Chapter 1 I am Deadly

2251 Words
"Bullet, tapos ka na ba?" mahinang bulong ni Ashley mula sa labas ng kinaroroonan kong cubicle. Nasa ladies room kami ngayon sa private school na pinapasukan namin. "Hindi ko mailagay nang maayos ang pad sa puwet," reklamo ko. Kanina ko pa iyon inaayos ngunit pakiramdam ko ay tila tabingi iyon. At sa bawat galaw ko ay lalong nawawala sa puwesto. "Patingin. Buksan mo ang pinto," sabi niya na ginawa ko naman agad. Napatutop siya sa kanyang bibig nang makita ako pero hindi dahil sa pagkamangha kundi dahil natatawa. Inirapan ko siya at hinampas. "Tumigil ka..." saway kong pinandilatan siya ng mga mata. "Tulungan mo na lang ako. Baka magtaka na ang mga tauhan ni papa sa labas," sabi ko pa. Hindi ko kasi hinayaang makapasok rin sila sa loob kahit ipagpilitan nila. Isa pa, panay sila mga lalaki. "You...look different," anas niyang natatawa. Humagikgik pa kaya nahampas kong muli. "Sige na, tumalikod ka at aayusin ko," sabi niya kapagdaka. Naramdaman ko ang kamay niya sa may likod ko. I am wearing leggings inside at ipinapatong ko lang ang pad na pampalaki ng puwet. Para siyang cycling shorts na may matambok na pad sa puwetan. May shape naman ang puwetan ko at masasabing perpekto iyon. Pero dahil nga sa magbabalatkayo ako para makatakas ay mas lalo naming pinalaki. Even may boobs. Nagsuot din ako ng pads para doon. I even wear wig and heavy make up. Tuloy ay para na akong si Nicki Minaj. Kaunting ayos pa ni Ashley ay okay na kami. Nagsuot na lang muli ako ng pantalon na mas lalong humapit sa suot ko. "Tsk, kawawang mga tauhan. Matatakasan na naman. Sure akong hindi ka nila makikilala," palatak ni Ashley pagkatapos. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Napangisi ako sabay kindat sa kanya. Tama siya. Ibang iba ang itsura ko ngayon at walang bakas na ako si Bullet na binabantayan nila. "Ready for the show?" kalaunan ay sabi ni Ashley. Tumango ako. Kinuha ang bag na pinagpalitan ko. "Get ready!" Kinuha muna ni Ashley ang bag ko na gamit kanina. Binuksan ang maliit na bintana na puwedeng daanan ng kung sino at initsa sa labas iyon. Nagkatinginan kami bago napangising dalawa. Nagkatanguhan bago gawin ang eksenang naisip at plinano. "Hey, anong ginagawa mo?" sigaw ni Ashley. Nakatanaw sa bintana na pinanggalingan kanina. "Hey!" Tama lamang iyon para makuha ang atensiyon ng mga bodyguards ko sa labas. Agad silang pumasok. Ako naman ay nagkunwaring walang pakialam na naglagay ng lipstick sa gilid. "Woah!" bulalas pa ni Ashley nang limang katao na nakauniporme ang pumasok. Silang lahat talaga. Mabilis nilang pinagbubuksan ang mga cubicle na tila may hinahanap. And of course, walang iba kundi ako. "Wala si young princess Bullet," natatarantang ika ng isang tauhan. Lihim akong napangiti sa sarili. Napatingin kay Ashley na hindi nila nakilala dahil nakadisguise na rin ito. Nauna pa nga. Nang pumasok ito sa ladies room dala ang disguise ko ay bihis na ito bilang ibang katauhan at hindi ang bestfriend kong si Ashley na kilala ng ama ko at mga tauhan nito. Alam ni Ashley kung ano ang pinagdadaanan ko. Dahil maging siya ay mahirap lumaya sa kanyang pamilya. Kasosyo noon ng aking ama ang ama niya sa isang negosyo. And again, illegal deeds of course. Kaya nakulong ang ama ni Ashley dahil din doon. My father was helping him in exchange of his silence. Huwag niyang idawit ang ama ko. Nahuli kasi ito sa akto kaya walang lusot. "Tumakas si Young Princess Bullet," sigaw ng isa pa sa tauhan nang sumilip ito sa bintana. Ginamit din niya iyon para bumaba sa labas. "Naiwan niya ang bag niya." sabi pa niya. Tumanaw din doon ang isa pa sa mga tauhan ni Papa. Ang medyo mas mataas sa kanila. Hindi ko na rin alam ang mga pangalan sa dami nila. Paiba-iba rin ang inuutusan ni Papa para bantayan ako. "Habulin ninyo," utos ng pinakamataas nila sa mga kasama. Nagsitakbuhan ang mga kasama niya palabas ngunit siya ay naglakad lamang. Kinabahan ako dahil tila sa uwak ang mga matang nakamata sa kinaroroonan ko. Kita ko siya sa gilid ng mga mata ko kahit na nagkukunwari akong walang pakialam na nagme-make up lamang. Akma pa niya akong lalapitan nang bigla ay may pumasok na ilang mga estudyante at napasigaw dahil sa nakita siya roon. Mabilis itong umalis. Nakahinga naman ako nang maluwag maging si Ashley. Nagsenyasan kami. Mauuna siyang aalis at hihintayin na lamang ako sa kanyang sasakyan. Bago iyon at hindi kilala ng mga tauhan ni Papa. Pasimple akong lumabas. Medyo nagulat pa ako nang mapansing naroon pa ang isang tauhan ni Papa na gustong lapitan ako kanina. Itinago ko ang gulat sa isang ngiti. Kay lakas ng kaba sa dibdib ko ngunit hindi ko ipinahalata nang dumaan sa harap niya. "Sandali, Miss." Napalunok ako nang bigla niya akong pigilan sa kamay. Kung si Bullet lang ako na anak ng boss nila ay siguradong hindi mangangahas na hawakan ako ng lalaking nasa gilid ko. Pero siyempre, hindi dapat ako magpapahuli. "Yes, pogi?" malandi ang boses kong sabi sabay pihit paharap sa kanya. Kinindatan ko pa. Seryoso siya sa una pero nang ngumisi nang pagkalaki-laki na halos lumabas pati gilagid ay nakahinga ako ng maluwag. He was flirting with me. Alam ko ang kamandag ng mga lalaki kahit pa sabihin hindi pa ako nagkakanobyo. Maybe, instinct na rin dahil panay halos lalaki ang mga nakakasama ko sa bahay. "Puwedeng makuha ang number mo?" sabi niya. Kay yabang ng awra. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit ang ngiti sa labi ay hindi ko tinanggal. Sinulpayan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Agad niya iyong binitiwan. Humalakhak ako nang mahina. Idinantay ang isang palad ko sa dibdib niya. Kinagat ang labi at pinapungay ang mga mata bago tumitig sa kanya. "May insurance ka ba?" tanong ko. "Huh?" Parang nalito siya sa tanong ko. Muli akong napahalakhak. "If you have life insurance, sss, car and money, baka puwede pa," sabi kong nilalandi siya. Napawi ang ngisi niya sa labi. Kinuha ko iyong dahilan para lalo siyang ilubog. Inilapit ko ang mukha sa kanya. Saka pumuwesto para bulungan siya. "And of course, gusto ko ng guwapo. Kung wala ka n'on, baka paglaruan lang kita," sabi ko sabay ihip ng hangin sa teynga niya. "May...mayroon," sagot niyang tila hindi sigurado. Bahagya akong lumayo sa kanya. Tinaasan ng kilay. Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napangisi. Mayabang siya. Sabagay, sa mga ordinaryong tao lang naman sila nagiging mataas. Iyong mga taong kaya nilang tapakan. Pero sa organisayon ni Papa, sila ang tinatapakan. Puwede ko nga silang paikutin isa-isa sa mga palad ko. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang calling card na nakaready. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng pantalon niya. Naramdaman kong nanigas siya sa ginawa ko. "Call me," sabi ko sabay talikod nang alisin ko na ang kamay ko sa bulsa niya. Para siyang naestatwa na hindi nakagalaw. Pakembot-kembot pa akong naglakad palayo sa kanya. Ang tunog ng takong ko ay rinig sa hallway. Nang nasa parking lot na ay agad akong pumasok na itim na sasakyan ni Ashley. "Bakit ang tagal mo?" tila naiiritang tanong niya. Ang ngiti ko ay napalitan ng pagtataka. First time kasi na nakitaan ko siya ng ganoong emosyon. "I'm just..." "I'm sorry," muli siyang nagsalita. "Kinakabahan kasi ako. Ilang beses nang dumaan ang mga tauhan ng papa mo," kalaunan ay hingi niya ng paumanhin. Bumalik sa dating awra. "Okay lang. Pasensiya na rin. Inabangan kasi ako ng isang tauhan..." "What? Nakilala ka ba niya? Baka alam niya at sinundan ka?" natatarantang nagpalingon-lingon si Ashley. Parang ikinakatakot niyang mahuli kami. Which is unusual. Ilang beses na naming ginawa ang pagtakas pero ngayon lang siya naging tuliro masyado. "Relax. Hindi niya ako nakilala. Okay na. Umalis na lang tayo. Baka lalo tayong mahuli nito," utos ko na agad niyang sinunod. Ngayon nga ay binabagtas na namin ang daan patungo sa isang club kung saan ay gaganapin ang birthday ng isa pa naming kaibigan. "Hindi ka talaga nagpaalam sa Papa mo?" Mula sa pagmamaneho ay tanong ni Ashley. Napalingon ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. Paulit-ulit kasi ang tanong niyang iyon. Inirapan niya ako. Ako naman ay napaismid na lamang at lumingon sa may bintana. At seventeen, isa pa rin akong bilanggo ni Papa. Not literally, pero pakiramdam ko ay wala akong laya dahil sa dami ng bodyguards na nakasubaybay sa akin. Daig ko pa yata ang anak ng presidente. Though alam kong dahil iyon sa mga negosyo ng ama ko. Legal man o illegal. Kaya nga minsan, tumatakas ako dahil gusto kong lumaya kahit saglit. Gusto kong maranasan ang uminom, malasing at magpakasaya na walang iniisip na taong nakabantay. Nakakasakal. Wala pa kasing tiwala ang aking ama na kaya kong ipagtanggol ang aking sarili sa mga taong magtatangka sa buhay ko. Kung meron man. Nasa ganoong pag-iisip ako nang mapansin kong lumiko si Ashley sa isang eskinita. Mabilis akong napabaling sa kanya. "Iba na ang tinatahak natin, Ashley," kaswal na sabi ko. "May susunduin lang tayo na kaibigan, Bullet," ika niya. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pag-iiba ng kanyang tono. She smiled at me kaya naman ipinagkibit-balikat ko ang maliit na bagay na napansin. I know her since high-school. She is my bestfriend at pinagkakatiwalaan ko siya. Ang dami na niyang nagawa para sa akin. Marami kaming sikreto na dalawa. Pero nilukuban ako ng matinding agam-agam nang sa pagliko niya sa madilim na kalsada ay may nakaabang na kalalakihan. "Ashley?" Lumingon siya sa akin. Ngumisi. Kitang kita ko ang mala demonyo niyang ngiti at ang nanlilisik niyang mga mata nang iparada niya ang sasakyan. "Ano ang ibig sabihin nito?" Dagli kong kinuha ang bag ko. Kinapa ang cellphone ko ngunit wala roon. "My poor friend," sabi niya sabay halakhak. "Walang sinomang makakatunton sa iyo dahil lahat ng gamit mo, tinapon ko," sabi niya sabay senyas sa mga lalaking nasa labas. Napatiim bagang ako. Oo nga. Tinapon niya ang bag ko para kunwaring tumakas ako. Hindi ko napansin na pati pala cellphone ko ay naroon. I know I saw her put everything in this bag I have right now. Tinawanan ko ng lihim ang sarili. If she planned this. Bakit nga naman niya ilalagay ang puwedeng dahilan para matrack ako ni Papa. My senses say not to succumb without fighting. Kaya bago pa man mabuksan ng mga lalaki ang pinto sa gawi ko ay balak ko sanang sunggaban si Ashley. I can use her as my hostage para makatakas. But... "Puwede kitang patayin dito pa lamang, Bullet. Just like your name, pupunuin ko ng bala ang katawan mo kapag may ginawa kang maling kilos. Out!" utos niya sa akin habang may hawak na baril. Nakatutok iyon sa gawi ko. Mas lalo akong nagngitngit ng galit. I can't do anything to save my ass from her and from the guys outside of the car. "I trusted you!" singhal ko. Buying more time para makapag-isip kung paano ako makakatakas. "Your just gullible, Bullet. Akala mo ba, mananatili akong kaibigan sa iyo. Gaya rin ako ng ama mo na kayang talikuran ang isang kaibigan para maisalba ang sarili! Kayang maging traydor gaya ng ginawa ng ama mo sa Papa ko. Now it's my turn. Isasalba ko ang sarili ko at ang ama ko! Using you of course." Tumawa siya. "Labas. Or you want us to drag you. Madali ka lang naman kaladkarin at ingudngod diyan sa semento..." Kinuyom ko ang aking kamao. Wala akong magagawa kundi ang sundin muna siya. Muna dahil hindi ko hahayaang masunod ang binabalak niyang gawin sa akin. Gagawa talaga ako ng paraan para tumakas. Hindi ako susuko na walang laban. Ano pa at anak ako ng ama ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko. Binuksan ang pinto kung saan may nakaabang na sa akin na tauhan ni Ashley. Agad niya akong hinawakan sa braso. Pinipigilan. Bumaba si Ashley sa kotse na nakatutok pa rin sa akin ang baril niya. "Dalhin niyo siya sa loob." Mas lalo kong nakuyom ang aking kamao nang itulak ako ng tauhan ni Ashley papunta sa isang madilim na gusali. Ngayon ko lang napansin na tila abandonado ang lugar. May iilang mga bahay pero panay madidilim. Kung meron man makakakita o makaririnig sa akin ay sigurado namang walang pakialam ang mga iyon. Ayaw madawit sa anumang gulo na meron ngayon. Lalo pa at armado ang ilang tauhan ni Ashley. I hate myself. Napakagat ako sa pain ng babaeng itunuring kong kaibigan at pinagkatiwalaan. Tama si Papa. Hindi pa ako ganoong katigas, madali pa akong maloko ng kahit na sino. Pumasok kami sa isang abandonadong gusali. Doon ay nabilang ko kung ilan lahat ang tauhan ni Ashley. Tatlo ang kasama naming pumasok doon, kasama na ang lalaking kanina pa ako itinutulak-tulak. Tatlo rin ang natira sa labas. "Maupo ka!" utos sa akin ng lalaki. Itinulak ako sa isang monoblock chair. Sa harap ko ay may upuan rin na siyang inupuan ng nakangising si Ashley. Nanlilisik ang mga mata kong tumitig sa kanya. Hindi ko talaga inaasahang magagawa niya akong traydurin. "Oh no bestfriend. Huwag mo akong tignan ng ganyan dahil hindi mo ako mapapatay sa tingin lang..." Pahayag niyang humalakhak pa. Nilaro-laro ang baril sa kamay. Hindi ako nagsalita. But one thing for sure. Nagkamali silang hindi ako tinali at hinayaan nilang malaya ang mga kamay at paa ko. Maybe she was my bestfriend bago niya ako traydurin. Pero wala siyang alam kapag wala ako sa paningin niya. I maybe gullible but I say... I am deadly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD