Chapter 3

1040 Words
Nakarating kami sa isang bakanteng lote, tahimik at walang katao-tao at tanging isang street light lang sa gilid ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito. "Paano ba 'yan Miss! Maniningil na kami ha?" Nagtawanan ulit sila no'ng sabihin iyon ng lalaking may hawak na balisong. Naramdaman kong hinawakan na rin ng lalaking may hawak sa braso ko ang isa ko pang braso at inilagay ang dalawa kong kamay sa likod ko. Nakakunot lang ang noo kong nakatingin sa kanila kaya naman ngumisi ang isa sa kanila at nagsabing, "Matapang!" Ngumisi sa akin ang lalaking may hawak na balisong at pagkatapos ay mas lumapit pa ito sa akin, dahilan para maamoy ko ang baho ng alak sa paghinga niya, napalunok ako no'ng marahan niyang haplusin ang aking pisngi, na siyang lalong nakadagdag sa inis at galit na nararamdaman ko. Bumababa na ang kanyang haplos sa aking leeg at hindi na ako makakapagpigil pa, gusto ko ng pakawalan ang galit na namumuo sa loob ko, gusto siyang balian ng leeg. Bago pa dumapo nang tuluyan ang kamay niya sa dibdib ko ay buong lakas ko itong tinuhod sa kanyang p*********i, dahilan upang mamilipit ito sa sakit, lumayo ito sa akin at napaluhod sa lupa habang ninamnam ang sakit! Tss. Hindi na maipinta ang mukha ng iba pa niyang mga kasama kung kaya't hindi ko na napigilan pa ang ngumisi, nagtatakha man ako sa mga ikinikilos at nagagawa ko ay natutuwa ako, dahil may ganito akong tapang at lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili ko. Naalerto ako no'ng balak akong suntukin sa mukha ng isa nilang kasama kung kaya't mabilis akong umilag upang ang tamaan niya ng suntok ay ang lalaking nakahawak ngayon sa mga kamay ko. Hindi naman ako nagkamali dahil tamang tama lang ang suntok na iyon para makawala ako sa pagkakahawak ng nakasalo ng suntok. Lalong nagngitngit sa galit ang lalaking balak sumuntok sa akin kaya naman ginawaran ko ito ng malakas na sipa sa tiyan no'ng sumugod muli ito sa akin. Mabilis ko namang binigyan ng sipa patalikod ang lalaking nagawaran ng suntok kanina kung kaya't napaatras ito sa akin. Sumugod naman sa akin ang pang apat nilang kasama at akmang sasaksakin na ako nito sa tiyan no'ng mabilis akong tumagilid at umilag bago ko hawakan nang mahigpit ang kamay niyang may hawak na balisong at agad na sipain siya sa likod ng kanyang binti, dahilan upang mapaluhod ito sa lupa. "Hayop kang babae ka!" Narinig kong sigaw ng lalaking tinuhod ko, dahilan upang lapitan siya ng tatlo pa niyang mga kasama na pawang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Hulihin 'yan!" Utos nito sa mga kasama niya, dahilan para sumugod sila ng sabay-sabay sa akin. Pinalibutan nila akong tatlo habang iniikutan, naging mas alerto ako at pinakiramdaman ang bawat kilos nila na para bang sanay na sanay na akong gawin ito. Mabilis na bumaling ang mata ko sa lalaking papalapit sa akin at mabilis ko siyang binigyan ng spinhook kick sa mukha. "Spinhook kick? Paano ko nagawa 'yon?" Natigil ako sa pag-iisip no'ng maramdaman kong na-corner ako ng isa pang lalaki at yakapin ako nito patalikod sa tiyan, lalapit na sana ang isa pa nilang kasama no'ng agad akong tumalon para sipain siya ng buong lakas sa dibdib, dahilan upang sumemplang ito sa may damuhan. Mabilis naman akong tumagilid at binigyan ng malakas na siko sa mukha at tiyan ang lalaking nakayakap sa akin ngayon, na naging dahilan ng pagkalas at pag-atras niya sa akin. "Arrghhh!" Galit na sigaw ng leader nila at mabilis akong nilapitan para saksakin, kaya't kaliwa't kanan ang ginawa kong pag-iwas sa kanyang pag-atake gamit ang hawak niyang balisong. No'ng makahanap ako ng butas na lulusutan sa kanyang tagiliran ay agad akong lumihis doon upang hawakan ng mahigpit ang kamay niyang may hawak na balisong tsaka ko ito binali papunta sa kanyang likuran, iginalaw niyang muli ang isa niya pang kamay para suntukin ako sa likod pero mabilis ko itong na-corner at nabali papunta sa kanyang likuran. "A-Ahh!T-Tama na!" Sigaw nito, dahilan upang sipain ko ang kanyang likod at sumubsob ito sa lupa. "Tss!" Ipinagpag ko pa ang aking mga kamay habang pinagmamasdan silang dumadaing sa sakit ng katawan na naidulot ko sa kanila. "Hoy! Itigil mo 'yan!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan at may kasama pa itong anim na tao, bitbit nila ang ilang mga tubo at baseball bat at lahat sila ay nakatingin sa akin ng matalim. Mukhang mapapalaban ulit ako pero kakayanin ko pa ba? "Wala na akong lakas, maghapon nang walang laman ang sikmura ko, mukhang wala na akong choice kundi ang tumakbo." Mabilis na lamang akong kumilos upang tumakbo, hindi sa naduduwag ako pero, pagod na ako at gutom pa, kaya sa ngayon ito na lang ang pinakamabuting magagawa ko. "Habulin niyo!" Rinig kong sigaw ng isa sa kanila kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo, nakalayo na ako sa bakanteng lote at tinatahak ko na ngayon ang isang kalye papasok sa isang eskinita, pagpasok ko sa eskinita ay bumungad sa akin ang ilang mga tao na nakatambay sa labas ng kanilang mga bahay, tumakbo lang ako ng tumakbo dahil naririnig ko pa sila. "Ayun siya! Huwag niyong pakakawalan!" rinig kong sigaw nila, pero wala man lang sa mga taong nadadaanan ko ang may gustong tumulong sa akin dahil ayaw nilang madamay. Nagpatuloy lang ako hanggang sa makalabas ako ng tuluyan sa eskinita at bumungad sa akin ang malawak na kalsada, maraming sasakyan ang dumadaan at hindi ko alam kung paano ako tatawid sa kabilang bahagi ng kalsada, nangunot ang noo ko no'ng makaramdam ako ng pagkahilo, umiikot na ang pakiramdam ko pero hindi ako pwedeng tumigil dahil naririnig ko pa sila!. "Bahala na!" Tumakbo ako at tumawid sa gitna ng kalsada hanggang sa matigilan ako dahil sa isang biglaang paghinto ng isang kotse na muntik ng bumundol sa akin. Umiikot na ang paligid ko, hanggang sa maramdaman ko na lang ang sarili kong napaupo sa malamig na semento. "M-Miss?! Gising!" rinig kong boses ng isang lalaki, naramdaman ko rin ang mga braso niyang umalo sa akin, bumibigat na ang mga talukap ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD