigan ko, "Wala kang maloloko rito Arki, eh isa kang party animal! Hindi ka mabubuhay kung walang party!" pang-aasar ni Cleo na ikinangiwi ko. Oo nga naman, dahil bunso at nag-iisang babae sa pamilya ay tinamasa ko talaga ang magandang buhay. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, ang dami ngang nagsasabi na 'wild' ako, pero ang totoo ay gusto ko lang ng kalayaan. Sinabi ko nga 'di ba? Unica hija ako, kaya bawat galaw ko ay bantay-sarado ako ng mga kuya ko. Sa sobrang higpit nila sa akin ay nasakal ako, dahil kung hindi ako nasakal, hindi ako mag-aasam lumaya, at hindi mangyayari sa akin iyon... Sumisimsim ako ng kape nang matitigan ko ang litratong nasa camera ko, sa Marlboro Hills, sa likod ng puno ng pine tree ay nakita ko siya... 'yung lalaking kumausap sa'kin. I-zinoom ko ng maige ang litrato at nahigit ko ang hininga, nakatitig siya sa lente. Mali... dahil sa'kin siya nakatitig. 'Sino ka ba? Maligno? Bakit hindi ka nila nakita kanina?' piping bulong ko sa sarili. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig sa akin si Annabel, nababasa ko sa mga mata niya ang ngiti. Iniwas ko agad ang paningin ko dahil nawi-weirduhan ako sa kanya. "So... limestone cave?" nakangiting tanong ni Gen na mabilis naming tinanguan ni Cleo. "Stop resisting Arki, I know you like this..." patuloy ang lalaki sa paghalik sa leeg ko habang hinuhubad ang manipis na tirante ng dress ko. Takot na takot ako ngayon, sa bigat ng talukap ng mga mata ko ay natatakot akong gawin niya ang masamang balak niya sa akin. Gustuhin ko man siyang itulak ay nanlalambot ang buong katawan ko, the bastard spiked my drink! How can he do this to me? I trusted him! "After this my Dad will give me the inheritance, I'll also be part of your family. At dahil ikaw ang tagapagmana yayaman ako kasama mo!" parang nababaliw na usal niya. "H-help... help me," nanghihina kong sigaw. Nasa loob kami ng room sa bar na pinuntahan namin kasama ang mga kaibigan ko. 'Gen! Cleo! Save me please! Kuya!' bulong ng isip ko. Tinuktok ko ang pader na alam ko namang imposibleng may makarinig dahil solidong dingding ito. "Stop please... don't do this. You're not like this..." pagmamakaawa ko sa kaniya. "Oh that's where you're wrong babe. This is me, and you'll be my ticket to heaven full of gold Arkisha," bulong niya sa tenga ko na nagdala sa akin ng kilabot. Sinubukan ko siyang kagatin sa kamay, "You b*tch!" singasing niya at muling inilubog ang mukha sa leeg ko. Humahagulgol na ako at itinutulak siya pero hindi ko talaga kayang itaas ang kamay ko. Huminga ako ng malalim at sumigaw muli ng tulong. "No one can hear you babe...You'll be mine tonight, and your inheritance will be mine tomorrow," muli niyang bulong sa akin. Dahil sa gamot na inihalo niya sa inumin ko ay unti unti nang pumipikit ang mata ko, ang huling bagay na nakita ko bago ako mawalan ng malay ay ang nakangisi niyang mukha. Pumatak na lang ang luha ko, dahil yung iniingatan ko, mawawala nang gano'n lang, lalo lang mapapatunayan nito na isa nga akong pakawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD