bc

Gun and Bullet (Tale of Mafia's Love)

book_age18+
362
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
HE
powerful
mafia
heir/heiress
bxg
kicking
mystery
campus
surrender
like
intro-logo
Blurb

Nagkita, nagkakilalan, nagka-ibigan.Nagmahalan at nagsumpaan. Pero mananatili ba iyong buo kung isang nakaraan ang kanilang kalaban.Paano mo isasakatuparan ang isang pangakong sa umpisa pa lamang ay isa nang kahibangan?Paano mo iibigin ang isang balang papatay sa iyo at maging dahilan ng iyong kasawian?Paano mo mamahalin at kakapitan ang isang baril kung ang gantilyo nito ang iyong kamatayan?Ang baril at bala ay dapat magkasama, ngunit kay Gun at Bullet, ang baril at bala ang dahilan ng hindi nila paglaya. Sapagkat ang mundong ginagalawan ay salungat sa isa't isa.Si Bullet na anak ng mafia boss at natatanging tagapagmana ng posisyon. Si Gun naman ay isang anak mayaman na lalamunin ng poot at suklam na halos hindi na makaahon doon. Maikukuwento pa ba nila ang pag-ibig sa kabila ng magkaibang mundong kanilang ginagalawan?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ikaw ang balang gagamitin ko para makapaghiganti sa pamilya mo!" nagpupuyos sa galit na saad ni Gun. Gamit ang kaliwang kamay ay akma niyang hahawakan si Bullet sa leeg upang sakalin. "Kung ikaw ang baril na kakalabitin ko para sa hustisiyang gusto mo at sa inaasam mong kalayaan at kaligayahan. Sige, ako na mismo ang kakalabit ng baril. Kahit ikamatay ko pa, susugal ako para sa iyo," pilit na bigkas ni Bullet kahit pa nga nahihirapan na siyang huminga mula sa pagkakasakal ni Gun. Matapang siya ngunit ang katapangan na iyon ay tumiklop dahil sa pag-ibig niya sa lalaki. Pag-ibig na akala niya ay magpapabago sa lalaki. Itinutok ni Gun ang baril na hawak kay Bullet. Galit na galit niyang itinutok iyon sa sentido ng babae. Pilit pinipigilan ang sariling mahabag dito. Sinusukil maging ang tinitibok ng kanyang puso. Hindi siya dapat maawa sa babaeng nasa harapan. Hindi dapat siya patatalo sa sigaw ng kanyang puso. Tao sa tao. Pangil sa pangil dapat ang labanan. Buhay ang kinuha sa kanya. Buhay din ang dapat ay kabayaran. Kahit maging sinoman iyon. Simula noong dumating ang resulta ng pinagawa niyang pag-i-imbestiga sa nangyari sa kanyang ama, kinain na siya ng matinding puot para sa pamilya ng babae. Dahil ang totoo, her father was the mastermind of his father's death. Kaya siya naulila na nang tuluyan ay dahil ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng dalagang pinuno ng isang organisasyong tinatawag na 24K. Tila inagawan siya ng kalayaan. Sana ine-enjoy pa niya ang sarili na walang responsibilidad. Literally, he shouldered everything na iniwan ng ama. Ang malaking kompanya nila na travel agency at cruise ships maging iba pa. He was twenty five and just f****d his life into glamorous life his dad could ever give. Bakit hindi? May pera sila. Pero bigla na lang talagang nag-iba ang ikot ng mundo niya nang bigla ay mamatay ito. Ang masaklap, there was a video circulating how his father died. Masakit sa kanyang mapanood na nagkapira-piraso ang ama pagkatapos itong pasabugin sa loob ng isang elevator. Mag-isa ito roon at walang kalaban-laban. Dahil ang pinagkakatiwalaan nitong isang tao na akala ay mananatili sa tabi nito ay nagawa siyang traydurin. Ang kanang kamay nitong si Francisco na matagal na panahong nanilbihan sa kanila. Sa ngayon ay nagtatago na rin ito mula sa mga pulis at sa kanya. Hindi naman siya iresponsableng anak. Nag-aral siyang mabuti para maihanda ang sarili sakaling magreretiro ang ama. Mas nanaisin pa nga niyang nagretiro na lang sana ito ng maaga kesa ganoon ang nangyari. Ang maagang kunin ito sa kanya sa pamamagitan ng karumal-dumal na kamatayan. "Kung demonyo ang ama mo ay mas demonyo ako, Bullet. Even if I love you..." napalunok siya habang nanginginig ang kamay na nakasakal sa dalaga. "Kaya kong pigilan ang puso ko sa pagtibok para lang makapaghiganti sa walang hiya mong ama!" Napangiti naman si Bullet habang lumuluha. Kahit alam na niya ang kanyang kahihinatnan, kahit alam na niyang mamamatay siya sa kamay ng pinakamamahal niyang si Gun ay nagagawa pa rin niyang ngumiti rito. Dahil kahit ganoon, masaya siyang kasama niya pa rin ito. Nakikita niya ngayon at nahahawakan. Na kahit sa huling sandali ng buhay niya, kasama niya ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat. Nagawa nga niyang traydurin ang ama para sa pagmamahal. "Ha..." Napasinghap siya sa kawalan ng hangin. Napakapit sa braso ni Gun na tila doon ay makakakuha siya ng kapiranggot na lakas. Patuloy na lumuluha. Magkaiba sila ng pagmamahal ni Gun. Kaya niyang isakripisyo ang lahat at kalimutan. Maging ang kinagisnang pamumuhay na marangya at ang binuong mundo ng kanyang ama para lamang sa lalaki. Ganoon niya ito kamahal. Ngunit hindi ganoon ang kay Gun. Mas pinahalagahan nito ang paghihiganti sa pamilya niya kaysa sa pagmamahal nito sa kanya. Mas siya ang gustong isakripisyo nito kesa sa lintik na pagmamahal. Ngumiti siya habang patuloy na rumaragasa ang luha sa kanyang mga mata. Nakangiti siya pero may pait sa kanyang panlasa. Nakangiti siya pero unti-unti na siyang pinapatay sa loob. Ang isiping ang kamatayan niya ang kalayaan at kaligayan ng lalaki sa kanyang pamilya ang sobrang nagpapahirap sa kalooban niya. Kung sana, sana sa ibang pagkakataon o ibang pamilya na lamang sila lumaki. Baka hindi sila humantong sa ganoong sitwasyon. "Ackkk..." Napapikit siya. Kahit anong singhap ang gawin niya ay wala ng hangin na pumapasok sa kanyang katawan dahil sa pagkakasakal nito. Nang tuluyan na siyang bumitiw dito ay siya naman pagpapalaya ng kamay nito sa kanyang leeg. Agad siyang napasalampak ng upo dahil sa kahinaan na dala ng walang hanging nasagap ng ilang segundo. Pinilit niyang tiningala ang lalaki. Nakasabunot ito sa ulo habang sa kanang kamay ay hawak ng mahigpit ang baril. Napakagat labi siya nang magtama ang kanilang mga mata. Kitang kita niya ang paghihirap ng kalooban nito. "Handa... akong mamatay para makalaya ka sa paghihiganti mo. Para makalaya ka sa hinanakit na dala ng nakaraan mo, Gun. Ganoon kita kamahal. Ganoon ko kayang magsakripisyo para sa ikaliligaya mo. Mahal kita," muli niyang saad habang hilam na naman ng luha. Halos hindi na niya maaninag ang lalaki. Marahas siyang itinayo ni Gun. Isinandig sa dingding at muling tinutukan ng baril habang yumuyugyog ang balikat. Umiiyak rin ito. Gaya niya ay nasasaktan ito. Mas pinili nga lamang ang saktan pa siya. Mas lalong idiniin ni Gun ang baril sa kanyang sentido. Umalpas ang pinipigilang hikbi sa bibig. Pinagsalubong nito ang kanilang mga noo. "Kung sana hindi ka naging anak ng taong kinasusuklaman ko! Kung sana ibang tao ka na lamang, Bullet. Sana isa ka sa kaligayahan ko!" Lumuluhang saad ni Gun sa kanya. Nanginginig na kinakalabit ang gantilyo ng baril. "Patawarin mo ako kung mas naging matimbang ang galit ko kesa sa pagmamahal na meron ako sa iyo," nahihirapang palahaw ni Gun bago kalabitin ang baril. Alingawngaw ng putok ng baril ang narinig sa kuwartong iyon. Kasabay ng pagbagsak ng isang katawan na wala ng buhay, naliligo sa sariling dugo. Napaluhod si Gun sa sahig habang tumatawa. Parang baliw na tumatawa ito pero ang luha ay ayaw magpaawat sa pagpatak. Nanginginig na tinitigan ang duguang kamay habang nabitiwan na ang baril na nasa kamay. "Nanalo ba ako, ikinapanalo ko ba ang pagpatay ko rin sa puso ko?" piping tanong niya sa sarili bago pulutin na muli ang baril at itinutok ito sa sariling sentido. "Siguro sa kabilang buhay, o kapag isinilang tayong muli, sana iba na ang nakatadhana sa atin. Sana hayaan na tayo ng tadhana na lumigaya sa piling ng isa't isa. Sana malaya na tayong magmahal. Malaya na kitang mahalin. Mahal kita, Bullet," pahayag niya kasabay ng muling alingawngaw ng baril sa silid na iyon. Bumagsak si Gun sa tabi ni Bullet. Dilat ang mga mata niya. Ayaw pumikit habang nag-aagaw buhay. Gusto niyang makita ang babaeng minamahal habang tuluyang binabawian ng buhay. Mahal na mahal niya ito. At alam niyang mali ang pagmamahal na iyon. Mali dahil ninais niyang lumaya sila sa ganoong paraan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.2K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook