bc

TBS#3: The Billionaire's Wife (R-18)

book_age18+
3.6K
FOLLOW
19.5K
READ
billionaire
dark
arranged marriage
badgirl
CEO
boss
mafia
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Luna is a martyr. Alam niya iyon sa kaniyang sarili. Kind and always taken for advantage. Pleaded for the love that she never felt before in her entire life. Palaging nagbibigay, ngunit walang natatanggap.

When her husband asked for two months of break of being married, she gave it to him. She went back to her hometown -Isabela. Doon, pinilit niya ang sariling kalimutan si Nicolo. Hindi na rin siya umasa na sa loob ng dalawang buwan na iyon ay may magbabago sa kanilang dalawa kaya naman sinubukan niya na ring mag-move on para sa kaniyang sarili.

Pananiwala niya ang kaniyang sarili na tapos na ang lahat. Na wala nang pagasa, pero paano siya makalilimot kung sa kalagitnaan ng kaniyang pag-mo-move on ay makita niyang muli ang taong dahilan ng lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman?

Will she finally believe that there's still a chance? O masiyado lang siyang umaasa? This time, will she finally know how it feels like to be the billionaire's wife?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Luna "Ma'am, excuse lang po. Pinapasabi po ni Mr. Lopez na huwag niyo na raw po siyang hintayin. Mauna na raw po kayong umuwi. Ipapahatid na lang po kayo," anang isang empleyado na siguro'y nautusan para sabihin sa akin iyon. Dahan-dahan akong tumayo mula sa inuupuan kong stainless na upuan malapit sa conference room kung nasaan siya. Napakurap-kurap pa dahil sa sinabi sa akin. I've been waiting here for almost five hours at ang malamang mauuna na pala ako sa kabila noon ay masakit para sa akin. "G-Gan'on po...ba?" I muttered as I massage my fingers. Sinulyapan ko pa ang pinto ng conference room, nagbabakasakaling bumukas iyon at iluwa si Nicolo pero walang dumating. "Yes, Ma'am. Iyon po ang bilin niya." Sagot naman niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Sige p-po. Pakisabi na lang po na tawagan na lang po ako kapag...uuwi na siya." Pakisuyo ko na lang. Hindi na ako mananatili rito dahil baka mas lalo lang siyang mairita. "Noted, Ma'am." Tumango pa iyong empleyado. "Salamat po..." I forced a smile to her. Nang makauwi sa bahay sa pabagsak akong humitala sa sofa sa sala. I closed my eyes as tears from the side of my eyes started to fall down. I hugged and consoled myself. At times like this, alam kong ang sarili ko lang ang nagmamahal sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako roon. Ni hindi na nakapagbihis o ano pa. I'm just tired physically and mostly... emotionally. I woke up in the middle of the night. Inilibot ang tingin sa paligid ngunit kagaya kanina, walang pinagbago. The lights are still off. He didn't come home again. Naupo ako at napasabunot na lang sa sariling buhok. Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo para makaakyat na sa kuwarto namin. Isang hakbang palang ang nagagawa ko sa hagdan ay bumukas na ang pinto at ang ilaw sa baba. Napalingon ako roon at hindi maiwasang mapangiti nang makita si Nicolo roon ngunit kaagad na nawala iyon nang makita ang babaeng kasama niya. Nagmamadali pa silang isarado ang pinto habang mapusok na hinahalikan ang isa't-isa. My eyes widened and my jaw dropped at what I am seeing right now. Tila ba nabagsakan ako ng mabigat na bato at nabuhusan ng malamig na tubig. Napatakip pa ako sa aking bibig habang ang mga luha ay nag uunahan ng tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko kaya...hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko. Tila ba napipi ako at namanhid na lang bigla. Walang ingay akong umakyat sa kuwarto. Hinayaan na sila roon. Halos mabuwal pa ako bawat hakbang na ginagawa ko paakyat sa aming silid. Nang sa wakas ay makarating na roon. Pagpasok ay kaagad akong sumandal sa pinto habag hawak pa rin ang door knob sa aking likod. Nanghihina akong dumausdos doon. I clenched my fist as I formulated plans for myself. Kailan ba ako mapapagod maging tanga? When will I learn to fight for my rights as his wife?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.9K
bc

The Lone Alpha

read
35.3K
bc

The Luna He Rejected

read
139.7K
bc

Just Got Lucky

read
142.2K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.4K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
775.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook