CHAPTER 2

550 Words
Veronica's POV Nanatili ang tingin ko kay Ate. I didn’t expect na ganito siya kaaga umuwi ngayon. Madalas kasi around 8pm na siya umuuwi, but it’s still 7pm now. Hindi maalis ang tingin ko kay Ate na kasalukuyan nang nasa harap ko ngunit nakatalikod ito sa direksyon ko. She’s now facing mom. “Ang aga naman ng uwi mo ngayon?” pagbabalewala ni Mama sa sinabi ni Ate. My big sister laughs sarcastically. I can already feel the tension between them. This is the first time na ganito ang aura ni Ate Venus. “Trying to divert the topic, huh?” Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mama. She looks uneasy. Kaya bago pa man makasagot si Mama ay sumingit na ako sa usapan nila. “Ate…” kinakabahan kong sabi. Hinarap niya ako and I can see how her facial expression changed. Instead of answering me, she hugged me. Yung yakap na parang ayaw akong pakawalan. Yakap na parang sinasabing nandyan lang siya. Yakap na— “I’m sorry. I’m really sorry,” she said in between her tears. “No, Ate. You don’t need to say sorry. It’s fine,” I answered. Pinipigilan ko ring hindi maiyak. I’m sorry din, Ate. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin dahilan para makita ko ang basa niyang mukha. Namumula pa ang kanyang ilong. She smiled. A very sweet smile. Hinawakan nito ang kamay ko saka humarap uli kay Mama. “You don’t need to compare her to me,” pagsisimula niya sa usapan. Nanatiling nakatayo si Mama habang mataman na nakatingin kay Ate. Ngunit nang dumako ang tingin niya saaki’y napalitan ng galit ang ekspresyon ng mukha niya. “Because first, we’re different. Hindi kami magkatulad. Kahit kambal nga ay may pagkakaiba, kami pa kaya na magkapatid lang? Second, please stop hurting her feelings! All this time hindi ko alam na ganito pala ang trato niyo kay Veronica? Paano niyo nasisikmuraan ang ugaling ‘yan, Ma? I really idolize you so much,” her voice started to shake. I can feel the pain and anger she’s feeling sa tuwing bumibitaw ito ng mga salita. “But, I’m idolizing the person whom I do not know deeper. I said to myself that I want to be like you. To be a little version of Vanessa Dela Merced. But why, Ma? Bakit ganito ka? Why are you treating my sister as someone who isn’t important to you?” saglit siyang tumigil upang hintayin ang sagot ni Mama. “Because…” tanging naisagot ni Mama. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring isagot niya. Bakit nga ba? We were both waiting to her response. Wala ni isang nag atubiling magsalita hangga’t hindi nagsasalita si Mama. Mom closed her eyes as she finally said the line that made my heart break into pieces. “Because, she’s not your real sister. I’m not her real mother. We are not her real family. She doesn’t-“ Agad na pinutol ni Ate Venus ang susunod pa na sasabihin ni Mama. “Stop,” kalmado niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD