Chapter 2: Meet the billionaire

1328 Words
MADILIM na nang nakauwi siya sa kanyang tirahan matapos ang naganap sa The Jewels. Dinukot niya lang ang susi sa bulsa ng suot niyang pantalon para buksan ang pintuan. Saka siya tumuloy sa loob ng kanyang apartment na matatagpuan sa Bangkal, Makati. Inuupahan niya ang isa sa mga unit na nasa loob ng compound. Sampung libo ang bayad niya rito kada buwan na may isang silid para sa tulugan. Napili niya ito para kahit papaano ay magkaroon siya ng maayos-ayos na tirahan. Naroon sa pinakagitna ng nakahilerang mga unit ang kanyang tinutuluyan. Tila lantang-gulay siyang napaupo sa nag-iisang sofa na nakapuwesto sa tabi. Sobrang blangko ang isipan niya dahil nais niya munang kalimutan ang naganap kanina. Ganoon yata talaga, natalo siya sa laban dahil iyon ang kahinaan niya. Narinig niya na lang ang kanyang cellphone na nag-ri-ring na nasa ibabaw ng cabinet na sadyang iniwan niya kanina. Siya ang isa sa mga taong ayaw gumamit ng cellphone kaya madalas na narito lang iyon sa apartment. Nilapitan niya iyon at nakita ang numero ni Khalid sa screen. “Narito na ‘ko sa apartment, Khalid.” “Napatawag ako ulit para kumustahin ka. Papunta ako sa Busan ngayong gabi at sinisiguro ko lang kung may kailangan ka pa.” “I’m fine! You don’t have to worry about me. Ayos na ‘ko. Masyado nang malaki ang tulong na ginawa mo sa ‘kin.” Nakaramdam siya ng hiya rito. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Kaibigan mo ‘ko na handang tulungan ka. Pero sigurado ka ba na hindi natin itutuloy ang reklamo sa shop kanina?” “Naniniwala ka na hindi ako ang kumuha ng necklace?” “Of course! Kilala kita, Kate. You will be the last person who’d do it. You can— Oh! I have to go! Kailangan ko nang pumasok sa loob ng eroplano.” “Okay! Mag-ingat ka!” “Salamat! Mag-message ka lang sa ‘kin kung may kailangan ka pa,” iyon ang huling narinig niya rito bago naputol ang linya. Ipinatong niya muli ang cellphone sa ibabaw ng cabinet. Nag-ayos na siya at gumayak para pumasok sa kanyang trabaho. Nagsimula siyang maglagay ng makeup na required sa trabaho. Pinag-aralan niya ang sarili habang nakatingin sa salamin. Bahagya nang nangingitim ang ilalim ng kanyang mata dahil sa ilang gabing puyat. Nilagyan niya iyon ng eye cream at concealer. Kinortehan ang makapal na kilay at saka naglagay ng itim na mascara sa kanyang pilik-mata na may kahabaan. Nagpahid ng pulang lipstick bago iniligpit ang gamit. Matapos ang ilang minuto ay handa na siyang umalis. Ayaw niyang buruhin ang kanyang sarili dito sa apartment at mag-isip ng kung ano-ano. Mabuti pa sa casino kung saan siya nagtatrabaho ay masaya ang bawat araw—maingay at makulay. *** KATLIN roved around the floor. Suot ang pormal na uniform at stiletto ay iniikot niya ang buong palapag para suriin ang trabaho ng kanyang game dealers. Maliwanag ang kabuuan nito na nagmumula sa kung ano-anong casino equipment at ilaw sa kisame. Nagkalat din ang magkakatabing game table na iba-iba ang card game na laro. “Kate!” narinig niyang tawag sa kanya. Nakilala niya ang lalaki bilang sekretarya ni Madame Helena, ang may-ari ng hotel at casino kung saan siya nagtatrabaho. Ang lalaki ay si Josh. Mataas ito, clean cut ang buhok at may salamin sa mata. Nakasuot din ito ng three-piece suit. Matagal-tagal na rin siyang nirereto ni Madame Helena sa lalaki. Kaya lang ay wala siyang oras para sa pag-ibig. Mahal niya ang single life. Nagkaroon naman siya ng boyfriend noon na hindi rin nagtatagal. Sa ngayon ay limang taon na siyang single at masyado niya nang mahal ang mag-isa lang sa buhay. Kung may darating na tao para sa kanya, eh ‘di, go! Gayunman ay naniniwala siyang masaya siya sa kasalukuyan at hindi niya pa kailangan ang love life. “Sir Josh,” bati niya sa lalaki. “Sabi ko naman sa ‘yo na hindi mo naman ako kailangang tawagin na sir, Josh is enough.” Simple itong ngumiti. “Nasa trabaho po kasi tayo. Anyway, may kailangan po kayo?” Mas pinili pa rin niya na galangin ang lalaki dahil miyembro ito ng executive staff ni Madame Helena. Mas mataas pa rin ang katungkulan nito kay Kaitlin. “Pinasabi lang ni Madame Helena na dalawin mo siya sa susunod mong day off. She’ll be expecting you next week.” “Sana ay tinawagan mo na lang ako.” Napakamot ito sa pisngi na namula at parang napahiya. Bigla niyang naisip na baka sinadya talaga ng ginang na papuntahin ito roon. Ganoon yata talaga kapag treinta na ang edad. Sa palagay niya ay naiinip na ang mga tao sa kanyang paligid na mag-asawa na siya kahit pa alam niya sa sarili na hindi naman niya iyon kailangan. Yes, that’s right! She’s thirty. Ilang buwan na lang at wala na sa kalendaryo! “Uhm… Iimbitahan din sana kitang magkape mamaya,” anito. Unang beses siya nitong inaya nang personal. Bago pa siya makasagot ay may tumikhim sa kanilang likuran. Noon niya napansin na nakaharang pala sila sa daraanan ng bagong dating na grupo. “I’m sorry, sir!” sabay silang humingi ng paumanhin sa lalaki na nangunguna sa nakapilang grupo na bagong pasok. May madilim na salamin pa ito sa mata at seryoso ang mukha. Nakilala niya ang manager na isa sa grupo habang nilagpasan na sila ng iba pa matapos nilang maghiwalay sa daanan. “I-I’m sorry, Ma’am Eliza!” muling paumanhin niya sa babae. Sumimangot ito na alam niyang hindi siya nagugustuhan simula pa nang matanggap siya roon para magtrabaho. “Isn’t it time for your work? Bakit narito ka at nakikipagligawan?” Ipinagtanggol naman siya ni Josh na hindi natuwa sa babae. “No, Eliza. May pinahatid na mensahe sa akin si Madame Helena kaya ko hiniram saglit ang oras ni Kate. Madame Helena wants to see her.” Binalingan muli siya ni Josh. “See you around later, Kate.” “Yes, sir!” Umalis na ang lalaki para hindi na siya mapagalitan pa ng manager. Noon niya lang napansin na halos lahat ng miyembro sa grupo ay napatigil sa pagkilos nang dahil sa kanila. “Go back to your work,” huling bilin ni Eliza bago nito hinarap ang isa sa mga lalaking kasama na taimtim pala siyang pinagmamasdan. “I’m sorry, Mr. Yong! I’m sorry if you had to witness that incident.” “She’s your staff?” nakakunot ang noo na tanong ng lalaki na halatang VVIP. “Y-yes, sir! She’s a game inspector.” “I know. I saw it on her name tag.” Tinutukoy ng lalaki ang pin na nakakabit sa kanyang uniform sa parteng dibdib. “Then, is it okay if I ask her to assist us instead of you?” “Uhm…” Tila nagdalawang-isip ang boss ni Kaitlin. Dahil doon ay naisip niya na importante ang lalaki sa hotel na iyon para personal itong mag-assist sa grupo. Maybe one of the CEOs na madalas bumisita rito o kaya naman kamag-anak din ni Madame Helena. “Why? Hindi ba’t iyon ang inirereklamo mo kanina—na wala siyang ginagawa?” tanong ng lalaki na may mataas na awra dahil tila nag-aatubili ang kanyang manager. “T-that’s not what I meant, sir,” tila napapahiyang tugon nito. “Miss Kate, shall we?” Hindi na nito pinansin pa ang babae at ngumiti sa kanya. “Kaitlin, sir. Call me Kaitlin,” pagtatama niya rito. Hindi ba’t Kaitlin ang nakasulat sa kanyang name tag? Ayaw niyang tinatawag siya ng Kate nang basta kung sino dahil nakalaan iyon sa mga kaibigan o malapit sa kanyang puso. Ngunit sadyang plano yata nitong mang-inis. “Shall we, Kate?” Tumaas ang sulok ng labi nito kaya bahagya siyang naasiwa. “Y-yes, sir!” “Mr. Yong—Gabby Yong.” Inilahad nito ang kamay kay Kaitlin na bahagyang nagpataas sa kanyang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD