bc

The Last Descendant

book_age18+
740
FOLLOW
1.9K
READ
powerful
witch/wizard
another world
betrayal
secrets
witchcraft
special ability
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na dalawampu’t tatlo, natagpuan na lamang ni Jiselle Snow ang kaniyang sarili na nasa gitna ng Central Plaza sa lugar nila habang napapalibutan ng maraming tao. Ang labis pa niyang kinagugulat nang malaman niyang paparusahan siya sa salang pagpatay sa Prinsipe at Prinsesa ng Diamond Empire. Sa kagustuhang makaligtas sa kaniyang kamatayan bumigkas siya ng isang “Travel Spell” mailigtas lamang ang kaniyang sarili.

Ngunit, hindi niya inasahan na matatagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili sa isang kwartong tila hindi pamilyar sa kaniya. Kaagad niyang nasilayan ang isang lalaking hubad at tila katatapos lamang nitong maligo na tila nagulat din sa kaniya.

“Who are you? What are you doing here in MY ROOM?” The man asked while looking at Jiselle’s clothes.

Sa halip na sagutin ni Jiselle ang tanong ng lalake sa kaniya, kaagad na napukaw ang atensyon niya sa isang bagay na nakapatong sa lamesa sa kwarto ng lalake. Halos manlaki ang mata ni Jiselle nang makita niya ang isang libro sa lamesa ng kwarto ng lalaking hindi niya kilala. Ganoon na lamang ang panghihina niya nang may mapagtanto siya.

“OMG! I’m just a character in his novel.” Jiselle said while looking at the front cover of the book.

What will happen in her life in a real world?

Find out and read her story.

chap-preview
Free preview
Prologue
Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na gising na ang diwa ni Jiselle Snow, sa edad niyang dalawampu’t tatlo, masasabi niyang wala na siyang mahihiling pa. Sapagkat, hanggat kapiling niya ang kaniyang mga magulang ay wala na siyang mahihiling pa. Ang rason kung bakit maaga siyang nagising ay dahil pupunta siya sa palasyo upang bisitahin ang kaibigan niyang si Diane na isang prinsesa.   “Anak, bakit ang aga mo yatang nagising?” Tanong ng ina niyang si Mariposa na abala sa pagluluto nito.   “Hehehe! Pupunta po ako ngayon sa palasyo.” Nakangiti namang saad ni Jiselle sa ina niyang si Mariposa.   Kung pagmamasdang mabuti ang hitsura ni Jiselle, hindi maitatanggi na may angkin siyang kagandahan. Ang maputi at makinis niyang balat na siyang nakuha niya sa kutis ng ina’t ama niya. Bukod dito, kapansin-pansin din ang mamula-mula niyang labi na bumagay sa matangos niyang ilong.   “Himala! Ang aga mo yatang nagising ngayon?” Nanlalaking mata namang tanong ni Escanor sa anak nitong si Jiselle.   “Ama naman! H’wag mo na po akong asarin. Gusto ko lang pong maagang makarating sa palasyo.” Nakanguso namang litanya ni Jiselle sa ama niyang katatapos lamang magkape.   Sa halip na sagutin pa siya ng kaniyang ama tanging ngiti na lamang ang isinukli nito kay Jiselle. Habang ang asawa naman nitong si Mariposa ay kasalukuyang naghahain ng kanilang almusal. Kung kaya’t nabalot ng kasiyahan ang almusal nilang mag-anak. Matapos kumain ni Jiselle ay kaagad siyang nagpaalam sa kaniyang ina’t ama upang tumungo na palasyo upang bisitahin ang kaibigan niyang si Diane.   “Mag-iingat ka anak. Tatandaan mo palagi na mahal na mahal ka namin ng ama mo.” Nakangiti namang pahayag ni Mariposa sa anak nitong si Jiselle.   “Mahal na mahal ko rin po kayo ina, ama.”   Bagamat may pagtatakang nararamdaman si Jiselle sa ipinakitang kilos ng kaniyang ina, pinili na lamang niya itong h’wag pansinin. Sa halip, kaagad niyang inilabas ang bagay na gagamitin niya upang makapunta sa palasyo kung saan naroon ang kaibigan niyang si Diane. Nang makasakay siya ng kaniyang walis nakangiting nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang habang dahan-dahan siyang tumataas sa ere. Ngunit, hindi nakatakas sa paningin niya ang pagpahid ng luha ng ina niyang si Mariposa.   “Kahit kailan talaga hindi ako magsasawang pagmasdan ang kapaligiran habang nasa himpapawid.” Tatawa-tawa namang sambitla ni Jiselle sa kaniyang sarili.   Habang nasa himpapawid siya hindi niya mapigilan na mamangha sa tanawing kaniyang nakikita. Isama mo pa ang mga ibon na miminsang sumasabay sa kaniyang paglipad sa himpapawid. Bagamat, palagi niyang nakikita ang mga tanawin sa baba hindi pa rin niya maitatanggi na lubos na napakaganda ng lugar nila. Hindi naman maiwasang mapangiti ng dalaga ng mapansin niya ang dalawang batang babae sa may kagubatan. Sa hitsura pa lamang ng mga ito, kaagad na masasabi ng dalaga na nag-e-ensayo ang mga ito upang matutunan ang kapangyarihan ng mga ito.   Halos manlaki naman ang mata ng dalaga nang mapansin niyang nagliliyab ang isang parte ng kagubatan sa lugar nila. Habang ang kaninang dalawang batang babae na nae-e-ensayo ay kasalukyang lumuluha na. Wala naman siyang sinayang na oras at kaagad na ginamit ang kapangyarihan niyang tubig. Ilang minuto rin ang itinigil niya sa himpapawid bago niya tuluyang mapatay ang apoy sa isang parte ng kagubatan. Nang masiguro niyang ligtas na sa kapahamakan ang dalawang bata kaagad siyang nagpatuloy sa kaniyang paglipad.   Sa hindi malamang dahilan, kaagad na sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Jiselle, sapagkat hindi siya pwedeng makita ng iba na kasa-kasama ang Prinsesang si Diane. Sapagkat, hindi na bago sa kaniya na katakutan siya ng ibang tao sa Diamond Empire. Kaya nga, kapag pumupunta siya sa Diamond Empire ay palagi siyang nakasuot ng itim na cloak at tanging mata lang niya mismo ang makikita sa kaniya. Ultimong kamay niya ay may suot-suot din siyang kulay itim na gwantes.   Ngunit, ganoon na lamang ang silakbo ng takot sa puso ni Jiselle sa senaryong naabutan niya. Ang inaasahan niyang sasalubong sa kaniya na nakangiting Prinsesa ay hindi nangyari. Sapagkat, naabutan niya itong naghihingalo kasama ang kasintahan nitong si Prinsipe Charles habang parehas na may nakatusok na punyal sa dibdib ng mga ito. Kung kaya’t mabilis ang naging kilos niya at kaagad na lumapit sa gawi nina Prinsipe Charles at Prinsesa Diane.   “A-Anong nangyari sa inyo? S-Sino ang may gawa nito sa inyo?”    “T-Taksil s-siya! M-Mag-ingat k-ka s-sa k-kaniya.” Nahihirapang saad naman ng Prinsesang si Diane.   Kaagad namang napaluha si Jiselle dahil sa sinapit ng kaniyang kaibigan kasama ang kasintahan nito. Ang mas lalo pa niyang ikinaluha nang mapansin niyang wala ng buhay ang kasintahan ng kaibigan niya. Kung kaya’t labis-labis ang galit niya sa taong nanakit sa kaibigan niya kasama ang kasintahan nito.   “Hindi kita maintindihan. Sino ba ang tinutukoy mo?”    “S-Si C-Cri---”   Hindi na naituloy pa ng Prinsesang si Diane ang sasabihin nito ng tuluyan na itong bawian ng buhay. Sa pagpanaw ng kaibigan niya hindi niya mapigilan ang galit na kaniyang nararamdaman para sa taong may kagagawan ng pagkamatay ng kaibigan niya. Habang yakap-yakap niya ang katawan ng kaniyang kaibigan nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng kaibigan niya. Kaagad na bumungad sa kaniya ang napakaraming kawal na kasama rin ng mga ito ang ilang mga kilalang Court Magician sa Diamond Empire.   “Anong ginawa mo sa kanila?” Gulat na gulat na tanong ni Criselda sa dalagang si Jiselle.   “W-Wala akong ginawa sa kanila. Naabutan ko na lamang silang naghihingalo habang may nakatusok na punyal sa dibdib nila.”    Ngunit, sa halip na paniwalaan siya ng mga ito, naghanda ang mga ito upang sumugod sa gawi niya. Hanggang sa nagulat na lamang siya ng may bolang apoy na paparating sa gawi niya. Sa takot na matamaan siya ng apoy na paparating sa kaniya mabilis siyang nagbigkas ng spell protection.   “Sto onoma tou fylaka tis fotias, prostatepse me ti dynami sas.” Mahinang sambitla ni Jiselle sa kaniyang sarili.   Kasabay nito ay ang pagkumpas ng kamay ni Jiselle at kaagad na lumabas ang bilog na panangga niya sa bolang apoy na paparating sa gawi niya. Hindi pa nakuntento ang dalaga at kaagad din siyang nagpalabas ng malaking bola ng apoy at kaagad na pinuntirya ang mga kawal na papasugod sa kaniya. Buong akala niya ay makakaligtas siya sa mga ito, ngunit, ganoon na lamang ang gulat ng dalaga ng bigla na lamang siyang hindi makagalaw. Hanggang sa may itim na usok ang pumalibot sa buo niyang katawan.   “Sa tingin mo ba makakatakas ka sa krimeng ginawa mo! Puwes diyan ka nagkakamali dahil oras na para pagbayaran mo ang mga kasalanan mo!” Galit na galit na asik ni Criselda sa harap ni Jiselle.   Habang ang kasama namang nitong mga Court Magician ay kaagad na lumapit sa walang buhay na Prinsipe at Prinsesa ng Diamond Empire. Sapagkat nagbabakasali ang mga ito na maisasalba pa nila ang buhay ng magkasintahang sina Prinsipe Charles at Prinsesa Diane, ngunit, ganoon na lamang ang pag-iling ng mga ito ng hindi na nila naisalba ang magkasintahan.   “W-Wala akong ginawa sa kanila. P-Pakawalan m-mo na ako.” Nahihirapang saad naman ni Jiselle habang nagpupumiglas pa rin sa itim na usok na pumalibot sa katawan niya.   Sa halip na pakinggan siya ni Criselda mas lalo pa nitong pinahirapan ang dalagang si Jiselle. Kung kaya’t hindi mapigilan ng dalaga na maghabol-hininga dahil sa pakiramdam niya ay pahigpit nang pahigpit ang itim na usok na nakapalibot sa katawan niya. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang unti-unting pandidilim ng kaniyang kapaligiran. Dahil sa pagkawala ng malay ng dalaga isang ngiting matagumpay naman ang sumilay sa labi ni Criselda ng makita nito na wala ng malay ang dalagang si Jiselle.   “Ikaw na malapit diyan sa may pinto, buhatin mo ang babaeng ‘to at dalahin mo siya sa Central Plaza.” May pagka-istriktong utos naman ni Criselda sa isang kawal na hindi kalayuan sa puwesto nito. Wala namang sinayang na oras ang kawal at kaagad na sinunod nito ang utos ni Criselda. Habang ang mga Court Magician naman ay pinagtulungang buhatin ang labi ng Prinsipe at Prinsesa ng kaharian nila. Samantalang naiwang mag-isa naman sa kwarto si Criselda, hindi pa nagtagal ay may itim na anino ang lumapit sa puwesto nito.   “Kumusta ang pinapagawa ko sa ‘yo?” Mahinang tanong naman ni Criselda sa itim na aninong kausap nito.   “Tagumpay po ang plano, mahal na Reyna. Wala na kayong dapat ikabahala dahil tinapos ko na ang buhay nila.” May paggalang namang litanya ng itim na anino sa harapan ni Criselda.   “Magaling! Asahan mo ang pabuyang ibibigay ko sa ‘yo.”   “Salamat po, mahal na Reyna.”   Sa halip na sagutin pa ito ni Criselda walang imik-imik na lumisan ito sa kwarto kung saan binawian ng buhay ang magkasintahang sina Prinsipe Charles at Prinsesa Diane. Habang ang itim na anino naman ay naglaho na lamang na parang isang bula na tila ba isang misteryo ang pagkatao nito. Hindi pa nagtagal ay narating na ni Criselda ang Central Plaza sa lugar nila hindi naman nakaligtas sa paningin nito ang maraming tao na tila nakikibalita sa kung anong mangyayari sa dalagang nagkasala sa pagpatay sa Prinsipe at Prinsesa ng Diamond Empire.   Hanggang sa ang kaninang sikat ng araw ay bigla na lamang napalitan ng isang madilim na ulap. Parang sinadya ng araw na tumago sa ilalim ng mga itim na ulap. Dahil dito, ang kaninang malinawag na paligid ay tila ba nagdilim, habang tila nagbabadya namang bumagsak ang malakas na ulan dahil sa sobrang itim ng kalangitan. Kung kaya’t hindi maiwasan ng mga tao sa Central Plaza na hindi makaramdam ng takot dahil sa biglaang pagdidilim ng kapaligiran. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Jiselle dahil sa mga taong nasilayan niya sa kaniyang harapan. Ang mas kinagimbal pa ng kaniyang puso ay nang mapagtanto niya ang kaniyang sitwasyon ngayon. Bagamat, balot pa rin siya ng kaniyang itim na kasuotan at tanging mata lamang niya ang nakikita hindi niya pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng takot sa maaari niyang sapitin. Doon din niya napagtanto na kaya pala hindi siya makagalaw ay sa kadahilanang nakatali pala siya sa isang malaking kahoy na kulang na lamang ay ipako siya rito.   “Pakawalan ninyo ako! Wala akong kasalan sa nangyari sa kanila!”  “Manahimik ka! Hindi mo na mabibilog ang ulo naming lahat!” May pangigigil namang sagot ni Criselda habang nanlilisik ang mata nito.   “Maniwala ka sa ‘kin, Criselda. Hindi ako ang pumatay sa Prinsipe at Prisesa ng Diamond Empire.”   “Manahimik ka! Ngayong alam ko na ang dahilan kung bakit nakipagkaibigan ka kay Prinsesa Diane. ‘Yon naman pala ay para patayin ito!” Nanlilisik ang mata na litanya ni Criselda kay Jiselle.   “Ano bang dapat kong gawin para paniwalaan ninyo ako? Ilang beses ko pa bang sasabihin na hindi ako ang pumatay sa kaibigan ko.” Nagsusumamong pahayag naman ni Jiselle na kaunti na lamang ay tutulo na ang luhang kanina pa niyang pinipigilan.   Ngunit sa halip na pakinggan pa siya ng mga ito kaagad na may isinenyas si Criselda sa isang kawal. Habang nababakas naman sa mga taong nanonood ng paghatol ang matinding panibugho ng mga ito sa kaniya. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na makaramdam ng lungkot sapagkat hindi niya akalain na naniniwala ang mga ito na siya talaga ang pumatay sa Prinsesa at Prinsesa ng kaharian nila. Kung kanina ay natatakot siya sa kung ano ang kahahantungan niya, ngayon naman ay tila na-doble na ang takot na kaniyang nararamdaman. Sapagkat, may nabubuo sa kaniyang isipan kung ano ang parusang ipapatang sa kaniya.   Lihim na lamang siyang napangiti nang mapait sa kaniyang sarili ng tama nga ang naisip niya na magiging parusa niya. Hindi niya akalain na ganitong parusa ang ipapatang sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Kung kaya’t hindi niya maiwasan na maisip ang mga magulang niya sapagkat hindi siya nakasisigurado na makakaligtas pa siya. Hanggang sa tila isang kisapmatang nakalapit sa kaniya ang dalawang kawal. Wala naman sinayang na oras ang mga ito at kaagad na may binuhos sa kaniya. Muli na naman siyang napangiti nang mapait ng mapagtanto niyang gasolina ang ibinuhos sa kaniya ng dalawang kawal. Parang kidlat naman sa bilis ang ginawang pagkilos ni Criselda at kaagad na lumapit sa gawi niya habang may hawak-hawak itong kahoy na nagliliyab ang dulo nito.   “Hindi ko alam na madali ka palang paikutin.”   Sa paraan pa lamang nito ng pagsasalita para bang ayaw nitong iparinig sa iba ang magiging usapan nila. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na hindi magtaka sa sinabi sa kaniya ni Criselda. Noon pa lang ay alam niyang may kakaiba na kay Criselda ngunit hindi lamang niya malaman kung ano ito. Ngayon niya napagtanto kung ano ang iba kay Criselda, sapagkat, hindi niya akalain na si Criselda pala ay isang mapagkunwaring nilalang.   “Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanila! Bakit mo ‘to nagawa?” Nagtatagis ang bagang na saad naman ni Jiselle sa kaharap niyang si Criselda.   “Hindi ko alam ang sinasabi mo!” May pang-uuyam namang litanya ni Criselda kay Jiselle. Hanggang sa nagulat na lamang si Jiselle ng itinapat ni Criselda ang kahoy na may apoy sa laylayan ng suot niya dahilan upang magliyab ito. Sa halip na maawa ang ilang taong nakasaksi ng parusa sa kaniya sa salang hindi naman niya ginawa para bang mababakas sa mukha ng mga ito ang matinding tuwa sa nangyayari sa kaniya. Kung kaya’t hindi niya maiwasan na hindi mapaluha sapagkat hindi niya akalain na mangyayari na maaakusahan siya sa salang hindi naman niya ginawa. Kung kanina ay laylayan lang ng suot niya ang nagliliyab ngayon naman ay unti-unting tumataas ang liyab sa kasuotan niya.   Habang kaagad naman inutusan ni Criselda ang ilang kawal na sunugin na rin ang kahoy na nakapalibot ng pabilog sa kaniya. Dahil sa init na nararamdaman niya kaagad na nag-unahan na tumulo ang pawis niya sa buo niyang katawan. Laking pasasalamat na lamang niya na may spell siyang inilagay sa suot niyang cloak kung kaya’t nagiging mabagal ang pag-akyat ng apoy sa may laylayan ng suot niya.   “Maawa kayo! Itigil ninyo na ‘to! Ayoko pang mamatay!” Malakas na sigaw naman niya sa harap ng karamihan.   Ngunit, para bang wala man lang narinig ang mga ito at isa-isang umalis na para bang tapos na ang palabas na pinapanood ng mga ito. Hanggang silang dalawa na lamang ni Criselda ang natira sa Cenral Plaza. Halos madurog ang puso niya dahil sa sinabi ni Criselda sa kaniya hindi kalayuan sa pwesto niya. Bagamat wala itong tinig na lumalabas hindi siya maaaring magkamali ng intindi sa sinabi sa kaniya ni Criselda. Kung kaya’t mas lalo pa siyang naiyak ng maunawaan niya ang sinabi sa kaniya ni Criselda tungkol sa mga magulang niya.   “Magbabayad ka! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa mga magulang ko!” Nagngangalit na litanya ni Jiselle habang tuloy-tuloy na umaagos ang mga luha niya.   Sa halip na sagutin pa siya ni Criselda tanging ngisi na lamang ang isinukli nito sa kaniya habang walang lingon-lingon itong tumalikod sa gawi niya. Dulot ng matinding kagustuhang makaligtas kaagad niyang binigkas ang salita na kailanman ay hindi niya aakalain na gagamitin niya sa buong buhay niya.   “Ola ta pnevnatika mou symvolaia, parangelno olous esas na me ferete sto asfalestero meros.” Mahinang sambitla naman ng dalagang si Jiselle.   Hanggang sa bigla na lamang may lumabas na malaking portal sa unahan niya. Laking pasasalamat na lamang niya na malaki na ang apoy ng mga kahoy na nakapalibot sa kaniya, dahil dito walang makakakita ng ginawa niyang portal. Kung tutuusin ay kanina pang walang apoy suot niyang cloak dahil sa isang spell na ginamit niya nang palihim habang nag-uusap sila ni Criselda. Sa makatuwid, ang nag-aapoy na lamang ay iyong kahoy na nakapalibot sa kaniya ng pabilog. Naramdaman na lamang niya na tila hinihigop na siya ng portal na hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Namalayan na lamang ng dalaga na unti-unting nawawala ang kaniyang ulirat. Dahil dito, tuluyan na siyang nagpadala sa pagod at antok na nararamdaman niya, kasabay nito ay ang pandidilim ng paligid niya. Ngunit, bago tuluyang mawala ang ulirat ni Jiselle pinagdasal niya na sana ay sa ligtas siyang lugar dalhin ng portal na binuksan niya. Samantalang sa kabilang dako naman ay pakanta-kanta ang binatang si Timothy habang naliligo sa sarili nitong banyo. Sa paraan pa lamang ng pagkanta nito ay tila ba may magandang nangyari sa araw nito. Hanggang sa matapos itong maligo ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ng binata. Saktong paglabas nito sa banyo ay siya namang pag-ultaw ng isang misteryosong tao sa harapan nito.   “Sino ka? Bakit ka nakahubad? Nasaan ako?”    “Who are you? What are you doing here in MY ROOM?” Galit na pagtatanong naman ni Timothy sa taong kaharap nito.   Ngunit, tila ba walang narinig ang taong kaharap ni Timothy sapagkat abalang-abala siya sa pagtingin sa loob ng kwarto ni Timothy. Bahagya namang nagulat si Timothy ng ibinaba ng kaharap nito ang hoodie na suot-suot niya. Halos manlaki ang mata ni Timothy dahil sa nakita nito, sapagkat, hindi nito akalain na ubod ng ganda pala ang babaeng kaharap nito. Kagaya kanina ay walang nakuhang sagot si Timothy sa babaeng kaharap nito, sa halip, nanlalaki ang mata ng babae habang hawak-hawak na ang librong pagmamay-ari ni Timothy.   “B-Bakit n-nandito ako sa libro?”    “Anong bang pinagsasabi mo?” Nakakunot naman ang noo na tanong ni Timothy.   “Ang sabi ko, bakit nandito ang larawan ko sa librong pagmamay-ari mo?”   “Nagpapatawa ka ba? Dahil kung oo, hindi ka nakatatawa! Para sabihin ko sa ‘yo, itong librong ito ay isinulat ko.”   “OMG! I’m just a character in his novel," saad ng dalaga sa harapan ni Timothy.    Ano kayang mangyayari sa kaniya ngayong nasa totoo na siyang mundo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.9K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.1K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
287.3K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook