Kabanata 2

1100 Words
China "Kuya, I think she's awake!" Iyon ang una kong narinig simula nang maimulat ko ang aking mga mata. Inilibot ko ang paningin ko at halos puti lamang ang nakikita kong mga dingding. Doon pa lang, alam ko nang nasa ospital ako. "Minimize your voice, Israel. Baka matakot pa 'yan sa'yo. Ma-stress pa 'yan bawal 'yon sa buntis," anang mas baritonong boses. Nakarinig ako ng mga yapak, senyales na may papalapit sa banda ko kaya naman sinubukan kong umupo para man lang maaninag ko sila nang maayos. "Huwag mong piliting gumalaw, Miss. Magpahinga ka muna riyan, baka ma-paano ka pa at iyang baby mo. I'm Josiah by the way," naglahad ang lalaking sa tingin ko ay nasa mid-twentys ang edad. Noong una ay pinanood ko lang ang kamay niyang nasa ere at nakalahad pa rin ngunit kalaunan ay unti-unti ring umangat ang kamay ko para tanggapin ang nakalahad niyang kamay. "Pasensiya na sa abala ha? Huwag kayong mag-alala kapag nakahanap ako ng trabaho, babayaran ko kayo," I said and my lips stretched for a smile. "Ayos lang ate Ganda, basta ikaw," anang mas batang lalaki na nakaupo sa sofa. "Shut up, Israel. Talk to her properly," saway sa kanya ni Josiah. "So...buntis ka pala?" Hindi na ako nagulat dahil sa tanong na iyon ni Josiah. The Doctor probably told them. Nag-iwas pa siya ng tingin. Tumikhim na para bang naisip niyang mali yata siya ng natanong. He gently scratched his nose using his index finger. "Yup." I simply answered as I hugged my knees as if I'm cold. "You're looking for a job pero wala kang dalang kahit na ano? And most especially...you're pregnant. " Usisa pa ni Josiah. Bumuntong-hininga ako. "Kahit ano na lang siguro. Kahit pinakamababang sweldo lang basta marangal," sabi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ate ganda, may restaurant si Kuya, pwede ka 'don. Marunong ka ba mag-serve ng food?" Singit ni Israel. Dahil sa sinabing iyon ni Israel ay napalingon ako kay Josiah na nakatingin din sa akin habang nakahalukipkip. Wala akong experience pero...kakayanin naman siguro. I admit that my mother never wanted me to experience those things. Kahit pa dapat kong matutunan ang mga simpleng bagay na iyon ay hindi niya ako pinayagan. Unlike the other mothers, she's just too confident that I will never get to experience being a slave to anyone. "Uhm...kung okay lang, b-bakit hindi?" I muttered. Nahihiya dahil wala naman akong dala kahit na ano. "Sa company ka sana kaso baka di mo kayanin, Ate ganda. Mahirap doon. Grabe pa naman makautos 'tong si Kuya. Terror." Umiling-iling pa si Israel kaya naman binato siya ng unan ni Josiah. "Shut up, you idio-" he paused vefore he could finish his words. "Bakit ka nga pala nasa park?" Josiah asked. Kinagat ko ang labi ko at idiniin ang palad ko sa hospital bed. "L-lumayas...ako sa amin," iyon nalang ang nasabi ko kahit kabaliktaran naman talaga iyon. "Bakit Ate ganda?" si Israel. "Stop calling her ate Ganda, Israel," saway ni Josiah kay Israel. "Bakit? Hindi ko alam ang pangalan niya eh. At saka, maganda naman siya ah?" Depensa naman ni Israel sa sarili niya. "You can call me, China nalang." I noted and smiled to them. "China? As in 'yong nang-aagaw ng territory natin na West Philippine Sea?" Nagtaas ng kilay si Israel sa akin habang nakapilig ang kaniyang ulo. Dahil sa sinabi niyang iyon ay bahagya akong natawa. Napahilot naman sa sentido si Josiah dahil sa sinabi ng nakababatang kapatid. "Yep." Sabi ko nalang. The Doctor entered and did reminded us some things. Enough sleep and food intake is what I need. Less stress and all. "Sa bahay ka na muna. I can let you work on my restaurant but that will be three months only para makapagpahinga ka," iyon ang kondisyon ni Josiah sa akin. Pumayag naman na ako. I don't have a choice after all, o kung meron man...iyon ay ang pagiging palaboy ko. I have my friends pero ayokong maging kahihiyan lang sa kanila. I'm certain na hindi nila matataggap na ang dating kaibigan nila ay mukhang wala ng patutunguhan ngayon. I'm not being judgemental to my friends, my prejudice was just based on my observation. Hindi pa naman kasi kami ganoon katagal na magkakakilala. "Manang, this is Ate China. Ang ganda diba?" Bungad ni Israel nang makarating kami sa kung saan sila nakatira. Sinalubong sila ng isang matandang naka-uniporme. I bet it's one of the househelps? "Oh? Magandang araw sa'yo hija!" Bati sa akin ng matanda. She's very accomodating and attentive too. She listens to every direction her boss was giving her. "Magandang araw din po," I greeted back. "Manang, pakihatid nalang po siya sa magiging kwarto niya. I have some meeting to attend so pakialagaan muna," bilin pa ni Josiah. "Ay sige, hijo. Aalagaan kong mabuti itong girlfriend mo," the househelp giggled. "Huwag kang mag-alala at nasa mabuting kamay siya," mas lalo siyang hunagikgik. Mabilis naman akong umiling. "Nako, hindi niya po ako girlfriend," inosente ulit akong umiling. Gulat naman siyang bumaling sa akin. "Ay hindi ba?" Her hand flew to cover her mouth. "Akala ko kasi pasensiya na. Signs of aging. Siya sige," umiling siya at ang kamay at ikinumpas sa hangin. "Sundan mo na lang ako para makapagpahinga ka na muna. Hindi na ako magtatanong dahil baka masisante pa ako," aniya at naglakad nalang palayo doon. Sinundan ko na lang din siya. Habang naglalakad ay mas lalo kong na-appreciate ang ganda ng kanilang mansion. Elegante ngunit hindi masakit sa mata ang mga designs na naroon. Hindi rin naman nakakagulat. Karamihan ng mga dingding ay natatakpan ng mga paintings. Madalas mga portrait at mayroon din akong nakitang mga iilang abstract. I also saw a family picture hung at the middle of a wide wall. "Kapag may kailangan ka nalang daw, tawagin mo ako o kahit sinong makita mo rito. Huwag lang kapag yung makaputi kapag gabi ah? Kasi multo 'yon," aniya at parang siya lang din naman ang natakot sa sinabi niya. Alam ko namang tinatakot niya lang ako, eh. Tumigil kami sa tapat ng isang wooden door. Kumalansing pa ang mga susi nang ipinasok niya iyon sa handle ng pinto para mabuksan iyon mula sa pagkaka-lock. "Sige, ilagay mo lang ang mga gamit mo riyan. Huwag kang mahiya kasi ako lang naman 'to." Aniya pa at tinulungan niya akong ayusin ang mga pinamili namin kaninang mga damit at mga gamit. "Salamat po. Kaya ko na po 'to," muli ay nginitian ko siya. Tumango siya at akmang aalis na nang maglita ulit siya. "Parang nakita na kita dati..." she muttered that made my brows meet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD